Chapter 18

1091 Words
CHAPTER 18 Masaya akong nagluluto para kapag uwi ni Eman ay kakain nalang kami. Hindi ko pinagluto yung dalawang kasama ko sa bahay kasi gusto ko ako naman ang mag luto para sakanya. "Mukang good mood po yata kayo ah?" Napangiti ako kay Lita. "Oo, halata ba?" "Naku madam! Tiyak na masarap ang luto mo dahil sa puno ka ng pagmamahal ngayong araw," segunda pa ni Sam. Mas lalo tuloy akong nasiyahan. "Sige nga, tikman mo nga ang adobong luto ko." Inabot ko ang kutsarita sakanya upang gamitin nya pansalok ng sabaw ng adobo. "Sige po," masayang sabi pa ni Sam. Hinintay ko ang sasabihin nya ng matikman ang luto ko. Umiba ang itsura ni Sam at parang natuod sa kinatatayuan nya. "Ayos kalang?" Nag-aalalang tanong ko. "Nahihilo ako," bulong pa ni Sam bago tumakbo ng lababo. Anong nangyare? "Patikim nga po," si Lita bago tumikim rin. "Adobong asin po ba ito?" Bigla rin itong napatakbo sa lababo. "Ha?" Wala parin akong idea sa sinasabi nila. "Hindi ba masarap?" Malungkot na tanong ko. "M-masarap," hirap na sagot ni Lita bago siniko si Sam. "Oo nga po madam, masarap naman." Napangiti ako bago tinuloy ang paghahalo. "Excited na akong mapatikim kay Emanuel ang luto ko." Masayang wika ko bago sinabayan pa ng pagkanta ang paghahalo ko. "Sana lang po hindi madamage bato nya," bulong pa ni Sam na narinig ko naman. "Bato ni Eman, bakit?" "Ah, wala po. Kasi diba po mahilig uminom si sir Eman? Baka lang po may makuha syang sakit sa labis na pag iinom." Paliwanag nito. "Oo nga iniisip ko rin yan Sam at Lita, pero nangako naman na sya sakin na ititigil na nya ang labis na pag iinom. Salamat sa pag-aalala," ngumiti ako at pinatay na ang gasul. "Luto na!" Napapalakpak pa ako sa tuwa. Miss ko na agad si Eman. Naiinip na ako kakahintay sakanya, gusto ko sya tawagan. Kaya lang baka may mahalaga syang ginagawa maistorbo ko pa. Hinimas ko ang tiyan ko at napangiti. "Anak," bulong ko. "Ito ang unang luto ko na matitikman ng Daddy mo. Anak nag effort ako rito kahit na hindi ganun kagaling si Mommy mag luto." Pag kausap ko sakanya. Hindi na ako nakatiis kaya tumawag na ako. "Nasaan kana?" May lungkot sa boses ko. "Miss na kita," paglalambing ko pa bago napahagikhik. "I miss you too mahal," sagot naman nya sa kabilang linya. "Pauwi na ako don't worry," dagdag pa nya. "Sasamahan mo ba ako?" Rinig ko na tanong ng babae sa kabilang linya. Si Monday ba yun? Bakit nasa opisina sya ni Eman? Marami na namang pumasok sa isipan ko. "Bakit nandyan sya?" Walang emosyong tanong ko. Nasira bigla yung mood ko dahil sa babaeng yun. Ang bilis nag bago ng mood ko, at nawalan na ako ng ganang hintayin sya sa hapag kainan. "I'm on my way." Binaba na nya ang tawag at hindi man lang ako sinagot sa tanong ko. Namalayan ko nalang pala na nakatulog akong nakadukdok sa hapag kainan ng may tumapik sakin. "Hey," mahinahong sabi nya. Napaupo sya sa tabi ko habang ako walang imik. Kahit nakaidlip ako malinaw parin sa utak ko na kasama nya si Monday sa office. Bakit sila mag kasama? Bakit pa? Wala na sila, tapos na, break na. Kapag ang mag ex nag sama may something yun. Baka may benifits, o mag kakambak sila ng hindi ko alam at mabubulaga nalang ako? Abah, hindi naman pwede yun. "Mahal," hinawakan nya ang kamay ko. "Hindi ako mag mamalinis sayo. Pumunta si Monday sa opisina para makipag balikan," sabi nya habang nakatitig sakin. "Anong sabi mo?" Agad na tanong ko. "Bakit mo pa itinatanong kung alam mo naman na ang sagot?" Alam ko ang sagot? "Kanino ba ako umuwi? Kanino ba ako na nanatili?" Tanong pa nya. "Sakin," nahihiyang sagot ko habang nakayuko. Masuyo nyang inangat ang baba ko. "Hindi mo kaylangang mag alala Demdem," hinaplos nya ang pisnge ko. "Sayong-sayo na ako." Napangiti ako sa sinabi nya. "Pinagluto kita ng adobo," sinandukan ko sya ng kanin at nilagyan ng ulam sa plate nya. Mangha syang napatitig sa niluto ko. "Paniguradong masarap ang luto mo mahal," sambit pa nya. Tumango ako bago sya pinag masdan na isubo ang adobo. Ilang sandali pa ay sumama ang mukha nya sa bawat pag nguya na ginagawa nya. Ganito rin itsura nilaLita at Sam kanina e, bakit kaya? Kahit kasi ako ang nag luto hindi ko tinikaman ang luto ko. Kinakabahan kasi ako na baka hindi okay yung panlasa ko kaya sa iba ko pinatikim. Kinuha ko yung tinidor nya at tumusok ng isa. Hindi ko pa man din nangunguya ay nalasahan ko na agad ang alat nito. Agad akong kumuha ng tissue at niluwa yung nasa bibig ko. "Iluwa mo na yan mahal," utos ko. Sobrang alat pala ng luto ko. Kaya pala ganun nalang itsura nila Sam at Lita kanina hindi lang nila masabi kasi ayaw nilang masaktan ang damdamin ko. "Masarap naman eh." Kumuha pa si Eman at simahan ng kanin. Napatitig ako sakanya na nagawa pang ngumiti habang kinakain ang maalat na adobong niluto ko. "Iba talaga luto mo, unique." Dagdag pa nya. Napaiwas ako ng tingin para hindi ipahalata ang nangingilid kong luha. "Gago ka talaga," sambit ko pa. "Kahit anong luto basta ikaw ang gumawa kakainin ko." "Ayaw mo lang akong masaktan e," inis na sabi ko. "Masarap naman talaga hindi lang nila malasahan ng maganda kasi mahilig sila sa matamis," depensa pa ni Eman. "Tigilan mo na yan baka masira na yang bato mo." Akmang aalsin ko na yung adobong nasa mangkok ng sawayin nya ako at maunahang kunin yun. "Uubusin ko wag ka ngang ganyan. Kumakain yung tao e," wika pa nya bago sumubo ng madami. "Masyado mong pinapalaki ang ulo ko. Spoiled ako masyado sayo Eman," sabi ko pa. "E, ano naman? Gusto ko kasi nga baby kita." Ngumiti sya sakin. "Baby?" Tumaas ang kilay ko. "Sino si baby? E, mahal tawag mo sakin ah? Niloloko mo ba ako? May iba kana ba? Iiwan mo na ba ako? Sabihin mo lang sakin." "F*ck," mahinang bulong nito. "Ikaw lang rin yun ano kaba naman Demdem, parang ang sensitive mo yata ngayon?" "Tapos ngayon Demdem na tawag mo sakin? Ako pa sensitive? Kainis ka," tunayo ako at iniwan syang kumakain. "Susuyuin kita pag katapos kong ubusin 'tong adobong asin mo!" Rinig ko pa na sigaw ni Eman na mas kinainis ko. Sabi nya masarap daw, tapos ngayon nilalait na nya. A/N : Adobong asin amfota HAHAHAHAHA. Demdem napakaselosa gaga talaga, tas hindi pa umaamin nyahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD