ALEX POV
"Doc? Kamusta po ang pasyente? Is she going to be alright?" kabadong tanong ko.
I am hoping na hindi siya masyadong napaano at sana ay mabilis siyang gumaling sa injuries niya.
Biglang ngumiti ang doctor, "Don't worry, minor lang naman ang damage na nasustain niya. At mabuti na lamang at naagapan ang pag tagas ng dugo niya. Anyway, within this day or tomorrow ay pwede nang ilabas ang misis mo."
"Ha? Hindi ko po siya misis," pagdedeny ko, nagulat lang ako sa sinabi ng doctor na ito.
Although parang may hitsura itong babaeng to pero hindi naman ako interesado sa kanya. Ang gusto ko lang ay ang maging maayos ang kalagayan niya. Pagkatapos ay babayaran ko na lamang siya, siguro lahat naman ng tao ay mayroong presyo eh.
"Oh I am sorry. Pero kaano ano niyo po ba siya?" tanong pa niya.
"Actually, ako po ang naka bangga sa kanya. And I have to admit, I was really drunk."
"Nako, mahirap ito iho. Baka kasuhan ka ng mga kamag anak ng babaeng ito? Kadalasan pa naman sa mga pasyente kong nababangga, kinakasuhan ng kamag anak nila ang may sala."
Patay! Mukhang katapusan ko na nga talaga ito. My world suddenly crambled upon hearing this. Gusto ko sanang isipin na nagbibiro lamang sa akin itong doctor but he does not have any reason to do so.
"Pero iho, may mga gamit bang naiwan itong pasyente? Like ID or something that can be used to identify her and contact her immediate family?"
Napa isip ako habang nakatingin sa kanya. And then naalala ko na lamang na mayroon siyang dalang maleta kanina bago siya mabangga. Pumunta akong muli sa kotse ko at kinalkal ko ang kanyang mga gamit. And then I found a piece of contract kung saan nakalagay ang buong pangalan niya.
I read it and it really shocked the hell out of me to see that she signed a contract with model agency na kalaban namin. At hindi lang basta kalaban, pag mamay ari pa ito ng hayop kong kapatid na si Donny! She was offered 50 thousand.
Two years ago nang malaman ko na sa kanya ipapamana ni Dad ang 75 percent ng mga ari arian nito. Pero ako isang kakarampot na negosyo lang ang nakuha na ako lang mismo ang nagpalago. Ang sabi niya sa akin ay anak lamang ako sa labas kaya wala akong karapatan na mag demand para sa sarili ko.
Alam ko naman na si Donny ang nag sulsol sa papa ko kaya niya ito ginawa. And now, I am hating him for the rest of mg f*****g life!
Kung sa kapatid kong mortal na kaaway nagtatrabaho ang babaeng ito. And then I have to get out of her life as soon as I can. Kapag nalaman ito ng kapatid ko, natitiyak ko na magkakaroon ng malaking gulo at magiging personal na ayaw na namin ito.
Gusto ko na lang manahimik sa aking buhay and to mind my own business. Still, there was no contact number I found at sira din ang kanyang cellphone. I think I should consider it as a blessing in disguise. Lalo na't may rason na ako para makausap siya ng personal and to make a deal.
Pag pasok ko naman sa hospital, nakita ko naman si Mako na nagtatanong sa lobby. Nang makita ko siya, hinila ko ito hanggang sa makapunta kami sa tapat ng emergency room.
"Ano kamusta ha? Akala ko nagbibiro ka lang eh.
"Mako naman, alam mong sobrang badtrip ako ngayon. Tapos pagti tripan kita? Ano ako nasisiraan lang ng bait?" seryosong sabi ko pa sa kanya.
Napakamot siya sa ulo, "So ano nakita mo na kung paano nangyari ang aksidente?"
"Not yet, tsaka ko na lamang siguro papanoorin lalo na kapag gumising yung babae."
"Pero kamusta ang kondisyon niya? Kasi bigla mo akong pinatayan kanina kaya hindi ko na tuloy alam kung anong nangyari."
"Maayos naman siya sabi ng doctor. Baka bukas o sa makalawa, magising na siya."
"Hays buti na lamang at murang bill lang ang babayaran mo sa hospital na ito. Kaysa naman sa may mangyari pang masama sa kanya. So bakit ka nga ba lumabas? Tinawagan mo na ang kamag anak niya?"
"No, but look what I have found," ibinigay ko sa kanya ang contract na nakina ko, kinuha naman niya ito at pagkatapos ay tsaka ako muling nagpaliwanag sa kanya, "I don't know if that is a good news for you pero sa agency ng demonyong kapatid ko siya nagtatrabaho. 50 thousand pa ang offer niya."
Lumingon siya sa akin at bakas ko ang kabang nagkukubli sa kanyang mga mata.
"Nako Alex, mas lalong kailangan mo siyang patahimikin dahil ikaw ang magiging kawawa rito sa bandang huli. Multi billionaire si Donny. Wala kang kalaban laban sa half brother mo kapag sinampahan ka niya ng kaso."
"Alam ko naman ang tungkol sa bagay na yan. Kaya nga kailangan ko talaga siyang mapatahimikl sa nangyari. And now, I have to make everything go into my favor. Para naman matuloy na ako sa Canada. Malay mo nandoon pala ang susunod kong mapapangasawa."
"Pare naman? Kaka break mo lang sa misis mo ha? Tsaka ka na mag hanap ng kapalitan niya kapag naging malago na ang negosyo natin. Hindi ko kayang ihandle mag isa ang business natin kapag nag asawa ka ulit. At tsaka ang galing galing mo kaya maghawak ng negosyo.
"Sus nambola ka pa! Tara, silipin natin si Claire sa loob. Wala naman tayong choice kung di ang hintayin siyang magising."
"Ikaw lang. Kagaya ng sinabi ko sayo kanina, ibibigay ko lamang sayo ang ticket mo. Tapos uuwi na rin ako."
Inakbayan ko siya at pinuwersa na pumasok sa loob. Nang makarating kami rito, nakita na lang namin na gising si Claire pero sa bintana ito nakatingin. Lumapit pa ako sa kanya at napansin kong may bakas ng luha sa kanyang mga mata.
"Pare parang wala siya sa mood? Sigurado akong galit siya sayo."
"Ayos lang yan," sagot ko kay Mako habang pinag mamasdan ko si Claire. Ngayon ko nga lang napansin na kahit papaano ay maganda rin pala siyang babae.