Chapter 6

1012 Words
Malapit ng bumukang liwayway nang magising ako. Ngunit pakiramdam ko ay wala pang isang oras akong tulog. Namamahay kasi ang katawan ko sa malambot na kama at mabangong silid. Kapag inililibot ko ang aking mga mata si Pookie lang ang dugyot sa paningin ko. Mukhang kailangan ko na talaga siyang labhan. Masyadong malamig ang aircon kaya pinatay ko na iyon kanina. Hindi kasi ako sanay, dahil bentidor ang gamit namin sa bahay. Humihikab pa akong tumayo at inayos ko ang kama sa dati nitong pagkaka-ayos. Binuksan ko ang malaking pintuan sa veranda upang lumanghap ng masarap na hangin sa hacienda. “Hmmm! Ang sarap talagang singhutin ang hangin dito bukod sa presko walang halong pulosyon!” Nakangiting wika ko habang nakataas ang kamay ko para mag-unat. Malaki din ang pagkakahikab ko pakiramdam ko ay parang mapupunit na ang labi ko sa laki ng pagkakanganga ko. “Good Morning!” “Ay Pookie!” Sumambulat ng tawa si Lawrence, hindi ko napansin na nasa baba pala siya at mukhang kagagaling lang niya sa pagtakbo. Dahil halata sa damit niya ang pagtulo ng pawis niya sa katawan bumabakat na rin ang mga pandesal niya na kulang na lamang ay kape may almusal na ako. “Ang laki ng hikab mo ah? Kita ko na pati ang taal. Hahahah!” Pang-aasar pa niya. Nahiya ako dahil nakita niya ako sa ganung itsura.   “Good morning po Sir. Lawrence.” Nahihiyang bati ko sa kanya. “Mas maganda ang morning ko dahil nakita na kita. See you later!” Wika pa niya bago siyang tumakbong muli. Tinanaw ko nalang siya habang nagjojoging palayo. “Haist! Ano ka ba naman Gabriella!” Saway ko sa sarili. Pumasok na ako sa banyo upang maligo para magising naman ang mga ugat-ugat ko at pati na rin mapawi ang antok na nararamdaman ko. Papinturahan ko kaya ng itim ang kwarto ko? Baka mas mahimbing pa ang tulog ko?   Pati gamit sa banyo ay kompleto ako at mga bago din kaya tinapon ko na lang ang mga dala ko. Mag-iisang taon na rin kasi ang toothbrush ko. Isang gamit na lang mapagkakamalan na siyang walis! Charot lang! Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng brown t-shirt at black na maong lagpas hangang tuhod kinuha ko din yung cap ko dahil ito talaga ang kumokompleto sa style ko. Hinayaan ko muna yung lagpas tenga kong buhok dahil medyo basa pa siya mamaya ko na lang itatali. Bumaba na muna ako sa kusina. Magpapatimpla ako ng kape kay Tanya. Sigurado ako gising na yun ng ganitong oras. May isang oras pa naman ako bago mag alas-sais kaya makikipag-chikahan muna ako sa kanya. “Mabuti naman gising ka na! Nakatulog ka ba ng mahimbing?” Tanong ni Tanya bago niya ako pasadahan ng tingin. “Bakit?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. Habang nakatigil siya at nagpapalaman ng peanut butter sa tinapay. Favorite ko yan! “Wala ka bang ibang damit Gabbi? Saka ang buhok mo basa pa naglalagay ka na ng sombrero. Gusto mo bang makalbo?” Binitawan niya ang tinapay at lumapit sa akin. Kinuha niya ang sombrero sa ulo ko. “Tanya naman eh! Ano bang gusto mong isuot ko? Gown?” Nakangising wika ko sa kanya. Inagaw ko ulit ang cap ko at tinupi ko bago isuksuk sa likuran ko. “Mukha ka kasing boy sa bigasan. Kung hindi lang maliit ang katawan mo.” Dagdag pa niya. “Maliit ang katawan? Ako? Hindi mo ba nakikita tong mga muscles ko?” Inangat ko ang braso ko at pinatigas ko ang muscles ko. “Ayaw kita mo? Kahit hindi kasing laki ng mga muscles nila kuya perokaya kitang patumbahin ng isang suntok lang!” Mayabang na sabi ko sa kanya na ikinatawa niya. Naiiling na lamang siya at pinagpatuloy ang pagpapalaman ng tinapay. “Maniwala ka sa kanya Tanya. Dahil walang awa niya akong binalibag kagabi.” Nanlaki ang mga mata kong nilingon si Sir. Lawrence. Katatapos lang din siguro nitong maligo. Dahil basa pa ang buhok nito at nagsusumigaw ang kaguwapuhan nito dahil sa malalim niyang dimple. Tumingin naman sa akin si Tanya na wari’y kino- kumpirma kung totoo ang sinabi ni sir Lawrence kaya binalingan ko ulit si sir. “Sorry po sir, hindi ko naman kasi akalain na ikaw yun. Saka nagulat po ako ng bigla niyo akong yakapin. Pero sana po wag niyo na lang pong ulitin dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga makakakita.” Nakayukong sabi ko sa kanya. “Wala akong paki-alam sa iisipin nila. And besides, alam naman nilang lahat ng nililigawan kita. By the way, andito ako para sumabay sa inyong magbreakfast. Can I have coffee please?” Baling niya kay Tanya na gad namang kumilos upang ipaghanda ng coffee si sir. Lawrence. Tahimik kaming kumakain ng almusal. Tapos na rin kasing magluto ang kusinera nila. Dapat sa kusina ako kakain pero ayaw ni Lola. Gusto niya kasabay daw ako. Wala akong nagawa ng hilahin na ako sa mesa ni Lawrence. Mabuti na lamang at wala si Sir Flavio pati na rin ang asawa niya dahil nakakahiya na ang isang trabahador na gaya ko ay sumabay sa kanila sa pagkain. “Kumusta naman ang tulog mo hija? Nagustuhan mo ba ang kwarto mo?” Nakangiting tanong ni Lola Clara. “Opo, Don—. Lola.” Nahihiya akong tawagin siya ng ganun dahil nasa harapan ko si Sir. Lawrence. “Kaso po naninibago po kasi ako. Wala rin kahit isang lamok akong nakita. Sa bahay kasi kahit malakas na ang bentelador parang sumasabay ng lang sa hangin ang lamok kaya nakakagat parin ako. Siguro malamig kasi ayaw nila sa aircon. Kahit ako hindi rin sanay na malamig kaya kaninang madaling araw po pinatay ko na lang baka magyelo pa ako ng tuluyan sa kwa—“ Putol ko sa mahabang kwento dahil hindi ko napansin na mahaba na pala ang nasasabi ko. Tumawa naman si Sir Lawrence at nakangiti lang akong tinignan ni Lola Clara parang aliw na aliw siya sa akin. Haist buang talaga ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD