Napatingin lang sya sakin bago bumulong. "I'm just--" Naputol ito sa sinasabi nya ng padabog na ibaba ni papa ang hawak nyang basket na puno ng prutas.
"Aksidente po kasi 'yung--" Tinakpan ko bibig ni Eman.
"Ganun ba iho? Aksidente lang na papakin mo ang anak ko tapos pag may laman na ang tiyan tatakbo na at tatakas sa responsibilidad?" Halata na ang galit sa boses ni papa.
"Romel kalma lang," saway ni mama.
"Papa hindi po mali lang kayo ng intinde," pangangatuwiran ko.
"Ako pa ang mali ng intinde ha? Ako pa Demdem?!" Nanlaki ang mata ko lalo sa takot dahil sa pagsigaw ni Papa. "Nasaan ang baril ko Mamang!" Kaagad ko namang tinakbo si Papa para pigilan sa gagawin nya. Retired na pulis kasi si Papa kaya mas natakot ako. Sanay syang bumaril ng tao kaya paniguradong hindi sya mag da-dalawang isip na paputukan si Eman.
"Papakasalan naman nya ako eh! Papa naman! Pakakasalan ako ni Eman kaya hindi na kaylangang daanin pa sa dahas kung pwede namang daanin sa mabuting usapan?!" Natigilan si Papa bago lumapit kay Eman at kwinelyuhan ito.
"Totoo ba?" Tanong ni Papa.
Kita ko ang pamumula ni Eman, sinenyasan ko sya na tumango para manahimik na si Papa.
"Tito Romel naman hehe. Oo naman po syempre truelala itey walang halong katontahan," sabat ni Jenny pero matigilan rin si Papa.
"Y-yes po." Binitiwan sya ni Papa at dumeretso ito sa kusina. Kaagad naman itong sinundan ni Mama kaya nakahinga ako ng maluwag.
"So, paano? Totoo nga na pakakasalan mo ako?" Bulong ko kay Eman.
"I don't know, maybe we can fake the wedding?" Maging sya hindi sure sa sinabi nya.
Napairap nalang ako bago sumunod kila Papa sa kusina. Wala palang kwenta kausap itong tao na 'to.
"Bakit ba kasi dito pa ako titira?" Inis na tanong ko ng makarating kami sa bahay nya. Dala ko na lahat ng importante sakin.
Dahil nga sa nalaman na ni Papa ang kalokohan na nangyari sakin hindi na sya pumayag na hindi kami mag sama ni Eman. Kaya ito nagdudusa ako at mukang sa bahay na nya talaga titira hanggang sa malaman namin kung may mabuo. Gusto man naming ipaliwanag kila Mama na totoong aksidente lang ang nangyari ay hindi kami makasingit.
"Titira ka rito hanggang sa malaman natin kung mabubuo nga yung sperm ko," sagot nya.
"Sana hindi," bulong ko.
Pumasok na kami sa magiging kwarto ko, syempre hiwalay kami. May dalawang maids na sana lang ay makasundo ko. Wala ba syang parents? Girlfriend? Ay wala nga pala dahil takot yata makipag s*x si g*go. Kaflirt wala rin? Baka bakla sya?
Oo nga bakit hindi ko agad naisip na posibleng isa syang sirena? Kaya sya nandidiri or ayaw makipag s*x sa babae Kasi nga lalaki rin ang bet nya hahaha. Gusto nya ng nakikipag espadahan kaya napangisi ako.
"Bakla kaba?" Natatawang tanong ko.
Nagulat ako ng bahagya nya akong isandal sa pader ng kwarto at hinalikan. "Sinong bakla?" Nakangising tanong nito habang nakatitig sa mata ko.
Napahawak nalang ako sa labi habang pinagmasdan syang lumakad palabas.
Nagagawa naman ng bakla mang halika ah? Bakla parin sya para sakin, pero bakit hindi ako nandiri? At isa pa nagtatanong lang naman ako bakit nanghalik?!
Baka nga hindi talaga sya bakla? Ang gulo naman ng utak ko.
After ko mag ayos ng gamit ay bumaba ako, at nadatnan ko syang nag-aayos ng lamesa. Ang sarap naman ng ulam sakto dahil gutom na ako. "Marunong ka palang magluto," puri ko.
"Tinuruan ako ng Mommy ko," agad na sagot nya.
Chicken curry! Agad akong nag lagay sa plato ko at nagsimulang kumain. Natigil ako bago tumitig sakanya. "Gusto ko ng sinigang," nangangasim na turan ko. "Gusto ko rin ng fried rice dahil matagal na akong hindi nakakatikim nun."
"Ipagluluto kita mamaya." Napangiti ako sa sinabi nya. Aalilain kita ngayon bilang pag gantin dahil sinira nya ang dapat na magiging future ko with Dave.
"Ayaw ko ng powder 'yung pansigang. Gusto ko fresh at hilaw na mangga pwede ba?" Tanong ko na ikinatango nalang nya. Masaya akong kumain at pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto para matulog. Hindi naman ako puyat pero inaantok talaga ako. Sabagay nag puyat pala ako kagabi dahil sa kakapanood ng k-drama hehe.
False pregnancy lang ito. Huwag muna syang umasa sabi nung Doctorang attitude. Hindi pa hundred percent 'yung chance na may mabubuong bata. Oras na hindi ako mabuntis ay babalikan ko si CD, but for now. Icareer muna natin ang pagiging ganito. Siguro tadhana ko na nga ang mapasabak sa gulo, haysst.
Once upon a time, when I was a kid. There was a little boy named, Chadler Dave. I kiss the boy and ask him to marry me, and he said yes he will marry me, so ibig sabihin. Bata palang may pangako na sakin si Dave. Bakit ngayon naglaho ang pangako? Nakalimot ba sya? Sabagay bata pa kami noon, bungi pa nga ako eh. Wala akong ngipin sa gitna ninakaw ni SpongeBob, tsk.
Chadler Dave, wait mo lang ako. Itutuloy natin ang naudlot nating lovestory. After ko pahirapan ang bwiset na lalaking 'to babalikan kita.
Iprank ko kaya sya na buntis na ako? Ang bad mo Gemini, pero bright idea 'yan. Utos-utos na nga lang muna hanggang sa sumuko na sya at wag ng umasa pa.
Nasa kwarto lang ako buong hapon. Ano namang gagawin ko sa labas diba? Wala naman akong makakausap dahil busy 'yung dalawang kasambahay. Nakakahiya namang tawagin ko sila para lang chikahin ako tapos sila rin mahihirapan kasi hindi pa yari trabaho nila. Bagot na bagot na ako kainis! Wala pa akong isang araw e, pero pakiramdam ko taon na ang lumipas.
Sa malalim na pag-iisip ay nakapag pasya na akong bumaba. Nadatnan ko si Eman na busy sa panunuod ng television. Ayaw ko namang makishare baka isipin pa nya masyado akong nagiging feeling close. Bumalik ako sa kwarto ko at humagilap ng pwedeng magamit pang wala ng bagot.
"Speaker!" Napapalakpak pa ako ng mahahip ng mata ko ang speaker sa side table. Naupo ako sa kama at nag play ng dance song. Mahilig ako sa k-pop so, kanta ng isang sikat na girl group ang napili ko.
Tumayo ako at nag warm up ng bahagya bago humataw sa pag sayaw. Sayang-saya akong sumasayaw ng mapasulyap ako sa pinto na hindi ko pala na locked. Kitang-kita ko ang walang emosyong titig sakin ni Eman.
"Waaaaaah!" Malakas na sigaw ko bago mabilis na tinakbo 'yung speaker para patayin.
"Anong ginagawa mo?"
Kumibot ang sentido ko sa tanong nya na parang nakakainsulto. Hindi ba nya nakitang sumasayaw ako?! "Kumakanta ako Eman, kumakanta." Pilosopang sagot ko sabay irap.
"Sa bulate kaba pinaglihi? Para kang bulate sumayaw, bulateng naasinan." Sabi nya bago tumalikod pero humarap rin ulit na parang may nakalimutang sabihin. "Pakiusap lang rin na wag na wag mong ipapakita ang sayaw mo sa mga dancer."
"B-bakit?" Curious na tanong ko.
"Baka masira buhay nila."
A/N : Lakas mang lait ni Eman ??