CHAPTER 16
"May problema ba kayo ni Eman?" Tanong ni Mama ng tabihan nya ako sa couch.
"Ma," nangilid ang luha ko. "Nahihirapan po sya dahil sakin."
"Bakit naman?" May pag a-aalala sa tanong ni Mama.
Hindi agad ako nakasagot. Sobrang nahihiya akong umamin kay Mama. Hindi rin pwede kasi magiging komplikado ang lahat, baka mabuking ako at mas mahirapang ayusin.
Hanggat maaari ayaw kong isinasali sa gulo ang pamilya ko. Lalo na si Papa at Mama. May edad na sila. Malaki na ako at nasa tamang edad na kaya hindi ko na dapat ipa-pasan sakanila ang problemang ginawa ko.
"Ma, pwedeng mag tanong? Personal po kaya huwag sana kayong magalit o ma offend."
"Oo naman anak," agad na sagot ni Mama.
"Ma, nung lokohin kaba ni Papa bakit mo sya pinatawad agad? Paano mo nagawang matanggap agad?" Seryosong tanong ko.
Napangiti si Mama. "Simple lang Gem. Kasi mahal ko ang papa mo," sagot ni Mama.
"Sapat na ba yun, Ma? I mean, madali lang namang sabihin na mahal mo ang isang tao, pero minsan madali ring nawala. Pabago-bago ang isip at damdamin natin kaya paano ko mapang hahawakan yun Ma? Hanggang kaylan?"
"Anak," hinawak ni Mama ang kamay ko. "Kapag sinabi nyang mahal ka nya at naramdaman mo yun. Malalaman mo na totoo sya sayo, at kapag may spark. Tulad ng sinasabi ng iba na kuryenteng dumadaloy sa katawan ng isang taong inlove, totoo yun anak. May takot ka na mawala sya, at iwan ka nya that's love. Hindi mo kaylangang manigurado anak. Kasi masasaktan at masasaktan ka dahil nagmamahal ka. Iyon ang kakambal ng pagmamahal."
Naliwanagan ako sa sinabi ni Mama.
"May hindi kaba sinasabi samin?" Tanong pa nya.
"Wala naman po. May hindi lang kami pagkakaunawan ni Eman, pero kaya ko ito Mama, salamat po."
Tumayo na ako para pumunta kay Eman. Pag uwi namin dumiretso na sya sa kwarto at hindi na lumabas. Kumain narin ang lahat pwera lang sakanya. Hindi ko naman mapilit kaya naman dinalhan ko nalang sya ng pagkain.
"Tulog kana?" Tanong ko ng makatabi sakanya sa higaan. Kahit na alam kong hindi naman talaga sya tulog. Gusto ko lang malaman kung sasagot ba sya sakin. "Sige, pahinga kana." Wika ko ng hindi sya sumagot.
Naramdaman ko ang pag galaw ng kamay nya at niyakap ako. "Sorry," hinagkan nya ako sa nuo. "Wala lang ako sa mood kanina kaya hindi tuloy naging maganda pamamasyal natin."
"Ayos lang, makasama lang kita magandang pangyayari na yun para sakin." Sagot ko.
"Ang sweet mo."
"Ang sweet mo rin," sabi ko pa.
"Uwi na tayo bukas?" Tanong nya sakin.
"Ikaw ba? Sakin okay lang, pero kasi may work ka pa? Tambak na yun." Sabi ko pa bago napaupo. "Uwi na tayo ayusin ko na gamit natin." Tatayo na ako ng hilahin nya ako pahiga sa kama.
"Ako na lang mag aayos bukas, pahinga kana." Sabi pa nya.
Masaya akong natulog ng katabi sya. Maaga kaming nagising dahil nga napag pasyahan na naming uuwi na kami.
Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Eman ng makauwi kami sa bahay nya. Kanina pa masama pakiramdam ko ng mag byahe kami. Sila Mama nama'y naiwan pa sa probinsya dahil marami pa raw aasikasuhin.
Ngayong araw ko na dapat balak mag tapat kay Eman kaso sinabayan ako ng hindi magandang pakiramdam. Nakakainis, ganito ba talaga kapag buntis?
"Sige, hindi muna ako papasok ngayon sa trabaho." Napatango na lamang ako bago pinikit ang mata ko. Naramdaman ko ang pagsara ng pinto at hinayaan ko lang sya.
Wala naman akong inaasahang bisita dahil nga sa hindi kami ayos ni Jenny ngayon, pati ni Dave. Wala narin akong tawag o text na natatanggap mula sakanila. Agad akong napabalikwas ng makarinig ng katok. "Sino yan?"
"Si Sam po, pinapasabi ni sir na bumaba na raw po kayo para kumain." Sagot nito.
Tumayo na ako at binuksan ang pinto. "Sige, salamat." Pumasok ulit ako sa kwarto para mag-ayos ng sarili. After mag-ayos ay bumaba na ako, pero imbis na si Eman lang ang datnan ko ay may iba pa.
Si Monday!
Nagtago muna ako sa gilid para pakinggan lang sila. Wag naman sana nyang sabihin na buntis ako. Huwag sana nya akong maunahan. Hindi pwede, masisira ang lahat kapag umepal si Monday.
"I'm back, hindi kaba masaya?" Tanong ni Monday na sinubukan pang hawakan si Eman.
Nanikip ang dibdib ko, at natakot. Natakot na baka si Monday parin pala ang mahal nya.
"Ano bang tingin mo sakin ha? Mukha ba akong tanga at uto-uto? At isa pa, wala akong pake kung bumalik ka man o hindi." Walang emosyong sagot ni Eman.
Agad akong pasimpleng lumapit. "Oh, hi Monday." Ngumiti ako sakanya. Naiirita talaga ako sa babaeng 'to. May kapal pa talaga sya ng mukha na humarap kay Eman sa kabila ng ginawa nya?
"Ikaw pala," tumaas ang kilay nya. "Kamusta pagiging asawa sa ex-husband ko?" Mataray na tanong pa nya.
"Ex-husband o ex-boyfriend? Kasi hindi naman kayo kasal diba? Mahal, kasal ba kayo ni Monday?" Tanong ko pa kay Eman.
"No," agad na sagot nito.
Kita ko ang pag kuyom ng kamao ni Monday. "Okay," pinilit nyang mag lagay ng ngiti sa labi. "Maybe we can be friends?" Inilahad nya ang kamay nya.
"Pasensya kana ha," asiwa akong ngumiti rito. "May kaybigan na ako e, wala ng bakante."
"Bakit ba nandito ka?" Sunabat na si Eman.
"Ah, gusto ko kasing tignan kung ito parin yung bahay na tinirhan mo, tinirhan natin."
Talagang iniinis ako ng babaeng ito.
"Bago na mars kasi wala kana," nakangiti parin ako. "Magiging luma lang naman ito kapag bumalik ka pa."
"At least masaya, mas masaya sya dati kumpara ngayon." Inirapan ako nito. "Eman, babalik nalang ako kapag nakumpirma ko na." Sabi pa nya bago lumabas ng bahay.
Nakumpirma ang alin? Kinakabahan talaga ako sa kilos ng babaeng yun.
"May alam kaba sa sinasabi ni Monday? Nakausap kana ba nya?" Takang tanong ni Eman.
"Wala," patay malisang sagot ko.
"Sige, aalamin ko nalang. Huwag mo nalang pansinin yun titigil rin sya sa pag punta kapag na sigurado nyang ikaw na talaga ang mahal ko." Sabi pa ni Eman bago ako inalalayan paupo. "Bukas na bukas lang malalaman na ng lahat na ikakasal na tayo."
Ikakasal na kami?