CHAPTER 14
"Wala ka parin bang balak sabihin sakanya?" Tanong ni Jenny nang tabihan ako. Kadarating lang nila. Oo, kasama nya si Dave. Kaya si Eman tuloy grabe na naman ang galit at selos, at hindi na naman kami okay.
"Meron naman na, pero humahanap pa ako ng tamang tiyempo." Sagot ko habang nakatingin sa kawalan.
Iniisip ko ngayon palang na kapag sinabi ko sakanya, baka pati pamilya ko mabigla sa kasinungalingan ko. Ang buong akala nila Mama at Papa ay nabuntis ako ni Eman hindi dahil sa itinurok lang sakin ang Sperm nya, o maling naiturok. Si Eman naman, hanggang ngayon ang buong akala nya'y baog talaga sya.
"Saan ba ako dapat magsimula bess?" Naluluhang tanong ko.
Bumuntong hininga 'to bago ako hinawakan sa balikat. "Sa pagsasabi ng totoo bess."
Napatango ako habang lumuluha. "How? Paano nalang kapag mali pala ang inaasahan ko na mangyayari kapag sinabi ko? Paano kapag nagalit sya at ilayo ang anak ko?" Natatakot na tanong ko.
Mahigpit nya akong yinakap. "Mahal ka nya, at hindi magagawa ang iniisip mo. Oo masasaktan mo sila pero worth it naman bess," paliwanag ni Jenny.
Mapait akong ngumiti bago nagpahid ng luha. Hindi parin maalis ang kaba sa dibdib ko. "Si Dave ba? Mahal mo pa ba sya?" Napatitig ako kay Jenny.
Alam ko sa sarili ko na hindi ko na sya mahal. Dahil si Eman na ngayon ang tinitibok ng puso ko.
Oo, gusto ko na si Eman. Sadyang natatakot lang akong aminin sakanya kasi baka hindi maging maganda ang pagsasama namin, pero sa nakikita at nararamdaman ko. Masaya akong kasama sya, at mas magiging masaya pa kapag lumabas na si Baby.
"Hindi na." Sagot ko na pakiramdam ko'y nakapag pagaan sa loob nya.
Iniwan nya ako sandali para raw kausapin si Dave. Pumayag naman ako at sandali paring nanatili sa pagiging tulala. Hindi nag tagal ay tumayo na ako at sinundan si Jenny ng iba ang madatnan ko.
Nakita ko sila sa pwestong magkayakap. Ang bestfriend ko, at ang dati kung minahal magka-yakap ngayon.
Sila ba? I mean, wala namang masama. Hindi ko naman na mahal si Dave pero parang ang tanga ko lang sa part na sila na pala wala pa akong alam? Kaylan pa?
"Gem," bigkas ni Jenny sa pangalan ko ng mapansin nila ako. "Wala lang 'to bess." Depensa pa nya na mas nakapagpakirot sakin.
"Kaylan pa? Dave? Bess?" Takang tanong ko.
Napailing si Jenny habang lumuluha. "I'm sorry," nanginginig ang boses na sabi nya bago sumubok na lumapit sakin at akmang luluhod.
"Don't you dare Jenny Mandrigal!" Galit na saway ko. "Tinatanong ko kung kaylan pa? Bakit natatakot kayo? Bakit nag so-sory ka? Wala namang masama bess." Umiiyak na wika ko.
"Simula ng makilala natin sya," umiiyak na sagot ni Jenny. "Pero bess, I swear na hindi ako sumalo sainyo. Nitong nakaraang linggo lang rin ng maging kami, bess naman maniwala ka." Paliwanag pa nya.
Napatango ako bago nagpahid ng luha. "Ano pa? Ano pang hindi ko alam? Walang imik si Dave. "My gosh! Bestfriend mo ako Jenny! Sa tingin mo ba babalewalain ko yang nararamdaman mo?! Sana sinabi mo! Paano ako makikinig sa payo mo ngayon na mag sabi ng totoo sakanila kung ikaw mismo na kaybigan ko hindi naging totoo sakin, at sa nararamdaman mo?" May hinanakit na tanong ko.
Tuluyan na itong napaluhod. "Jenny," tawag ni Dave at akma sya nitong itatayo.
"Please w-wag. Hayaan mo lang ako." Saway nya rito mabilis namang sumunod si Dave.
Mariin akong napapikit sa sobrang sama ng loob ko. "Bess, may malaki akong kasalanan sayo." Napahagulhol pa lalo ito.
May iba pa? "Sabihin mo," walang emosyong wika ko.
"Ako ang may kasalanan kung bakit ka naturukan ng Sperm ni Eman." Nanlaki ang mata naming dalawa ni Dave sa sinabi ni Jenny.
"W-what?" Si Dave.
"Hindi magandang biro yan, tumayo kana bilisan mo," utos ko.
Umiling sya. "Patawarin mo ako Gemini, pero dahil sa pagmamahal ko kay Dave ginusto ko na magalit sya sayo. Nandun ako sa Hospital, sumunod ako sayo. Binayaran ko yung Nurse para sayo iturok." Napaawang ang labi ko habang patuloy sa pagdaloy ang luha ko. "Ilang buwan ko itong plinano at hinanapan ka ng kapangalan mo maisagawa lang yun. Pakiusap wag mo namang itapon ang pagkakaybigan natin."
Mapait akong ngumiti sakanya. "Hindi ko naman itinapon Jenny. Kasi sinira mo," sagot ko bago sya inalalayang tumayo. "Umalis na kayo." Pinilit pa akong yakapin nito pero kumalas ako. "Akala ko ako na ang pinaka-masama at sinungaling na tao, pero mas matindi ka pala."
Tumalikod na ako sakanila at lumakad pabalik sa loob. Dumiretso ako sa kwarto at dun humagulhol. Bakit nya nagawa sakin 'to? Plano lang pala nya ang lahat para sirain ako.
Bakit Jenny? Nakakasama lang ng loob. Paano nalang pala kung hindi kay Eman ang Sperm? Nagawa nya sakin yun? Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng tao e, sya pa talaga na kaybigan ko.
"Are you crying?" Kaagad akong nagpahid ng luha at inayos ang sarili ko.
"I'm just happy." Pagsisinungaling ko bago naglagay ng pilit na ngiti sa labi ko.
"Matagal narin naman tayong magkakilala at magkasama. Kahit paano ay kilala na kita. Ano ba talagang problema mahal ha?" Nag-aalalang tanong nito.
"Nag-away kami ni Jenny."
"Why? Sinaktan kaba nya?" Agad na tanong nito.
Oo, sobra. Not physically but emotionally.
Bumuntong hininga ako at sinubukang ikalma ang sarili ko. "Simpleng away lang naman." Mukang kumbinsido naman sya kaya yinakap nalang nya ako.
"I'm sure na magkakabati rin kayo. Kahit anong away pa yan. Bestfriend mo parin naman sya, at ganun rin sya." Payo ni Eman habang mahipit akong yakap.
Sana nga. What if, sa mga nasabi ko lumayo na sya? Well, wala eh. May mga tao talaga tayong pinagkakatiwalaan ng lubos. Akala natin solid, pero sila rin pala ang gagawa ng malaking pagkasira satin.
Tao lang naman tayo nagkakamali, pero sana tanggapin nya na mali talaga sya.
"Umalis na ba sila?" Tanong ko.
Tumango si Eman. "Iyak nga ng iyak si Jenny, at pati sakin nag sorry pa. Kaya nalaman ko na baka hindi kayo okay na dalawa." Inabot ko yung tissue at pinasak sa ilong ko habang nagpupunas ng luha. "Tahan na mahal. Mauubos na luha mo nyan eh." Biro pa nya pero tuloy lang ako sa pag-iyak.
"Gusto mo patawanin kita?"
"Okay na ako sa pag-iyak Eman." Sagot ko habang tulo parin ng tulo ang luha ko.
"May matandang babae na tumatawid. Huminto sya kasi pinauna nya yung langgam." Seryosong kwento nya. Isang minuto na hindi parin nya dinudugtungan kwento nya.
"Ano pa? Bakit ang tag--" Kaagad nya akong pinutol.
"Mahal, tumatawid pa yung langgam eh." Natatawang sabi nya.
Sinamaan ko sya ng tingin. "Lalabas ka o sa labas ka talaga matutulog mamaya?" Seryosong tanong ko.
"Ayon nga mahal, yung langgam kumaripas ng takbo. Kaya nakatawid na yung matandang babae."
Tumayo ako at binuksan ang pinto. "Bibilang ako ng lima dapat nakalabas kana," walang emosyong wika ko.
Ito nama'y parang wala lang sakanya. Nahiga pa nga sya sa kama.
"Isa, dalawa, tat--" Pinutol nya ako sa pagbibilang.
"I love you!" Sigaw nya bago tumakbo palabas ng kwarto ko.
Napailing na lamang ako. Bumalik ako sa kama at mariing pumikit, baka sakaling kapag itinulog ko 'to. Magising na ako sa bangungot na kinalalagyan ko ngayon. Bangungot na ibinigay ni Jenny sakin, at sakabilang banda. Ang pinakamagandang nangyari lang ay nasa tabi ko si Eman. Kahit paano nandyan sya para alalayan ako.