5: Unexpected Meeting

2594 Words
-------- Akala ko kapag tumagal na kasama ka Maiintindihan na kitang talaga… Pero bakit gano’n sa bawat oras, minuto at segundo Mas lalo lang akong nalilito? --------- They went out for a cup of coffee, literally. Wala kasing nagsalita sa kanila. Pagkatapos nilang maubos ang kape, tumayo na agad si Liam na sinundan naman ni Laiza. Hinatid siya nito pabalik sa bahay na pinanggalingan nila. May mga ipinakilala itong mga lalaki na magbabantay sa kanya habang nandoon siya. Umaga na nang may kumatok sa kuwarto na isang maid at pinagbibihis siya dahil ibinilin daw ni Liam na susunduin siya ng alas nueve ng umaga. May ibinigay pang damit ang kasambahay sa kanya na pagbibihisan niya. Bumaba siya pagkatapos magbihis. Doon lang niya tuluyang nakita ang ganda ng kabahayan. Mataas ang kisame sa tapat ng living room. May parte itong clear glass kaya kitang-kita ang bughaw na langit. Tanaw din mula sa living room ang mga pinto ng mga kuwarto sa third floor overlooking kasi ang hallway. Clear glass ang nagsisilbing railings doon kaya kitang-kita kung sino man ang papasok sa mga silid. Hindi katulad sa second floor na nasa gitna ang hallway. The living room has minimal decorations. May sala set sa gitna kaharap ang isang malaking Plasma TV na nakapatong sa isang mahabang wood cabinet na hanggang baywang. Patalikod ang long couch mula sa maindoor ng bahay. May abstract painting sa sementadong pader na pinagitnaan ng glasswalls. May apat na malalaking Chinese urn sa bawat gilid ng parihabang living room. Glass ang ilang parte ng walls sa paligid kaya kitang-kita ang garahe at ang berdeng damuhan sa paligid. Napakaaliwalas ng paligid at sobrang linis pa. Naglakad siya papunta sa direksyon kung saan may daan patungo sa sa isa pang parte ng bahay na sa palagay niya ay dining area. Bumungad sa kanya ang nakahandang pagkain sa table. Parang ginutom pa siya. Sa kabilang side ng dining area ay ang kitchen counter na may apat na stools sa harap. Nakita niya ang dalawang maids sa may kitchen area. Ngumiti ang mga ito sa kanya at bumati pa ng good morning. “Ma’am kumain na daw po kayo. Susunduin daw po kayo ni sir Liam pagkatapos ng isang oras.” Napalingon siya sa lalaking nagsalita. Galing ito sa living room. Nakilala niya ang mukha ng lalaki dahil isa ito sa ipinakilala ni Liam kaninang madaling araw. “Gusto niyo po sa breakfast nook na lang sa tabi ng pool area kayo kumain?” May itinuro ito sa kabilang side. Halos mapanganga siya nang makita ang asul na asul na infinity pool sa kabilang side ng bahay. May man-made falls pa ito sa gilid ng pader. May dalawang recliner chairs sa gilid na nasa ilalim ng beach umbrella. Sa katapat naman ng pintuan papuntang kusina ay isang breakfast table na nasisilungan ng trellis na may vine plants sa ibabaw. The ground is so green. Hindi niya namalayan ang sariling lumabas patungo roon. May net pala sa ilalim ng vines kaya wala man lang ni isang dahon ang nalalaglag sa damuhan. Napapikit siya nang pandalian nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. This would have been paradise kung hindi lang mali ang sitwasyon. Naglakad-lakad siya sa paligid bago ibinalik ang tingin sa kabahayan. Tinted pala ang glass walls. The house is rectangular and has rough edges. Halatang lalaki ang may-ari ng bahay. Idagdag pa na all shades of gray ang kulay nito. Its enormity at the middle of a wide green lawn spoke of air and authority. Bagay na bagay kay Liam. There are few men walking around and guarding. Mataas ang bakod ng buong bakuran. Nakita niya ang dalawang katulong kanina na naglalabas na ng mga pagkain sa breakfast nook sa ilalim ng vines. Bumalik na lamang siya doon. *** Naka-ready na siya at nakaupo sa living room paharap sa maindoor nang makita niyang humimpil ang sasakyan ni Liam sa garahe. Agad siyang napatayo at tinungo ang pintuan. Halos mapanganga siya nang makita ang kotse sa malapitan. The overlapping four circles show that the car is an Audi. Matte black ang kulay nito. Ang angas tingnan. Her breathing hitched when Liam went out from the car with his sunglasses on. It matches with his almost square jaw. Mas lalo itong gumuwapo nang tumindig nang maayos at tumingin sa direksyon niya. Naka-business suit ito. Kahit hindi siya tinawag ay agad siyang lumapit rito. *** “We’re going to your mom first. Then, we’ll head to the VLF building.” Saad nito habang binubuksan ang pinto para sa kanya. Ang alam niya ay puwede naman nitong pindutin na lang ang hawak na remote pero pinagbuksan pa talaga siya. Hinintay nitong makasakay siya bago nagtungo sa driver’s side. Halos mapasinghap siya nang malanghap ang pabango nito nang makapasok sa loob ng sasakyan. “How do you want me to address you?” He asked as he starts the engine. Napatingin siya sa binata. Address? Like endearment dahil mag-asawa na sila? “Masyadong mahaba ang Christine Laiza.” He muttered a few seconds later. Parang pinamulahan pa siya sa naisip kanina. Bakit ba kasi endearment ang pumasok na salita sa utak niya? Did she forget what he said last night? This isn’t the start of romance. AT hindi ba dapat kaligtasan niya ang una niyang iniisip? This man could be danderous. Dangerous? Napalunok siya nang sumulyap ito sa kanya. She felt like her heart jumped. “CL na lang.” Tipid niyang sagot. Itinuon na lamang niya ang tingin sa daan bago pa makapag-isip ng kung ano. “Ayaw mo ng Tint-nevermind.” He said. Napatingin siya rito at nakitang napapailing. Did he mean Tintoy? Imposible. How would he know her childhood name? Iilang tao lang naman ang nakakaalam no’n. Baka Tintin ang gusto nitong sabihin pero nagbago ang isip dahil parang pangalan ng bata. Hindi na lang siya nagsalita. *** Kinabahan siya nang ihimpil na nito ang sasakyan sa harap ng bahay nila. Tumingin pa siya sa paligid para tingnan kung nandoon pa ang mga lalaking nakita niya sa CCTV kagabi pero wala namang kahit na sinong tao sa paligid. Pati ang bakuran nila ay wala ding katao-tao. “Stay here. I’ll talk to your mom first.” Saad nito bago buksan ang pintuan ng sasakyan. “Liam,” pigil niya sa braso nito. Ayaw niyang maiwan sa sasakyan. Paano kung dumating ‘yong mga lalaki kagabi at bigla na lang siyang pagbabarilin sa loob? “Don’t worry. You will be safe inside this car.” He said as if he read her mind. Masyado bang halata ang takot sa mukha niya at nabasa nito ang iniisip niya? “Kahit hagisan ng granada ‘tong sasakyan, hindi ka maaano.” Dagdag nito. Is he serious? May gano’n bang sasakyan? Bomb-free? He slowly pulled his arm from her hold before going out of the car. Wala siyang nagawa kundi maghintay lang sa loob ng sasakyan. Nakita niyang pinagbuksan ito ng ina niya. Nag-usap ang dalawa. Nakita niyang nakipagkamay ito bago pinapasok ng mommy niya sa loob ng bahay nila. She fidgeted on her seat as the clock ticks. Iginala niya ang paningin sa loob ng sasakyan. Two-seater lang pala ito. Ang gara lang talaga. The seats are wide and comfortable. Parang leather couch lang sa bahay nito. Inusyoso na lamang niya ang dashboard ng sasakyan. *** Napalunok siya nang makitang papalabas na ng bahay si Von Liam matapos ang ilang minuto. Hinintay niya itong lumapit sa sasakyan. Natatakot siyang lumabas. Kinakabahan din siya sa kung anong sinabi nito sa mommy niya. “Tara na sa loob. Pack some of your things. Daanan natin mamaya bago ka umuwi ng bahay.” Agad nitong bungad pagbukas ng sasakyan. “A-anong sinabi mo sa mommy ko?” Kinakabahan niyang tanong rito. Von Liam stared at her. Her heart skipped a beat. “That we are married and you will be staying at my house, nothing more, nothing less.” Napanganga siya sa sinabi nito. For a fraction of second, she saw him smile at her reaction. Pero agad ding nawala. Para ngang namalik-mata lang siya. Kumurap lang siya saglit, seryoso na agad itong nakatingin sa kanya. Dahan-dahan siyang lumabas ng sasakyan. Nauna siyang naglakad papasok ng bahay habang ang lalaki nama’y nakasunod lang sa likod niya. “Ma,” agaw niya sa atensyon ng ina nang madatnan ito sa kusina at mabilisang naglalabas ng pagkain mula sa ref. “May kasalanan ka sa akin.” Saad nito nang makalapit siya. Huminga siya ng malalim at hindi nakasagot sa pahayag ng ina. “Kurutin kaya kita sa singit. Hindi ka man lang nagpasabi na nagpakasal ka kagabi.” Her mother’s light tone made her forehead crease. Bakit ang gaan lang nitong tinanggap ng lahat? How did Liam explain everything? “Ma, hindi ka galit?” tanong niya sa ina. Alam niyang lagpas na siya sa tamang edad at hindi na kailangan ng parental consent para magpakasal pero alam niyang kahit na sinong magulang ay magagalit kapag nagpakasal ang anak nang hindi nagsasabi. Kaya ang magaan na reaksyon ng ina niya ay nakakagulat talaga. Tumawa ng mahina ang mommy niya at hinila siya palapit. “Ang tagal kong hinintay na mag-asawa ka. Kinakabahan nga ako baka tumanda ka ng dalaga.” Natatawa nitong saad. “May boyfriend ka pala? Saka partida, ‘nak. Ang guwapo pa.” Binuntutan nito ng pagtawa. “Ma!” Saway niya sa ina. Natawa lang ito sa kanya. Palabiro talaga ang ina niya. She has always been bubbly. Walang araw na kinakitaan niya ito ng pagkabagot sa lahat ng bagay kahit na sila na lamang dalawa ang magkasama sa buhay. Maaga kasi siyang namatayan ng ama kung kaya’t ang ina na lang niya ang nagtaguyod sa kanya. She glanced at Liam. Nakatayo ito sa may living room at mukhang binigyan talaga sila ng espasyo para makapag-usap. Hindi niya napigilang ilibot ang tingin sa kabahayan para makita kung saan nakakabit ang CCTV camera pero wala siyang makita. “Kumain muna kayo bago ka mag-ayos ng gamit mo.” Saad ng ina niya. Kinawayan pa nito si Liam na agad namang lumapit. Pati pala iyon ay naipagpaalam na ni Liam. “Ma, okay lang po ba na umalis ako?” tanong niya sa ina nang magkakaharap na sila sa hapag. Liam is eating silently. Siya naman ay pinilit kumain ng kaunti. Ayaw niyang magdamdam ang ina kapag tinanggihan niya ang alok nitong pagkain. “Okay lang. Ano ka ba?” Natatawa naman nitong tugon. “Gusto niyo pong sumama sa akin?” Tanong niya. Nakita niyang natigilan pa si Liam sa narinig. Napangiti naman ang ina at napasulyap sa binata. “Hindi na. I-enjoy niyo muna ang pagsasama niyong dalawa nang walang istorbo.” Nakangiti nitong saad. May himig pa ito ng panunudyo. She inhaled deeply. If only her mother knew. Hindi na lamang siya nagsalita. Liam is also signaling her not to insist. *** Ilang minuto lang siyang nag-empake. Binantayan kasi siya ni Liam sa loob ng silid niya. Sinabihan din siyang huwag na lang damihan ang dadalhing damit. Hindi na lamang siya nagsalita. Dalawang suitcase lang ang naempake niya na iniwan nila para balikan na lang mamaya dahil pupunta pa sila ng VLF building, ang central office ng VLF empire. *** “There’s a vacant post for an accountant. My secretary will usher you to the accounting floor and to the HR office so you could start your training by tomorrow.” Saad nito nang papasok na sila ng building. Noong unang pasok niya rito sa building, ang daming hininging ID bago siya nakapasok pero ngayon walang sumita sa kanya. Nakasunod lang kasi siya sa binata. “You have to work here for added security." Saambit nito habang tinutungo ang private elevator. Hindi siya makapagsalita at mabilis lang na sumunod. Ang laki kasi ng mga hakbang nito. Mabuti na lang naka-pants at flat shoes siya kaya mabilis siyang nakahabol. Kapag naka-high heels siya paniguradong aabutin siya ng siyam siyam sa pagsunod rito. *** Nginitian niya ng tipid ang sekretarya nang binibilin na ito ni Liam sa gagawin. “Before you two will go down, please bring all the documents that needs my signature at my office.” Saad ni Liam bago naglakad papunta sa pintuan ng pinaka-opisina nito. Agad namang tumalima ang sekretarya. “Ms. Laiza, umupo ka muna. Ibibigay ko lang ‘to saglit kay sir.” Nakangiting saad ng sekretarya sa kanya habang inaayos ang ilang papeles sa table. Napatango na lang siya at naglakad papunta sa waiting area na katapat ng reception desk. Doon din siya pinaupo ng sekretarya noon bago ang interview niya. She inhaled deeply remembering that interview. She was about to sit down when a beautiful woman entered the office. Napatingin siya rito. “Christine Laiza Calimlim?” Natigilan siya nang sambitin nito ang pangalan niya pagkalapit sa kanya. “Sabi ko na nga ba, ikaw yan! How are you? Ano’ng ginagawa mo dito?” she asked smiling. Titig na titig ito sa mga mata niya. Hinding-hindi siya maaaring magkamali. She’s Vanna Lei Filan. Nakita na niya ito minsan sa isang business magazine kung saan na-feature ang kambal na Filan maraming taon na ang nakararaan. Ang ipinagtaka niya ay kung bakit alam nito ang buo niyang pangalan. “Nag-aapply po na Accountant.” Alanganin niyang tugon. “Oh my God. You don’t remember me?” Tanong nito nang makita ang reaksyon niya. Natuliro siya at hindi nakasagot. “It’s me Vanna Lei.” Nakangiti nitong sambit habang itinuturo ang sarili. Nagtataka talaga siya. Is this a prank? Kung na-meet man niya ito noon siguradong maaalala niya pero wala siyang maalala na nagkita na sila noon ng personal. “Vanna Lei, what are you doing here?” Kinabahan siya nang marinig ang boses ni Liam. Napatingin naman si Vanna sa lalaking nagsalita mula sa likuran niya. “Liam, look who I found!” Nakangiting sambit ni Vanna sa kapatid. Hinawakan siya nito sa balikat at ipinaharap kay Liam. “Tintoy is in the house!” Masayang pahayag ni Vanna. Tuluyan na siyang natuliro sa nangyayari. Pinamulahan siya nang makitang kumunot ang noo ng lalaking kaharap. “Are you crazy? Ano bang ginagawa mo dito?” tanong ni Liam kay Vanna. Ni hindi man lang nito pinansin ang sinabi ng dalaga. “Seriously dear twin brother?!” natatawang bulalas ng kapatid nito. Liam glared at Vanna. Hindi naman itinuloy ng isa ang dapat sasabihin. Sumeryoso ito nang makitang seryoso ang lalaking kaharap. “Gladys told me you were calling me up days ago.” Vanna Lei stated. “Sa office tayo mag-usap,” agad namang salo ng binata. “Where are the documents I was asking?” Baling nito sa sekretarya. Agad namang tumalima ang babae. Vanna Lei glanced at her. Ngumiti siya ng alanganin. “At my office, Vanna Lei.” Muli nitong baling sa kapatid bago tumalikod. Kunot-noo namang tumingin ang dalaga sa bulto ng papaalis na kapatid. Vanna Lei looked at her and smiled. “I’ll see you later, Tintoy.” bulong nito sa kanya bago sinundan ang kapatid sa loob ng opisina nito. That made her entire being curious. Alam ng isang Vanna Lei Filan ang kanyang childhood name? Paano? Mommy lang at mga tita niya ang tumatawag sa kanya ng pangalang iyon. At bakit parang ang close nito makipag-usap sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD