Chapter 12

1011 Words
CHAPTER 12 "Jowa mo lasing na." Sabi ni Kuya ng mababa ako para sana uminom ng tubig. Nadatnan ko sya na naghahalukay ng makakain. Napahilot nalang ako sa sentido ko bago pinuntahan ito. Nadatnan ko na nakayuko na ito at namumula. "Anak alalayan mo na si Eman papasok sa kwarto at itong Papa mo lasing narin," utos ni Mama. Hinawakan ko sa braso si Eman pero inalis nya ito. "Kaya ko pa naman," mahinahong sabi nito. Ang pride ni mokong. "Bahala ka," inis na sabi ko bago sya binitiwan. Tumayo ito at napakapit sakin pero inalis nya rin. Nagsimula syang lumakad kahit pagewang-gewang pa. Nababangga sya kaya kahit papaano ay inaalalayan ko pero makulit at halatang galit talaga kasi agad syang umiiwas. "Magkabukol ka sanang punyeta ka." Inis na sabi ko. "Ganyan mo talaga ako kaayaw? Pag si Dave ba hindi mo gaganyanin?" Nagdadamdam na tanong pa nito. Ang drama naman ni Eman. "Inaalalayan nga kita diba? T*nga lang? Selos, selos wala naman alam." Nayayamot na sagot ko habang nakapamewang at iwas ang tingin sakanya. Ayaw ko sya tignan sa mata, baka rumupok ako mahalikan ko pa. "Sinong mas gwapo sya o ako?" Tanong pa nito. Sasagot palang ako nang mag react na sya. "Sabi na sya pipiliin mo eh." Napaungol pa ito sa lungkot. Kumibot ang sentido ko at unti-unting umangat ang kamao ko. Kalma Gem, si Eman yan. Napailing na lamang ako at hinayaan sya sa kadramahan nya. Nakarating kami sa kwarto naupo sya sa kama at ako naman ay tinabihan sya. Tumayo bigla kaya nagulat ako. "Saan ka pupunta?" Tanong ko. "Hahanapin ko si Demdem," sagot naman nya. Natawa ako bago nagsalita. "Ako nga si Demdem," sabi ko bago sya inupo at hinaplos sa mukha. Mahigpit nya akong yinakap. "Ikaw ba talaga si Demdem?" Tanong pa ulit nito. Tumango ako kahit na sobrang natatawa na ako. "I love you," nakangiting wika nya habang nakapikit. Hiniga ko sya para makapag pahinga na. Maaga pa sila bukas ni Papa para umpisahan ang pag-aararo. Ginusto naman nya yan wala akong magagawa. Sabi pa nya basic lang raw para lang raw nag ba-basketball. Maaga akong nagising pero mas maaga paring bumangon si Eman sakin. Tiyak na may hangover pa si mokong kawawa naman. "Mama nag almusal po ba si Eman?" Tanong ko. "Oo nak, tuyo at itlog." "Ano po?! Bakit po tuyo at itlog ma? Diba may mga pinamili tayong pag--" "Request ng Papa mo eh," sagot naman ni Mama. "Kahit na dapat po ginising nyo ako para ako nalang ang nagluto ng almusal nya," sabi ko pa bago tinanaw sila Papa at Eman. "Sarap na sarap naman sya kaya okay lang nak," natatawa pang sabi ni Mama. Napabuntong hininga nalang ako bago pumasok sa loob. Kumuha ako ng bimpo, gamot at tubig para sakanya. "Mahal," tawag ko kaya agad naman itong napalingon. Nagkakandrapa pa itong lumapit sakin. "Tinawag mo ba akong mahal?" Nakangiting tanong nito. Napatango nalang ako bago sya pinunasan ng pawis. Naawa ako bigla kay Mokong puro putik na, pero yummy -- I mean gwapo parin. "Bakit nakatopless ka?" Tanong habang pinupunasan ang katawan nito. Nagawi ang tingin ko sa gilid ko na puro kababaehan pala. Anak ng! Bakit puro babae rito? Pati bakla at matatanda andito rin? "Kaya pala wala kang pagod na nararamdamang hinayupak ka, proud na proud ka sa abs mo. Happy ba? Dami mong chicks oh," sabi ko sabay turo sa mga babae. "I don't care. Ikaw lang nakikita ng mata na 'to," nakangising sagot nito. Bumanat pa si Mokong mukha namang tukmol. "Kaya pala kanina nakatitig kayo ni Papa sa lumuluwang Dede nung mga babae noh? Galing." Natawa ito bago ako hinagkan sa nuo. "Mamayang gabi mo nalang ako angkinin mahal, may trabaho pa ako. Kalma kalang mamaya ikaw lang makakakita hindi lang ng abs ko." Napahalakhak ito bago tumalikod. Bastos! Inis na naupo ako sa may lilim at nag open ng phone na hiniram ko kay Kuya. Napansin ko ang chat ni Jenny sakin. Hinahanap ako ni gaga, miss na siguro ako. Agad akong nag reply at sinabi kung nasaan ako bago nag off ng data. Hapon na nang matapos sila ni Papa. Agad ko syang pinaligo bago kami kumain ng hapunan. "Ano kaya pa iho?" Tanong ni Papa. Hindi agad nakasagot si Eman kaya natawa ako. "Ang yabang mo pa tapos nga---" Natigil ako ng sumagot sya bigla. "B-basic lang po hehe," nautal pa si mokong. "Hambog," bulong ko. "Nak, nak." Nakangiting sabi nya sakin. "Who's there?" Tanong ko. "Si Eman malamang engot lang?" Sabat ni Kuya na sinamaan ko ng tingin. "Mas engot ka kasi ganito talaga 'to palibhasa ang alam mo lang na laruin puso ng mga babae," pambabara ko. "Sapul ka ngayon boy!" Natatawang sabi ni Papa. "Bakit ang hard mo sakin?" Nakasibing tanong nito, parang bata. "Shut up will you?" Seryosong tanong ko. Ang bilis ko mapikon ngayon ang weird baka dahil sa pagbubuntis ko. "Hambog," bigla namang sabat ni Eman para siguro maputol na ang pambabara ko kay Kuya. "Hambog ka," wika ko. Nagtawanan naman sila Kuya. "Hambog who?" Ulit ko. "Jumbo Hambog kaya mo ba to kaya mo ba to." Kinanta nya pa talaga. "Nakakatawa yon? Tatawa na ako?" Mataray na tanong ko. "Burn!" Sigaw ni Kuya. "Basag!" Sigaw ni Papa. Napailing nalang si Mama. After namin kumain umakyat na kami sa kwarto para magpahinga. Pabagsak na nahiga si Eman, tinapik ko ito pero hindi ito gumalaw man lang. "Ano akala ko ba--" "Pagod ako mahal, wag ngayon. Schedule nalang natin kasi kapag nagpumilit ka ikaw lang gagawa, or kaya pwede naman hubaran mo na ako dali," sabi pa nito. Binato ko sya ng unan bago pumamewang sa harapa nya. "Mahina ka naman pala tapos ang yabang yabang---Ahhhhh! Ano ba! Bitiwan mo ako Eman!" Sigaw ko ng hilahin nya ako kaya bumagsak ako sa harapan nya at mahigpit nya akong yinakap. "Sinong mahina?" Nakangising tanong nito. "Let me go," mahinahong utos ko. Imbis na pakawalan ay mapusok na halik ang iginawad nya sakin na nakapagpabuhay ng p********e ko, at nagpadaloy ng kuryente sa buong katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD