3: Liam’s Dark Side

2573 Words
---------- Pinilit kong unawain ka, Kahit sa iyo’y wala akong mahinuha… Pero paano kita maiintindihan Kung sa paglapit ko’y lalo lang akong nabulid sa karimlan? ---------- Napagpasyahan ni Laiza na maglakad na lang mula sa bukana ng subdivision papunta sa kanilang bahay. Gusto niya kasing huminga lang saglit. Medyo malamig na kasi ang paligid dahil mag-aalas onse na ng gabi. Kagagaling lang niya mula sa isang kumpanya kung saan siya nag-apply. Hindi na rin kasi niya inaaasahang matatanggap pa sa VLF Airlines. Kipkip ang folder at bag, tahimik lang siyang naglakad. Mag-isa lang siya sa daan pero hindi naman siya natatakot dahil wala pa namang napabalitang hindi kanais-nais na pangyayari sa loob ng subdivision nila simula noong tumira sila doon. Isa pa, maliwanag naman ang daan dahil kumpleto ang mga lamp posts sa gilid ng kalsada papunta sa kanila. Relax lang siyang naglalakad nang makita ang isang pamilyar na pigura na lumiko sa kabilang kanto. Kasalungat iyon ng direksyon papunta sa kanila. Napakunot-noo siya. Parang sumikdo pa ang puso niya. Ano namang gagawin ng isang Von Liam Filan sa lugar nila? May kahawig yata ito sa lugar nila. Para kasing nakita niya ulit ito noong isang gabi na papunta rin sa kantong iyon. Liliko na sana siya papunta sa kalye nila nang magbago ang isip niya. Her curiosity is killing her. Agad siyang tumalikod at tinunton ang lugar na tinungo ng lalaki. Binilisan niya ang paglalakad baka sakaling maabutan pa ito. Hindi niya alam kung bakit parang kinakabahan siya sa ginagawa. Ilang metro na ang nilakad niya at palinga-linga sa paligid pero hindi niya matanaw anag likod ng lalaking nakita kanina. Napailing siya. Baka namalik-mata lang siya kanina. Ang bilis naman nitong maglakad kung sakali. Tatalikod na sana siya nang makarinig ng kakaibang kaluskos sa kung saan. Nasapo pa niya ang dibdib dahil biglang tumahip ang kakaibang kaba sa dibdib niya. Agad siyang nagtago sa isang puno nang marinig ulit ang mga kaluskos. Pinigilan niya ang sariling makalikha ng ingay nang may nakita siyang dalawang lalaking tumalon mula sa mataas na pader at mabilis na tumakbo sa may bakanteng lote. Ngayon niya lang naalala na may malawak pa palang talahiban sa bandang ito ng subdivision nila. Napahawak siya sa bibig at nahulog pa ang hawak na folder nang makitang naglabas ng baril ang isang lalaki at itinutok sa ilaw ng lamp post kasabay ng pagdilim sa bandang iyon. Wala siyang narinig na putok mula sa baril. Her heart beats raced some more when she saw the man she was following appeared from nowhere. Naka-black pants ito at long sleeve sweat shirt. His built really looks like Liam. Agad nitong pinagtatadyakan sa likod ang dalawang lalaki. Mas lalong nag-unahan ang t***k ng puso niya. Si Von Liam ba iyon? Agad na bumangon ang isang lalaki pero mabilis na inundayan ng binata ng suntok at malakas na sipa sa panga na sanhi para matumba ito. Agad namang bumangon ang isa pang lalaki at inundayan ng suntok ang binata pero nasalo nito ang kamao at agad na pinilipit ang braso. Walang kaabog-abog na ibinalibag ng binata ang lalaki sa damuhan. Namilipit ang lalaki sa sakit. Mabilis na inapakan ng binata ang dibdib ng lalaki nang tumihaya. Bumunot ito ng baril at itinutok sa kasamahan ng lalaki na akmang tatayo para atakehin ulit ito. Hawak-hawak niya ang dibdib sa tindi ng kaba sa nakita. Pero mas lalo siyang kinabahan nang makitang may isa pang lalaking sumulpot sa bandang likod ng binata at agad na itinutok ang baril sa ulo nito. Sisigaw sana siya dahil alam niyang babarilin nito ang lalaking kamukha ni Liam pero walang lumabas na salita mula sa bibig niya. She felt her entire senses numbing in fear. Akala niya ay tuluyan nang hahandusay ang binata dahil nakita niya ang pagkalabit ng gatilyo ng lalaki sa likod nito pero nagulat siya nang makitang nauna pang humandusay ang lalaki sa likod nito. She didn’t hear any gunshot. Nakita niya ang pagtutok nito ng baril sa dalawang binugbog nito kasabay ng pagtigil ng mga ito sa paggalaw. Her heart’s racing fast. Is that really Liam? Luminga ang lalaki sa paligid. Agad siyang nagtago sa likod ng puno. Dahan-dahan siyang sumilip ulit pero hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil medyo madilim ang puwesto. The man put his gun back on his belt area before walking towards the direction of an abandoned house. Hindi na masyadong kita ang bahay dahil sa taas ng mga talahib pero alam niyang may bahay doon. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para sundan ang binata sa kabila ng lahat ng takot sa dibdib niya. Dapat ay umalis na lang siya pero napansin na lamang niyang papunta siya sa abandonadong bahay. A part of her wants to find out if the man is really Von Liam. Magagawa ba talaga nito ang bumaril ng ganoon na lang? Anong kasalanan ng mga lalaki? Iyon ba ang dahilan kaya nakita ito sa lugar nila noong nakaraan? Wala sa sarili siyang lumapit at sumilip sa sira-sirang bintana nang makarinig ng hiyaw ng isang lalaki. May naaaninag siyang kaunting ilaw na nagmumula sa loob. There are four armed men standing. Isa doon ‘yong lalaking sinundan niya. May isa pang lalaking nakagapos sa gitna. Isang portable lamp na nagsisilbing ilaw sa loob. She couldn’t believe when she recognized that the man is really Von Liam Filan. Hindi siya maaaring magkamali. Pero bakit iyong gagawin ng isang Von Liam? The next scene terrified her more. She saw Liam hitting the captive on the face with a sharp knife. Narinig pa niya ang muling paghiyaw ng lalaki dahil sa sakit. Blood splattered from his face. Pianginigan siya ng buto at agad na napaatras. Pero mas lalong lumakas ang tahip ng dibdib niya nang biglang may humawak sa mga braso niya. Two men in black sweatshirts carried her like a light object. Gusto niyang manlaban pero nanghihina ang tuhod niya sa mga nakita. Hindi niya magawang ibuka ang bibig. “Boss, may babaeng nakakita sa inyo.” Saad ng lalaking nakahawak sa isang braso niya nang maipasok siya sa loob ng bahay. Napatingin ang tatlong lalaking kasama ni Liam. Their faces are menacing. Parang gusto niyang takasan ng ulirat nang makita ang mga baril ng mga ito sa malapitan. “Ulan.” Untag ng isang lalaki kay Liam. Nakatalikod ito mula sa diresksyon niya kaya hindi siya nito nakikita. “What do we do with witnesses?” saad ng nakatalikod na lalaki. Napalunok siya sa narinig. Ngayon niya nasigurado na si Von Liam Filan nga ito. Alam na alam niya ang boses ng binata. She was praying that he’d look back. Baka sakaling makilala siya nito pero nanatili itong nakatalikod. “Dispose her. Make sure she’ll be dead.” Utos ng isang lalaki. Humigpit naman ang hawak sa kanya ng dalawang lalaki. Doon na siya tuluyang nakaramdam ng kakaibang takot. Dispose? Dead? Bibitbitin na ulit sana siya ng mga lalaki pero agad siyang humulagpos sa pagkakahawak ng mga ito. “Von Liam…” Tawag niya sa lalaki para humingi ng tulong. Nakita niya ang agad na pagharap ng lalaki pagkarinig sa pangalang nabanggit niya. Manghihingi na sana siya ng tulong pero agad itong nagsalita. “Bitawan niyo siya!” Umalingawngaw ang boses nito sa loob ng kabahayan. “Huwag niyong sasaktan.” Dagdag nito na nakapagpatigil sa kanilang lahat. Nabuhayan siya ng loob sa narinig. Nakilala siguro siya ng lalaki kaya siya nito inililigtas sa mga kasamahan. “Rain, are you f*****g serious?” Saad ng isa pang lalaki. Iniisa-isang tiningnan ni Liam ang mga lalaking kasamahan. “No one’s touching my girl!” He uttered authoritatively. Pati siya ay nagulat sa sinabi nito. She didn’t know why that remark erased some fears inside. “She’s my fiancé.” He stated before walking towards her. Tinanggal nito ang pagkakahawak ng mga lalaki sa kanya at agad na hinila palapit rito. “Kayo nang bahala diyan.” Sambit nito bago siya hinila paalis sa lugar. Naglakad sila sa talahiban habang hila-hila siya nito sa kamay. Gusto niya itong pasalamatan pero hindi siya makapagsalita sa bilis ng paglalakad nito. She can’t cope up with his pace. Ilang minuto silang naglakad. Sumasakit ang paa niya dahil naka-close shoes pa siya pero pinilit niyang tiisin. Mas okay nang si Von Liam ang tumangay sa kanya kaysa sa mga lalaki kanina. Sa ibang kalsada na sila sumulpot matapos ang ilang minutong paglalakad. Agad siya nitong isinakay sa nakaparadang sasakyan. Her heart’s racing fast. Mabilis ang pagpapatakbo nito at ni hindi tumitingin sa kanya. Salubong ang kilay nito at tikom ang bibig habang nagmamaneho. Bumalik tuloy ang kaba niya kanina. She saw this man killing two persons. Kinutsilyo pa nito ang isang lalaki sa mukha. This man must really be dangerous. Anong gagawin niya? Hindi siya nakapagsalita nang ibaba siya nito at hinila papasok sa isang bahay. Pabalibag siya nitong pinaupo sa couch. Umupo ito sa katapat na single couch. Salubong ang kilay at halatang pigil na pigil ang emosyon nito. “What were you doing in that place?” Madiin nitong tanong. Hindi siya nakapagsalita sa nakitang galit sa berde nitong mga mata. “You’re putting your life at stake. Gusto mong mailibing ng buhay?” Nakita niya ang pag-alpas ng galit sa mukha ni Liam. Bumalik ang lahat ng kabang naramdaman niya kanina. “Nakita kita. May binaril kang dalawang lalaki.” Nanginginig ang boses niyang sambit. “Anong ginagawa mo sa lugar na ‘yon?” Napalakas ang boses nito. “Nakita kita kaya sinundan kita.” Naguguluhan niyang tugon sa binata. “You don’t know what you are getting into. The org will kill you!” Madiin nitong sambit. Ngayon lang lumabas ang luhang hindi makadaloy kanina sa tindi ng kaba. Ngayon lang din bumalik ng klaro sa ala-ala niya ang lahat ng nakita at ngayon lang din niya naisip na ang nasaksihan ay hindi basta-bastang krimen. There must be some people behind it. But what is Liam doing there? Is he an assassin? “You’ll help me right?” Nanginginig niyang sambit. Hindi ito nagsalita. Tumitig lang ito sa kanya. Kinuha nito ang phone sa bulsa at itinapat sa tainga. Lumayo ito at naglakad patungo sa maliit na bar counter. Umupo ito sa stool sapo ang noo habang may kinakausap. Hindi niya marinig ang sinasabi nito dahil sobrang hina nitong magsalita. Napa-face palm pa ito matapos ang tawag bago bumalik sa kinaroroonan niya. He took the remote control from the center table. Binuksan nito ang TV sa harap nila. Nagugulumihan siyang napatingin sa screen. Napakunot-noo siya nang makitang si Ethan ang nasa TV. Naglalakad-lakad ito na parang hindi mapakali. She immediately recognized their small living room. Napaluha siya nang makitang mommy niya ang nakaupo sa may sofa at mukhang nag-aalala. He saw Ethan swiping his phone. Itinapat nito ang phone sa tainga. Nagulat pa siya nang marinig ang tunog ng cellphone niya. Is the video real time? Bakit may CCTV footage ito ng bahay nila? “Receive your boyfriend’s call. Tell your mother you are safe and you are going home tomorrow with me.” Liam commanded. Napatingin siya rito. Seryoso naman itong nakatitig sa kanya. Her phone stopped ringing. Sumulyap siya sa monitor. Inalis ni Ethan ang telepono sa tapat ng tainga at tumingin sa ina niya na parang may sinasabi. Lumapit ang ina kay Ethan at hinawakan sa braso. Hindi niya marinig ang sinasabi ng ina. Itinapat ulit ni Ethan ang cell phone sa tainga kasabay ng pagtunog naman ng cellphone niya. Agad niyang kinapa ang bulsa at sinagot ang tawag. Nang tingnan niya si Liam ay nakatitig lang ito sa kanya na parang nagbabanta na huwag magkakamali sa sasabihin. Ibinalik niya ang tingin sa screen ng TV. “Si mommy kasama mo?” agad niyang tanong kay Ethan pag-angat niya ng telepono. Nakita niya ang pagliwanag ng mukha nito mula sa pag-aalala kanina. Ibinigay nito ang phone sa mommy niya. “Anak nasaan ka na? Bakit ‘di ka pa umuuwi?” Napaluha siya nang marinig ang boses ng ina habang pinapanood ito sa monitor ng TV. “Bukas na lang po ako uuwi, ma.” Pinigilan niyang humikbi pagkasabi niyon sa ina. She even covered the earpiece. She saw Liam pointing himself. “Uuwi po ako bukas kasama si Von Liam.” Sambit niya. “Anak--” Hindi na niya narinig ang sunod na sinabi ng ina dahil kinuha na ni Liam ang phone niya at agad na pinatay. “Anong nangyayari? Bakit may CCTV ka sa bahay? Nasaan tayo?” Sunod-sunod niyang tanong sa binata. Kanina pa niya ito gustong tanungin pero abot-abot ang kaba at takot niya sa mga nakita at narinig. Liam inhaled deeply and stared at her. Hindi ito nagsalita. Napatingin sila sa pintuan nang may kumatok ng marahan. Liam glanced at her. Agad itong tumayo at naglakad papunta sa pintuan. Hindi niya alam kung bakit mas lalo siyang nakaramdam ng takot. Mabilis din siyang tumayo at sumunod rito. “Stay behind me,” Liam muttered. He looked at the peephole before opening the door. Nagtago siya sa likod ng binata. “Boss, nandito na ‘yong pinapakuha niyo.” Rinig niyang saad ng isang lalaki. Kinuha ni Liam ang isang envelope saka isinara ang pinto. Sumunod siya sa binata nang bumalik ito ng living room. Tumunog ang phone nito. Tinitigan naman ng binata ang screen ng cell phone. Akala niya ay hindi nito sasagutin pero inangat din nito nang hindi matigil ang pagtunog. Liam’s forehead creased as he listens to the person on the line. Tiningnan niya lang ang reaksyon ng binata. Hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa dibdib niya sa lahat ng nangyayari. “Do you think I don’t know that?” Liam stated angrily. Muntik pa siyang mapatalon. Ilang segundo itong nakinig sa kausap bago ibinaba ang telepono. Tumitig ito sa kanya bago dinampot ang remote. “See this.” He uttered. He pushed a button on the remote. Nagpalit ang footage na nasa TV. It’s already outside their house. 360 degrees pa ang anggulo ng video. “Look at those men,” itinuro nito ang apat na lalaking nakatayo sa iba’t-ibang parte ng kalsada sa harap ng bahay nila. “They are going to kill you,” Liam muttered in serious tone. Tumingala siya sa binata. Pinanginigan ulit siya nang makita ang seryoso nitong mukha. He pushed another button. The video is already taken inside their yard. “Those are my men.” Itinuro nito ang ilang kalalakihan na nakabantay sa iba’t-ibang parte ng bakuran nila. Alam kaya ng mommy niya at ni Ethan na may mga tao sa labas ng bahay nila? Liam inhaled deeply as he stared back at her. “You need to sign this. It’s the only way you can get away from the organization’s eyes.” He stated as he opened the envelope. Inilabas nito ang dokumento. He took out the pen from the envelope and immediately signed. Naguguluhan siyang tumingin sa binata nang iabot nito sa kanya ang hawak na papel. “Ano ‘to?” Tanong niya. Her jaw dropped when she read the heading of the document. Marriage Contract
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD