2: Liam’s Love?

2288 Words
---------- Ang tagal kong inipon ang lakas, Upang lahat ng nararamdama’y mabigkas… Pero sadya yatang wala kang pagtingin, Sapagka’t kahit anong sabihin ko’y ayaw mong dinggin. ---------- Palabas na si Gladys ng ospital nang masulyapan ang binatang nakatayo sa tabi ng isang sports car sa harap mismo ng lobby. Pansin niya ang pagsulyap rito ng ilang tao sa lobby. Who wouldn’t look back at him? Sobrang guwapo nitong tingnan sa suot na gray coat and tie. His messy hair matches so much with his trimmed beard. Sobrang lalaki tingnan lalo na at ang tangkad pa nito. Ngumiti ito nang makita siya at agad na lumapit. Nahihiya pa niyang binitiwan ang bag na hawak nang kunin nito mula sa kamay niya. “Hindi ka busy?” Tanong niya. Von Liam smiled. “Pinapuno ko ng pagkain ang ref sa pent suite.” Saad ng binata sa halip na sagutin ang tanong niya. Napangiti siya. He’s bribing her again with food. Ganito ang lalaki kapag gusto siyang makasama. Nope. Erase. Kapag gusto nito ng kausap o sobrang stressed sa trabaho. “Uuwi ako ng Pampanga ‘di ba? May NCLEX review ako bukas.” Nakangiti niyang tugon. She’s a nurse at a hospital in Quezon City but she is from Pampanga. Mas pinili niyang doon magreview para doon siya sa bahay nila tutuloy. Tuwing off-duty lang kasi siya nakakauwi. Nakilala niya ang binata nang naatasan siyang tumingin sa kapatid nitong nabaril ilang buwan na ang nakararaan. Simula no’n ay naging malapit na sila sa isa’t-isa. Hindi niya inakala noong una na bilyonaryo ito. Hindi naman kasi siya pamliyar pero noong i-search niya ang pangalan nito sa google, lumabas ang ilang artikulo tungkol rito. Akala nga niya masungit ito pero nang makilala niya ito ng lubusan ay sobrang bait pala nito. Uuwi siya dapat noon sa Pampanga nang matapos ang serbisyo niya sa kapatid nito pero nagboluntaryo itong ihatid siya kaya sila nagkasama. Being always bubbly, hindi niya napigilang kuwentuhan ito ng kuwentuhan habang nasa daan sila hanggang sa ayain siya nitong kumain munasa nadaanang cafe. Mas lalong tumagal ang usapan nila. Simula noon ay nagkapalitan na sila ng numero. Akala niya ay hindi siya tatawagan ng binata pero matapos ang ilang araw ay tumawag ito sa kanya. Mula noon naging malapit na sila. Nalaman niya ang ilang detalye sa buhay nito na ang ilan ay hindi alam ng iba maliban sa kambal nitong si Vanna Lei. She also met Vanna Lei and she could honestly say that she’s also a nice person. Hindi nga niya inakala na pagtutuunan siya ng pansin ni Liam. Sobrang taas kasi ng tingin niya sa binata dahil sa estado nito sa buhay. “Ihatid na lang kita kung gano’n.” Binuksan nito ang pintuan ng passenger’s side ng sasakyan nito. “Sure ka?” Nakangiti niyang tanong rito. Liam also smiled. “As sure as your smile.” He said pinching her right cheek. Natatawa itong lumayo nang makitang napangiwi siya sa ginawa nito. “Ang sama mo. Alam mo ba kung gaano kasakit ng ginawa mo?” Taas-kilay niyang tanong sa binata. Nakangisi naman itong lumapit at pinisil pa ulit ang kabilang pisngi niya. “Mas maganda ka kasi kapag namumula ang mukha.” Natatawa nitong saad. Mabuti na lang sanay na siya sa mga biro nito at mabuti na lang din namumula ang pisngi niya dahil sa pagpisil nito kung hindi iisipin niyang nag-blush siya sa sinabi nito. “Apple na lang ang kulang lechon na.” Natatawa nitong dagdag. “Ang sama mo talaga. Hindi naman ako mataba.” Reklamo niya habang pasakay sa sasakyan nito. “Says who?” Natatawa namang tudyo ni Liam. Humawak ito sa pintuan ng kotse at tumunghay sa kanya. Inirapan niya ito at hindi na lang nagsalita. “Ikaw kaya ang umuubos sa mga pagkain sa pent suite.” Tudyo pa rin nito. “Bakit mamumulubi ka ba kung inuubos ko pagkain mo?” tanong niya rito Napahalakhak naman ito bago umikot papunta sa driver’s side. She smiled seeing him. Hindi niya akalaing tumatawa ito ng gano’n. “Ang sarap kaya kumain, nakakawala ng stress.” Sambit niya nang makaupo na ang binata sa driver’s seat at paandarin ang sasakyan. “Kaya nga pinapuno ko ng pagkain ang ref.” Sambit nito. Sumeryoso ang mukha nito. Huminga ito ng malalim at itinuon na ang pansin sa daan. Huminga rin siya ng malalim. She pretty knew when Liam needs someone to talk to. “Sige na nga pero ihatid mo rin ako bukas ng maaga ha?” Saad niya rito. Tumingin naman ito sa kanya at ngumiti ng malapad. “’Yan ang gusto ko sa ‘yo, eh.” Natatawa nitong sambit. Sinubukan pa nitong abutin ang pisngi niya para pisilin pero tinabig niya ang kamay nito. “Yes! Hindi ako matiis ni chubs.” Natatawa pa nitong sambit. “Manlalait ka pa eh.” Irap niya rito. He always calls her ‘chubs’ short for chubby. “Mas okay kaya ‘yong chubs kaysa tabs.” Natatawa naman nitong saad. “I-video kaya kita saka ipost sa social media siguradong magba-viral.” Pinandilatan niya ito. Sumulyap lang naman ito sa kanya at ngumiti. “Sinong mag-aakalang ang bilyonaryong Von Liam parang bata mang-asar.” Dagdag niya. Natawa naman ito sa sinabi niya. “Sige hindi na.” Bawi nito. “Huwag kang mag-alala ipagdadasal ko na makapasa ka sa NCLEX.” Saad nito nang hindi na siya sumagot pa. “Weh? Marunong kang magdasal?” Biro niya rito. Liam glanced at her. Huminga pa yata ito ng malalim. “Ipapa-hack ko na lang pala ang system para pumasa ka. Puwede ring i-bribe ko ‘yong in-charge na maglalabas ng result.” Natatawa nitong biro. Napatawa naman siya. “Huwag ka nga. Baka di ako makapasa niyan eh.” Von Liam glanced at her. “Kaya yan. Tiwala lang.” Kindat nito. Hindi na lang siya nagsalita. Sana nga kakayanin niya. They were silent until they reached VLF Empire Hotel. Magkasunod silang umakyat sa pent suite na eksklusibong ginagamit ng binata. The Filans own the VLF Empire Hotels and Resorts. Bawat hotel ng mga ito sa NCR ay may nakatalagang isang pentsuite para sa kanilang limang magkakapatid. Von Liam has siblings who are triplets. ‘Yong isa sa triplets ang nabaril dati na kinailangan niyang tingnan. Agad siyang nagtungo sa silid ng pent suite at nagbihis. May mga damit na kasi siya doon dahil lagi siyang tumatambay. Liam even wants her to stay there during weekdays but she declined. Paniguradong mag-eeskandalo ang mga magulang niya kapag nalamang hindi siya sa apartment umuwi kapag nasa QC siya. Nakahanda na ang mga pagkain sa center table at naka-pause na ang papanuorin nilang movie nang lumabas siya sa living room. Liam is also seated at the couch. Tumabi siya rito. Agad naman itong yumakap sa kanya. Inamoy pa nito ang balikat niya. If she didn’t know Liam, she would think he meant s****l intimacy. He’s always like that. Lagi itong nakayakap lalo na kapag may dinaramdam ito. Hindi nga niya inakala noong una na magiging ganito ito ka-close sa kanya. May mga pagkakataong iniisip niya na baka gusto siya nito nang higit pa sa kaibigan pero pinapatay niya ang ideyang iyon. Ayaw niyang mag-assume. Besides, she’s happy to have a friend like him. Lumayo siya ng kaunti kay Liam nang mag-ring ang phone niya. “Sino ‘yan?” Agad na nakitunghay ang binata sa phone niya. “Lagi ‘yang tumatawag sa ‘yo. Nanliligaw ba ‘yan?” tanong nito nang makita ang pangalan ng lalaking tumatawag sa kanya. Co-nurse niya iyon na nasa US na. Lagi kasing tumatawag para kumustahin siya at madalas ay nati-tiyempong kasama niya si Liam. “Selos ka?” Natatawa niyang biro sa binata. “What if I say yes, would you end that call?” nanghahamon naman nitong tanong. Napailing na lang siya at nangiti. That must be Liam’s off humor. She stood up. She was about to take the call when he snatched her phone and turned it off. Liam grinned at her. “Ang sama mo. Pinapakialaman ko ba ang lovelife mo?” Irap niya rito. Ayaw niyang mag-assume na talagang nagseselos ito. She’s not assuming. Besides, she knows she’s not as beautiful and sexy as the woman that surrounds him. “Oo.” Natatawa nitong sagot. Her forehead creased. “Huwag ka ngang mandamay. Wala ka kayang lovelife.” Tudyo niya rito. Liam stared at her. “I have.” He muttered. “Ikaw ang lovelife ko.” Kindat nito. The way he said it looks so handsome. Kikiligin na ba siya? Napapailing na lang siyang umupo at kumuha ng tacos sa mesa. Natatawa namang umupo sa tabi niya ang binata. He pushed the play button of the movie player but set it to low volume. Tumitig ito sa kanya habang ngumunguya siya ng pagkain. Kung hindi lang siya sanay sa mga titig nito baka naasiwa na siya. Von Liam is a whole bunch of handsome rolled in one man. Berde pa lang nitong mga mata nakakahalina na. She remembered how her co-nurses squealed when he first showed up at the hospital. Some even gasped. Nakikita na pala ng mga ito ang binata sa business pages. Tinanong pa siya ng mga kasamahan kung saan siya kumukuha ng lakas para pigilin ang sariling yapusin ang binata kapag kasama. She only laughed then. Ang totoo kasi hindi naman talaga niya kailangang yakapin ang binata dahil ito pa ang unang umaakbay at yumayakap sa kanya minsan. He loves kissing her cheek and nuzzling her shouder. Malandi ba siya dahil hinahayaan niya ang lalaki? Well, nobody could judge her unless they are on her shoes. Baka kapag ibang babae pa nga, i-ooffer pa ang sarili rito. Well, she doesn’t have the right to judge others, too. “You’re really a breath of fresh air. Like a sunshine on gloomy days.” Liam muttered staring at her. Napatawa siya nang tuluyang manguya ang pagkain. “Ang corny mo.” Natatawa niyang komento. “Maniwala ka na kasi.” Pilit nito. Napatawa lang siya. Minsan gusto niyang maniwala pero madalas iniisip niyang kailangan lang talaga nito ng isang kaibigan at hanggang doon lang siya dapat. “He’s not used to being with women.” Vanna Lei said when they had a chance to talk. Nasa isang outreach program siya noon sa isang bahay-ampunan. Nagulat na lang siya nang biglang dumating ang dalawa at tumulong. Nang mapag-isa siya, nilapitan siya ng dalaga at kinausap. Liam is playing with some kids at the playground. “Pansin ko nga po. Sobrang clingy niya minsan.” Tugon naman niya. Wala na kasi siyang maisip sabihin. Vanna Lei stared at her. “He’s not friendly to anyone so if he’s like that to you then you must be special.” Vanna Lei said giving her a smile. Napalunok pa siya. “Hindi ko alam kung ano ang nakikita niya sa ‘yo pero kapag na-inlove na siya ng tuluyan, sana alagaan mo siya.” Vanna Lei stated. Naasiwa pa siya sa isiping iyon. Hindi na lamang siya nagsalita. Tumitig siya sa binatang mataman pa ring nakatingin sa kanya. Hindi niya talaga inakalang mapapalapit sila sa isa’t-isa ng ganito. Tinuruan pa siya nitong mag-drive at ipinapahiram ang sasakyan nito. Kakahiram nga lang niya ng sasakyan nito noong isang araw. Is Liam already falling for her? That’s quite impossible. “Seriously, I am happy I got you.” Liam mumbled. She doesn’t know how to respond with what he said. “Where is this leading?” Tanong na lamang niya sa binata. “Pupunta ka ba ng ibang bansa kapag nakapasa ka ng exam mo? Iiwan mo ako?” Liam asked. Malungkot itong sumulyap sa kanya. “Huwag ka ngang magdrama. You own an airline and you’re a pilot.” Natatawa niyang saad rito. Liam is an Aeronautical Engineer and a licensed pilot. Ito rin ang nagmamanage ng airline business ng pamilya nito. “Ayaw mo talagang pagbigyan ang drama ko?” Natatawa nitong saad at pinisil pa ang pisngi niya. Hindi na lamang siya nagprotesta kahit pakiramdam niya ay namula na naman ang pisngi niya. Umayos naman si Liam ng upo sa tabi niya. “Sabihin mo na kasi ang totoong dahilan kaya mo ako pinapunta dito.” Seryoso niyang saad sa binata. Liam’s face turned serious. He leaned on the couch. He used both hands to support his head and closed his eyes. Huminga siya ng malalim at tumitig lang sa binata hanggang sa kusa na itong nagsalita. She only listened as he speaks. Pinilit niyang labanan ang antok magmula sa 12-hour shift sa ospital. *** Gladys was awakened by the ringing of the alarm clock. Nagmulat siya ng mata. Nakahiga na pala siya sa kama. Malamang ay binuhat siya ni Liam nang makatulog siya sa couch. She sighed as she remembered some details of his monologue. She sat when she heard her phone ringing. She reached for her phone at the bedside table and answered Liam’s call. May pinuntahan daw ito at naghihintay na ang driver na maghahatid sa kanya pauwi ng Pampanga. Hindi naman ito ang unang beses na bigla na lang umaalis ang binata. He always has emergency each and everytime. Sanay na siya. Nagbihis na lamang siya at nagpasyang umuwi na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD