CHAPTER 5

1005 Words
CLAIRE POV Mas lalo niyang hinigpitan ang pag akbay niya sa akin at sa lapit ng kanyang labi sa aking tainga, ramdam ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa aking balat. "Be my f*****g s*x slave and I will make sure to let you live like my princess. Lahat ng gusto mo sa buhay ay ibibigay ko. Basta't katawan mo ang kapali," hinaplos niya ang pisngi ko, "Sure naman ako na isa ka pa ring virgin di ba?" Parang nauutal ako na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero ng halikan niya ako sa aking pisngi, dito na ako nagising sa katotohanan na kailangan kong umalis dito. "Mawalang galang na po pero hindi ko ibinebenta ang sarili ko. Ang kailangan ko po ay ang lupa ng lola ko." Tumayo ako at umalis. Bahala na siya kung ano ang kanyang iisipin. Patawarin din sana ako ng aking lola sapagkat hindi ko kayang ibenta ang sarili kong katawan para lamang sa kanyang mansyon. Kahit papaano naman ay mahal na mahal ko pa ang sarili ko. Hindi na rin ako papasok sa kanyang opisina dahil natatakot na rin akong mapagsamantalahan ulit. Sapat na ang nangyari ngayon bilang alarm sa akin na ang taong ito ay silent but deadly. I was more than stupid to be with his presence. Isang buwan ang nakalipas, tuluyanna akong pinalayas sa mansyon ng lola ko. At dahil sa wala talaga akong ipon kahit na singkong duling, bitbit ang mga gamit ko ay naglakad ako papalayo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito. Makalipas ang ilang sandali, bigla na lamang akong nasilaw sa isang liwanang. At ang tanging naalala ko na lamang ay tumilapon ako, nabagok ang ulo at tsaka nawalan ng malay. ----------------------------------- ----------------------------------- ALEX POV Nawala ang kalasingan ko ng mapagtanto akong nakabunggo ako. Bumaba ako ng sasakyan at nagsimulang magkumpulan ang mga tao sa paligid. Kinakabahan ako, kakatapos lamang ng divorce namin ng asawa ko subalit mayroon na namang problemang dumating. Halos mataranta ako sa mga nangyari. Ang mga tao naman, walang ginagawa kung di ang tingnan ang babae. Ni wala man lang nakaisip sa kanila na tumawag ng ambulansya. So I don't have any choice to but to carry her inside my car para isugod siya sa hospital. Sa labas ng emergency room, naghihintay ako at naaligaga. Alam kong mas malaking problema ang kakaharapin ko kung saka sakali. Kung kailan nag decide na akong pumunta sa Canada, tsaka pa nangyari ang bagay na ito. Nag ring naman bigla ang cellphone ko. And I checked, si kumpareng Mako ang tumatawag sa akin. Sinagot ko naman ito kaagad. "Pare? May good news ako para sayo, nakakuha na ako ng ticket natin papunta sa Canada. At ang swerte mo kasi mayroon tayong discount. Ihanda mo na ang mga dadalhin mo para naman hindi na tayo nagmamadali sa last minute." Matutuwa sana ako sa balitang ito kung hindi lamang ako naka bangga ng babae. Kaya lang, wala na akong choice kung di ang mag stay dito sa Pilipinas. Sigurado ako na hindi ako papayagan umalis ng mga kamag anak nitong babaeng nasagasan ko. "Ganun ba pare?" malumanay ko pang sabi sa kanya. "Oh bakit parang hindi ka masaya jan? Di ba ang sabi mo sa akin sobrang atat ka nang magpunta sa Canada since nalugi na naman ang mga negosyo mo rito sa Pilipinas? Tapos ngayon biglang ang lungkot lungkot mo? Wag mo sabihin sa akin na gusto mong balikan yung ex wife mo na nanloko sayo? Pare magising ka na sa katotohanan, kahit na ano pang gawin mo ay wala nang kayo. DI pa ba malinaw na niloko ka niya?" "Relax ka lang. Hindi naman iyan ang dahilan kung bakit kailangan kong i cancelled ang flight ko." "Eh ano? Ang dami mo namang arte. Nakaka tamad ngang mag balik ng ticket. Ano bang nangyayari sayo ha?" "Pare may nangyari kasi-" "Ano nga? Bilisan mo kasi nagda drive ako ng sasakyan. Baka mamaya ma tiketan pa ako sa ginagawa mo eh." "Nakabangga ako ng babae habang nagmamaneho ako. At ngayon, nandito ako sa tapat ng emergency room. Kasalukuyan siyang ginagamotng mga doctor," halos manginig ang mga tuhod ko pagkatapos kong magsalita. Natataranta na ako sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang hirap lumabas sa ganitong klase ng sitwasyon. "Ano? Gago ka ba? Baka naman pina prank mo lang ako ha?" "Anong prank? Sa tingin mo ba may gana akong gawin ang bagay na yan sayo ha? Totoo ang sinasabi ko pare, pakiusap tulungan mo naman ako kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon." "Kung totoo nga ang sinasabi mo, saan ang lugar na yan?" "Ite text ko na lang sayo ang exact address. Basta, pumunta ka na lang rito para maniwala ka sa sinasabi ko." "Bahala ka. Pupunta ako jan para ibigay sayo ang ticket. Mahirap kasi paniwalaan ang sinasabi mo, tandaan mo champion ka sa car racing last year kaya kahit naka pikit ka ay kayang kaya mong magmaneho." "I am slightly drunk pare. Sobrang na stress talaga ako sa biglaan naming paghihiwalay ng asawa ko although I was anticipating this to happen. Kaya siguro lutang na lutang din ako kanina habang nagmamaneho. Ngayon, parang mas lalo pang naging malala ang sitwasyon ko." "Alam mo isa lang naman ang solusyon jan. Kung totoo man na naka aksidente ka, eh di bayaran mo na lang ang pamilya niya tapos sabihin mo kasalanan ng babae. Di ba may dash camera ka naman? Pwedeng pwede mong i rewatch kung saka sakali man para makita mo kung ano talaga ang nangyari." Sa taranta ko kanina ay hindi ko naisip ang bagay na ito. At tama siya sa kanyang sinabi, kailangan kong tingnan yung nangyari kasi baka itong babae naman ang mayroong kasalanan. "Sige pare, basta pumunta ka rito mamaya-" Bigla namang lumabas ang doctor at tinanggal nito ang kanyang mask. "Excuse me Mr. Alex? Can I have your attention please?" Pinatay ko na ang tawag at tsaka ko itinuon ang atensyon ko sa doctor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD