Matapos sabihin ni Donya Clara este! Lola Clara na ako daw ang mag-aalaga sa sleeping prince na yun ay hindi na ako mapanatag. Hindi naman kasi ako nag-aral ng nurse o care giver kaya wala akong alam pagdating sa ganun, kung halaman pa o hayop ay sisiw lang sa akin dahil sanay na ako pero kung gwapong natutulog na nilalang ang araw-araw kung makikita baka mabakla na ako. Hay naku ano ba ito!
Inaanay na naman ang utak ko. Totoo naman kasi! Hindi ko akalain na ang batang kalaro ko noon ay iba na ang itsura. Gwapo ito kahit natutulog. Parang ang sarap niyang yakapin at halikan charot!
Kailan ka pa naging malandi Gabriella!
Umuwi muna ako sa bahay upang maligo dahil amoy alikabokya na ako. Baka sa sobrang baho ko ay biglang bumangon si Sir Terrence. Maige na rin yun, para mas makita ko kung gaano siya kagwapo kung gising siya.
“Hoy!”
“Hoy Kabayo!” Gulat ko nang bigla akong sigawan ni Kuya Andres.
“Kuya naman eh! Ashar ka!” Galit na singhal ko sa kanya.
“Ano? Ano? Kailan ka pa natuto mag-inarte ng ganyan? Dumating lang ang apo ni Donya Clara para ka ng nawawala sa sarili! Puno na ang balde mo oh!” Sita niya sa akin.
Hindi ko namalayan na umaapaw na pala ang malaking balde na nakasahod sa gripo. Siguro naabutan niya rin ako habang nakakatulala na nakaupo sa malaking bato. Nandito kasi kami sa malawak na labahan. Dito kami nag-iigib para sa inumin ng mga hayop malinis naman ito. Minsan dito rin ako naliligo pag tinatamad akong mag-igib lalo pag walang tao kasi unlimited ang tubig. Saka nakasemento din ang lupa. Kaya mas masarap maligo. Napapaligiran din siya ng lilim ng puno kaya hindi mainit. Malamig pa nga eh very refreshing ang tubig.
“Ano naman ang sinasabi mo kuya? Hindi porke nakatulala ako dito ay may lalaki na akong iniisip noh! Hindi ko pa nga sigurado kung lalaki ba ang hanap ko eh!” Inis na sagot ko sa kanya na nagpatawa sa kanya ng malakas. Sa laki ng katawan niya pati dede niya gumagalaw na rin sa pagtawa.
“Baka naman si Laki ang gusto mong makatuluyan?” Nakatawang wika nito. Ang tinutukoy lang naman niya ay ang kabayo kong si Laki. Kulay itim ang katawan niya at kulay puti naman ang ulo niya. Isa siya sa paborito kong sakyan kapag nililibot ko ang rancho. Simula pagkapanganak pa lamang niya ay ako na ang nag-aalaga sa kanya.
“May saltik ka talaga kuya! Pinakain mo na ba si Laki?” Kunot noo na tanong ko sa kanya habang naghihilera siya ng balde sa gripo.
“Oo, hinahanap ka ata. Walang tigil sa pagkulit sa akin noong lumapit ako sa kwadra niya eh. Panay halik sa mukha ko. Pakiramdam ko tuloy amoy kabayo na ako!” Inis na sabi niya. Nagpapatawa ba siya? Araw-araw kaya siyang amoy kabayo! Gusto kong isaboses pero bukas na lang.
“Namimiss ko na nga siya kaya lang baka hindi ko muna siya madalaw ng madalas dahil sa utos ni Lola Clara. Kaya ipa-alaga mo muna siya kay Elias.” Wika ko sa kanya. Si Elias ay tauhan din sa rancho, apat na pamilya kasi kami na nagpapanatili sa kaayusan ng malawak na lupain ng mga Monteverde at isa rin siya sa banlag na ang tingin sa akin ay dalagang pilipina kahit wala naman sa itsura ko dahil palaging suot ko ay malaking t-shirt at malaking pantalon. Mas macho pa nga ata akong maglakad kaysa sa kanya. At lantaran din ang pagpapahayag ng kanyang damdamin kaya naiinis talaga ako. Pero isa siya sa mga maaasahan at mabuting kaibigan ko kaya tiwala akong aalagaan niya si Laki.
“Ibig sabihin dun ka muna titira sa mansyon?” Kunot noo na tanong ni Kuya. Marahan akong tumango. Yun kasi ang sinabi ni Lola Clara sa akin kanina. Dun sa maliit na silid katabi ng kwarto ni Sir Terrence ako matutulog habang inaalagaan ko siya. May private nurse din siya pero kailangan parin ng bantay, katulong ko din naman si Aling Constancia. Ang isa pa nilang kasambahay na may singkwenta na ata ang edad.
“Bakit? Nag-alala ka ba dahil nandun si Sir Lawrence?” Tanong ko sa kanya. Alam kasi nilang nanliligaw yun sa akin.
“Hindi naman, nag-aalala ako baka gapangin mo si Sir Terrence.”
“Abay loko ka talaga kuya!” Inis na sigaw ko sa kanya. Binato ko pa siya ng tabo na mabilis niyang nasalo.
“Biro lang Gabbi! Hahahaha.” Pagkatapos niyang tumawa biglang sumeryoso ang mukha niya.
“Bakit ganyan ang mukha mo?” Nawala ang pagkainis ko sa kanya.
“Mag-ingat ka dun. Kapag may ginawa sa’yo si Sir Lawrence o kahit na sino pa sa mansyon na yun ay wag kang mag atubiling gamitin ang tinuro namin sa’yo dahil malayo ka at hindi ka namin mapo-protektahan.” Seryosong saad niya na ikinatawa ko ng malakas, napahawak pa ako sa tiyan dahil sa lakas ng pagtawa ko.
“Bakit? Hindi ako nagbibiro Gabriella!” Inis na singhal niya sa akin. Pag kompleto na ang pangalan ko alam ko ng galit na siya.
“Don’t worry, I can manage brother! At kung hindi sila kinaya ng fighting skills ko mabilis naman akong makakatakbo mas mabilis pa kay Laki! Hahaha! At isa pa kuya walang magtatangka sa akin dun. Tomboy nga ata ang tingin sa akin ng mga tao sa mansyon, diba nga lalaki ako?” Natatawang sagot ko kay Kuya na ikinailing niya.
“Doon ka na sa bahay maligo. Binata ka na kaya hindi ka pwedeng maghilod dito.” Wika niya sa akin sabay buhat ng malaking balde papunta sa bahay namin.
Ang sarap magkaroon ng kapatid na lalaki. Bukod sa may mga instant hero ka dahil sa tindi nilang mag-protekta, ay maalaga din sila. Hindi na rin ako magtataka dahil nakikita nila sa aming ama kung gaano ito kabuting asawa at ama at kung gaano niya kami kamahal. Hindi naman kami kapos at hindi rin naman kami mayaman, tama lang upang mabuhay ng masaya at kuntento. Minsan tuloy naiisip ko paano pag nag-asawa na sila? May tsismis kasi na nanliligaw si kuya Juan kay Esperanza, ang dalagang anak ni Mang Kanor. Isa sa pamilyang care taker din ng hacienda. Bukod kasi sa napakaganda din nito ay nasa katangian niya ang pagiging dalagang pilipina. Kaya siguro nagustuhan siya ni kuya Juan.