Nang makarating na ako sa kwarto ko ay umupo muna ako sa kama. Nilingon ko Pookie at inabot ko siya.
“Pookie? Tingin mo ano kaya ang pwede kong gawin para ma- discourage si Sir Lawrence sa akin? Para hindi na niya ako kulitin at para hindi na rin siya manligaw? May alam ka ba?” Bulong ko sa kanya habang tinitignan ang cute kong stuff toy. Pero imbis na mahanap ang sagot ay inamoy ko na lang siya. Napangiwi ako, nakakabingot na pala ang amoy ni Pookie.
“Haist! Itong biik na to! Bat ang panghi mo?”
Ibinalik ko na lang siya sa kama. Naghilamos na lang ako at tinangal ko din yung sobrero ko para makapagsuklay na rin dahil mukha na akong sinabunutan sa itsura ko.
Napadako ang tingin ko sa malaking paper bag na bigay ni Lola pagkalabas ko ng banyo. Dinampot ko yun at binuksan. Isa-isa kong inangat ang damit at napakunot ako.
Dress?
Backless?
Mini skirt?
Flowering?
With matching sexy underwear’s?
Oh my Gulay! Lola!
“Oh? Bakit sandamukal na naman ang mukha mo? Hindi ka parin pa maka-recover?” Nangingiting wika ni Tanya. Nasa kusina kami dahil naghahanda siya ng hapunan. Tapos na kasi magluto si Manang Constancia.
“Tanya, pwede bang wag mo muna ako asarin? Nanghihina ako.”
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang noo ko. “Bakit, may lagnat ka ba? Mukhang wala naman ah? Baka dahil yan sa kamandag ng Cobrang nakita mo.” Nakangising wika niya sa akin.
Wah! Ililibing na kita pinaalala mo naman!
Tinalikuran ko na siya. “Hoy Gabbi, sinabi na sa akin ni Sir Lawrence. Pumunta ka na lang sa dining table.” Utos niya sa akin. Hindi na ako lumingon pa at nagpatuloy na ako sa paglakad papunta sa dining table. Iniisip ko parin kasi kung paano ko aalisin ang pagkagusto sa akin ni Sir Lawrence.
Umupo na ako sa upuan. Maya-maya ay kompleto na ang pagkain namin sa mesa. Inaantay na lang namin si Sir Lawrence dahil nasa online meeting pa daw kasi ito. Kaagad kong hinila si Tanya.
“Ano ba yun?”
“Tanya, sabihin mo sa akin. Ano ang pwede kong gawin para mawala ang pagkagusto sa akin ni Sir Lawrence?” Seryosong tanong ko. Humawak siya sa baba niya na parang nag-iisip din.
Tagal naman!
“Bakit hindi mga kuya mo ang tanungin mo? Mabuti ka pa nga dalawang lalaki nagkakagusto sayo samantalang ako kahit isa wala.” Nakangusong sagot niya sa akin. Pumasok sa utak ko yung una niyang sinabi. Bakit nga naman hindi sila kuya ang tanungin ko diba? Maraming nagkakagusto sa kanila pero alam nila ang babaeng magugustuhan nila.
Kakausapin ko sila pag-uwi ko.
Lesson one: Paano mawawala ang nararamdaman ng may crush sayo!
Maya-maya pa ay nakangiting bumaba si sir Lawrence at binati kami. Sabay-sabay na rin kaming kumain. Kahit masarap ang ulam parang hindi ko yun nalalasahan. Naiilang kasi akong kumain dahil kaharap ko siya at panay tingin sa akin. Idagdag ko pa ang marami niyang plato at kutsara pati na rin kutsilyo. Parang gusto ko tuloy itanong kung may nakatago ba siyang mga kamay, bakit kailangan marami siyang kubyertos pero bukas na lang.
“Manang Constacia, ang sarap talaga ng luto mo.” Papuri ni sir Lawrence. Tuwang-tuwa naman ang may edad na kasambahay. Masarap naman talaga kapag may pumupuri ng luto mo lalo pa at pinaghirapan mo talagang iluto. Hindi gaya nila kuya napaka-arte. Kapag ako ang nagluluto lagi silang may comment. Pero okay na rin yun para next time alam ko na din paano mag-adjust sa panlasa nila.
Halos magkasabay kaming natapos. Tinulungan kong magligpit si Tanya at si Manang nakakahiya kasi. Pero hindi ko inasahan tutulong din si Sir Lawrence. Sabay pa kaming naglagay ng plato sa tabi ng lababo kaya nagkatinginan kami.
“S-sir kami na po ang bahala dito.” Nauutal na wika ko.
“Okay lang, kaya ko na to.” Sagot niya. Nakangiti na naman siya sa akin. Malapit na akong matukso, pero hindi! Kaya ko! Kaya ko!
“May problema ba?” Kunot noo na tanong niya sa kin. Saka ko pa lang naisip na nakatulala pa rin pala ako sa kanya.
“Ah wala sir! May dumi kasi kayo sa taas ng labi niyo. Kulangot ba yan? Kulay green eh?” Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Kunwari lang yun pero wala naman talaga.
Naisahan ko siya hahahha!
Kaagad akong lumabas ng kusina at nagmamadaling umakyat sa kwarto. Bahala na si Tanya sa hugasin kaya na niya yun.
“Gabbi sandali!” Tawag niya sa akin. Ambilis naman niya akong mahabol. Napilitan akong huminto.
“Bakit po sir?” Nakangiting tanong ko.
“Can I invite you for coffee? Hindi kasi tayo nakapag-usap ng maayos.” Alok niya sa akin. Ito na naman siya!
“S-sir, nakailang kape na po ako ngayong araw baka ako masobrahan hindi na ako makatulog. Kailangan ko pa pong alagaan si sir Terrence bukas.” Pagdadahilan ko. Nakita kong lumambot ang mga mata niya. Wari ko ay nakikiusap siyang pumayag ako.
“How I wish ako na lang ang nakahiga sa bed na yun at inaalagaan mo.” Sambit niya na ikinagulat ko. Ganun ba niya ako kagusto para sabihin yun sa akin? Mas gugustuhin pa niyang palit na lang sila ni Sir Terrence?
Malala na to!
“Sir wag naman po kayong ganyan.” Napabuntong hininga na lamang ako.
“Pwede po gatas na lang, para mahimbing din ang tulog ko sa pink na kwarto?” Pagpayag ko. Nakita kong sumaya ang expressyon ng mukha niya.
Ngiting wagas eh!
Mahirap umasa sa pag-ibig pero kailangan mo din na bigyan ng halaga ang pinapakita nila. Bago mo sabihin sa kanila ang totoo mong nararamdaman. Hindi dahil pumayag ako kay Sir ay nakakalimutan ko na ang bilin ni Lola. Ayoko lang isipin niyang pakipot pa ako dahil hindi naman ako kagandahan.
Nasa taas kami ng rooftop dahil doon ako inaya ni Sir Lawrence. Malawak naman dun at maraming ilaw. Marami din ang nagkikislapan na star sa langit. Bitbit namin ang mga inumin at pinatong namin sa ibabaw ng mesa. First time kong nakapunta dito kaya hindi ko alam na napakaganda pala dito. Para kang humahalik sa langit habang tinatangay ng hangin ang mga balahibo sa balat.
"Gabbi?"
"Po." Kinakabahan kong sagot.
"Matagal na kitang gusto, simula pa noong niligtas mo ako sa mga pirata."
Pirata?
Hindi ako so Peterpan Jusmeyo!