“Hoy! Para kang natuklaw ng malaking cobra diyan sa itsura mo ah! Bakit tulala ka at wala sa sarili?” Natatawang tanong ni Tanya. Katatapos lang ng araw ko sa pagbabantay kay Sir Terrence at inaya niya akong magkape sa labas ng hardin. Mabuti na lang at tapos na rin siyang maglinis ng malaking bahay kaya may oras na kaming magchikahan.
“Tutuklawin palang.” Nakatulalang sagot ko sa kanya.
“Ano?!” Singhal niya sa kin na nagpabalik sa wisyo ko.
“Este! Bakit ka ba kasi nangugulat?” Inis na sabi ko sa kanya.
“Paano ba naman kasi kanina pa ako salita ng salita dito hindi mo ako sinasagot tapos nakatulala ka lang, yung kape mo nga malamig na! Mas malamig pa sa nguso ng aso!” Kunot noo ko siyang tinignan.
“Paano mo nalaman malamig ang nguso ng aso? Hindi kaya pinag-interesan mo yung malaking alagang aso ni Sir Lawrence?” Nakangisi kong tanong sa kanya.
“Pisti ka! Anong palagay mo sa akin? Violence againt’s dog and human property?” Inis na singhal niya na ikinatawa ko. Pag mag kasama talaga kaming dalawa daig pa namin ang may sampong myembro ng magkakaibigan. Ewan ko ba kung sadyang may pag ka tililing lang si Tanya o baka nahawaan ko na siya ng tuluyan.
“Maiba tayo Tanya, alam mo ba kung kailan uuwi si Lola Clara? Gusto ko ng bumalik sa amin. Namimiss ko na sila Inay at Itay. Pati na rin sila kuya at ang mga kabayo.” Malungkot na wika ko.
“Ano? First day mo palang dito gusto mo ng umuwi? Bakit? Ang gaan nga ng trabaho mo eh. Magbabantay ka lang, tulog pa diba?” Wika niya sabay inom ng kape. Kinuha ko na din ang maligamgam at mabangong kape na tinimpla niya para sa akin. Nasa harapan kasi kami ng mansyon habang nakaupo at pinagmamasdan ang ganda ng hardin.
“Hindi ko kasi kayang makakita ng cobra araw-araw.” Wala sa sariling sagot ko.
“Ano? Ano bang pinagsasabi mo?” Naguguluhan na tanong niya sa akin. Kung alam lang niya ang karahasan na pinagdaanan ko ngayong araw. Mas gugustuhin ko ng bumalik sa kwadra ng mga kabayo at magdakot ng ebak nila.
“Oh my God! Don’t said me, nakita mo yung cobra ni Sir Terrence?” Gulat na tanong niya sa akin. Nakatakip pa ang kanyang kamay sa bibig niya.
“Don’t tell me yun! Buset!” Singhal ko sa kanya.
“Pareho na rin yun! Pero hindi nga? Paano mo nakita? Sinilip mo no?”
Haist! Ginawa pa akong pogeng manyakis!
“Ano naman palagay mo sa akin? Baklang Manyakis?! Tanya bi-bingo ka na sa akin ha. Pinalinisan lang sa akin ni Miss. Eva ang katawan ni Sir Terrence at yun daw ang utos ni Lola. Wala akong choice Tanya, I feel Abused ang Torturing!” Atungal ko. Nagulat na lamang ako nang binatukan niya ako.
“Aray! Ansakit non ah!”
“Ayaw mo noon? May idea ka na kung ano talaga ang itsura non? Malaki ba? Pwede next time pakita mo din sa akin.” Nakangising wika niya. Pinikit ko ang mga mata ko dahil baka hindi ako makapagpigil maihagis ko siya sa labas ng hacienda.
“Alam mo? Mas inosente pa si Pookie kausapin sayo eh. Pag ikaw ang kausap ko sa ganitong bagay nagiging berde ang utak ko.” Humagalpak siya ng tawa kaya lalong nagdugsong ang kilay ko. May paghawak pa siya sa tiyan niya na parang loka-loka.
“Kunwari ka pa Gabriella, gusto mo din naman talaga. Hahahah!” Dagdag pa niya. Tumayo ako at binitbit ang tasa ng kape papasok sa mansyon. Baka makalimutan kong kaibigan ko si Tanya at gawin kong pataba sa mga rosas na nakatanim sa hardin. Nakanguso ako patungo sa pintuan. Tanungin ba naman ako kung malaki? Malay ko ba dun wala naman ako noon. Pero yung mga kabayo sa rancho malalaki din.
Buset! Ano ba itong iniisip ko!
“Hoy! Malaki ba!” Habol niya. Lumingon ako sa kanya at tumatawa parin siya.
“Buset ka!” Sigaw ko. Bago ako makapasok sa pinto. Naisipan kong i-locked ang pinto para hindi makapasok si Tanya mamaya. Lintik lang ang walang ganti sa pang-aasar niya.
“Anong malaki?”
“Ay pookie!”
Nagulat na lamang ako na nasa harapan ko na siya. “Sir Lawrence naman eh, nawiwili na kayong gulatin ako.” Nakasimangot kong sabi sa kanya. Pero in fairness ha, ang bango niya talaga at ang tangkad pa. Hanggang leeg nga lang niya ako kaya kailangan ko pang tumingala sa kanya. Gwapo naman si Sir Lawrence kaya lang nakatanim na sa utak ko na hindi ko siya pwedeng sagutin dahil mas marami ang dahilan ko para hindi tangapin ang panliligaw niya.
“Anong pookie ang sinasabi mo?” Kunot noo na tanong niya sa akin na nagpawala ng kulay ko sa mukha.
“Ah sir, si pookie yung baboy kong stuff toy. Malaki kasi yun saka madumi na kailangan ko ng labhan kaya lang mahirap tuyuin baka masira lang lalo.” Palusot ko. Bakit ba kasi si Pookie lagi kong naaalala kapag nagugulat ako. Actually porkie talaga ang pangalan niya kaya lang utal pa ako noon nang ibigay siya sa akin kaya nasanay na ako sa pookie.
“Ah, ganun ba? Pwede naman natin siya dalhin sa laundry shop.” Suggest niya sa akin.
“Ay hindi na po sir Lawrence, Ako na po ang bahala sa kanya. Sige po mauuna na po ako.” Paalam ko sa kanya. Pero bago pa ako makahakbang ay hinila niya ang braso ko.
“Are you avoiding me?” Seryosong tanong niya sa akin. Bigla kong naalala ang sinabi ni Lola Clara.
“Ah, hindi po si Lawrence. Pasensiya na po may gagawin pa kasi ako.” Nahihiyang sagot ko sa kanya.
“Kung hindi mo ako iniiwasan samahan mo akong kumain ng dinner. Wala si Lola at ayokong mag-isang kumain sa malaking mesa na yun.”
“Pero Sir, sabay po kasi kami ni Tanya mamaya.” Katwiran ko.
“Eh di sabay na rin siya sa atin?” Nakangiting wika niya. Wala na talaga akong lusot pa.
“Sige po akyat po muna ako.”
Haist! Ano ba naman kasi nakita ni sir Lawrence sa akin! Kaunti na lang talaga mamemental na ako sa pinagagawa nila!