bc

WHEN LOVE AND HATE COLLIDES

book_age18+
348
FOLLOW
2.6K
READ
family
bold
like
intro-logo
Blurb

CLAIRE POV

Lamay ng lola ko ngayon. Ang sakit sakit ng nangyari sa kanya. Halos buong buhay ko siya ang nag alaga sa akin. Ngunit ngayon, nandito ako sa huling lamay niya kahit na pagod na pagod ako. Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko kapag wala siya.

Siya na lamang ang natitirang pamilya na mayroon ako. Paano na lamang ako kung aalis pa siya?

Habang nasa harap ako ng kabaong ng aking lola, bigla na lamang may dumating na dalawang lalaki. At base sa mga suot nilang coat, parehas silang taga Bank. Ngitian ko sila kahit na seryoso silang nakatingin sa akin. Makikiramay ba sila o mayroon silang ibibigay sa akin na pamana galing sa lola kong yumao?

"Miss Claire Hernandez, your grandmother Lily has left you with 100 million debt," sabi ng lalaki sa kaliwa sabay bigay sa akin ng isang folder.

"Natalo ng malaking halaga ang lola mo for five consecutive years sa isang online casino. And since hindi na niya mabayaran ang 100 million, kukuhain namin ang mansyon ninyo bilang kabayaran. Mayroon na kasing client na nagkaka interes na kuhain ang lupain na ito."

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CLAIRE POV Lamay ng lola ko ngayon. Ang sakit sakit ng nangyari sa kanya. Halos buong buhay ko siya ang nag alaga sa akin. Ngunit ngayon, nandito ako sa huling lamay niya kahit na pagod na pagod ako. Hindi ko na nga alam kung ano ang gagawin ko kapag wala siya. Siya na lamang ang natitirang pamilya na mayroon ako. Paano na lamang ako kung aalis pa siya? Habang nasa harap ako ng kabaong ng aking lola, bigla na lamang may dumating na dalawang lalaki. At base sa mga suot nilang coat, parehas silang taga Bank. Ngitian ko sila kahit na seryoso silang nakatingin sa akin. Makikiramay ba sila o mayroon silang ibibigay sa akin na pamana galing sa lola kong yumao? "Miss Claire Hernandez, your grandmother Lily has left you with 100 million debt," sabi ng lalaki sa kaliwa sabay bigay sa akin ng isang folder. "Natalo ng malaking halaga ang lola mo for five consecutive years sa isang online casino. And since hindi na niya mabayaran ang 100 million, kukuhain namin ang mansyon ninyo bilang kabayaran. Mayroon na kasing client na nagkaka interes na kuhain ang lupain na ito." Halos magunaw ang mundo ko. Ang buong akala ko pa naman ay mayroong iniwan na malaking pera sa akin si Lola- yun pala ay malaking utang at nakasangla pa ang aming mansyon. Paano na lamang ako? Saan na ako titira? Wala na rin ang company namin dahil naibenta na ito at ginamit sa libing ni lola. Namumugtong ang mga mata ko ng tumingin ako sa lalaki, sobrang bigat lang sa dibdib na pati ang kaisa isang pamana sa akin ng lola ko ay maglalaho na lamang ng parang bula. Still, hindi ako nawawalan ng pag asa. Baka pwede ko pa silang kausapin. "Sir, wait lang po? Baka pwede po itong pag usapan? Kasi mabait po ang lola ko, imposible naman na magsusugal siya at magpapatalo ng ganyan kalaking halaga. Baka naman mga scammers kayo?" "Miss Claire," kinuha niya ang kanyang id at ipinakita itong bigla sa akin, "We are agents from the bank. Kung gusto mo ay makipag kita ka na lamang sa amin bukas. 3 pm sharp. Darating din ang client namin. By the way, siya po ang pwede ninyong kausapin, kapag hindi kayo pumunta, most likely na hahatakin na ang lupa ninyo. Magandang araw po and condolence." Tumalikod na silang dalawa at umalis. Iniwan nila sa akin ang folder. Hanggang ngayon, sobrang nalulula pa rin ako sa laki ng 100 million na utang ni lola. Close naman kaming dalawa pero ni minsan ay hind niya nabanggit ang tungkol sa akin dito. Kinabukasan, 8 am natapos na ang paghahatid sa huling hantungan ng lola ko. Ang lungkot lungkot ko pa rin, kung pagsasamahin ko ang mga abuloy na nalikom namin sa ilang araw na libing ni lola, aabot lamang ito sa 100 thousand. Kulang na kulang pambayad sa utang niya. Samantala, umulan naman bigla ng malakas at kasabay nito ang pag dapo ng isang paro parong pink sa balikat ko. Napangiti ako, alam ko na si lola ito at kino comfort niya ako sa dami ng problemang iniwan siya sa akin. Lalong lalo na sa utang niya. "Sige na lola, pinapatawad na kita sa laki ng utang na pinatalo mo sa sugal. Mukhang hindi mo na ipapamana sa akin ang mansyon na hinahangad ko. Pero hindi pa rin naman po ako susuko kasi naniniwala naman ako na walang problema na hindi naidadadaan sa mabuting usapan," mahinang sabi ko sa paro paro. "Baka gusto mo nang umuwi? Malakas ang ulan, baka magkasakit ka pa," wika ni Aling Gina sa likod ko, pinayungan niya pa nga ako para lang hindi ako mabasa ng ulan. Lumingon naman ako sa kanya kasabay ng pag lipad ng paro parao sa aking balikat. "Salamat po sa concern ninyo pero hindi na po muna ako uuwi ngayon sa bahay." Tumaas ang kilay niya sa akin, "Ha? At bakit naman Claire? May iba ka pa bang aasikasuhin?" "Opo, wika ko, napabuntong hininga pa ako ng malalim. "Ano naman ito?" expected ko nang tatanungin niya ito sa akin. Pinagkakatiwalaan ko naman si Miss Gina dahil sa isa siya sa mga empleyado namin sa corporation namin. 10 years siyang naninilbihan kay lola. Kaya lamang, halos natanggal talaga silang lahat dahil iba na ang may ari nito. "Mayroon pong nagpunta kahapon sa funeral area ni lola. Dalawang taga bangko at sinabi nila sa akin na mayroon daw 100 million na utang si lola dahil nagpatalo ito sa sugal kaya isinangla nito ang mansyon. Ngayon, pupunta ako sa nasabing bangko at kakausapin ko yung client nilang gustong bilhin ang mansyon." "Ha?" halos mabitawan niya yung payong dahil sa pagka gulat nito. "Nako, eh hindi naman sugarol ang lola mo eh." "Miss Gina, totoo po yung mga papeles na ibinigay sa akin ng mga taga bangko kahapon. Remember, sa audit department ako nagwowork? Kaya kahit na mahirap pawinawalaan, talagang totoong nagsusugal si lola. At ngayon, ako ang sumasalo ng problema niya bilang ako na lang ang natitira niyang kamag anak." Hinawakan niya ako sa braso ko, "Sige, gusto mo bang ihatid kita sa bangko na yan? Ayos lang sa akin kahit malayo. Hinabilin ka naman ng lola mo sa akin bago siya bawian ng buhay." "Ayos na ayos lang po sa akin kahit ako lang mag isa. Salamat po sa pagmamalasakit ninyo pero magta taxi na lang po ako. Tutal malapit lang naman yun dito. Handa akong kaharapin ang taong balak bilhin ang mansyon namin at humingi ng palugid sa kanya." "Sige ikaw ang bahala. Basta balitaan mo na lang ako ha?" ngiting tipid niyang saad sa akin. Umalis na siya sa harapan ko pero iniwan niya sa akin ang kanyang payong. Umalis na ako at nag grab ng taxi papunta sa mall para kumain at dumeretso sa bangko. Naghantay ako hanggang sa sumapit ang 2:46, inasikaso na ako ng dalawang agents kahapon sa isang meeting area nila. "Let us wait sir Donny, siya kasi ang multi billionaire investor na gustong bumili ng lupain mo. As a matter of fact, he is going to pay for the down payment." I am not familiar with his name. Pero I admit, nalula na lamang ako ng sinabi niyang multi billionaire ang bibili ng lupain namin. 2:59 pm, dumating sa loob ang isang lalaki na halos pagtinginan ng lahat ng mga tao sa loob. Nag mistulan siyang isang artista dahil sa atensyon na nakuha nito.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook