I

1907 Words
"Bakit nag kamali?" Mahinahon ngunit baritonong ang boses na tanong ni Emanuel. S'ya 'yung may ari ng letcheng sperm na naiturok sakin! "K-kasi po—" Agad itong pinutol ng Doctora kaya napataas ang kilay ko kasabay ng pagkibot ng aking sentido. "Same names, at dahil narin po sa kapabayaan ni Nurse Mina at ka kulangan ng impormasyon." Madiing wika nito habang nakatitig sa nurse na maluha-luha dahil sa takot. "Her name is Gemini Asuncion, then si Ms, Gemini Rosario na dapat sanang orihinal na tu-turukan ay nagka parehas sa pangalan. Dahil sa kaaligagaan ni Nurse Mina na kala mo'y uuwing-uwi na, tipong may emergency," masamang titig na naman ang ibinigay n'ya rito. "Hindi na n'ya na interview si Ms, Asuncion kaya ito ang naturukan ng spe—" Ako naman ang pumutol sakaniya ngayon. Bastos na kung bastos pero malaki ang kasalanan nila sakin. Ang malas ko naman? Wala na ngang jowa, mabubuntis pa yata? "Alam n'yo ba na pwede kayong makulong?" Naiinis na tanong ko. "Oo nga! Lalo kana Nurse and Doctora! Gosh! Sinira n'yo ang magandang kinabukasan ng bess ko kung kaylan may pagka kaintindihan na sila ng kaniyang ultimate crush. RIP bess, nakikiramay ako sa puso mong malapit na namang mamatay at mabokya, pero at least gwapo ang nakalahi.” Linapit pa n'ya ang bibig n'ya sa tenga ko at mahinang nag salita. "Uy bess! Tiba-tiba ka, mukhang yayamanin hehehe." Ako na ang nahihiya sa kadaldalan at pinagsasasabi ng kaybigan kung si Jenny. "Don't let anyone, specially other guy touch you. Dinadala mo ang dugo, laman at ang anak ko na hindi mo naman pinaghirapang gawin. Wala kang ambag sa batang 'yan. So, I'm warning you Ms. Asuncion. Hanggat inaayos ko pa ang gulong 'to please alagaan mo ang baby ko." Lumambot ito sa dulo kaya napataas kilay ko. Ako, paano naman ako? Paano na kaligayahan ko? At isa pa hindi nga sure kung lalaki ba ang batang 'to o sadyang supot lang sya at wala naman talaga. Hiyang-hiya naman ako sa sinabi nyang wala akong ambag! Oo sa umpisa wala, pero ako naman ang mas maghihirap rito. Ako ang magluluwal at hindi sya noh! Peste! Makasabi ng walang ambag wagas nakakasakit lang?! "Dinadala mo ang makamandag nyang katas! OMG! Bakit mas kinikilig pa ako kaysa sayo?" Natatawang tanong nito na hindi ko nalang pinansin. "Para sabihin ko lang sayo Mr. Guzon, we're still not sure kung makamandag--I mean mabubuo nga ito sakin. Malay ko ba kung baog ka pala? Or mahina ang spe--" Natigil ako ng tingnan nya ako ng masama. "Wag mo akong subukan dahil hindi mo ako kilala.” Nakangising saad nito. "Give me your number before you leave," malamig na utos pa nya. Kahit na iinis ay kumuha ako ng papel at ballpen na nasa table ng Doctora bago pabagsak na linapag sa table nito, at lumakad na palabas. Mukha akong navirginan sa lakad ko masakit kasi pagkakaturok. Paano ba 'yan Gem, congrats ha. Isa kang purong birhin na nabuntis dahil lang sa pagkakamali. Aksidente lang naman ang lahat, pero in the end ikaw parin naman ang magdurusa. Ang g*go lang kasi noh? Gwapo naman bakit kaylangang iturok pa sperm nya? Ang t*nga lang. Napabuntong hininga na lamang ako sa pagkausap ko sa sarili ko. Kapag nabuntis ako anong sasabihin o idadahilan ko sa papa ko? Natamaan ako ng ligaw na sperm tapos nalunok ko? Nadumog ako ng rumaragasang karayom na may makamangdag na sperm pala ng isang gwapo pero antipatikong lalaki? Tatawanan lang ako ng pamilya ko for sure. Paano ko ipapaliwang 'yun ni jowa nga wala ako?! "Ano bess kamusta buhay kapa?" Nakakalokong tanong ni Jenny. "Isang linggo na e, na budol-budol ka yata ni pogi. Wala paring kumakatok sa pinto mo na may ari ng sperm na nasa loob mo scammer nga yata." Hindi ko pinansin ang sinasabi nya. Baka nga, scammer nga siguro. Isang linggo na wala parin syang paramdam e, para lang akong na hit and run talaga. "Isang linggo narin nya akong iniiwasan," matamlay na sabi ko. "Nino ni Dave? Sinabi mo na ba?" Tanong pa nya na mas kinalungkot ko. Tumango ako at bumangon sa kama mula sa pagkakahiga ko. "Mahirap naman magsinungaling eh. Paano nalang kapag mabuntis talaga ako? Ano nalang sasabihin ko na wala lang 'to nakalunok lang ng pakwan? Ang labo bess diba?!" Napasabunot ako sa sarili ko. "Nakakainis," maktol ko. "Nag PT kana ba? Pwede naman yata kahit isang linggo palang diba? Wait may regla kana ba?" Napatigil ako saglit. "Hindi ka naman sabog? One week palang, mas excited ka pa sakin eh. Alam mo kung pwede lang ipalit kalagayan mo sa kalagayan ko ginawa ko e, kasi ayaw ko talaga mabuntis." "Natatakot ako," naiiyak na sambit ko. "Ayaw ko muna isipin 'yun kasi isang linggo palang naman Bess. Mag papaalam muna ako sakanya," sabi ko bago tumayo at nagtungo sa banyo. "Blessing kaya ang baby!" Sigaw pa ni Jenny sakin na hindi ko nalang sinagot. Nag text ako kay Dave na baka pwedeng mag usap kami sa huling sandali. May mga gusto lang akong sabihin para mag paliwanag kahit wala namang kami, pero at least sumubok ako. "Kanina kapa?" Napailing ako bago nag bigay ng espasyo para makaupo sya. Nasa park kami, maraming tao lalo na mga bata na masayang naglalaro. "Sakto lang," sagot ko. Kahit na tatlong oras na akong imbyerna rito sa park. Nawala na nga excitement ko kakahintay e, pero pumalit naman ang kaba. "Gutom kana ba?" Tanong ko. "Iyan lang ba pag-uusapan natin?" Masungit na tanong nito. "Sana pala hindi na ako pumunta kung ito lang sasabihin mo." Imbis na sumagot nag tanong rin, not nice. Kinakamusta ko lang naman sya, baka gutom na sya eh. "H-hindi nandito ako para magpaliwanag at linisin ang sarili ko. Wala akong ibang lala--" Kaagad nya akong pinutol. "For what? May tayo ba? I mean naging tayo ba? Anong tawag mo rito break up ng walang label? Sinong niloko mo? Nakakaawa ka, nakakagalit ka." Sandali syang nahinto. "Kalimutan mo na 'yung mutual understanding natin. I think it's just a miss understanding Gemeni, or better yet alagaan mo nalang ang magiging anak mo if ever na totoo nga 'yang sinasabi mo. Mamahalin na sana kita e, pero--" "Akala ko pa naman iba ka," umiiyak na sambit ko bago tumayo. "Sobrang nakakapagsisi na ikaw pa 'yung nagustohan ko." Naglakad na ako palayo habang nanlalabo ang mata ko sa luha. "Gemeni!" Boses ni Dave kaya napahinto ako at lumingon. "Gemeni--" Tatawagin nya sana ulit ako ng may pumigil sakanyang lumapit sakin. "Touch her, but I'll make sure na hihiga ka sa kinatatayuan mo." Malamig na boses ni Emanuel ang nakapagpatigil kay Dave. "Go away," pagtataboy nito bago ako hinawakan sa kamay at inakay palayo mula kay Dave. Akala ko rin talaga scammer sya, pero nakakatawa talaga ang pagkakataon. Kapag gipit kana may darating na tao para mas gipitin ka. "Bakit ngayon kalang?" Mataray na tanong ko habang nakapamewang sa harap nya na pwerteng nakaupo habang nakatingin sa kawalan. Ang lalim ng iniisip ha! "Miss nya si gwapito, malandi rin naman pala." Panunukso ni Jenny kaya agad ko itong binato ng hawak kung remote na iaabot ko sana kay Emanuel baka kasi gusto manuod. "Carefull," bilin nito ng makita ang inis ko sa mukha. "I'm sorry marami lang akong inayos, but its all done." Sagot nito na kinatango ko. Ano naman kayang inayos nya? "Pwede ka ng mag-ayos ng gamit para makauwi na tayo sa bahay," dagdag pa nito. Kamuntik na akong mawalan ng lakas at matumba sa sinabi nya. "Ano? Ako iuuwi mo? No way, hindi ako sasama sayo." Inis na sabi ko bago umirap sakanya. "Bakit naman ako sasama sayo?" Dagdag na tanong ko pa. "Nakalimutan mo na bang sayo naiturok sperm ko? Kaylangan nating parehas na makasigurado, at kaylangan kitang bantayan. Gagawa tayo ng contact 'yung parehas tayong hindi agrabyado. And don't worry kasi kapag walang nabuo babayaran kita for the damage, pero once na may mabuo wala ka paring problema kasi sakin ang bata at mas malaki ang magiging kabayaran mo." Paliwanag nito sakin habang seryoso ang mukha. Napapalakpak si Jenny habang nakatitig kay Emanuel. "Ikaw na Bess! Ikaw na ang maswerteng babae rito sa earth! Babayaran kana nakalahi ka pa ng gwapito hahahaha sana all!" Sinamaan ko ng tingin si Jenny. "Anong swerte rito ha? Gaga ka ba?! Kapag nabuntis ako katapusan ko na Jenny. Matitigil ako sa work ko tapos katakot takot na paliwanag pa ang kaylangan kong gawin sa parents ko, gets mo? Kilala mo pamilya ko diba? Hindi sila papayag na 'yung pinalaki nilang anak. Dahil lang sa katangahan ng Doctor at Nurse ay nabuntis." "Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo," walang emosyong wika nito. Ano ako tuta na pwede nyang isama kahit saan?! "Anong sinasabi mo? At bakit ako sasama sa bahay mo?" Mataray na tanong ko. Hindi parin ako payag sa gusto nyang isama ako. Hindi ako papayag na masira ang buhay ko dahil lang sa isang malaking pagkakamali. "Sumama kana Bess," bulong ni Jenny bago kumindat sakin. "Lokaret kaba?" Inis na tanong ko. Umiling ito habang nakapeace sign sakin. "Hindi naman pala kaya tumahik ka pwede?" Umirap ito sakin. "Bakit ka galit? Inaano ba kita?!" Matatawa na sana ako pinigilan ko lang. "Pero Bess, as your pretty and yummy bestfriend. I suggest na sumama kana." Inambahan ko sya ng kamao ko. "Tama sya," sabat ni Eman. Nakakastress talaga sobra! Una isang Chadler Dave Cruz, pangalawa isang Emanuel Haze Guzon naman. Dati humihiling ako ng lalaking marami na sana dumating sakin. Ngayon ayaw ko na pala! Maaga ako malolosyang nito eh! Hirap talaga kapag biniyayaan ka ng kagandan! "Mukha ba akong laruan na pwedeng bitbitin nalang, tapos pag sawa na itatapon nalang? Bago ka dumating, I mean bago maiturok ang sperm mo sakin. Magiging masaya na sana ako. Kasi finally icru-crushback na sana ako ng matagal ko nang gusto." Malungkot na sabi ko habang nakatitig sakanya. "Iyon lang ba problema mo? After mo mailabas ang anak ko magagawa mo na ang gusto mo," walang emosyong sagot nito na mas kinainis ko. Isang malakas na sampal ang natanggap nya sakin. "Wala na nga diba? Tanga lang?!" "Buntis ka?" Agad kaming napalingon sa pinto kung saan kakapasok lang ni Papa at Mama. "Sinong ama? Akala ko ba wala kang jowa man lang?" Kinabahan ako sa sunod-sunod na tanong nito. "Aksidente lang po sir," agad na sagot ni Eman. Inunahan pa ako ni gago, mas lagot na kami nito. Napapikit na lamang ako bago lumapit kay Eman at bumulong. "Bawiin mong gago ka 'yung sinabi mo kung gusto mo pang mabuhay ng matagal. At kung gusto mo pang makalabas ng buhay rito," pagbabanta ko. Napasulyap ako kay Papa na masamang-masama ang titig kay Eman. "Pa, let me explain. Kalmahan mo lang baka atakihin ka ng high blood mo hehe. Alam mo namang hindi ako kaylan man--" Hindi ako pinatapos ni Mama. "Akala ko ba wala kang jowa? Wala ka namang pinakilala samin. Kaylan kapa nawala sa sarili mo? Ano sadyang ginusto mo lang mabuntis kahit walang kasiguraduhan?" Kalmado lang si Mama pero bakas na sakanya ang galit. "Ipapaliwanag ko po lahat sainyo. Aksidente lang po ang nangya--" "Pa!" Napasigaw ako ng ambahan ni Papa si Eman. "Walang sakitan Pa! Hindi tayo ganyan wag kayong gumamit ng dahas pwede ba?!" "Siraulo 'tong lalaking 'to e, aksidente lang daw?" Pagak na tumawa si Papa. "Ngayon isang tanong. Isang sagot lang iho, kasal o katay?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD