III

1317 Words
"Ma'am?" Kasabay ng boses ang mahinang katok, at sa sobrang antok ko hindi ko ito inabalang pansinin pa. Sobrang inaantok ako. Gising na diwa ko pero 'yung mata ko gusto lang nang nakapikit ayaw na nyang dumilat, para hindi makita ang masakit na katotohanan. Char, humugot pa ay noh? Sobrang tinatamad ako kahit maglakad, tumayo, gumalaw basta tamad ako ngayon kasi this is the first time na napahinga ako mula sa work. "Dinner time bumangon kana," inaninag ko si Eman na kakapasok lang. Papikit-pikit parin ang mata ko kaya kinusot ko ito. "Inaantok pa ako eh." Angal ko ng maramdaman ko ang kamay nya sa braso ko at tila hinahatak ako paupo sa kama. "Hindi ka pwedeng magutom," sabi pa nito. Ah, oo nga pala dahil sa baby na hindi pa naman sya sure. Sa baby lang nag-aalala? Ako wala bang mag-aalala sakin? Kawawa naman ako. "Edi buhatin mo ako kung ayaw mong magutom 'yang baby na wala pa naman," naiinis na sabi ko. Napasigaw nalang ako ng buhatin nga nya ako pababa sa kusina. Medyo humanga rin dahil sa lakas nya ehe! Kaya lang syempre kaylangan mag inarte para hindi masabing easy to get tayo. "Ibaba mo nga ako enebe!" Pakunwaring tutol ko sa pagkarga nya sakin pero ang totoo gustong-gusto ko. Malandi rin naman ako pero slight lang hahaha! Kaylangan sa buhay yan, wag mong sabihing wala kang kalandian o harot sa katawan hahablutin ko 'yang buhok mo sa pempem. "Enjoy na enjoy ka naman alam ko," walang emosyong sabi nito bago ako linapag ng dahan-dahan. Grabe bilib ba talaga ako sa Mr. Guzon na 'to ay noh?! Wala man lang emosyon magsalita ni kahit nga ngumiti hindi magawa. Paano kaya pag nakipag s*x na 'to? May emosyon parin kaya? Anong sasabihin nya sa katalik nya? Enjoy na enjoy ka naman, with no facial expression rin haha. Grabe lang, ang tindi. Kaya rin siguro walang nakikipag s*x sakanya kahit na gwapo sya or worst baka maliit? Natampal ko ang nuo ko sa mga pinagii-isip ko. Ambastos ko naman kung pati size ng junjun nya ini-imagine ko pa. "Wow!" Agad kung kinabig 'yung sinigang palapit sakin. "Ikaw nagluto? OMG! May fried rice rin pala thank you ha!" Masiglang sabi ko bago maganang kumain. Hindi naman ako naglilihi. Mangga lang kasi ang gusto ko sa sinigang pati 'yung sabaw, wala akong pake sa karne. Lagi akong nilulutuan ni Mama ng ganito kaya nakasanayan ko lang sigurong hanap-hanapin. "Nga pala may tanong ako," saglit akong natigilan para humigop ng sabaw. "Bakit nga pala nag paturok kalang ng sperm mo? Kaya ko na isip na bakla ka. Sige na umamin kana ayos lang sakin. Tatanggapin kita promise, we can be friends you know." Natatawang sabi ko bago hinintay ang sagot nya. "Sakto si Jenny mas bet nya binabae kaysa---" Natigil ako ng mapansin itsura nya. Malalim ang naging buntong hininga nito. "Kumain kana lang," tipid na sagot nito. Napayuko nalang ako sa inis sakanya kasi akala ko pa naman sasabihin na nya pabitin kasi masyado! "Pupusta ako bakla ka," pang-aasar ko. Tumaas ang isang kilay nito pero sa pagkain parin nakatuon. "No I'm not," depensa nito. "I have my reasons kaya wala kang karapatan na husgahan ako." Natahimik ako at nagulat ng makita kung nanlilisik ang mata nya. Mukhang seryoso nga ang rason nya, well kahit na. Dapat ichika parin nya para naman may clue ako. "I'm sorry nasobrahan yata ako," bawi ko. Napansin ko lang kasi na asang-asa sya na mabubuntis ako sa sperm nya. "Gusto mo ba talagang malaman?" Napatango ako kasi chismosa rin naman ako eh. "Do you know her?" Tanong nya ng may iabot sya saking magazine. "Oo naman dzuh! Si Monday Montemayor kaya yan, my idol." Pagmamalaki ko bago yinakap ang magazine. Cover girl pala sya sa magazine na 'yun. Ang ganda talaga nya. Isa syang model at talaga namang hinahangaan ko sya sa style, katawan pwera nalang sa mukha kasi parehas naman kaming maganda. Charot lang syempre, ang bait kasi nya eh. "Shes my ex-girlfriend," malamig na saad nito. Napatanga ako sa sinabi nya. "Weh?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Pumatol sayo si Monday? Si Monday Montemayor kaya 'yan hahahaha! Ang big time mo pala hindi katulad ko, sakto lang ang buhay. Hindi mayaman, hindi rin mahirap. Kwento mo pa sakin dali, mabait sya eh." Nag-iba ang timpla ng mukha nya kaya mas nagtaka ako. May mali ba akong nasabi? "Mabait ba talaga? Iyon sya sa camera, pero sa totoong buhay I don't know. Narating nya ang kinang na 'yan dahil sakin, pero sinira nya ako. Sinira nya mga pangarap ko para saming dalawa." Hindi ko alam pero naawa ako bigla sakanya parang gusto ko syang yakapin. Napansin ko nalang na may luha na umibis sa pisngi ko. "Alam mo ba kung bakit sperm lang ang gusto ko?" Tanong nya. "K-kasi sabi nya wala raw babaeng tatagal sakin, at never na akong makakabuo ng pamilya dahil baog ako. Limang taon kaming nag sama at halos araw gabi ang pagsesex namin, pero hindi sya nabuntis. Natakot ako na magpatingin kaya nagalit sya at iniwan ako. And now I think she's right." Tuluyan na akong napahagulhol sa malungkot na kwento nya, para akong tanga na iyak ng iyak. "Ayos lang ako don't cry," pagpapatahan nya sakin. Akala ko mas malala na ang nangyari sakin pero hindi pa pala, mas malala pa pala sakanya. "Tinukso-tukso pa kita," umiiyak na sabi ko. "Sana mabuntis ako para mapatunayan mo na hindi ikaw 'yung may deperensya. Isang linggo palang naman eh diba?" Malungkot na tanong ko. Para akong timang na bigla nalang na bago ang gusto. "Kapag hindi nabuo mababalikan mo na 'yung lalaking humabol sayo sa park, pero kahit ngayon lang pagbigyan mo ako." Napatango ako bago nagpahid ng luha ko. After naming kumain umakyat na si Eman sa kwarto nya. Sobrang na-aawa talaga ako sakanya I think kaylangan nya ng kausap. "Eman?" Kumatok ako bago pinihit ang doorknob. Nakita ko sya na saktong lalagok ng alak na nasa bote hindi man lang binaso. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at kabuuan ng kwarto nya. Ang daming bote ng alak na walang laman. Siguro apektado talaga sya sa nangyari noh? Ang sama ng ugali ko na tuksohin sya na hindi man lang alam ang pinag-dadaanan nya. "Naguguilty ako," sabi ko bago umupo sa kama nya. Sya naman ay nasa sahig at nakaharap sakin. Pansin ko na namumula na sya, at mukhang tinamaan na ako--este may tama na yata sya. Ikaw ba naman lumagok ng isang bote ng alak na parang wala ng bukas. Hindi ko naman sya masisi kasi may dahilan naman sya. "Monday Montenegro," nakangising sambit nya bago linamukos ang litrato ng babae na nasa magazin. Tumayo ito at pumunta sa veranda nya bago dumungaw at sumigaw. "I f*cking hate you! You're my biggest mistake!" Tinakbo ko sya ng mas dumungaw pa sya, at hinila ko. "Gago kaba?! Magpapakamatay ka dahil lang sakanya! Gago ka nga!" Galit na sigaw ko. Napaharap sya sakin sa pagkakahila ko at napatitig. Pasuray-suray pa ang mata nya habang nakangisi. "Gem," sambit nya sa pangalan ko bago hinaplos ang mukha ko. Hala! Hala! Hala! Kinakabahan ako baka magaya ako sa mga palabas sa tv na 'yung babae pag lasing 'yung lalaki may nangyayari sakanila?! OMG! "Y-yes?" Ehe! Ang landi ng boses ko dapat natural lang walang piyukan! "Will you mad if kiss you?" Tanong nito habang palapit ang labi sa labi ko. "N-no," kinakabahang sagot ko. Shemay! Yes dapat yun! Oy! Yes dapat sasabihin ko! Ngunit bago pa ako makasagot ay dumampi na ang labi nya sa labi ko kaya wala na finish na. "Yes dapat 'yun eh?" Pahabol na sigaw ko pa sa isipan ko na hindi ko na nagawang masabi pa sakanya. A/N : Yes daw dapat yorn wag kayong ano dyan hahaha. Paniwalaan nyo si Gem, yes daw 'yun. Magagalit daw sya kaso iba nasabi ng bibig nyehehe ??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD