Chapter 7

1123 Words
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin ako upang umakyat na. Mag-totoothbrush muna ako sa kwarto ko bago ako pupunta sa kwarto ni Sir Terrence. Palabas na ako ng kwarto ko nang mabungaran ko si Lola Clara. “Hija, may binili akong mga damit para sa’yo.” Wika niya sabay abot sa akin ng malaking paper bag. “Lola, marami pa naman po akong damit hindi na po sana kayo nag-abala.” Nahihiyang sabi ko sa kanya. “Gabriella tangapin mo na, maliit na bagay lang yan. Sana isuot mo din yan, ako talaga ang pumili niyan para sa’yo.” Giit ni Lola habang nakangiti sa akin. “Sige po, salamat. Mamaya ko na lang po bubuksan. Pupuntahan ko na po kasi si Sir. Terrence.” Paalam ko sa kanya. Dinala ko muna sa kwarto ang bigay niya. Pagkatapos ay lumabas na ako ulit. Ilang hakbang lang ang pagitan ng kwarto namin. Magkasabay kaming pumasok doon ni Lola. Bumungad na naman sa akin ang maamong mukha ni Sir Terrence habang inaasikaso siya ng private nurse na kinuha ni Lola upang tumingin sa kanya. Siguro nasa kwarenta na ang edad nito kung hindi ako nagkakamali. “Tutulungan mo lang si Miss. Eva na asikasuhin ang apo ko habang wala pa siyang malay. Nararamdaman kong gigising pa ang pinakamamahal kong apo Gabriella, kaya ikaw na ang bahala sa kanya. Marami din akong aasikasuhing negosyo sa Manila  kaya paki-usap, tawagan mo ako palagi. Iwasan mo din si Lawrence, alam ko may pagtingin sa’yo ang apo kong yun. Kung wala ka namang nararamdaman para sa kanya  huwag mo siyang bigyan ng dahilan para umasa. Yun lang ang hinihiling ko, sana mapagbigyan mo ako.” Mahabang bilin ni Lola habang hawak pa ang kamay ko. Naiintindihan ko naman siya at hindi ko naman binibigyan ng pag-asa si Sir Lawrence. Pero tama si Lola, mas mabuting iwasan ko na rin si sir Lawrence. Ramdam ko ang pagmamahal ni Lola Clara kay Sir Terrence. Nakita ko din na nangingilid ang mga luha niya habang nakatingin kami sa kanyang apo. Maraming nakakabit sa kanyang aparato na hindi ko alam kung para saan. Hindi rin malinaw sa akin kung ano ba talaga ang gagawin ko sa maghapong pananatili sa loob ng kwarto ni Sir Terrence. Lumapit si Lola at hinawakan ang kamay ni Sir Terrence. “Apo ko, gumising ka na ha? Hindi susuko si Lola. Alam ko pakikingan mo ako Apo kaya lumaban ka ha? Andito si biik, siya muna ang magbabantay sayo habang wala ako.” Biik? Nagpalinga-linga ako, baka kasi may biik dito sa loob ng kwarto. Pero imposibleng may biik dit dahil sa kulungan lang meron non? Hinalikan ni Lola sa noo si Sir Terrence. Nakita ko pa ang pagpahid ng luha niya. “Gabriella, pwede bang basahan mo siya ng libro? Yun kasi ang paborito niyang gawin, marami doon sa cabinet ikaw na lang ang mamili.” Bilin pa niya sa akin. “Sige po Lola, wag na po kayong mag-alala, malay niyo pag-balik niyo gising na siya.” Nakangiting wika ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. “Sana nga hija. Natatakot akong mawala sa mundo na hindi ko man lang nakikita ang pagising niya. Alam ko gigising siya.” Umiiyak na wika niya sa akin. Hinaplos ko ang likod ni Lola. Ramdam ko ang pangungulila niya sa kanyang apo. Kung may kapangyarihan lang akong gisingin siya gagawin ko agad. Nakakaawa kasi si Lola Clara at masyado pa siyang bata para umakyat sa langit. Kalahating oras na ang nakalipas nang umalis si Lola Clara. Naiwan akong mag-isa dahil umalis rin si Miss. Eva, babalik na lang daw siya bago magtanghali. Kaagad akong pumunta sa cabinet kung saan nakalagay ang mga librong sinabi ni Lola. Kasalukayan akong namimili ng libro na pwede kong basahin kaya lang wala akong mahanap dahil puro english ang naroon at siguradong mabubuhol ang dila ko kapag yun ang babasahin ko sa kanya. Tapos hindi ko pa maintindihan. Ang hirap kayang magbasa ng hindi mo naiintindihan. Ibinalik ko lahat ng libro at nagbukas ulit ako ng panibagong cabinet at nakita ko ang mga librong pambata. Malalaki ito at may mga larawan pa, siguro ito yung binabasa nila noong maliliit pa sila. Kumuha ako ng isang piraso at dinala ko iyon sa tabi ni Sir. Terrence. Umupo ako sa tabi niya, wala naman sigurong masama kung ganito ang basahin ko para sa kanya? Hindi rin naman niya ako maiintindihan kaya binuklat ko na lamang ang lumang libro. “Sir Terrence? Pasensiya ka na ha? Masakit kasi sa bangs yung mga english books mo doon, kaya ito na lang babasahin ko." binuklat ko na ang libro at sinimulang basahin ang uang pahina. "Noong unang panahon may isang gusgusing biik. Walang gustong makipagkaibigan sa kanya dahil mahilig siyang maglaro sa putikan. Isang araw dumaan ang isang prinsipe at natuwang pinagmamasdan ang matabang biik. Kalaunan ay araw araw na itong pumupunta sa kulungan niya upang kausapin siya at makipaglaro. Naging magkaibigan ang prensipe  at ang biik. Hangang isang araw, nagtaka ang biik kung bakit hindi siya nito kinakausap kaya sa inis niya dito ay sinabuyan niya ito ng putik. Akala niya ang matutuwa ito ngunit lalo pa itong nagalit. Sa mga sumunod na araw ay hindi na ito nagpakita sa kanya." *The End* "Pisti! Anong klaseng kwento to? Siya na nga ang kinocomfort ng biik siya pa ang may ganang magalit?" Inis na bulalas ko. Tumayo ako at binalik ko ang libro sa kabinet. Bumalik ulit ako sa tabi ni Sir Terrence. Pinagmasdan ko ang kabuohan ng mukha niya. Kahit nakapikit siya at hindi ko nakikita ang ngiti niya sigurado ako marami nang pinaiyak ang lalaking ito. Paano ba naman kasi bukod sa mahabang mga pilik mata, matangos na ilong at hugis pusong mga labi. Napakakinis din nito walang ka pores-pores. Hindi gaya kong full pores palagi. Nakatitig lang ako sa kanya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Miss Eva. "Gabriella, tulungan mo naman akong punasan si sir, para makapagpalit na rin siya ng damit." Wika niya sa akin. Tumayo ako para tulungan siyang maghanda. "Sige po Nurse Eva. Punasan lang pala eh.." Wala sa sariling sagot ko. Punasan? Palit ng damit? "Ikaw na magpunas ng buong katawan niya. Ihahanda ko lang yung maligamgam na tubig." Dagdag pa niya. Aalis na sana siya ng bigla ko siyang pigilan. "Nurse Eva, wag mong sabihin pati yung totot kailangan kong punasan?" Tanong ko na nagpakunot sa noo niya. "Anong totot?" "Y-yung nabubuhay at tumitigas po. Kahit wala namang buto?" Sagot ko. "Ah yun ba? Oo, ikaw na daw ang gagawa nun sabi ni Mrs. Moteverde." "Ako? Bakit po ako?" Sabi ko na nga ba may balak si Lola na torturin ako! Lola!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD