CHAPTER 15
Hindi parin kami okay ni Jenny. Hindi naman simpleng bagay lang yung ginawa nya sakin, at oo sobrang sama ng loob ko. Hindi dahil sa 'di nakatuluyan si Dave, pero dahil sa kaybigan ko sya. Kaybigan ko na ginusto akong masira makuha lang ang gusto nya.
Tinatawagan nya ako kagabi pa nung umalis sila, pero hindi ko ito sinagot kahit isang beses. Pinatay ko rin ang phone ko wag lang akong matawagan ni Jenny o kahit ni Dave.
"Morning," he kissed me on my forehead. "Gala tayo? Sabi nila Papa marami raw pasayalan rito."
Ngumiti ako kay Eman. Komportable na pala sya sa pamilya ko, mabuti naman. "Sige, bihis lang ako." Tumayo na ako para mag hanap ng damit sa bag na dala ko.
Ang totoo wala talaga ako sa mood, pero hindi naman pwedeng ipakita ko kay Eman na may problema pa ako. Kaya naman hahayaan ko nalang muna na maging masaya ako kahit paano lalo na't kasama ko ang lalaking mahal ko.
"May problema ba sa suot ko?" Takang tanong ko ng mapansing tulala lang sya. "Pangit ba?" Tatalikod na sana ako parapalitan ng pigilan nya ako.
"Your so gorgeous," sambit nya.
Nahihiyang humawak ako sa pisnge ko dahil sa sinabi nya. "Bolero," bulong ko bago naunang lumabas sakanya.
Nahihiya akong ipakita na kinikilig ako dahil lang sa simpleng pagsasabi nya na maganda ako. Nakita ko si Mama na nag didilig ng halaman sa bakuran nya kaya lumapit ako rito.
"Ma, okay lang ba?"
"Aalis kayo? Oo, ayos lang." Sagot ni Mama.
"Maganda ba ako Ma?" Nag puppy eyes pa ako kay Mama.
"Tumigil ka nang bata ka, ingat kayo ha." Sabi pa ni Mama bago bumalik sa pagdidilig.
Kj ni Mama, kainis. Bakit si Eman sabi nya ang ganda ko daw? Ano si Eman lang ba may mata? Sya lang ba nakakakita ng ganda ko na hindi makita ng iba? Mama ko talaga unsupportive.
"Para sabihin ko sayo Ma, mana ako kay Papa. Kaya naman ako ang bumubuhat sa pamilya natin, ako ang pride nyo." Sabi ko sabay flip hair pa kay Mama.
Medyo lumakas loob ko kasi sabi ni Eman gorgeous daw ako eh.
"Sabing tumigil ka. Umalis kana nga," nayayamot na sabi ni Mama sabay irap pa.
Tahimik akong nakasakay sa motor habang katabi si Eman. "Dapat pala nag dala ako ng sasakyan," bulong pa nya.
"Bakit nga ba hindi natin ginamit sasakyan ni Papa?" Tanong ko rin.
Binaba kami sa park. Maganda yung park at hindi basta-basta kasi tanaw yung dagat. Kaya naman maraming turista ang nasa paligid.
"Ganda," bulong ko habang nakatanaw.
"Oo nga ang ganda." Napasulyap ako kay Eman na sakin pala nakatingin. "I love you Gem," sambit pa nya.
"Mahal din kita."
Hindi nya inalis ang titig nya sakin. "Pwede bang marinig pa ulit?" Request pa nya.
"Mahal rin kita Eman," pag-uulit ko.
"Hindi naman nakakabakla kung kikiligin ako diba?" Tanong pa nya bago ako yinakap.
Natawa naman ako sa reaction nya. Inaya nya muna akong maupo ng mapagod kami kakatanaw sa dagat. Naupo kami habang masayang hawak ang kamay ng isat-isa.
"Papa," umiiyak yung batang babae na lumapit samin. "Saan na papa ko? Nakita nyo po ba?"
Agad na kinarga sya ni Eman. "Bata tahan na," pinahid nya ang luha nito. "Ano bang pangalan ng Papa mo?" Tanong pa nya.
Nakamasid lang ako at hinayaan si Eman na kausapin yung bata. Napahimas ako sa tiyan ko. Sana ganyan rin sya sa magiging anak namin.
"Mahal, bantayan mo muna sya bibili lang ako ng ice cream."
Tumango ako at hinawakan yung batang babae. "Baby, stop crying na. Bibilhan ka ng asawa ko ng ice cream," ngumiti ako rito.
"Kasing ganda mo po ang mama ko." Sabi nito bago ako yinakap.
Gumanti ako ng yakap sa batang babae. "Alam mo sana kasing cute mo magiging baby namin." Pinisil ko ang pisnge ng batang babae dahil sa panggi-gigil ko.
"Opo!" Masayang wika nito.
Agad naman ng nakabili si Eman. "Hahanapin natin Mama at Papa mo kapag naubos mo na yang ice cream, okay ba?" Napatango yung bata sa sinabi ni Eman.
"Nina!" Umiiyak na lumapit yung babae samin. "Salamat po!" Niyakap nya yung batang babae sa sobrang tuwa. "Salamat po sainyo," sabi pa nya.
"Wala po yun," sagot ko.
Napatingin ako kay Eman na walang imik.
"Pre, salamat." Tatay nung bata. "Nasaan ba anak nyo ng makalaro nya naman ang anak namin," masayang tanong nung lalaki kay Eman.
"W-wala pa." Ako na ang sumagot.
"Bago palang kayo?" Tanong naman ng babae.
"Opo."
Nag paalam na sila samin. Si Eman wala paring kibo at parang wala sa mood. Hindi ko sya sinubukang kausapin kasi baka pagod lang sya dahil halos kalahating oras ang byahe patungo rito.
"Uwi na tayo," walang emosyong wika nya.
"Ha? Pero kararating lang natin diba? Sayang naman kung hindi natin mae-enjoy yung lugar."
"Satingin mo mag e-enjoy pa tayo? Ako yung may problema kaya hindi na magiging masaya 'to."
Kumunot ang nuo ko. "Ano bang problema mo?" Nayayamot na tanong ko.
"Itong sarili ko!" Napalakas ang boses nya. "Itong pagiging baog ko ang problema. Hindi kita mabibigyan ng pamilyang gusto mo," lumambot ang boses nya.
"Eman," akmang hahawakan ko ang kamay nya para iparamdam na okay lang. "Nandito naman ako e," may lungkot sa ngiti ko.
Gusto kong saksakin yung sarili ko ngayon. Hanggang ngayon hindi ko pa masabi sakanya. Nahihirapan sya dahil sakin rin. Hindi ko masabi yung totoo kasi iniisip ko na kapag sinabi ko, baka bumalik sya kay Monday. Si Monday na una naman talaga nyang minahal, baka mabalewala na ako. Kasi experiment lang naman ako sakanya. Kumbaga subok lang, tapos kapag nalaman nyang may nabuo at hindi talaga sya baog, baka kalimutan nya lahat at ituloy yung dapat na buhay nya kasama si Monday.
Hindi sapat yung salitang mahal nya ako. Para saking hindi sapat yun! Gusto ko yung sigurado na akong hindi nya ako iiwan. Hindi nya kami iiwan ng anak nya, para lang sa Monday na yun.
"Hindi kita iiwan," sambit ko habang yakap sya. "Baog ka man o hindi. Mananatili ako sa tabi mo depende nalang kung ayaw mo na talaga akong makasama, madali naman akong kausap."
"Gusto kitang makasama, mahal kita. Pero may pangarap rin naman ako para sating dalawa. Gusto ko sanang makabuo tayo kahit na isang dosena pang anak," malungkot na wika nya.
Mangyayari yun sa tamang panahon.
"Ipakilala mo ako sa lahat bilang asawa mo." Hamon ko sakanya.