bc

Accidentally Become A Mommy [Editing]

book_age18+
5.1K
FOLLOW
15.8K
READ
pregnant
sweet
lighthearted
virgin
like
intro-logo
Blurb

Pinabukaka, Nagbunga at ngayo'y isa ng ganap na Ina. She enters motherhood that changes her life, forever.

Hindi biro ang pagiging isang ina. Kailangan itong pag handaan. Ngunit paano nga ba kung isang araw magising kana lang na magiging isang ganap kana palang ina? Isang napakalaking pagkakamali na makakapag pabago sa buhay n'ya.

chap-preview
Free preview
SIMULA
“Samahan na kita bess.” "Sabing kaya ko na nga. Ayos lang talaga, ipapacheck ko lang naman if ever na UTI nga talaga itong nararamdaman ko." Naiinis na sagot ko bago dinampot ang bag at akmang tatalikod na ng magsalita na naman ang kaybigan ko. “Hindi kaya buntis ka?!" Gulat na tanong nito. Ngunit agad din nag bago ang isip nito. "Sabagay paano ka mabubuntis e, kahit nga jowa wala ka noh? Sad naman." Binatukan ko ito para matigil sa kabaliwan n'ya. Imbis na makipag chikahan pa sa kaybigan ko ay nag paalam na akong tutungo na sa hospital. "Nasaan na kaya si Doc?" Tanong ko sa sarili ko habang paikot-ikot sa pwesto ko. Naglibot na nga ako pero wala parin si Dra. Catherine Jewel. Ilang oras na ako dito wala parin s'ya. Sabi sakin nung nurse maghintay lang raw ako. Kaya lang agnas na ako, wala paring dumarating. "Ms. Gemeni?" Tanong ng nurse ng madaan ako sa hindi pamilyar na parte ng hospital. I think office s'ya? Hindi naman kasi s'ya mukhang operating room, delivery room, etc. Mas mukha s'yang doctors room pero still, I'm not sure. “Ako nga po,” mahinahong sagot ko. "Pasok po ma'am kanina pa kayo hinihintay ni Dra. Sarah," anyaya nito. Kahit na takang-taka ay sumunod nalang ako. Kasi bakit Sarah na? Catherine name ng doctora na nakasched sakin? Sabagay parehas lang naman silang Doctora aarte paba ako? "Mahiga na po kayo ma'am para maumpisahan na," utos ng nurse. May kinuha itong pang-inject ng makahiga ako at maibukaka ang aking vajeyjey. Malala na ba ako? Baka naman kasi balisawsaw lang 'to nagpa doctor pa ako? Gusto ko mag back-out ngayon palang, sobrang naduduwag ako. Napamura ako ng mahina habang may luha sa gilid ng mata ko ng iturok na n'ya. Ilang sandali lang ay pinaupo na n'ya ako at inabutan ng tissue. "Nurse nandiyan na ba 'yung sperm ni Mr, Emanuel Haze Gozon?" Tanong ng doctora na kakapasok lamang. Napaawang ang labi n'ya at parang nagulat ng makita ako. "Si Ms, Gemini nga po pala. Okay na po, naiturok ko na," sagot nito. Napanganga ako habang dahang-dahang napatingin sa ibabang parte ko. Sperm? Sperm ang itinurok sa akin?! "What?! Hindi sya 'yung dapat tuturukan!" Galit na sabi n'ya sa nurse. Nanlaki ang mata ni nurse Mina sa sinabi ni Doctora. Napahagulhol ako ng malakas habang dina-dial ang number ni Jenny. "What's the problem?" Mula sa malamig na boses. S'ya ba? Sya ba 'yung may-ari ng lintik na sperm na itinurok sakin?! Bakit ba kasi hindi nalang s'ya nag kama at bumuntis ng babae? Bakit kasi kaylangang iturok pa?! "Ano nalang sasabihin ng parents ko? Nabuntis ako kahit wala akong jowa? Ang v-card ko na isuko ko na?" Umiiyak na tanong ko. Sinong maniniwala na ang isang virgin ay nabuntis ng hindi nagagalaw? "Mr, Gozon sorry for the trouble that we made," sabat ni Doctora na mas kinainis ko. Sakanya nag sorry sa akin hindi?! Anong klaseng doctor s'ya? "Doctor ka niyan sa lagay na 'yan? Ako 'yung nagawan ninyo ng kasalanan tapos sakanya ka mag so-sorry?" Naiiyak na naman ako kaya pinigil ko ang sarili ko. "Beeeeeeeeess! OMG! Anong ginawa nila? Ano?! Sabihin—" Hindi na natuloy sa pagda drama si Jenny ng mapansin 'yung lalaking nasa gilid ng pinto na nakapamulsa at walang emosyong nakamasid sa amin. "Ehe! Bess 'di mo naman sinabing may gwapo pala rito. S'ya ba ang ama? Kailan ang kasal?" Kinikilig na tanong nito. Hinaltak ko ang buhok nito bago pinanlakihan ng mata. "Ano nalang mangyayari sakin bess?" Umiiyak na tanong ko. "Sssssh, we will make sure na mapapanagot ang may kasalanan," galit na sabi nito. "Pero bess ang gwapo n'ya talaga ganda ng nakalahi sayo huhu, sana all." Napairap nalang ako sa sinabi ni jenny. Gwapo nga hindi ko naman mahal. Ano nalang sasabihin ni Dave? Iiwasan na kaya n'ya ako? Mandidiri kaya siya sakin? Wag naman sana, parang hindi ko yata kaya, kong sa buhay ko'y wala ka aanhin—Sorry po Ms, Jessa Zaragoza, kabado lang. “Gusto ni pogi mag settle daw kayo, name your price daw.” Pakiramdam ko umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa binulong ni Jenny sakin. Name your price?! Mukha ba akong bayarang babae na pinulot n'ya kung saan at pagka tapos mabuntis ay susuhulan ng pera? “For your information lang ho!” Gigil na sabi ko bago ito kinalabit dahilan para matigil sya sa pag pindot sa phone niya na animo'y may importanteng kausap. “Talk to Mr, Lorenzo abogado ko s'ya,” walang emosyong sabi nito. “Bastos karin pala talaga ay noh? Ikaw ang may-ari ng sperm, so tayo ang kailangang mag-usap.” “Bingi kaba o tanga ka?” Masungit na tanong nito. To the highest level attitude nito grabe! Napaka-gentledog! “Hindi ako makikipag areglo sa'yo! Gago kaba? Idedemanda ko kayong lahat lalo na ang hospital na 'to!” Sigaw ko sakanya bago siya sinampal. “How much?” Tanong n'ya na parang hindi man lang ininda pagkakasampal ko. “Ha?” Nalilito na ako sa engot na 'to napakacold masyado. “Magkano ka para matikom 'yang bibig mo?” “Jenny,” tawag ko rito kaya agad itong lumapit. “Sinusubukan talaga ako nitong gagong 'to eh. Tawagan mo abagodo ko ngayon na,” utos ko. “Bess, wala tayong aboga—” Pinigil ko s'ya. “Maghanap ka!” Sigaw ko. “Bess sure ka? May sapat kabang pera? Hindi naman sa kj ako or epal, pero di'ba wala ka pang ipon?” Bulong nito. Oo nga pala nawala sa isip ko may utang pa pala akong binabayaran. “Ano na? Dalian mo nasasayang oras ko sa walang kwentang bagay na 'to,” sabi pa n'ya. Kapag sinabi ko naman na bigyan n'ya ako ng pera baka isipin n'ya ipinagbili ko ang magiging anak ko. Parang ang sama ko namang magulang di'ba? “Akala mo ba madali lang sakin ang mag desisyon? Palibhasa mayaman ka, parang wala lang sayo kahit maka-agrabyado ka ng tao. Napakasama mo at wala kang puso, atay at balunbalunan!” “Fine,” naiiritang sabi nito. Tumitig s'ya sa nurse at sa doctor na nakaupo at walang imik kanina pa. “Magpaliwanag kayong dalawa, at kapag napikon ako sa talahiban kayo pupuluting.” Mafia lang peg? “Bess ang angas naman nito, pumayag kana tapos magpa suporta ka para instant mayaman kana agad di'ba?” Sinamaan ko ng tingin si Jenny. Hindi ko bet ang bad boy, mas bet ko si Dave. Dahil s'ya ang ideal man ko. Si Dave lang at wala nang iba pa!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.6K
bc

His Obsession

read
85.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook