Chapter 17

1237 Words
CHAPTER 17 "Sigurado kabang okay kalang dito?" Kanina pa ako tinatanong ni Eman kung sasama ba ako sa trabaho and i said no. Hindi naman ako ganun kadesperada na bantayan sya. Hindi rin ako selosa, dala lang ito ng pagbubuntis kaya gusto ko na sakin lang ang atensyo nya. "Aalis na ako," binigyan nya ako ng halik sa labi bago tuluyang lumabas. Kung sana ayos na kami ni Jenny, baka nandito na naman yun at sinasamahan ako. Binabalak ko rin sanang dumaan sa doctor ko ngayon. May schedule dapat ako sakanya, pero hindi natuloy kasi nga pumunta kaming probinsya nila Mama. Gusto ko man sanang may sumama sakin pero wala akong maisip na iba. Ayaw ko namang istorbohin pa yung dalawang kasama namin sa bahay para lang samahan ako. At isa pa, wala rin silang alam na buntis ako. Hanggang kaylan ko ba maitatago 'to? Lalaki ang tiyan ko kaya wala akong takas. Ngayon panga lang dumadagdag na ang timbang ko dahil sa pagiging matakaw ko. Mag i-isang buwan na 'to. Dalawang linggo lang kasi mula ng maitusok sakin ay nakompirma ko nang may nabuo dahil sa pag pe-pregnancy test namin ni Jenny. "Okay kalang ate?" Tanong ng dalagita ng mapansing matutumba ako. Agad nya akong nahawakan sa braso at inalalayan. Nag jeep lang kasi ako patungo sa hospital, at ng makababa ay bigla akong nakaramdam ng hilo. "Salamat," wika ko. "Saan po ba kayo? Papasok rin naman po ako ng hospital sumabay kana sakin." Nakangiting alok nito. "Sige, salamat ulit." Hawak parin nya ako sa braso para alalayan. "Dito nalang ako," ako na ang kumalas sa hawak nya. "Salamat ulit sayo." Sabi ko pa bago pumasok sa klinika ni Ms. Oreo. "Hi mommy!" Masiglang bati nito. "Hindi pa naman po," nahihiyang sabi ko. "Mommy kana kahit hindi pa sya lumalabas. Bakit nga pala hindi mo kasama si Husband? Ma'am wag natin uugaliing mag isa lang. Kasi alam naman natin na sa buntis normal ang nahihilo, baka po bigla nalang kayong bumagsak delikado po." Pangaral sakin nito na hindi ko naman tinutulan. "Yes po, may work lang kasi." Palusot ko. "May mga vitamins po akong ibibigay para sainyo ni Baby, pero babalik ka po sakin para makita si baby kapag four months na ang tiyan mo. Syempre, regular ang check mo sakin tulad ng nasa schedule natin para po mamonitor si baby, okay po ba mommy?" Ngumiti ako at tumango. Ang sarap sa pakiradam na matawag akong mommy. I'm sure na pati si Emanuel maiiyak sa tuwa kapag nalaman na nya ang totoo. Lumabas na ako sa hospital. Mabilis lang ang check up, at hindi rin naman ako pwedeng mag tagal. Bigla nalang kasing umuuwi si Eman kapag ginusto nya akong makita. "Monday?" Napangisi sya at nag alis ng sun glasses. "Yup, why?" Mataray na tanong nito. "Wala, hindi ka naman siguro buntis diba?" Tanong ko pa. Sumama ang mukha nito sa tanong ko. "E, ano naman sayo?!" Galit na bulyaw nya sakin. "Kalma lang," ngumiti ako sakanya bago sya nilampasan. "Hindi porket buntis ka e, panalo kana." Walang emosyong wika nito kaya napatigil ako sa paglalakad. "Kahit hindi ako lumaban panalo na ako." Matapang na sagot ko. "Mahal ko sya," gumaralgal ang boses ni Monday. "Late kana ako na ang mahal nya," tanging sabi ko. "Ibalik mo sya! Sakin naman talaga sya eh! Parang awa mo na wag mo syang kunin sakin!" Lumuhod sya sa harapan ko. Lahat ng tao samin nakatingin. Sino ba namang hindi makikimatites e, modelo yung nag mamakaawa sa harapan ko ngayon. "Hindi ko sya kinuha sayo tandaan mo yan," madiing wika ko. "Ikaw ang umalis sa buhay nya. Ikaw ang umiwan sa buhay na dapat bubuuin nyo, pero ano? Umalis ka at pinili ang kinang na meron ka. Ginamit mo sya para sumikat ka, at pagkatapos mong mag ningning sa naman ang nawalan ng liwanag. Pinaramdam mo sakanya na sya na yung pinakainutil na lalaki kasi dahil baog sya? Ngayon magsisi ka, manigas ka. Lumuha ka man ng dugo hinding-hindi ako papayag na makuha mo sya." "Fine!" Pagak na tumawa si Monday. "Pinipilit mo akong maging demonyo, sige ibibigay ko." Hindi na ako sumagot, iniwan ko na sya at hindi na nilingon pa. "Anong ginagawa mo rito?" Walang emosyong tanong ko ng madatnan si Jenny na nakatayo sa labas ng bahay. "Bess wag naman ganito." Luhaan sya at halos maga na ang mata. Hinawakan nya ako sa kamay at mahinang umiyak. "Sabihin mong hindi mo parin tinatapon friendship natin. Bess, gagawin ko lahat!" "Jenny, ang sama-sama ng loob ko. Hindi dahil sa naging kayo ni Dave, pero dahil sa paghahangad mo na masira ako. Ako na kaybigan mo! Sana man lang inisip mo na kaybigan mo ako Jenny." "I know, and i'm so sorry." Mahigpit nya akong niyakap. Gumanti ako ng yakap sakanya. "Pasalamat ka at minahal ko yung taong sinet-up mo sakin." Napangiti ako at pinahid ang luha nya. "Tumahan kana, para kang batang iyak ng iyak." Masaya kaming nag kaayos ni Jenny. Parehas naming hindi matiis ang isat-isa. Bata palang kami kambal na ang tawag samin ng iba dahil sa hindi kami mapag hiwalay na mag kaybigan. Tinuring ko na syang kapatid at hindi iba samin ng pamilya ko kaya nga ganun nalang ang sakit na naramdaman ko sa ginawa nya. Pero sabi nga, tao lang tayo. Lahat tayo may nagagawang kamalian dahil sa dala ng ibat-ibang paniniwala, kaisipan at rason. "Kamusta naman kayo ni Dave?" "Nagalit rin sya sakin eh," malungkot na sagot ni jenny. "Kahit naman ako nasa kalagayan ni Dave magagalit din ako." Sagot ko bago uminom ng juice na pinatimpla ko. "Pero okay na kayo?" Tanong ko pa. "Parang oo na parang hindi." Maging sya hindi sigurado sa sagot nya kaya natawa ako. "Suyuin mo na kasi. Pare-parehas lang ang mga lalaki gustong nilalambing sila. Baby damulag, at sobrang matampuhin, parang si Eman lang." "Alam na ba nya? Sinabi mo na ba?" Ito naman kami sa tanong na 'to. "Obvious namang hindi pa so, kelan mo balak sabihin? Kapag lumobo na tiyan mo? O baka naman may idadahilan ka pa?" Mahinang tumawa si Jenny bago ulit nagsalita. "Sasabihin mo nakalunok kalang ng pakwan," panunukso pa nito. "Sasabihin ko rin naman, pero hindi pa ngayon." Inis na sagot ko. "Bess, mahirap maunahan baka mas mahirapan ka. Ikaw lang inaalala ko. Lalo na ngayong nandito na si Monday? Panigurado lilingkis sa relasyon nyo yan." Agad akong nag dial ng number ni Eman. Mabilis naman nya itong sinagot kaya napatahimik ang utak kong malapit ng sumabog dahil sa pag o-over think. Gagang Jenny kasi 'to sulsol masyado kung ano-ano tuloy pumapasok sa isip ko. "Yes, mahal?" "Ah, nasaan ka?" Agad na tanong ko. "Sa work, why? May problema ba sa bahay?" May pag-aalala sa boses nito. "Wala naman," bumuntong hininga ako. "Are you sure nasa work ka? Sinong kasama mo?" Tanong ko pa. "Hey, may proble--" Hindi ko sya pinatos sa sasabihin nya. "Tinatanong ko kung sino kasama mo." Naiiritang wika ko. "Nasa banyo ako mahal," biglang nahiya yung boses nya. "Isend mo picture mo sakin. Gusto ko pati kubeta kasama," yamot na utos ko. "What the? Fine." Suko na yata itong makipag talo sakin kaya napangiti ako. "Gusto ko pati yung pupu mo may litrato rin ha, sige i love you." Malambing na sabi ko bago pinatay ang tawag. "Punyeta Bess, ano yun?" Hindi ko pinansin si Jenny. Kasalanan nya ito pinag over think nya ako eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD