----------
Hinayaan mo akong lapitan ka
Sa pag-abot sa ‘yo nagkaroon ako ng pag-asa…
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Parang sa paglapit ko’y mas lalo ka namang lumalayo…
---------
Laiza’s heart is trembling as she followed Liam walking up the stairs. Hawak-hawak nito ang pinirmahan niyang kontrata.
Bukod sa kasal, iniisip din niya ang magiging kaligtasan nila ng ina.
Ano ba kasi itong gulong pinasok niya?
Halos bumangga siya sa likod ni Liam nang bigla itong tumigil. Napasinghap pa siya nang lumingon ito sa kanya. Her heart beats raced as she looked at his green eyes.
“I’m going to show this as proof that you are married to me. So, they won’t ever touch you.” Saad nito.
Napatitig siya rito.
“Sino’ng they? Mga sindikato ba kayo? Bakit kayo pumapatay ng tao?”
Ano bang klaseng buhay mayroon ang mga Filan?
Mga sindikato ba sila kaya ang yaman-yaman nila?
Those thoughts scared her. Napalunok siya at pinanginigan nang tumitig ang lalaki sa kanya ng matiim.
“The lesser you know, the better.” Madiing saad ni Liam. Napalunok siyang muli nang biglang bumilis ang t***k ng puso niya.
“Ang mommy ko. Sasaktan din ba nila?” Wala sa sarili niyang tanong.
Liam stared at her for a moment before answering.
“Hindi. As long as she doesn’t know anything about what you saw earlier.” He muttered.
“Ano bang kasalanan ng mga lalaking ‘yon? ‘Yong isa bakit mo sinasaktan?” Lakas-loob niyang tanong. Sa kabila ng sinabi nito ay hindi matahimik ang puso niya hangga’t hindi niya alam ang lahat.
“The lesser you know, the better, Christine Laiza.” Liam muttered with an impatient tone. Natigilan siya sa intensidad ng tinig nito. His deep low voice sounds so authoritative.
Hindi na siya nakapagsalita pa nang maglakad ulit ito.
“This will be your room.”
Napatingin siya sa pintuang bumukas nang tumayo si Liam sa tapat nito. Hindi siya agad nakagalaw mula sa kinatatayuan.
Is she staying here as his wife?
She didn’t know why that thought has a bittersweet effect on her being. Ang gulo na nga ng sitwasyon iyon pa ang naiisip niya.
“You don’t have to act nor pretend as my wife anywhere else. Puwede kang lumabas ng bahay. Do whatever you want to do as long as you go home in this house for your security.” Liam stated as if he read her mind.
Hindi siya nakapagsalita. Hindi na talaga niya masundan ang nangyayari.
“Hindi ba magpapanggap tayong mag-asawa para hindi nila ako patayin? Paano kung malaman nilang hindi tayo totoong mag-asawa?” Kunot-noo niyang tanong.
Liam stared at her.
“This paper is a proof that we are married. We don’t have to act as couple.” He said raising the documents. Inilapit pa nito sa mukha niya ang dokumento. He moved a step closer towering her. Hindi niya napigilan ang sariling tingalain ito.
“Stop reading and watching cliché stories, Christine Laiza. This is not the part where romance starts.” He added with a smirk.
It took few seconds before she realized it was an insult.
Napailing siya at hindi na nagsalita pa. Umalis din ito sa harap niya nang magbaba siya ng tingin. Itinuro nito ang daan papasok ng silid. Dahan-dahan na lamang siyang naglakad papasok ng kuwarto.
The door automatically shut when he went off. Matagal siyang nakatulala sa nakapinid na pinto bago napansing wala itong doorknob. She tried pushing it and sliding but it can’t be opened.
Doon na ulit siya nag-umpisang kabahan.
Ikinulong ba siya ni Liam sa kuwarto?
Sh!t.
Bakit naman kasi siya ililigtas ng isang Von Liam Filan? Baka may balak din itong patayin siya dahil sa mga nasaksihan niyang ginawa nito.
She gave her whole strength and pushed the door but it didn’t open. Naghanap siya ng scanner dahil bigla itong bumukas kanina nang tumapat si Liam pero wala siyang makita.
Agad niyang tinungo ang bintana at hinawi ang kurtina. Madilim ang labas ng bahay at wala siyang maaninag na kahit na isang tao.
Halos mapatalon siya nang tumunog ang telepono sa side table.
Dahan-dahan siyang umupo sa kama at inangat ang telepono.
“Stop playing with the door.”
Napatuwid siya ng upo nang marinig ang boses ni Liam. Iginala pa niya ang paningin para tingnan kung may CCTV camera sa loob ng silid dahil alam nito ang ginawa niya sa pinto pero wala siyang makita.
“Utter my full name to open it.” He said before the line went dead.
Ilang minuto siyang nakatulala sa may pintuan bago sinubukan ang sinabi nito. The door slowly opened. Awtomatiko itong sumara nang lumabas siya. The door opened when she uttered Von Liam’s full name again.
Bumalik siya sa kama at naupo. Nakahinga siya nang maluwag na mukhang hindi naman yata siya sasaktan ni Liam at talagang tinutulungan lang siya.
Bumalik ang kaba sa dibdib niya nang maalala na naman ang dahilan kung bakit siya nasa loob ng bahay.
What will happen tomorrow?
Ilang oras siyang nag-iisip kung ano ang dapat gawin nang bumukas ang pinto.
“I am going out for a cup of coffee.” Liam uttered as he walked in.
“Gusto mong sumama?” Tanong nito.
Agad siyang napatayo. The thought that she’ll be left alone in the house scares her. Ayaw niyang maiwang mag-isa sa loob ng bahay.
Hindi ito nagsalita nang sumunod siya rito palabas ng kuwarto.
“I won’t be staying in this house. I will only come and check on you once in a while.” Paliwanag nito habang pababa na sila ng hagdan.
“Ayokong mag-isa rito.” Kinakabahan niyang saad. She’d rather go home.
“You will be fully guarded,” Liam said glancing at her.
“Puwede ba akong umuwi na lang sa amin?” Tanong niya rito. Hindi naman nila kailangang magpanggap. Bakit pa niya kailangang tumira rito?
“I don’t like repeating myself.” He answered as he walks towards the door.
“Pasensya ka na. Hindi ko lang talaga masundan ang mga nangyayari.” Habol niya rito.
“Sabi mo kanina hindi natin kailangang umaktong mag-asawa. Bakit kailangan ko pang tumira rito?” Sunod-sunod niyang tanong. She really needed more explanation. Everything seems to be blur.
Tumigil si Liam sa paglalakad at tumingin sa kanya ng matiim.
“You are staying here for your safety. Pero kung gusto mong mamatay, you are free to leave.” Madiin nitong saad. Napalunok siya. Pakiramdam niya ay nanuot ang titig nito sa kaluluwa niya.
“Hindi lang ikaw ang nalilito sa mundong ito. Don’t make that as an excuse to be stupid.” He added.
That remark stings. Hindi siya nakapagsalita at napayuko na lang. Unang beses na may nagpamukha sa kanyang para siyang tanga dahil lang hindi niya masundan ang mga nangyayari.
She didn’t move when he went moved to the door. Ni hindi niya ito sinundan ng tingin.
Ilang minuto siyang nanatili lang doon bago nagpasyang sundan ito. Napatigil siya nang makitang nasa labas lang ito ng pinto at mukhang hinihintay siya.
“Were you hurt with my statement?”
Napatingin siya sa mukha nito nang marinig ang tanong. Liam is staring at her, void of any emotion.
“Your remark is offensive.” She blurted in low voice. She had to tell it. Hindi kasi siya iyong tipo ng babaeng nagsasabi ng okay kahit hindi naman. If she’s hurt and someone would ask her, she always tell what she feels.
Liam inhaled deeply as he stared at her.
“Don’t mistake being straightforward as an offensive move. That’s the only way you’d get immuned of the truth that often hurts.” Pahayag nito.
Hindi siya nakapagsalita. Ni hindi niya naihakbang ang mga paa para sundan ito nang maglakad ito patungo sa nakahimpil na itim na sasakyan. Sinundan niya ito ng tingin.
She pursed her lips when Liam stopped and looked back.
“There are only two choices you have in this world, Christine Laiza. It’s either you move forward or stay stagnant. The latter is a moronic choice.” He said before moving towards his car.
Napatitig siya sa likod ng binata.
Just how deep is this man?
Where are all the metaphors coming from?