CLAIRE POV
Natataranta ako sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaunti lamang ang alam ko pag dating sa pagmamasahe, swedish lang kasi ang alam ko at yung hilot. Yumuko lamang ako hanggang sa dumapa siya sa kanyang higaan. Kitang kita ko pa nga ang umbok ng kanyang pwetan. I can't believe I am doing this.
Lumapit ako sa kanya at pinisil pisil ko ang kanyang likuran ng madiin as he wants hard massage.
"Mr. Donny-"
"Donny na lang, we need not to be formal. Tayong dalawa lang naman ang nandito sa kwarto ko eh."
Double meaning yata ang sinab niya sa dulo? Pero iwinaksi ko kung ano ang maduming tumatakbo sa aking isipan. Ang sa akin lang, ang pinaka habol ko lang dito ay yung kontratra na papipirmahan niya. Nothing more and nothing less, pagkatapos nito ay uuwi na ako.
"Donny, wala ka bang oil?" naiilang na sabi ko kasi parang ang hirap naman mag massage kung walang langis na pampadulas. At tsaka maganda talaga yung langis para guminhawa ang pakiramdam niya.
"Nandidiri ako sa langis. Ayaw ko ng ganyan," wika niya pa.
"Sabihin mo lang sa akin kung tama ang ginagawa ko o baka nasasaktan ka."
"Masarap nga yung massage mo. Sa katunayan, ganyang masahe ang gusto ko sige pa."
Pinagpatuloy ko lamang ang pagmamasahe ko sa kanyang likod hanggang sa magulat ako sa mga sumunod na nangyari.
"Ahhhhh..." ang malakas na ungol niya, "So f*cking good... sige pa..."
Halos manlaki ang mga mata ko. Yung ungol niya na ito, halatang iba ang iniisip niya sa mga sandaling ito.
"Ahhhh ang sarap... may experience ka na ba?"
"Po?" I was shocked to hear his question.
"I mean, sa pagmamasahe. Ang sarap kasi ng masahe mo, tinigasan ako."
Napalunok ako sa mga double meaning niyang mga sinasabi. Alam niya naman siguro na hindi ako tanga para hindi ma gets ang mga pinag gagagawa niya. Ayaw ko nang dugtungan ang sinabi niya sa akin dahil baka may iba pa siyang sasabihin.
Pinagpatuloy ko lamang ang pagmamasahe ko sa kanya ng hard. Puro lamang ungol at mura ang nariringi ko mula sa kanyang bibig. Ungol na nagpapahiwatig sa akin na mayroong kakaibang tumatakbo sa kanyang isipan. Pawis na pawis siya kahit na ang lakas lakas ng aircon sa kanyang kwarto.
Meanwhile, pinagpawisan na rin ako ng husto sa init ng katawan niya. Nangangalay na nga ang mga kamay ko kakahagod sa kanyang likuran subalit hindi ko lubos maisip na tatagal kaming dalawa ng ganito lamang ang aming ginagawa.
Pagkatapos nito ay humarap siya sa aking bigla. Muli na naman lumantad sa akin ang kanyang hubad na katawan. Napa pikit na naman akong muli. Ayaw na ayaw ko pa naman makita yung tinatago niya na parang sinasadya niyang ipakita sa akin ngayon.
"Relax ka lang. Hindi naman kita sasaktan. I guess, hindi ko na kailangan na itago ito sayo kasi nakita mo na naman. Pero mukhang naiilang ka pa rin. Wait magbibihis lang ako."
Naramdaman kong tumayo siya at bigla na lamang itong umupo sa aking tabi ulit. Naramdaman kong inilagay niya ang kanyang kamay sa aking balikat.
"Pwede ka nang pumirma ng kontrata para maging ganap na kitang model," wika niya pa. "And don't worry kasi naka shorts na naman ako."
Unti unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko ang kontrata at ballpen sa harapan ko.
"Sign it," wika niya, "And then after that you will be finally signed as a model to my company."
I was hesitating to sign it so binasa ko munang maigi ang kontrata. And nagulat na lamang ako dahil 50 thousand ang unang sahod ko. Tapos four days a week lamang ang pasok ko. Unlike dati na nasa audit department ako na 30 thousand lamang ang sweldo ko. It was really a generous offer to say the least.
At mukhang maayos naman ang mga benefits at ang buong kontrata kaya naman pinirmahan ko na ito at nakangiting binigay sa kanya.
"Maraming salamat po sa inyo. And siguro naman, pwede na sana akong makauwi ngayon?"
"Teka lang... hindi mo man lang ba ako tatanungin tungkol doon sa lupa ng lola Lucy mo? Kasi sayang naman kung wala kang itatanong sa akin ngayong nandito ka na. Or pwede ka rin magtanong ng iba pang mga bagay sa akin? Personal man o sa trabaho, sasagutin ko lahat ng iyan sa abot ng aking makakaya."
Wala namang tumatakbo sa isipan kong mga tanong dahil na mental block ako. Ang tanging gusto ko lamang sa ngayon ay ang umalis sa lugar na ito bitbit ang kontratang dahilan kung bakit ako naririto.
"Actually, ang tanging gusto ko lang po sana ay ang umuwi. Siguro kung may iba pa akong mga katanungan, baka sa susunod na mga araw ko pa po maiisip. Sa ngayon kasi, ang bukod tanging gusto ko lamang ay makapag pahinga sa bahay."
Hinawakan niyang bigla ang legs ko, "Pero ayaw ko ng binibitin ako. Baka pwedeng mag extend ka rito? Kasi hindi talaga ako sanay mag isa eh."
"Ha..." nauutal kong reakson, umuurong ang dila ko sa sandaling ito. Hindi ko alam kung paano ko lalabanan ang ganitong klaseng sitwasyon. Sobrang init at puno ng pagnanasa ang kanyang mga mata. Nanginginig ang mga tuhod ko sa mga sandaling ito. Pinipilit kong labanan ang kabang nararamdaman ko subalit parang hindi ko yata kaya.
"Bakit ka kinakabahan ha? Wala naman tayong ginagawang masama eh," bulong niya na may halong pag iinit.
"Donny... pasensya na po kayo pero ang pinunta ko lamang dito ay ang kontrata ko. Hindi po ang bagay na sinasabi ko."
"Ibibigay ko lahat ng gusto mo sa buhay. Basta sumunod ka lamang sa mga gusto kong mangyari, wala tayong magiging problema. At yung lupang hinahangad mo ay mananatiling nakapangalan sa lola mo."
Tiningnan ko na siya ng diretso sapagkat ayaw ko na ng paligoy ligoy siya, "Mawalang galang na po sa inyo pero ano po ba talaga ang dahilan kung bakit ninyo ako pinatawag dito? May mas malalim pa bang dahilan bukod sa pag pirma ko ng kontrata?"