"May naghahanap sayo Gem," agad na sabi ni Sam kaya natigil ako sa pag-aayos ng gamit sa kwarto ni Eman.
Sino naman kaya?
"Hi," bati nya.
"Chadler Dave?" Tanong ko.
"MakaChadler Dave ka naman dyan. Dave nalang kasi, parang ang bossy ko naman doon sa Chadler Dave," napangiti ako.
"Dave bakit nandito ka?" Tanong ko pa.
"Ouch naman," biro nya bago napahawak sa puso nya. Medyo ang kapal lang ng mukha kasi after ako hindi pakinggan susulpot bigla. At isa pa kakikita lang namin kagabi ah? Sya pa nga naging dahilan ng confession ni Eman.
"Maka-asta ka para kang walang ginawang masama sakin ah?" Seryosong tanong ko. "Charot lang! Pinapatawad na kita hahaha!" Natawa rin sya sa sinabi ko.
"Kaya nga nandito ako eh," mahinahong sabi nito. "Namiss kita Gem," akmang hahawakan nya kamay ko ng ilayo ko ito. Napangiti sya. "Huli na yata ako, sayang. Ang gago ko pala noh?"
Mabuti alam naman nya na gago sya. "Hindi sa ganoon pero kasi iba na ngayon Dave, sorry."
"Ayos lang Gemini, basta masaya ka. Pipilitin ko na maging masaya narin kahit hindi na ako yung dating nagpapatibok ng puso mo, at kung kaylangan mo ako. Call me. Kahit na ako lang ang kaylangan mo, pero hindi yung mahal. Ayos lang talaga at least diba? Kinaylangan rin ako kahit na hindi minahal." Napayuko ako sa sinabi nya.
"Wala pa akong sinabi na hindi kana mahalaga," sagot ko.
"Iyon ba talaga sinasabi o nalilito kalang sa ngayon? Sana nga ako parin Gem, sana."
"Ikaw parin naman eh. Kaya lang komplikado kasi talaga ngayon, at ayaw ko na mas masaktan kapa." Pakiramdam ko iiyak na ako.
"Parte lang naman ng buhay ang masaktan. Ang mahalaga, worth it kapag nasaktan ka. Kahit masaktan ako basta ikaw ang makukuha ko, ayos lang sakin. Kahit durog na durog na ako. Kasi alam ko na mabubuo parin ako, at dahil yun sayo."
Sasagot pa sana ako ng lumapit si Sam. "Andyan po si Monday," bulong nya.
Tumaas ang isang kilay ko bago tumango. "Pakisabi maghintay lang, salamat Sam." Umalis naman agad ito at sinunod ang iniutos ko.
"Bakit daw?" Usisa ni Dave.
"Kilala mo si Monday Montemayor?" Tanong ko.
Napatango naman agad ito sa tanong ko. "Nakasama ko na yata sya sa isang events noong mga panahong active pa ako sa modeling, pero hindi ko masyadong matandaan."
"Bigatin karin pala? Sikat sya pero hindi mo masyadong kilala, grabe ka. Palibhasa mga gwapo kaya hindi pansinin ang nasa paligid," biro ko.
"Yeah, your right. Sa lahat kasi ng nasa nakapaligid sakin ikaw lang ang pinapansin ko," mabilis na sagot nya.
"Bakit?" Takang tanong ko. "Kasi ako lang ang ordinaryo at agaw pansin kasi--" Mabilis nya akong pinutol.
"Kasi ikaw lang ang may kakaibang ganda at walang katulad," simpleng sagot nito. So, kikiligin na ba ako?
"Joke ba 'yan?" Natatawang tanong ko.
"Kilig ka naman?" Tanong rin nya.
Napakunot ang kilay ko bago proud na sumagot. "Bakit ako kikiligin si Eman kaba?" Sabay tawa ng malakas.
Natigil rin ako at agad na binawi ang sinabi ko. "Syempre kinilig ako noh!" Nakangiting wika ko bago pinuntahan si Monday.
"Are you Eman's girlfriend? Ohhh, I mean flavor of the month," bawi pa nito bago mahinang tumawa na parang nampipikon.
"Papatulan ko na yan enday sabihin mo lang," bulong ni Lita.
"Sssh, wag po baka marumihan kamay nyo ni Sam. Pakilabas narin po pala ng alcohol, makisuyo lang po." Agad namang umalis ang dalawa para manguha ng inutos ko.
This is it, pansit. "Kalma lang Gem," paalala ni Dave.
"Kalmado lang naman ako hinahanda ko lang sarili ko baka kumahol yung aso," nakangising sagot ko.
"Bakit galit girl? Hindi mo tanggap na pang-isang buwan kalang?" Nakangisi rin si gaga.
Ahhhh, palaburn. Pengeng asido, gagamitin ko lang cleanser sa mukha ni gaga. "Ako galit? Luh, asa ka. Kasi mas nagmumukha kang asong naghahabol sating dalawa. Ano bitin ka sa one month girl? Pae-extend ka? Huli kana kasi one month and one week na kami lagpas na girl sa bilang mo," pang-iinis ko. "Baka ikaw ang may hindi tanggap na pang-limang taon kalang? Habang ako pang habang buhay na," dagdag ko pa.
Ewan ko ba saan ako humugot ng tapang ng loob. "Nga pala, one week na akong pregnant hindi mo ba ako babatiin?" Nanlaki ang mata nito at natigilan.
Naluluha yata si gaga at parang magwawala. "N-no," mahinang sambit nya.
"Yes," sagot ko.
"No!"
"Yes," sagot ko na naman.
"No! No! No!" Sigaw pa nya habang duro ako.
"Yes! Yes! Yes!" Madiing wika ko bago hinawakan ang nakadurong kamay nya at pinalipit sabay suntok sa ilong nya. "Hindi mo ako pinapalamon, so don't you dare." Nakangiting wika ko.
"Ahhhhhhh! My nose!" Sigaw nito habang hinihimas ang ilong nyang pumaling. Wait sandali pumaling? Ahhhhhh, retokada naman pala ang ilong. Gawa lang ang katangusan at hindi inborn. Wala namang masama sa pagiging pango, mas masama yung sobrang tangos ng ilong retoke naman pala.
"Next time dapat sa mas magaling na doctor ka magpa-ayos para hindi nahahalata," pang-iinis ko pa.
"You! Malandi ka!"
"Nahiya naman ako sayo? Hindi naman pinto yang pempem mo pero kung sino-sino pumapasok," mataray na sagot ko.
Kaagad na lumabas ito ng bahay at nagmamadaling sumakay sa kotse nya. Madala na sana sya at wag ng babalik sa bahay, pati sa buhay ni Eman.
Gem, depende nalang yon kay Eman. Napabuntong hininga ako sa sinabi ng isipan ko. "Ano?" Inis na tanong ko ng mapatingin kay Dave na ngayon ay nakangisi sakin.
Napapalakpak 'to at nakangisi parin. "Alam mo proud na proud sayo soon to be husband mo kung andito yon. I'm sure lalaki ulo ni Emanuel dahil sa ginawa mo." Napairap lang ako sa sinabi nito bago sya linagpasan. "Believe me, Gem. Totoo, kasi kaming mga lalaki kapag ipinaglalaban ng taong mahal namin para kaming nasa ulap. Sadly, hindi ako yung pinaglalaban mo."
Humugot na naman si Dave.
"Sadboy kana rin?" Natatawang tanong ko.
"Yeah, I guess. Simula ng i-basted at mawala ka sakin. I mean, sino ba naman ang matutuwa diba?" Binatukan ko ito para tumigil.
Masyadong madrama hindi naman bagay. Mukha syang sad na f*ckboy.
Sana lang alam mo Dave na ikaw parin talaga ang gusto ko, at ginagawa ko lang lahat ng 'to para hindi mawala sakin ang anak ko.