Chapter 20

1118 Words
CHAPTER 20 Gusto ko ng sabihin. Gusto ko ng umamin, sigurado na ako. Ayaw ko na maunahan pa ako ng kahit na sino kaya naman gusto ko ng sabihin sakanya at malaman nya na buntis ako. Hindi sya baog, ano kayang magiging reaction nya? Alam ko magagalit sya pero maiintindihan ko yun. "Pagod ka?" Umunan ako sa braso nya bago sumagot sa tanong nya. "Hindi naman ako napapagod basta ikaw ang kasama, mahal." "Ang sweet mo," binigyan nya ako ng halik sa pisnge bago tumingala ulit. "Wala man tayong maging anak magiging masaya ka parin ba?" Nalungkot ang tono ni Eman. Hindi ko pinahalata na nasasaktan ako sa tuwing iisipin nyang baog sya, inutil at walang silbing lalaki. Para sakin kahit na naging totoong baog nga sya, mamahalin ko parin sya. "Masayang-masaya ako Emanuel," sambit ko. "May regalo ako sayo bukas, pero dapat i-date mo ako. Alam mo ba yung park na una mo akong nakitang umiiyak?" Tanong ko. Saglit syang napaisip. "Sa meeting place nyo ni Dave? Bakit naman dun pa?" Yamot na tanong nya kaya lihim akong natawa. Selosa ako pero mas seloso pala sya. Well, parehas lang naman kaming pinagseselosan lahat. Balak kasing dun aminin ang lahat sakanya sa tulong narin ni Dave at Jenny. Sinabi ko na sa sarili ko na tanggap ko kung magagalit sya, pero kahit paano naman siguro hindi nya maiisip na iwan ako. Nakakatakot, pero kaylangan ko nang maging totoo sakanya kung gusto ko na walang maging problema. Lalo na at nalalapit na ang kasal namin. Napatitig ako sa singsing na isinuot nya sa kamay ko kanina. Maganda, gusto ko maiyak kanina pero mas natutuon sa cookies yung atensyon ko. Ang sarap kasi e, at pakiramdam ko gusto rin ni baby. "Anong oras ba uwi mo bukas?" Tanong ko ng mapansing natahimik sya. "Huwag mong isipin na may feelings pa ako kay Dave kaya dun ko gustong mag date tayo. Basta bukas dun ka dumeretso pag labas mo ng work, hihintayin kita." Bilin ko pa. "Oo naman darating ako," hinaplos nya ang mukha ko bago ako mahigpit na niyakap. Maaga akong nagising para sabayang kumain si Eman ng almusal. Lately, hindi ako makasabay sakanya kasi sobrang inaantok pa ako at tinatamad bumangon ng maaga kahit na hindi naman ako puyat. Mabuti nalang walang nakakahalata na naglilihi na ako. "Aalis ka ate?" Tanong ni Lita ng makitang bihis na bihis ako. "Ang ganda ni Madam!" Puri pa ni Sam na mas nakapag paganda ng mood ko. "May date kami ni sir Eman nyo," kinikilig na sagot ko. "Pero mamaya pa yun, aalis lang ako kasi may usapan kami ng kaybigan ko so, kayo muna bahala sa bahay. Pahinga muna kayo, enjoy nyo rin sarili nyo." Narinig ko na ang busina ng kotse ni Jenny kaya naman lumabas na ako. "Bagal mo," yamot na bungad ni nito sakin habang nakapamewang."Oh," inabot nya sakin yung topperware. Oo nga pala nakiusap ako na hanapan nya ako ng masarap na cookies. Gusto ko bake talaga ayaw ko ng bibilhin nya sa store. Agad ko itong binuksan at tinikman. "Ang sarap nito, salamat tita ninang." Pumasok na ako sa kotse. Sabi nya kasi tita ninang daw sya, at dapat una sya sa listahan. Wala akong magagawa kaybigan ko eh. Masaya akong kumakain ng cookies ng ma-alala si Dave. "Nasaan jowa mo?" "Nasa venue na sineset-up yung design. Impyernes sayo inday ha! May pa arkila ka pa ng buong park para lang masabi na juntis ka at hindi sya baog. So, anong nakalagay sa tarpulin? Congrats daddy kana hindi ka baog, ganern ba?" Napasibangot ako kay Jenny. "Shunga, hindi naman ganun. Simple lang aamin ako tapos ilaladlad nyo yung tarpulin na pinagawa pa natin ng seven hundred pesos sa computer shop. Nakalagay lang dun is, congrats daddy Emanuel." Paliwanag ko. "Si Dave kaya kelan luluhod sa harapan ko? Panay nalang kasi ako ang lumuluhod sakanya," inis na sabi pa nito. "Bastos mo!" "Makabastos ka naman sakin parang hindi mo ginawa kay Emanuel," pang-aasar nito. "Private nalang sana," depensa ko. "Hindi na uso yan girl. Sekreto mo alam ko, at sekreto ko alam mo para naman patas lang. Para saan pa't naging mag kaybigan tayo diba?" Napailing na lamang ako. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa park. Maganda yung mga design, at nasunod yung utos ko. "Salamat sainyo!" Niyakap ko silang dalawa. "Ingatan mo kaybigan ko Dave, sasapakin kita kapag umiyak yan." Banta ko bago naupo sa mismong pwesto namin ni Dave ng magkita kami rito para ipaliwanag sakanya na aksidente lang ang lahat. Pero sobrang mapagbiro ang tadhana. Nandito na naman kami pero hindi na para sakanya, pero para na sa ama ng batang dinadala ko sa sinapupunan ko. At ang naging kupido naming dalawa ay ang mismong kaybigan ko. Naisip ko na nakatadhana na ang mga bagay na mangyari. Ayaw man natin wala tayong magagawa para pigilan yun, tulad nalang ni Pedro sa bible. Sinabi sakanya ng panginoon na itatatwa nya ito ng tatlong beses, si Pedro ay alagad pa ng Dios. Pero nangyari ang dapat mangyari, ganun din ang nangyari sakin. Tinandhana na makilala ko si Eman ayaw ko man o gusto. Malapit na tao pa ang naging instrumento. Pasilim na, sakto lang sa oras ng uwi ni Eman. Kampante akong naghihintay habang nakikipag usap kila Jenny at Dave. Masaya kaming nag-uusap ng namalayan naming tatlong oras na pala kaming naghihintay. "Tawagan mo na kaya, baka may emergency lang." Pagpapalakas ni Jenny sa loob ko ng mapansin nyang paiyak na ako. "Tatlong oras pa naman. Edi, mag hintay tayo hanggang dumating." Sabat pa ni Dave na halatang naiinis narin. Dumarating si Eman kapag sinabi nya. Siguradong may dahilan lang. Tinawagan ko sya pero walang sumasagot kaya naman tuluyan na akong umiyak. Natigilan ako ng tumunog ang phone ko, tumatawag si Eman. "Mahal, pasensya na si Monday kasi--" "Ah, okay." Agad kong binaba ang tawag at hindi na sya pinatapos. Si Monday na naman? Si Monday lang pala ang dahilan. Sana naman sinabihan nya ako ng maaga para hindi ako mukang tanga na hintay ng hintay. "Dave favor naman," pinigil ko ang sarili kong humagulhol. "Pakitapon ng tarpulin, sirain mo muna bago itapon." Pakiusap ko bago sila tinalikuran at lumakad palayo sa park. "Gem!" Hindi ko nilingon si Jenny. "Gabi na!" Sigaw pa nya bago ako hinaltak para pigilan. "Aaminin na sana ako e," umiiyak na sambit ko. "Parusa ba 'to dahil sa pagsisinungaling ko? Sign na ba ito na hindi pa dapat ako umamin? Karma ko na ba ito?" Sunod-sunod na tanong ko. "Gem, makinig ka. Kaylangan mong harapin ang resulta ng ginawa mong paglilihim, pero tiyak na worth it naman." Tuluyan na akong napahagulgol sa sinabi ni Jenny. A/N : Awts ?

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD