CHAPTER 19
"Saan ba punta natin?" Kanina pa kasi sya nagmamadali at sabi nya mag bihis daw ako. Hindi nga sya pumasok sa work ngayon eh. Hindi naman nya sinasabi dahilan sakin kung bakit nya ako pinag-aayos. Medyo naiirita ako sakanya, ewan ko ba pero lagi nalang akong naiirita sakanya.
"Aano ba kasi tayo?" Ulit na tanong ko ng wala parin syang sagot.
"Surprise kasi 'to hindi ko pwedeng sabihin." Ngumiti sya sakin at hinagkan ako sa labi bago hinawakan ang kamay ko. "Ayaw ko lang na kabahan ka." Dagdag pa nya na mas nakapagpa kaba talaga sakin.
"Kinakabahan ka parin kahit hindi ko sinabi kung saan tayo pupunta," basag nya sa katahimikang namayani samin sa loob ng sasakyan. Kanina ko pa sya napapansin na pasulyap-sulyap sakin kahit na nagmamaneho sya.
"Kasi naman baka isa-salvage mo na pala ako hindi ko pa alam," pagbibiro ko pa.
"Bakit ko naman gagawin yun sa taong mahal ko?" Seryosong tanong nya.
"Hindi kana mabiro," natatawang wika ko.
"Ipakikilala na kita sa pamilya ko."
"Ano?!" Gulat na tanong ko.
Sa sigaw ko ay nagulat rin yata sya kaya agad nyang natapakan ng preno kaya muntik na akong mauntog. Mabuti nalang nakaseatbelt ako, muntik na.
"Why? Akala ko ba gusto mong malaman ng lahat na mahal kita at totoong tayo na."
Oo nga sinabi ko yun, pero sana naman sinabihan man lang nya ako para naman nakapag suot ako ng mas maayos.
"Hindi naman sa ayaw ko pero kasi yung suot ko hindi maayos," inis na paliwanag ko.
"Anong mali sa suot mo? Maayos naman yan, at maganda ka na. Hindi mo na kaylangan mag kolorete o mag suot ng sexy dress para lang masabing maganda. Kasi kahit anong suot mo kahit nga wala kang saplot sobrang ganda mo." Kumindat pa sya sakin.
Ang bastos naman ni Eman.
"Binobola mo lang ako," inirapan ko sya.
Gusto lang nyang makascore sakin mamayang gabi. Alam ko na style ni Eman kahit paano naman ay kilala ko na sya pati mga hobby nya at favorite dish nya. Iisang bubong lang naman ang tinitirhan namin paanong hindi ko malalaman.
Hawak kamay kaming pumasok ni Eman sa isang malaking bahay. Impyernes sa angkan nila, mayaman na talaga. Pinanganak syang may gintong kutsara sa bibig ayaw lang nyang ipagmayabang, pero totoong ubod sila ng yaman. Kaya hindi narin nakakapag taka kung bakit binabalikbalikan sya ni Monday. Para kasing palaos na si Monday at para kuminang ulit ay kakapit na naman sya sa pangalan ni Emanuel.
Kaya kasi ni Emanuel na bigyan sya ng mga endorsment, project at kung ano-ano pa dahil sa connection na meron ito.
"Mom," niyakap nya ng mahigpit ang babaeng elegante sa pananamit at kilos palang. May edad na ito ngunit ubod parin ng ganda lalo na nung ngumiti sya sakin.
"Good to see you son," wika pa nito kay Eman.
"Mom, this is Gemini." Pakilala nya sakin bago ngumiti ng masulyapan ako. Agad naman akong ngumiti sa ginang at akmang makikipag shake hands ng yakap ang ibigay nya.
"Nice to meet you iha." Sobrang saya ng pakiramdam ko at yung kaba ko nawala ng malamang hindi naman pala masungit ang Mom ni Eman.
"Sabi ko naman sayo wala kang dapat ikabahala," bulong pa ni Eman.
"So, when is the wedding?" Tanong ng lalaking may edad narin na bigla nalang sumulpot.
"Dad!" Nakipag fist bump pa si Eman at kita ko sa mata, sa ngiti at sa galaw nya na masayang-masaya sya.
Nag paalam muna ako kay Eman na mag babanyo lang. Ihing-ihi na kasi ako kanina pa. Hindi naman ako makapag paalam kanina kasi binibida pa nya ako sa mga kamag-anak nya.
"Buti may pumatol pa kay Emanuel?"
Hindi muna ako umalis sa pagkakaupo ko sa inidoro ng marinig ko ang sinabi nung babae.
"Oo nga, baog kasi sya diba?"
Kinuyom ko ang kamao ko bago nag desisyong lumabas na. Matalim akong tumitig sa dalawang babae na nag ma-marites dito sa party na hinanda ng family nila Eman, para saming dalawa.
"Doctor kaba?" Mataray na tanong ko.
"What?" Mataray rin na tanong nya.
"Tinatanong ko kung Doctor ka, pero mukang hindi kasi tanga ka." Inirapan ko sya bago tumingin naman sa isa pa nyang kasama. "Hindi bagay sayo make-up mo ang pangit. Kasing pangit ng pag-uugali mo," lalagpasan ko na sana sila ng may makalimutan pa pala akong sabihin.
"Hindi nyo nga pala alam noh? Buntis ako, isang buwan na. Kaya paano mong nalaman na baog si Emanuel kung hindi ka naman Doctor?" Binangga ko yung nag sabing baog si Eman bago tuluyang lumabas ng banyo.
"Ayos kalang?" Puna ni Eman ng makalapit ako sakanya.
Namumula kasi ako sa galit dahil sa narinig kong pinagchi-chismisan sya ng dalawang babae na yun sa banyo.
"Oo naman," pagsisinungaling ko bago nilagyan ng ngiti ang labi ko. "Umiinom kaba? Sige, ako nalang mag da-drive mamaya pauwi." Sabi ko pa.
"No," mabilis na sagot nya. "Hindi ako iinom at ayaw kitang mapagod kasi papagurin kita sa ibang bagay," nagawi ang tingin nya sa katawan ko.
Luminga-linga ako bago sya kinurot sa tagiliran. "Baliw," natatawang sabi ko bago tumingin dun sa mga pagkain. Gusto kong kumain ng marami, baka gutom na si baby.
"Mamaya na," pigil nya sakin ng dadampot na ako ng cookies.
"Pero gutom na ako," nakasibangot na sagot ko.
Napakamot sya sa ulo bago dumampot ng isa at inabot sakin. "Kain kalang hayaan mo lang ako, basta isang sagot lang gusto kong marinig." Sabi pa nya bago lumuhod.
Kumagat ako ng cookies habang litong nakatingin sakanya. Rinig ko ang tawanan ng iba marahil dahil sa itsura ko na kumakain pa ng cookies, gutom na talaga kasi kami ni baby eh.
"Will you--"
"Wait lang, ubos na cookies ko pahingi pa ng isa." Nahihiyang utos ko kay Eman na agad namang sinunod.
"Pwede na ba mahal?" Tanong pa ni Eman na pigil ang tawa nya.
"Oo pwede na," sagot ko bago kumagat sa cookies. Ang sarap pala nito, sakto lang yung tamis nya at sobrang sarap ng chocolate flavor.
"Ang cute mo," kumindat sya sakin bago may nilabas na box. "Will you marry me?"
Sa gulat ay naisubo ko yung isang buong cookies. Tawanan naman ang mga tao kaya natawa narin ako.
"Haiamwowvwueueyes," wika ko pero hindi maintindihan dahil puno ang bibig ko.
Agad na kumuha ng tubig si Eman at pinainom sakin. "Dahan-dahan lang kasi mabubulunan ka pa eh." Nag-aalalang sabi nya sakin.
"Sabi ko papakasalan kita kaya yes ang sagot ko," mabilis na sagot ko ng makainom ako ng tubig.
Mahina syang napamura bago nanginginig na sinuot sakin ang singsing. "Thank you," sambit nya.
Nag palakpakan ang mga bisita at pamilya nya. Linapit ko ang bibig ko sa tenga ni Eman at bumulong. "Penge pa ng cookies," hingi ko bago pasimpleng tinuro yung cookies na kahanay ng mga pagkain.
A/N : Cookies is life ?