Chapter 3

1199 Words
Kakalabas ko pa lang paliguan at tinutuyo ko ang maiksi kong buhok nang biglang bumungad sa akin ang humihingal na si Elias. Hiwalay kasi ang kubeta namin sa paliguan na nakahiwalay din sa bahay namin.  Kaya lang, pag sumasapit ang gabi at ihing-ihi na ako ay hindi na ako makalabas ng bahay. Laspas sampung hakbang kasi ang layo nito sa bahay namin at natatakot ako baka ilipad ako ng mananangal. Hindi naman ako naniniwala doon, nauso lang kasi at panakot narin nila inay at itay kaya tumanim na iyon sa utak namin. “Bakit ka nandito?” Kunot noo na tanong ko kay Elias. Habang habol parin siya sa paghinga. Mabuti na lamang at nasanay na akong magbihis sa loob ng banyo. Ganun din kasi ang turo ni Inay dahil nag-iisa daw akong babae kaya kailangan kong ingatan ang sarili ko. “T-totoo ba ang balita?” Humihingal na tanong niya. “Ano bang balita? Saka bakit hingal na hingal ka? Wag mong sabihin nakipagkarera ka kay Laki?” Nakangiting tanong ko sa kanya. Nakayuko parin siya at nakatukod ang dalawa niyang kamay sa tuhod niya. Malalim siyang huminga upang mabawi ang hingal niya. “Totoo ba na sa mansyon ng Monteverde ka na titira?” Umayos niya ng tayo at humarap sa akin. Isinampay ko ang basang tuwalya sa kawad na sampayan. At nakasunod naman siya sa akin. “Oo, bakit?” “Kailangan mo ba talagang gawin yun? Kailangan mo ba talagang tumira dun at alagaan si Sir Terrence?” Sunod-sunod na tanong niya. Inayos ko muna ang tuwalya bago ko siya hinarap. “Elias, kahit naman ayoko wala akong magagawa dahil si Donya Clara mismo ang humiling noon. Hindi ko naman pwedeng tangihan dahil alam mo naman ang lugar natin sa hacienda diba?” Wika ko sa kanya. Seryoso pa din ang mukha niyang nakatingin sa akin. Bumuntong hininga din siya. “Ano ba kasi inaalala mo? si Sir Lawrence? Balita ko wala pa siya sa mansyon sabi ni Tanya dahil umalis daw ng bansa kasama si Sir Flavio.” Paliwanag ko sa kanya. “Basta, kung nandun ka na mag-iingat ka at iwasan mong mahulog kay Sir Terrence.” Nakangusong sabi niya sa akin na ikinatawa ko. “Anong kalokohan naman yan Elias!” “Narinig ko kasing magandang lalaki daw si Sir Terrence.” Seryoso pa din ang mukha niya habang sinasabi niya sa kin yun. Napapailing na lamang ako dahil parehas na parehas talaga siya ng mga kapatid ko kaya tuloy hindi ko maiwasan na ituring ko na rin siyang kapatid dahil masyado din siyang over protective, ni minsan hindi ko siya tinuring na higit pa sa isang kaibigan. Dahil namimili ng t***k ang puso ko, hindi ko ito pwedeng pangunahan at pilitin ang sarili kong umibig. Kung lahat ng tao ay kusang tumitibok ang puso sa nakatadhana lang para sa kanila. Wala sigurong napupunta sa maling pag-ibig. Wala sigurong nasasaktan at makakasakit. Pero iba kasi ako, nararamdaman ko ang mga tunay na tao sa paligid ko. Nararamdaman ko din kung seryoso ba sila sa akin o niloloko lang nila ako. Siguro dahil kinikilatis ko muna sila bago ko sila makapagpalagayan ng loob. Nasa loob na ako ng bahay ay nakabuntot parin siya sa akin. Kumuha ako ng baso at nilagyan ko ng tubig galing sa pitsel at uminom. “Eh kung,, sagutin mo na kaya ako?” Bigla akong nasamid sa sinabi niya. Kaya napa-ubo ako ng sunod-sunod. Napatakip ako sa aking ilong at bibig dahil ramdam ko ang paglabas ng tubig na ininom ko. “Gabbi! Okay ka lang?” Kunot noo na tanong niya na may halong pag-aalala. Habang marahan na hinahagod ang likod ko. “Bwiset ka talaga!” Inis na singhal ko sa kanya. Nabigla kasi ako sa sinabi niya. Lantaran niya laging sinasabi na gusto niya ako ngunit ngayon lang niya sinabing sagutin ko na siya kaya tuloy nagulat na lamang ako. “Sorry kung nabigla kita. Natatakot lang ako dahil magkasama na kayo sa bahay ng karibal ko Gabbi.” Saad niya. “Ano ka ba naman Elias. Hindi ako pupunta doon para magpaligaw kundi para alagaan ang amo natin.” Mahinahon na sabi ko sa kanya. Mukhang ayaw parin niyang maniwala sa akin. Hinarap ko siya at nagkatinginan kaming dalawa. “Alam mo naman ang dahilan kung bakit ayaw kitang sagutin di—” “Aalis na ako.” Putol niya sa akin. Matagal ko ng sinasabi sa kanya na parang kapatid lang ang tingin ko sa kanya ngunit ayaw niya iyong tangapin kaya mas lalo akong nahihirapan. Kulang na nga lang sabihin ko sa kanyang babae ang gusto ko para layuan niya lamang ako eh, kaya lang baka hindi rin siya maniwala. Ewan ko ba sa kanya! ang dami namang maganda at mahinhin na babae sa rancho isa na dun si Tanya na patay na patay sa kanyang kagwapuhan hindi man lang niya mapansin. Laglag ang balikat na lumabas siya sa aming bahay, hindi ko na rin tinangka pang pigilan siya dahil baka bigyan na naman niya ng kahulugan yun. “Elias makikita mo din ang babaeng para sa’yo pero hindi ako yun maniwala ka.” Mahinang sambit ko. Pagkatapos niyang umalis ay inayos ko na rin ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung hangang kailan ako mananatili sa mansyon ng mga Monteverde. Kaya isang malaking bag lang ang dala ko. Mga damit lang naman ang laman dahil wala naman akong ibang gamit sa katawan kundi shampoo, toothbrush, toothpaste saka sabon panligo lang. Hindi rin ako mahilig mag pulbos o make-up kaya yun lang ang mabibitbit ko paalis.  Pagkatapos kong magayos ng gamit ay pinagmasdan ko muna ang kwarto ko. Pakiramdam ko matagal akong hindi makakatulog dito kaya may lungkot akong nararamdaman. Daig ko pa ang magaabroad sa gagawin kong paglipat sa mansyon. Papalabas na ako ng bahay nang madatnan ko si kuya Emilio, habang hila-hila niya si Laki. "Mabuti naabutan kita, hindi ka ba magpapaalam kay Laki?" Turan niya sa kabayo. Imbis na sumagot ay mabilis kong niyakap si Laki. Mahigpit ang hawak ko sa leeg niya habang hinahaplos ang katawan niya. "Magpakabait ka baby ha? Sabihin mo sa akin kung ginugutom ka nila kuya at hindi ka pinapaliguan okay?" Nangingilid ang luhang sabi ko sa kanya. Parang anak ko narin kasi siya kaya mabigat sa akin na hindi ko muna siya makikita at makakasama. "Tsk! Mabuti pa ang kabayo mamimiss mo eh kami kaya?" Nakangusong parinig niya sa akin. Napangiwi akong tumingin sa kanya. Hindi na kasi bagay sa katawan nila kung ganoon sila umasta sa harapan ko.  "Syempre mamimiss ko kayo ano! Dadalawain niyo ako doon saka dalawang araw daw ang restday ko kaya uuwi naman ako dito." Nakangiting niyakap ko si kuya Emilio.  "Pwede bang sumali?" Bungad sa amin nila kuya Juan at kuya Andres. Nasa likuran din nila sila Inay at Itay. Hindi na nila inantay ang sagot ko. Lumapit na sila sa akin at nag group hug kami. Para na tuloy akong napipisa dahil sa laki ng katawan nila. Paano kaya lalaki ang katawan ko? Para kasing gusto ko na rin magkaroon ng pandesal sa tiyan.  Napahagikhik na lamang ako dahil sa mga kalokohan na iniisip ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD