Masarap magkaroon ng kompletong pamilya, may nanay na maalaga, may tatay na matatag. Syempre kailangan pareho silang matatag at maipakita nila sa mga anak nila kung gaano sila ka solid bilang mag partner. Para in the future, pag kami naman ang nasa posisyon nila, magiging matatag din kami kagaya nila. Kahit maraming pagsubok kapit lang! Malakas ang backer natin! Nasa taas, pumikit ka lang at taimtim na manalangin hindi ka niya pababayaan. Basta wag ka lang hihiling ng instant at imposibleng mangyari kagaya ng gusto mong umulan ng yelo sa pilipinas.
Charot lang!
Kapag humiling ka ng isang bagay dapat yung sigurado ka na gusto mo talaga yun, at kung nakalaan yun sa’yo, ibibigay at ibibigay ni Bro yun sa’yo.
Sino si Bro?
Hay……ewan ko sa inyo hirap niyong kausap!
“Kung makayakap naman kayo parang hindi na ako uuwi dito at mag-aasawa na sa malayo!” Nangingilid ang mga luhang wika ko sa kanila. Kulang na lamang kasi gawin nila akong cheese na palaman sa burger sa higpit ng yakap nila.
Pero in fairness ha, nakakatouch talaga kapag mahal na mahal ka ng iyong pamilya. Yung kahit mahirap ang buhay basta may pagkain sa hapag at sama-sama, contented ka na.
“Bunso, wag mo kalimutan yung bilin namin sa’yo ha?”
“Opo Itay, kaya ko na po ang sarili ko. Saka uuwi naman po ako ng sabado at linggo kaya babalitaan ko na lang po kung gumising na ba ang mahal na prinsipe. Este! Si sir Terrence.” Nakangising kong sagot kay Itay. Siguro sa kaniya nagmana ang mga kuya ko sa pagiging over protective. Kulang nalang ibulsa nila ako wag lang akong maligawan. Eh ano bang magagawa ako? Pinanganak akong poge!
“Gabbi hindi mo ba dadalhin si pookie mo?”
Nanlaki ang mga mata ko. Mabuti na lamang at pinaalala ni Kuya Andres ang pookie ko. Muntik ko ng makalimutan ang baboy ko! Hindi pa naman ako nakakatulog kapag hindi ko yun kayakap. Mabilis kong tinakbo ang loob ng kwarto ko. Nnag makita ko isya sa ilalim ng kama ay kaagad kong kinuha si Pookie.
“Kalaki mong baboy ka hindi man lang kita naalala!” Mahinang bulong ko sa kanya.
“Anak, baka naman mag ka allergy ang mga tao sa mansyon kapag dinala mo si Pookie? Labhan kaya muna natin? Ilang taon ng hindi nalalabhan yang pookie mo eh!” Wika ni Inay na ikinatawa ng mga macho kong kapatid at nakisali na rin si Itay.
“Nay naman! Kahit naman hindi ko ito labhan hindi naman siya mabaho at gaanong madumi. Saka isa pa matagal itong matuyo.” Nakangusong wika ko sa kanya. Limang taon pa lamang ako ay ito na ang katabi kong matulog. Sabi ni Inay bigay daw ng kaibigan si Pookie. Pero hindi niya sinabi kong sinong kaibigan kaya hindi ko na rin tinanong. Mabuti na lamang at mukhang mamahalin si Pookie dahil kahit matagal na siya sa akin, hindi pa rin siya nasisira. Siguro mas maganda kung malabhan siya kaya lang mahirap kasi siyang labhan dahil sobrang laki niya. Kasing laki niya ako noong binigay siya sa akin.
“O siya! Mag gagabi na, doon ka na lang maghapunan anak. Ihahatid ka na sa kabayo ng Kuya Juan mo.” Wika ni Itay.
Dumating naman si Kuya Juan dala ang isa pang itim na kabayo. Ginagamit niya iyon pag nagkakaroon ng karera ang iba’t-ibang racho na lugar namin. Malakas naman kasi na kabayo si Polinario, kaya kahit kaming dalawa ni kuya ang sumakay ay okay lang.
Pagkatapos sumampa ni kuya kay Polinario ay inalalayan naman niya akong makasakay. Sana’y din naman akong sumakay ng kabayo, saka isa pa minsan sumasama din ako sa karera upang manuod at e-cheer sila kaya lang nitong huli ayaw na nila ako isama.
Nababasag daw ang eardrum ng mga katabi ko sa tinis ng boses ko habang nagchecheer sa kanila. Para na rin nilang sinabi na kinahihiya nila ako diba?
Wala pang tatlong minuto nang marating namin ang mansyon ng mga Monteverde. Matapos magpaalam ni kuya Juan ay pumasok na rin ako sa loob. Mabuti na lamang at tinulungan ako ni Tanya na bitbitin si Pookie dahil may kabigatan din ang malaking bag ko.
“Gabbi, mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa kita inaantay para sabay tayong kumain.” Nakangiting wika ni Tanya.
“Hay naku, mabuti na lamang at inantay mo ako dahil nakakahiya kung mag-isa lang akong kakain. Hindi ako sanay dito sa mansyon. Mas gusto ko pang sa rancho kasama ang mga kabayo doon kaysa sa magandang bahay na ito.”
Tumawa siya sa sinabi ko. Totoo naman kasi, pakiramdam ko kung sa ganito ka nakatira kaylangan lagi kang malinis at mabango. Saka amoy pa lamang sa loob ng mansyon nakakailang na manatili dito dahil baka umalingasaw ako sa loob ng bahay. Nakakulob kasi ang hangin dahil sa aircon. Kahit sariwa ang hangin sa hacienda mas gusto pa rin nila na naka on ang aircon.
Puputi kaya ako dito?
Morena kasi ang kulay ko. Sabi nila nakakaputi daw ang tubig sa Manila, kaya siguro lahat ng galing sa syudad na nakikita ko ay magaganda ang balat. Hindi gaya ko, dalawang araw lang na hindi maghilod kinakapitan na ako ng kukurikapo.
Hinatid ako ni Tanya sa aking kwarto. Bukas daw ako mag-uumpisang alagaan o bantayan si Sir Terrence. Kailangan alas-sais pa lamang ay nasa kwarto na niya ako kaya dapat maaga ako gummising para makapagasikaso din ako ng sarili.
Mabuti na lamang at magkatabi lang kami ng kwarto kaya madali lang sa akin na mapuntahan agad siya nang hindi na dadaan pa sa ibang lugar.
“Wow! Ito ba talaga ang kwarto ko? Bakit parang ang laki? Kasing laki na ito ng bahay namin ah?” Biro ko kay Tanya na ikinatawa naman niya.
Ang babaw talaga!
Magkababata kami ni Tanya, kaya malapit kami sa isa’t-isa. Napakabait din niyang kaibigan. Actually hindi lang kaibigan ang turingan namin, gusto ko na rin siyang ligawan.
Charot!
Patay na patay pa naman siya kay Elias kaya wag na lang!
Maganda rin naman si Tanya. Kaya nga nagtataka ako kung bakit ayaw sa kanya ni Ellias. Samantalang alam naman niya na gusto siya ni Tanya. Minsan nga naiinis ako pag nalapit siya sa akin dahil baka magselos si Tanya. Maging dahilan pa siya para magkasira kami. Pero tiwala naman ako sa kaibigan ko na mas importante sa kanya ang friendship namin kaysa kay Ellias.
“Sabi kasi ni Donya Clara. Kaylangan daw nandito na lahat ng kailangan mo para madali mong mapupuntahan si Sir Terrence. Kaya completo na rin ang gamit dito.”
Inilibot ko ang aking tingin sa kabuoan ng kwarto. Napangiwi ako dahil halos lahat ng makita ko ay may kulay pink. Magmula sa Kurtina kumot unan at pati dingding ay kulay pink!
Ay Inay!
Okay lang sa akin na si Pookie lang ang pink pero kung buong kwarto ko na ang pink!
Awit na lang!
“Hindi mo ba nagustuhan? Si Donya Clara din ang nagpagawa ng kwarto na to. Mahigit isang buwan ata ni-renovate ito.” Wika ni Tanya. Napamaang ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na ganito kagandang silid ang titirhan ko. Pero mas gusto ko paring matulog sa kwadra ni Laki kaysa dito.
Nakakababae kasi!
Hindi kaya pinagtitripan lang ako ni Lola?