Chapter 7

995 Words
"Hindi mo sinabi?! My gosh! Anong pumasok sa ulo mo ha?" Galit na tanong ni Jenny. "Ano bang problema mo?! Paano kung agawin nya ang anak ko? Natatakot ako Jenny!" Balik na bulyaw ko. Nasa bahay ako habang hinahanda ang sarili na sabihin kila Mama at Papa ang totoo. "Pero paano naman sya? Ano sa tingin mo ang mararamdaman nya ha? Don't be selfish, Gemini." Napaupo nalang ako dahil sa malapit na akong mawalan ng lakas. "Anong problema iha? Jenny?" Agad na tanong ni mama ng maabutan kami na ganito. "W-wala po tita nag pra-practice lang po baka makuhang artista sa tv eh," pagsisinungaling ni Jenny. "Si papa po?" Tanong ko agad. "I'm here anak, si Ken rin pala andito. Namiss na raw nya ang kapatid nyang pasaway." Sa likod ni Papa ay nakita ko si Kuya Ken. "I miss you too Kuya Ken," yinakap ko ito ng mahigpit. "So when is the wedding? Asan yung lalaki na nakabuntis raw sayo?" Tanong nya na mas kinabahala ko. "N-nasa work pa po pero baka mamaya lang or bukas makapunta sya hehe," sagot ko. "Make sure na pananagutan ka nya dahil kapag hindi sakin sya mananagot," pagbabanta ni Papa. "Ayan kana naman Romel manahimik ka nga," saway ni Mama. Hindi na ako nagtagal kila Papa dahil mas kaylangan ko ng bumalik kay Eman. Nadatnan ko si Mini na kasabay sa pagkain si Eman at talagang magkadikit pa sila? Kahit pala hindi gubat may ahas noh? "Kumain kana? Sumabay kana samin kanina pa kita hinihintay," anyaya ni Eman. "Talaga ba? Kaya pala sobrang enjoy ka na kasabay si Mini. Nice food naman kasi," pasaring ko bago akmang tatalikod. "May problema ba?" Tanong pa ni Eman. Hindi ko sya pinansin dahil sa inis ko. Nakakainis na abutan silang dalawa na sabay kumakain na dapat kami ni Eman. Hindi ako nagseselos na iinis lang ako. "Hindi maganda mood mo?" Tanong pa nya kahit na nakahiga na ako sa kama at nakatalukbong. "Babalik ako mamaya, Demdem." Inalis ko ang talukbong ko ng wala na sya. Tama ba ang rinig ko? Tinawag nya ako sa palayaw ko? Demdem. Ang sarap naman sa ears ng banggit nya sa palayaw ko. Akmang pipikit na ako ng magring ang phone ko. "Bakit napatawag ka?" Tanong ko kay Dave na nasa linya. "Umaano ka dyan?" Inis na tanong ko ng sabihin nyang nasa labas sya ng bahay. "Sige, wait lang." Bilin ko bago pinatay ang tawag at nag-ayos ng sarili. "Salamat," bungad nya ng madatnan ko sya sa labas. "Ano bang sasabihin mo?" Nagmamadaling tanong ko. Mahirap na baka abutan sya ni Em-- "Anong ginagawa mo rito?" Walang emosyong tanong sakin ni Eman na saktong nadatnan kami. "May pinag-uusapan lang kami," matapang na sagot ko. "Pinag-uusapan ng dis-oras ng gabi? Makikipag tanan kaba?" Mapang-insultong tanong nito. "Ganyan ba talaga kababaw tingin mo sakin Emanuel?" "Mr. Guzon," pagdidiinan pa nito. Nabwibwiset na ako punyeta sya! Masyadong maissue hindi naman alam lahat. "Ganoon ba Mr. Guzon?" Panunuya ko. "Ang kitid pala ng utak mo sobra," inis na sabi ko pa. "Ang gago mo pre," nakangising sabat ni Dave. "May nakapanjama bang magtatanan? Satingin mo maabutan mo pa kami rito kung totoo man yang bintang mo?" Ang t*nga lang. Hindi na ako kumibo. Umalis nalang ako at pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto at pinikit ang mata ko. Mukhang hindi mo pa nga kayang maging ama, Eman. Sabi ko sa aking isipan habang hinihilot ang sentido ko. "Ano ganyan kana lang?" Napabangon ako sa tanong nya ng makapasok sya sa kwarto ko. "Labas," kalmadong utos ko. "Ilang buwan lang naman sana hinihingi ko! Palagay ko buntis kana eh! Nagsisinungaling kalang," matigas na paninindigan nito. "Labas!" Sigaw ko. "Ang kapal ng mukha mo! Panindigan mo talaga yang pag-asa mo? Baka nga tama si Monday," huminga ako ng malalim. "Baka nga may problema talaga sayo? Baka nga ba-- Pasensya na ha. Magkasakitan na, pero anong tingin mo sakin babaeng sasama nalang kahit kanino?" Umiiyak na tanong ko. "Malay ko ba kung ganoon ka nga talaga?" Walang emosyong tanong nito. "Malay ko rin ba kung baog ka talaga kaya wala pang nabubuo?" Masakit sakin na ginaganto sya pero mas nakakasakit na sya! Sya naman ang nagsimula eh! "D-damn," garalgal ang boses nito. "Ang sakit," nagulat ako ng may luhang lumabas mula sa mata nya. Umiiyak sya? "I'm sorry," alo ko ng mapatakip sya sa mukha nya. "Pasensya na Eman." Niyakap ko sya sa sobrang guilty ko. "Matulog kana," basag nya sa katahimikan na namayani ng ilang minuto. Sinunod ko sya dahil sa nakokonsensya parin ako. "Gising kapa?" Tanong nya. Oo gising pa, hindi ako natulog para hintayin ka. "Nakikinig kaba?" Tanong pa nya pero hindi parin ako kumibo. "I have something to tell you," dagdag pa nito. Napaupo ako at tumitig sakanya. "Ano naman?" Tanong ko. "Nitong mga nakaraang linggo naisip ko na baka nga wala naman talaga, so ngayon I'm ready to face it. Simula bukas magiging malaya kana, natatakot man ako na mawawala ka pero hindi ka naman sakin eh. Kay Dave ka, sya talaga mahal mo." Nabigla ako sa mga sinabi nya ngayon. Confession nya ba ito? "Dati," mabilis na sagot ko. "What do you mean? Hindi na ngayon? So may pagkakataon na ba ako?" Sunod-sunod na tanong nito. Napangiti ako bago tumango. "Damn! Sobrang pinasaya--" Kaagad ko syang pinutol. "Ssssh, behave lang." Saway ko. "Good boy lang dapat okay? Hindi pa tayo kaya wag over mag react," napasibangot sya sa sinabi ko. Niyakap nya ako ng mahigpit pero sandali lang. "Tanggap mo ba ako kahit na ganito ako?" Katahimikan ang namayani samin. "Oo naman," basag ko sa katahimikan. Ang sama kung tao bakit nagawa ko itong ilihim? Ginamit ko pa ang nararamdaman nya para sa sarili kung kapakanan. Hindi ko pa naman talaga sya lubos na gusto pero kaylangan. Para kapag nalaman nyang buntis ako hindi nya ilayo ang anak ko. Sobrang sama ko ba kung paiibigin ko sya at pasasakayin sa mga nais ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD