1: Liam’s Smile

1892 Words
How are you going to tell what’s on your mind when they don’t even give you a chance? ---------- Mga mata ko’y sa ‘yo nakapako, Habang ang puso’y nag-uunahan ang pintig nito… Pero paano ba ako sasaya, Kung alam kong bawat ngiti mo’y para lang sa kanya? --------- Nakaupo sa sariling swivel si Von Liam habang binabasa ang resume ng aplikante para sa posisyong Auditor ng VLF Airlines. Nakaupo naman ang nasabing aplikante sa harap ng table nito. Walang kahit na anong ingay na maririnig sa loob ng opisina maliban na lang sa tunog ng papel na pinaglilipat-lipat ng pahina. “Christine Laiza Calimlim,” Liam uttered as he put the folder back on his table. His deep and low voice resounded. Napatitig naman ang dalaga sa lalaking nasa harapan. “Yes, sir.” agad na sambit ni Laiza. Nakaramdam ito ng kaba. Nakaka-intimidate kasi ang berdeng mga mata ng lalaki. Ibang-iba sa personal kaysa sa mga nakikita at nababasa niya sa mga business magazines. There is something deeper about the 35-year old billionaire’s aura. Hinintay ng dalaga na magsalita ang lalaking kaharap para umpisahan ang interview pero hindi naman nagsalita ang isa, sa halip ay hinawakan ang phone nito na nasa ibabaw lang ng table. Von Liam swiped his phone to Vanna Lei’s number and called her up but it redirected to her voicemail. Vanna Lei is Von Liam’s twin sister. Ibinalik ng binata ang tingin sa aplikante nang hindi matawagan ang kapatid. Ramdam niya ang kaba ng babaeng kaharap. He stared at the woman as he opened his mouth to speak. “Tell something about your childhood,” he asked. ***** Laiza’s forehead creased. Sa lahat ng tanong na pinaghandaan, ni hindi sumagi sa isip niya na gano’n ang magiging tanong sa kanya para sa posisyong inaaplayan. Saglit na natuliro ang dalaga, gayon pa man ay nagkuwento pa rin tungkol sa masayang kabataan niya sa subdivision nila kasama ang kanyang ina na siyang nagtaguyod sa pag-aaral niya. Medyo hindi man konektado ang tanong sa posisyong inaaplayan, inisip na lamang niya na maaaring gusto lang palabasin ng lalaki kung anong klaseng buhay mayroon siya at kung nababagay ba ang personalidad niya sa kumpanya ng mga ito. Napatigil siya sa pagsasalita nang ma-distract sa pagpasok ng sekretarya ni Von Liam. “Didn’t I tell you not to disturb this interview?” istrikto nitong tanong sa sekretaryang pumasok. His forehead creased. Parang siya pa ang kinabahan sa ma-awtoridad na tinig nito. “Sorry, sir. Nasa labas po kasi si Ms. Gladys,” hinging paumanhin ng sekretarya. Nakita niya kung paano umamo ang istriktong mukha ng lalaking kaharap pagkarinig sa pangalang nabanggit. “Okay. Send her in.” Nawala ang yamot sa boses nito. “Hi!” Napatingin siya sa may pintuan nang marinig ang babaeng nagsalita. Bumungad sa kanya ang masayahing mukha ng dalaga. Sumingkit pa lalo ang mata nito nang lumapit sa mesa nang nakangiti. The woman named Gladys also glanced at her and smiled. Nginitian na lamang niya ito ng tipid. “Hey.” Nakita niya kung paano ngumiti si Liam kay Gladys. Agad nitong binuksan ang drawer at may inilabas na susi. “Mag-ingat ka, okay?” sambit ni Liam pagkaabot ng susi sa dalaga. “Don’t worry, hindi ko gagasgasan ang kotse mo,” natatawa namang sagot ni Gladys. “Silly. Ikaw ang sinasabi kong mag-ingat hindi ‘yong kotse.” Liam said shaking his head. “Aw, so sweet. I’ll remember that,” natatawang tugon ng isa. Nanatili lang siyang nakaupo at tinitingnan ang dalawa. Is she the girlfriend? Maganda naman ang babae. She has a voluptuous body. Maybe Liam prefers a woman like her. “Just in case you’ll see Vanna Lei there tell her to call me up. Hindi ko siya matawagan,” bilin ni Liam. Gladys smiled. “Okay. I’m going. Ayokong ma-late,” sambit ng dalaga. Naglakad ito patungong pintuan nang tumango ang isa. “Chubs.” Liam uttered before Gladys was about to move out. Napalingon naman ang dalaga. “Ihatid na lang kaya kita?” tanong nito. “Huwag na. Alam ko namang busy ka. Saka para ma-miss mo naman ako.” natatawa namang sagot ng dalaga. Liam also chuckled. Who would think that the serious Von Liam Filan would chuckle with such a joke? Nabuhayan ang loob ni Laiza nang makitang hindi naman pala gano’n kasungit ang lalaki pero sa kabila noon ay nakaramdam siya ng inggit sa babaeng kausap nito. Napalunok siya nang biglang nagseryoso ang mukha ng lalaki pagkalabas ng dalaga. Ibinalik nito ang tingin sa kanya at tumitig ng diretso. “About your childhood, is that everything you can say?” tanong nito. Bigla siyang kinabahan kaya napatango na lang siya. Wala din naman siyang puwede pang ikuwento. She waited for him to speak. “Do you really think your 9 years of experience in a not-so big establishment as an accountant would qualify you to become an auditor of one of the biggest airlines in Asia?” Tumitig ito sa kanya ng matiim. Napalunok ulit siya sa tanong nito. Pinamulahan siya. The question was derogatory on her part. Pero inisip niyang baka gusto lang nitong subukan ang reasoning skills niya. It was only a matter of ten seconds nang magsalita ulit ito. “Thank you for applying but we will look for another position that would fit in your qualifications.” Ano? Ni hindi siya nito hinayaang sumagot. “Find your way to the door. Have a good day!” saad nito nang hindi tumitingin sa kanya. Ngumiti siya ng mapait at pinamulahan ng todo. Ni hindi niya alam kung paano niya natunton ang pintuan palabas. ***** Laiza flipped the tennis racket before smashing the ball towards the other side of the court. Her friend and neighbor, Ethan, wasn’t able to catch it with his racket. “Whoah! CL easy!” he shouted. Tinakbo nito at hinabol ang bola na napunta sa gilid ng court. Nasa tennis court sila ng subdivision kung saan sila nakatira. Ethan has been her friend since she was in grade 1. Kalilipat lang nila noon sa sa subdivision. “Ano bang nangyari sa application mo sa VLF Empire?” tanong nito ng bumalik sa gitna ng court. He didn’t serve the ball. “Titingnan daw kung may bakante para sa qualifications ko.” “Oh, akala ko ba kailangan nila ng Auditor? Hindi ka ba qualified?” nagtataka namang tanong ng kaibigan niya. Aw. That hurts. Akala niya talaga matatanggap na siya. Punong-puno siya ng kumpiyansa pag-alis ng bahay. Gano’n pala ang mangyayari. “Nakakainis. Akala ko sigurado na dahil final interview na ‘yon,” sambit niya. “Bakit ano-ano ba kasing isinagot mo? Baka hindi nagustuhan no’ng crush mo,” kantiyaw ng kaibigan niya. Binuntutan pa nito ng nakakainis na pagtawa. They are already old. Lagpas kalendaryo na nga pero para pa rin itong bata kung kantiyawan siya. “Shut up!” irap niya. Totoo naman kasing humahanga siya kay Von Liam. Nakita niya kasi ito minsan sa isang business magazine. “Gano’n pala ‘yong Von Liam Filan na ‘yon,” she added with a heavy sigh. Hindi naman nagsalita ang kaharap. “Iisa lang naman ang tinanong niya tapos inokray na ako. Ang SUNGIT!” inis niyang bulalas. “Ano bang tinanong?” hinarap siya ni Ethan. “Tell something about your childhood,” nakapamaywang niyang tugon. Napakunot-noo naman ang kaharap at napapantastikuhang tumingin sa kanya. “Anong klaseng job interview yon? Ano’ng kinalaman no’n sa pagiging Auditor? Justice please!?” hiyaw niya sabay palo ng raketa sa ere kahit wala namang bola. Natawa naman ang kaibigan niya. “Totoo? ‘Yon lang ang tinanong?” Hindi makapaniwalang sambit ni Ethan. “True!” She said shrugging. Nag-stretching na lang siya para mawala ang inis. “Ang weird talaga ng mga lalaking nagugustuhan mo. Kung ako na lang kasi sana ang naging crush mo eh di--.” “Eh di ano?” pinandilatan niya ang kaibigan. “Break na sana tayo ngayon. Wala ka sanang kalaro ng tennis lagi,” he answered chuckling. Napailing siya. Guwapo rin ito pero babaero nga lang. “Sa totoo lang, mas weird ka pa sa kanya!” inis niyang saad bago tinalikuran ang kaibigan. Naglakad siya palabas ng court. “Old maid!” hiyaw ng kaibigan sa kanya. He even swats the ball para mapunta sa direksyon niya. Maagap naman niya itong pinalo pabalik gamit ang hawak na raketa. “Iba ka talaga!” natatawa nitong sambit bago sumabay sa kanya palabas ng court. Madilim na sa labas at tanging mga lamp posts na lang ang nagsisilbing ilaw sa daan. Isang kanto ang layo ng bahay nila mula sa tennis court. She’s 34. Is she really an old maid? Nagka-boyfriend na rin naman siya kaya lang madali lang siyang makipag-break. Kapag kasi mayroon siyang hindi nagustuhan sa lalaki, break agad. Pero hindi iyon ang mas bumabagabag sa kanya kundi ‘yong pangmamaliit no’ng Von Liam na ‘yon sa kakayahan niya. “Do you really think your 9 years of experience in a not-so big establishment as an accountant would qualify you to become an auditor of one of the biggest airlines in Asia?” Napalunok pa siya sa tanong nito kanina. It was only a matter of ten seconds nang magsalita ulit ito. “Thank you for applying but we will look for another position that would fit in your qualifications. Have a good day.” Good day, my ass! “Ang seryoso mo! Ayaw lang siguro no’n ng maganda.” natatawang akbay sa kanya ni Ethan saka bumalik ang huwisyo niya sa kasalukuyan. Pinalis niya ang kamay ng binata at nagpatuloy sa paglalakad. “I mean matanda.” Natatawa itong lumayo. Alam kasi nitong ihahampas niya ang raketa kapag hindi ito naging maagap. “May problema ka ba sa edad ko?” salubong ang kilay niyang tanong. “Ang pikon mo.” Natatawang saad ni Ethan. Umakbay ulit ito sa kanya. Hinayaan na lang niya. “Actually mas bata ako sa kanya ng isang taon,” saad niya habang binibilisan ang paglakad. “Yeah like he will like you because of that. Hindi ka nga tinanggap sa kumpanya niya ‘di ba? Huwag ka ng umasa.” Ethan chuckled. Inis niya itong tiningnan. Mabilis naman itong bumitaw at natatawang pumasok sa gate ng bahay. Nasa tapat na kasi sila ng bahay nito. Sa kabila ay bahay na rin nila. Napailing na lang siya. Sabagay mukhang girlfriend naman yata ni Von Liam ‘yong Gladys. Ang sweet nila kanina. Nagbakasali lang naman talaga siya. At least, she reached the final interview at si Von Liam pa mismo ang nag-interview sa kanya. Papasok na rin sana siya sa gate nila nang may umagaw sa atensyon niya. Napakurap siya nang masulyapan ang isang lalaki sa ‘di kalayuan. Kapareho ito ng pigura ni Von Liam. Hindi lang niya maaninag ng maigi dahil medyo madilim na sa kinaroroonan nito. Napasulyap ito sa direksyon niya bago lumiko sa kabilang kanto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD