V

1231 Words
"What are you doing here?" Walang emosyong tanong ni Emanuel ng madatnan nya si Mini na nagswi-swimming. Ako nama'y kanina pa bagot na bagot at yamot kakahintay kay Mini na umalis, at kakahintay kay Eman na dumating. Ang tagal nyang mag bihis dinaig pa 'yung babae. "Emanuel," tawag ni Mini sakanya bago umahon sa tubig. "What are you doing here?" Pag-uulit lang ni Eman sa tanong nya. Iyang maldita mong jowa inaaway ako! Sigaw ko sa isipan ko ng magtama ang paningin namin. "Bakit nyo pinapasok?" Tanong nya sakin. "Itanong mo sa sarili mong punyeta ka!" Inis na sigaw ko bago sya sinamaan ng tingin. Bahay nya ito bakit sakin sya nag ta- tanong? Sya dapat nakaalam kung darating o hindi ang babaeng 'to. Nakangising lumapit si Minimouse bago yumakap kay Eman. Talagang ginitgit at kulang nalang iduldul nya ang dede nya kay Eman. Oo na, malaki na nga sakanya kumpara sakin na sakto lang. At least hindi man malapakwan ang dede ko. Hindi naman ako pandak, tsk. Hindi ako insicure noh! Wala naman dapat akong kainggitan sakanya. Alagang lamas lang naman d3de nya. "Go away," utos nito sakanya. "But I miss you so much!" Parang batang maktol nito. "Tita Estella want to visit me yesterday on my condo, pero I told her na wag nalang kasi nakauwi na ako ng pinas. And nakiusap sya na bisitahin kita para sakanya," paliwanag nito. Napairap na lamang ako. "Ang arte-arte," bulong ko na narinig yata ni gaga. "How dare you? My Dad is a Governor b***h," pananakot nito. "Anong pake ko? Sinong nagtanong? My Dad is not a Governor, but such a good person. And please wag mong gamitin ang posisyon ng ama mo para manakot ng tao. Kasi pinapatunayan mo lang na wala ka pa talagang kakayahan at asa kalang sa pinagmamalaki mong tatay. Bakit ano bang kaya nyang gawin para sayo? Ang pumatay at manakot ng tao? So proud na proud ka doon? Ang t*nga lang." Akmang lalapitan ako nito para sugurin ng pigilan sya ni Emaneul. "Dinadala nya ang anak ko kaya wagkang magkakamali," banta nya rito. Weh? Baka nagdadalang-- Napahawak ako sa tiyan ko. Tinatawag yata ako ni Inang kalikasan wrong timing nakakaasar! Hindi ko na alam ang nangyari dahil naglabas na ako ng sama ng loob sa banyo. Paglabas ko wala na si Minimouse, si Eman naman nakaupo sa sofa at halatang hinihintay ako. "Umano ka?" Tanong nya. "Tumakla," mabilis na tugon ko. Nangunot pa ang nuo nito. "Masyadong malalim, so what is tumakla?" Tanong pa nya. Lihim akong napangisi. "Ibig sabihin naligo," pigil ang tawa ko. Napatango naman ito habang sapo ang baba nya. Linuwa ng pinto si Jenny kaya hindi ko na naitanong kung anong nangyari kanina between, Mini and him. Mukha kasing inlove na inlove si gaga sakanya eh. Lol, tumae kasi meaning ng tumakla haha. "Bess!" Mahigpit na yakap ang isinalubong nito sakin. "Ang laki pala ng bahay ni Gwapito! Dito nalang rin ako tumira tapos kunin mo akong babysitter?" Binatukan ko ito sa kabaliwan nya. "Bunganga mo lang umalingawngaw kanina lang tahimik kami dito." Inis na sabi ko rito bago naupo sa tabi ni Eman na wala man lang kibo at parang hangin si Jenny sakanya. Umusod ako para hindi kami magdikit. "Napunta ka rito?" Tanong ko pa. "Binisita kita kung buhay kapa," sagot nya. Sinamaan ko sya ng tingin. "Lumayas ka," utos ko bago itinuro ang pinto na pinasukan nya. "Ang sama mo sa kaybigan mo! Sayang may balita pa naman sana ako sayo about kay D-A-V-E!" Sigaw pa ni gaga kaya nanlaki mata ko. Punyeta andito pa si Eman oh! Hayop na Jenny 'to hindi napigil kadaldalan. "Putol dila mo mamaya," I mouthed. Mas kinabahan ako bigla ng tumayo si Eman. "Dito muna sya patulugin mukhang mahaba pagkwekwentohan nyo sa office na ako matutulog." Bilin nito bago lumabas ng bahay. Napat*nga na lamang ako habang unti-unti syang naglalaho sa paningin ko. "May nasabi ba akong--" Natigil sya ng samaan ko sya ng tingin, "why?" Tanong pa nito. "Utang na loob tantanan mo ako baka makalimot ako na si Jenny ka," wika ko. "Ang serious!" Natatawang sabi pa nya bago humalakhak. "Anong chika mo about kay Dave?" Excited na tanong ko nang alam kung wala na si Eman. Kinabahan talaga ako, pero syempre curious rin. "Nililigawan ako," seryosong sabi nya. Natigilan ako at naglaho ang ngiti ko sa labi. "Joke ba yan?" Mataray na tanong ko. "It's a prank! Hahahahaha!" Natawa narin ako ng sabihin nya 'to kahit na ang totoo kinabahan ako ng sobra. Paano nga kapag niligawan sya nito? Magagalit ba ako sa kaybigan ko? "Support naman kita kapag niligawan ka nya eh," saad ko. Naging tahimik ang buong kabahayan at naging akward. Anong nangyare bakit natahimik kami? Bwiset na prank kasi nya. "Ang seryoso mo naman Bess, prank nga lang eh." Naiinis na sabi nya bago ako yinakap. "I'm sorry," garalgal ang boses nito. "Para kang timang!" Pinilit ko na gumawa ng tawa. "Ano namang problema kung maging kayo? Malay mo naman itinadhana kayo, pero sa sinabi mo malabo nga bess. Hindi mo naman tipo si Dave noh! Kilala kita." Natawa rin sya bago pinahid ang luha nya. "Kain na nga lang tayo lintik! Naiyak ako ng wala sa oras. Mamaya pa dapat audition ko para sa gaganapang crying lady eh," pabirong sabi nya. "Ewan ko sayo." "Kamusta naman pang-araw araw mo sa bahay ni Gwapito?" Tanong nya. "Ito bagot na bagot na ako. Feeling ko bess wala naman laman, or walang magiging laman." Medyo nalungkot ako kasi umaasa si Eman. "May chika ako sayo," sabi ko pa bago may binulong sakanya. "What?! S-si Monday Montemayor ex-girlfriend nya?!" Gulat na sigaw nito. Tinakpan ko ang bibig nya. "Ssssssssssh," Napatikom naman bibig nito. "Ang big time pala ni Mr. Guzon noh? Sabagay bess, sya ang may-ari ng Subdivison, Hotel at may Hospital pa silang pagmamay-ari, tapos may family company pa sila at Resorts. Ang yaman lang diba? Never kang magkakaproblema sa pera, pero bess wala kang panama kay Monday eh." "Kaybigan ba talaga kitang punyeta ka?" Inis na tanong ko. "Oo naman kaya nga sayo ako eh!" Napangiti ako sa sinabi nya. "Uto-uto ayieeeeeee. Nga pala pinapatanong ni Tito Romel kung kaylan raw ang kasal nyo?" Muntik na akong masamid. Si papa talaga! Masyadong apurado sa mga bagay na wala naman syang masyadong alam. Magdudusa lang ako kapag pumayag akong makasal kay Eman, mas mahihirap kaming mag hiwalay. Kaylangan pa naming gumawa ng todo effort at effective na rason pala lang makawala sa isat-isa. "Wala yatang kasal na magaganap bess, at isa pa ayaw ko rin naman. Mahirap kumawala kapag kasal na kami diba?" Napatango sya. "So, anong plano mo? Iiwan mo ba sya kapag walang laman yang tiyan at sadyang kinabagan kalang?" "Exactly what I'm thinking, pero kasi parang ang komplikado. Ano nalang iisipin ni Dave?" Nakita ko ang takot sa reaksyon ni Jenny. "Mahihirapan na naman akong mapalapit sakanya." "Ayos lang maiintindihan ka naman nya," sagot nito. Sana nga ako parin kapag naayos na ang gulo ng buhay ko. A/N : Itong story po na 'to hindi sya umaabot sa 3k words kada chapter. After nalang po siguro kapag handa ko na syang i-edit hehe. Sa ngayon po kasi ang dami ko pang kaylangan matapos e, tapos sa isang story pa masyadong mahahaba ang update ko. Thank you po sa unawa kung bakit weekly ako nakaka-update minsan :(
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD