Pangatlong linggo ko na sa bahay ni Eman. Parang suko na talaga sya na walang baby na mabubuo. Anong nangyari kay Mini mouse? Ayon hindi keri na dito manatili sa bahay ni Eman. Kaya kumuha ng condo, at isa pa. Wala rin namang nagsabi na dito sya tumuloy hindi pala totoo mga sinabi nya about sa pinakiusap raw na bisitahin si Eman.
Sa araw-araw na tinakbo ng buhay ko normal day lang lagi. Kain tulog, minsan lumalabas. Kaya lang lately laging wala si Eman hindi ko alam kung bakit, wala rin naman akong karapatan. Nagpasya na ako na kapag sa linggo na 'to wala pa talaga uuwi na ako sa bahay.
Nalulungkot ako para sakanya, pero hindi ko naman pwedeng isakripisyo trabaho at buhay ko para lang sa taong hindi ko naman kilala ng lubos. At oo kahit paano nakakaramdam ako ng awa, pero awa lang ito. Hanggang awa lang.
"Kamusta bess? Ano may laman na ba?" Kaagad na bungad ni Jenny ng magkita kami sa restaurant na pinag-usapan namin.
"Halatang mas excited kapa sakin ah? Gusto mo mag volunteer? Ikaw naman tuturukan kapag wala sakin." Natatawang tanong ko.
"Oo naman bet ko yan bess! Kaya lang ayaw ko ng karayom bwahahahaha! Gusto ko paghihirapan talaga at pagpapawisan ako," natatawang sagot naman nito na kinainis ko.
"Ang landi mo rin ay noh?"
"Ay bess, wag kang magpapatalo mas malandi ka. Aminin wag itanggi kilala kitang babae ka! Huwag mong sabihin saking kahit kaunti ay wala kang pagnanasa sakanya," natatawang sabi pa nito.
"Impakta ka talaga ay noh?" Inis na tanong ko na tinawanan na naman ni gaga.
"Ayos happy ka yata ngayon sumahod kana noh? Ako kasi nakaleave pa sa work tulad ni Eman. Nakaleave rin sya," malungkot na kwento ko.
Linapag ng waiter ang inorder ni Jenny na salad para samin at steak. Akmang isusubo ko na ito ng maamoy ko ang mushroom na nakahalo sa steak. Kaagad akong napatayo at dumiretso sa cr. Hindi ako maarteng tao pero, hindi ko talaga gusto yung amoy ng mushroom.
"Okay kalang bess? Anong nangyari? Anong kinain mo ba kanina kaya ka nadu--" Natigilan sya at nanlaki ang mata. "Kaylan kapa dinatnan? Mayroon kana ba? Ay sandali nga, hindi kapa nag PT kahit lagpas na Ang 3 weeks." Napailing nalang ako ng may luha sa mata dahil sa pagsuka. "Babae ka! Mag-iisang buwan na hindi ka parin nag PT?!" Mahina nitong hinila ang buhok ko. Akala ko naman kasi normal lang ang nararamdaman ko na antok, katamaran at pagkabanas.
"Anong gagawin natin?" Natatakot na tanong ko.
"Girl, mag PT ka malamang." Sagot nito bago ako hinila palabas ng cr. "Hintayin mo ako dyan magbabayad lang ako para makagora na tayo sa drugstore," tango lang ang isinagot ko rito.
"Sinong bibili?" Nahihiyang bulong ko ng makapasok kami sa bilihan.
"Ikaw malamang! Mamaya ako pa pagkamalang juntis eh! Maawa ka naman sakin wag mong dungisan ang pagiging single ko," madiing wika nito ngunit pabulong lang.
"Ikaw na please," nagmamaka-awang pakiusap ko.
"Oo sya sige, ako na ang aako. Pambihira naman talagang buhay ito oh!" Pumunta sya sa counter at ngumiti. "PT nga po hehehe, para sakin and wag ka mag-alala gurang na ako. I mean, nasa legal age na ako girl." Napakibit balikat nalang ang babae bago inabot ang PT. "Pumasok kana sa banyo dali," utos nito sakin.
Isang minuto yata akong nakatitig sa PT after ko makaihi, sobrang kinakabahan ako.
"Bess ano na? Positive ba?" Tanong ni Jenny na halos hindi ko na pansin dahil sa pag-iyak ko.
Napahagulhol na ako sa naging resulta. "P-pwede bang tawagan mo si Papa at Mama?" Umiiyak na utos ko.
"Bess bakit ba ha? Kinakabahan na ako sayo eh," bakas ang pag-aalala sa boses ni Jenny.
Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam? Parang ang saya-saya na magkakababy na ako. "M-magiging mommy n-na ako," bungad ko kay Jenny ng buksan ko ang pinto. Ipinakita ko sakanya ang resulta kaya naman napahagulhol narin ito sa tuwa.
"Magiging mommy kana! Waaaah! Ako ang nasa unang listahan ng magiging ninang!" Sigaw nya habang naiyak.
"Akala ko ba ikaw 'yung buntis?" Tanong ng babae na hindi pinansin ni Jenny.
Buntis ako, mali yung ex ni Eman. Hindi sya baog at maipapamukha na nya na--
na ginamit lang rin pala ako ni Eman. Bigla itong pumasok sa isip ko. Paano na ang baby ko? Kukuhanin ba nya sakin ito? No, that will never happen.
"Eman," tawag ko sa pangalan nya. Busy sya sa paper works pero hindi ako mapakali na sabihin.
Kaya lang sobrang natatakot ako na baka agawin nya ang anak ko.
"Yes? Pasok ka ayos lang," anyaya nito.
"Kumain kana ba?" Tanong ko.
I'm so sorry hindi ko kayang mawala ang pansamantalang sya na ito. Gusto ko munang makasiguro na kikilalanin akong ina ng batang dinadala ko.
"Hindi pa ikaw ba?" Balik na tanong nya.
"Hindi pa hinihintay kita," simpleng sagot ko.
"Talaga?" Nakangiting tanong nya. Nagulat ako sa ngiti nya at lalo na ng tumigil sya sa ginagawa nya at akbayan ako para ayain pababa.
Bakit ang bait nya? Mas lalo akong nagu-guilty ngayon. Sasabihin ko ba o hindi? Pwede ko bang patagalin muna? Sasabihin ko rin naman gusto ko lang muna makasigurado.
Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang namamagitan sakanila ni Mini. Alam ko naman na sperm nya 'to at ni wala man lang pawis na pumatak sakin, pero ako naman ang maghihirap pag iniluwal ko na ang bata.
At isa pa, anak ko ang involve rito. Pakiramdam ko guguho ang mundo ko kapag nalayo sya sakin. Aaminin ko nitong una wala lang sakin ang pagiging ina kapag nandyan na, pero nag iba lahat. Lalo na ng may mabuo, bigla akong nagkapangarap para samin. Umasa ako bigla ng maayos na pamilya. Biglang handa ko na palang iwanan ang lahat para sa anghel na nasa tiyan ko?
"Ayos kalang?" Tanong nya ng mapansing wala ako sa mood.
Hindi ako okay, haysst.
"Oo naman," pag-sisinungaling ko.
"Bakit parang pakiramdam ko may gusto kang sabihin?" Tanong pa nito habang nakatitig sa mata ko.
"Feeling mo lang 'yun pero wala naman talaga," wika ko.
Nagkibit balikat ito bago nya hinaplos ang mukha ko. "Habang tumatagal nagiging weird pakiramdam ko sayo," bulong nito. "Oras-oras at minu-minuto nagiging mahalaga ka, Gem."
Nagiging weird rin naman sakin pero dahil nga sa pagbubuntis ko. Mas nakakahiya kung sabihin ko na ako nga sabik sakanya, bigla-bigla ko nalang sya gustong hagkan. Kasama siguro ito sa pagbubuntis? Well, sana oo. Mukhang hindi maganda kung madedevelop ako sa gagong ito diba? May Mini na sya tapos may Monday pa, marami tayong kalaban.