Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin sa halik na ginagawa nya. Halik na bigla nalang natigil--ay sandali teka bakit tumigil? Napatingin ako kay Eman na tulog na pala habang nakasampay ang mukha sa leeg ko. Akala ko pa naman sisipsipin na nya ang leeg ko at magiging bampira na sya nakakadissapoint ha!
"Susmaryosep ka namang lalaki ka! Tinulogan mo naman ako eh! Ang bad mo bwiset!" Inis na sabi ko bago sya inalalayan pahiga sa kama nya.
Sandali nga bakit ako galit? Dapat nga masaya ako eh. Girl, hindi ko nasuko ang bataan kaya bakit ako galit? Natatakot ako sa sarili ko. Pakiramdam ko may nabuhay, may madidiligan na sana pero ayon tuyot-- este lanta na naman ang bulaklak haha! Ayaw ko na lumapit sakanya baka hindi ko mapigilan ang sarili at may kumawalang halimaw ng kalandian sa aking katawan.
"Hmmm.."
"Anong Hmmmm? Mas bet ko pa kung umuungol kang letche ka," inis na bulong ko habang nakatuon ang tingin sa ibang bahagi ng katawan nya. Sa may bandang paa, wag kayong bastos.
Natatawarin ako dahil sa mga sinasabi ko, para akong timang sa ginagawa at sinasabi ko. Sinusundot ko kasi ang napakatangos nyang ilong ang cute pa nya, asar naman. Bakit ganito nararamdaman ko? Gusto ko syang sampalin at sakalin dahil sa dahilang ambigat nya!
Natigil ako sa pagtitig ng mag ring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot. "Asan ka bess?" Tanong ni Jenny mula sa kabilang linya.
"Nasa kwarto ni Emanuel." Napamura ito sa kabilang linya sabay sigaw. Tanga hindi kami magjejerjer noh! Nandito ako kasi lasing sya tapos tinulungan ko mahiga sa kama ang issue mo Jenny! Ikaw siguro leader ng marites sa kanto nyo noh?!" Inis na bulyaw ko sakanya bago pinatayan.
Anong tingin nya sakin pokpok na basta bibigay? Sabagay kamuntik na ako bumigay, pero hindi pokpok.
Bumaba na ako para magpahangin ng makita ko si Lita at Sam na nasa sala nanunuod. Nahiya pa nga ang mga ito kaya agad na tumayo. "Ay hala, manuod lang kayo sasali nga sana ako eh." Lumiwanag ang mukha ng dalawa kaya lihim akong napangiti.
"Wag na kayong mahiya sakin. Ako nga dapat mahiya dahil kain tulog lang ako rito sa bahay eh," natawa naman ako kaya natawa rin sila.
"Kala po namin masungit kayo," sabi ni Lita.
"Oo medyo lang naman masungit lang ako sa masungit sakin," sagot ko.
"Alam nyo po akala namin si Ms. Gemeni Rosario 'yung iuuwi ni sir rito para sya ang turukan. Balita lang po namin ito ma'am kaya sana wag kayo magalit," si Sam na biglang natakot.
"Ayos lang huwag kang mahiya keri yan ichismis mo lang sakin. Secret keeper ako don't worry," sabi ko. "Sino ba si Gemini Rosario? Same names pa kami ay noh? Pero parang halata namang mas maganda ako sakanya, charot haha."
"Si Ms. Gemeni po 'yung friend ni Sir Eman at ang magulang ni sir na nasa canada ngayon, ay kasosyo sa negosyo 'yung magulang ni Ms. Mini. Mini po talaga ang tawag sakanya kasi maliit." Natawa narin ako sa sinabi ni Lita.
"Narinig ko po kanina kay sir ng kausap nya si Ms. Mini na nagpipilit raw itong umuwi, at gusto raw po makikilala ikaw. Kami na po ang nagsasabi na iba po ang ugali ni Ms. Mini," nahihiyang dagdag pa nito.
"Iba rin naman ugali ko marunong humanay . Kalag panghayop- panghayop at pagpantao-pantao." Nagkatinginan si Lita at Sam. "Charot lang!" Bawi ko bago tumawa ng malakas with matching hampas pa sa kanila.
"Ang cool nyo po pala," manghang saad ni Sam.
"Mas cool kayo kasi kayo handang mag pakahirap kumita lang ng pera. Mas hanga kami sainyo kasi paano nalang si Eman kapag wala kayo diba? Sino maglilinis, magluluto at maglalaba para sakanya?"
Masaya kaming nanuod ng tv ng sama-sama. Hanggang sa dalawin ako ng antok. "Gem," nagising ako sa mahinahong boses na may kasamang tapik sa balikat.
Si Eman lang pala. "Oh, gising kana agad? Anong oras na ba?" Tanong ko bago nagkusot ng mata.
"Bakit hindi ka umakyat sa kwarto mo para matulog? Malamig rito." Napaupo ako bago kinusot ang mata ko. Hindi na ako ginising nila Lita at Sam nahihiya siguro.
"Nakatulog ako sorry," mahinahong sagot ko. "Hindi kana lasing? Hindi ba masakit ulo mo?" Tanong ko agad sakanya.
"Kinda," tipid na sagot nya bago hinilot ang sentido.
Tumayo ako at dumiretsyo sa kusina. Sinundan naman nya ako at naupo sa table kaya kumuha ako ng tubig at inilapag para mainom nya. "Magluluto ako ng noodles para makahigop ka ng sabaw. Marunong naman ako magluto kahit noodles lang," sabi ko pa bago naghanap ng noodles sa cabinet.
Habang naghihintay maluto ay naupo ako paharap sakanya. "Next time wag ka masyadong maglasing," paalala ko.
Matagal itong hindi nakasagot. "I'm sorry may ginawa ba akong hindi maganda?" Tanong nya.
Ehe! Oo binitin mo ako noh!
"Wala naman nakatulog kalang," kumibot ang sentido ko.
Hindi ko hinintay ang sagot nya dahil tumayo na ako para icheck kung okay na ang niluluto ko. Sinalin ko ito sa bowl bago linapag sa harap nya. "Tadaaa! Noodles with itlog! Niluto ko 'yan ng may pagmamahal kaya masarap. Mas masarap pa 'yang itlog na luto ko kaysa sa itlog mo," sabi ko pa habang pumapalakpak.
Hindi ito umimik. "Hipan mo muna!" Saway ko ng mapansin ko na napaso sya. Sino ba naman kasing hihigop agad ng sabaw na sobrang init pa? Ano sya super human?!
"Yeah," tanging sabi nito.
"Pacool kapa sige lang, sumigaw kana nanh ang init tapos tatakpan ko tenga ko." Napairap lang ito dahil sa pang-aasar ko.
"Matulog kana," utos nya.
"Mamaya na po pagkatapos mo hihintayin kita," tanggi ko. Sinamaan nya ako ng tingin kaya wala akong nagawa kundi matulog na.
UMAGANG-UMAGA ang ingay sa baba. Anong meron? Hindi na ako naghilamos nag-ayos lang ako ng buhok at nag sepilyo bago bumaba. May nadatnan akong babae na kala mo init na init sa sarili kaya nakabra at panty nalang.
Sino naman sya?
"Ikaw ba?" Mataray na tanong nito bago nag-alis ng shade nya.
"Ang ano?" Balik na tanong ko.
"Dzuh! Ikaw ba 'yung babae na nakaparehas ko ng pangalan?!" Galit na ulit nito kaya naismid ako.
Bakit umiiyak? Haha.
"Opo sya po Ms. Mini," si Lita na ang sumagot.
"Sinabi kung sumagot ka? Ikaw ba sya? Katulong ka diba? Go, back to your work stupid ang chismosa lang?" Napayuko si Lita.
Ang aga kumulo agad dugo ko! Sa lahat ng ayaw ko masyadong maarte at mayabang! Ang kapal ng mukha nyang insultuhin ang friend ko sa harap ko!
"Excuse me lang Mini or Mini mouse, hindi lang sya basta katulong. Wala kang karapatan na ganyanin sya dahil sa trabaho nya mas marangal naman 'yun ng di hamak kaysa sa gawain mo na manlait ng tao," inis na sagot ko.
"I didn't make lait her noh! Sinabi ko lang ang totoo may problema ba sa ugali ko?" Inis na tanong nya.
"Compared to me? Veh, sobrang oo." Nakangising sagot ko na mas kinainis nya. "Kakarating mo lang akala mo kung sino kang maka-asta? Veh, hindi ikaw ang amo nila kaya wag kang feeling dyan," dagdag ko pa.
.
"Alam mo bwiset ka!" Sigaw nya sakin.
"Alam ko, at matagal na. Ikaw ba alam mong sobrang arte mo? Mukha ka namang-- Nevermind. Sayang oras ko sayo. Sige, maligo ka na mukhang walang tubig sainyo kaya dito kapa nakiligo." Natatawang tinalikuran ko ito. Nasaan na ba kasi si Eman? Hindi ko keri ang babaeng 'yun masyadong maarte.
Makakasama ko ba ang babaeng 'yun dito sa bahay? No way, aalis nalang ako kapag ganun. Hindi ako papayag na lahat kami gawin nyang alila at lait-laitin lang kapag wala si Eman. Makakasampal talaga ako ng tao. Imbis na nag babagong buhay na ako sa pagiging maldita, haysst. Hinagilap ng mata ko si Eman na hindi ko alam kung saan na ba napunta.
Dumako ako sa kwarto nya. Bukas naman e, at walang-- "What the!" Agad akong nag takip ng mata ko pero dahil slight malandi ako medyo may awang para masilip heheheh. "Ginagawa mo? Nakakagulat ka."
"Naliligo," kibit balikat na sagot nya. Napalunok ako lalo na ng dumako ang paningin ko sa abs nyang kumikintab. Help me, ang weird ng iniisip ko. "Gusto mong hawakan?" Biglang tanong pa nya.
Halos mapalundag ako ng lumapit sya sakin. "H-hawakan ang ano?" Napatingin ako sa ibabang parte nya sa may bandang gitna para kasing may bukol.
"Eyes up woman," nakangising sambit nya bago tumalikod sakin. "Leave before I changed my mind and lick your aching pússy." Nanlaki ang mata ko at agad na kumaripas ng takbo. OMG! Ito na ba 'yung sinasabi nilang run for your life?! Pero 'yung sakin run for my virginity!
A/N : R-18 read at your risk and for your own safety. Low the brightness of your phone and then tadaaaa! Pero joke lang syempre dahil wala pang SPG for now hahaha! Maaga pa naman kasi e, sa gabi nalang raw ?
#RunForMyVirginity
Bakit pa kasi pumasok ng hindi kumakatok? Hahahahaha.