MASAKIT ang ulo ni Sheena ng pumasok siya sa isang coffee shop na nadaanan niya habang naglalakad papunta Inkwell Creatives. Kailangan niya ng pampagising at pantanggal sa hangover na mayroon siya ngayon. Sobrang dami nilang nainom nang nagdaang gabi kaya naman gano'n kasakit ang ulo niya. Pumila siya at habang nag-iintay na siya ang sunod na mag-order, naisipan niyang mag-scroll sa kanyang cellphone. A notification suddenly pop-up on her phone screen. It's a message request sent by a guy named Sean Frederick Ortega. She opened it and read his short message for her.
Sean Frederick Ortega: Hello! Madali ka lang pala hanapin online. You have to gave back what you stole to me last night. Importante sa 'kin iyon, Sheena Kate Mercado. Here's is my contact number. 0917673xxxx. I will wait for your call or text.
Nagtataka niyang inulit-ulit ang mensahe na iyon sa kanya ng Sean Frederick Ortega na 'yon. She clicked his profile to checked if he's someone she knew. Inisa-isa niya ang mga post nito online na pulos memes, shared post, house design and online games screen shots. Sunod niyang in-scan ang mga picture nito at nagising nang ilang sa mga topless photo nito ang kanyang diwa. Napalunok siya habang patuloy sa pag-scan sa mga picture nito.
"Good morning ma'am! May I have your order now?" Nadinig niya ang sinabing iyon ng staff na nasa likod ng cash register ngunit sadyang hindi mawaglit ang tingin niya sa mga picture nung lalaking nagpadala sa kanyang mensahe. "Ma'am?"
"Uhmm yes, my usual drink please. One caramel latte large size," wika niya ng sa wakas ay balingan na ang staff na nagtatanong sa kanya. Muli niyang binalik sa cellphone ang tingin at in-screenshot iyon saka pinadala sa mga kaibigan niya. She handed her credit card for p*****t, then walked towards the claiming area. Naupo siya sa bakanteng upuan na naroroon at matamang binasa ang reply nina Ivanna, Krisan at Kaia.
Ivanna Palma: Almusal ba 'yan, girl?
Krisan Santillan: Girl, siya yung hinalikan mo sa bar kagabi.
Ivanna Palma: Ay oo! Bwisit ka Sheena Kate, ang ulam naman nitong lalaki na 'to.
Kaia De Leon: Student?
Muli niyang binalikan ang profile ni Sean at totoo ngang estudyante palang ito. Nabitiwan niya ang cellphone at laksa-laksang alalahanin ang pumasok bigla sa kanyang isipan. What if she got sued for harassing a student? Kung bakit naman kasi nagpakalasing pa siya kagabi ng malala. Hindi 'man lang ba siya inawat ng mga kaibigan niya. Bigla siyang na-frustrate. She picked up her phone again and stood up to claim her order. Dali dali siyang naglakad palabas ng coffee shop na iyon at tumungo sa Inkwell Creatives.
Buong shift niya ay iyong lalaki lang na nakilala niya sa pangalang Sean Frederick Ortega ang nasa isipan niya. Hindi siya gaano nakapag-focus sa trabaho dahil sa pinaghalong frustration at hangover. Nagpaalam siya sa HR na magha-half day na lamang para makapahinga din. Lesson learned na iyon sa kanya na h'wag iinom ng madami na hindi naman kaya at kung may pasok kinabukasan. She went straight to their hide out to meet her friends. Tulad niya, mga ginupo din ang mga ito ng hangover kaya long weekend ng iyong maituturing para sa kanila.
"He's matured looking, infairness." Komento ni Ivanna habang tinitingnan isa isa ang picture ni Sean sa social media. "He's a future engineer and sports enthusiast. Pasok itong bagets na 'to sa banga mo, Sheena."
She rolled her eyes and put the cold compress pack on her neck. Ginagawa niya iyon para mabawasan ang tension headache na nararamdaman niya ng mga oras na 'yon.
"Paanong naging pasok sa banga ni Sheena 'yan?" Curious na tanong ni Kaia na senigundahan naman ni Krisan.
"Ano ba yan? Hanggang ngayon hindi niyo pa din kabisado ang tipo nitong si Sheena, tss. She likes sporty kind of guy, tall and has an intelligent aura. Mataas standards niyang kaya wala pa ding jowa hanggang ngayon," That made her eyes rolled again.
"Baka iyan na ang magiging icing sa ibabaw ng cupcake mo, Sheena." Malakas na tumawa pareho sina Krisan at Ivanna. Nanatiling tahimik lang sa tabi niya si Kaia. Ang timid talaga nito kaya nagtataka siya kung paano ito naging kaibigan nila. "He's not bad na din naman. Mukhang ito pa ang magtuturo sa 'yo,"
"Agree. Mukhang madami na itong na-experience. Kagabi palang pansin ko na 'yon. The way he kissed you." Dagdag na sabi ni Ivanna.
"Baka naman may girlfriend na 'yan tapos push pa kayo ng push kay Sheena." Sa wakas nagsalita na din si Kaia.
"Worrier!" Krisan and Ivanna said in unison.
"He's sexy, free and single. Looked it's already written on his bio." Nakita niyang nakasulat nga iyon doon pero hindi pa din sapat na dahilan para mag-jump siya dito. Ka-edad lang si Sean ni Apollo na boyfriend ng mama niya. Kung papatulan niya ito, hindi na sila nagkakalayo ng kanyang ina. Doon siya natauhan bigla. Love wasn't her priority as of the momment. Ayaw niya munang dagdagan ang sakit ng ulo na mayroon siya. Sapat na yung nanay lang muna ang kanyang iniisip ngayon.
"I have no time for that," wika niya.
"Classic line of Sheena Kate Mercado. Always have no time for love," Ivanna said.
"Forever ka nang ganyan, girl." Sabi naman ni Krisan.
Kaia didn't commented but she knew that she also wanted to comment. Baka nahihiya lang ito sa kanya. Ayaw niyang maantala ang lahat ng dahil ng sa love. Hindi iyon ang sagot sa lahat ng problema niya ngayon at 'di pa naman siya gano'n nagmamadali pagdating sa bagay na iyon. She knew that one day her matched will come unexpectedly.
Maybe not now, but soon yes... she said on her mind.
~•~•~
SA ISANG convenience store nagtungo si Sheena matapos niyang magpaalam sa mga kaibigan. Wala silang gaanong ganap ngayon dahil nga pulos sila may hangover pa. Ayaw pa niyang umuwi dahil maabutan lamang doon ang kanyang ina at si Apollo na naglalandian. It's still an eyesore for her. Hindi na talaga niya mapipigilan pa ang kanyang ina sa desisyon nito na pakasalan ang bagets na iyon. Dapat siguro ay sanayin na niya ang sarili na makita ang ito na gano'n ka-sweet at tawagin si Apollo na papa. Hindi niya maiwasang kilabutan ng maisip iyon.
"Bakit ko ba naisip na tawagin siya sa gano'n?"
Mahina niyang tanong sa sarili bago malalim na bumuntong hininga. Walang kagana-gana niyang kinuha ang isang small pack ng tasty bread at cheese spread kasama ng dalawang cup noodles. Wala siyang plano na magluto o kainin yung take out order ni Apollo. Iyon na lang kakainin niya at uuwi siya kapag sigurado na siyang tulog ang mama niya. Hindi pa sila nag-uusap nito simula noong magkasagutan. Well, siya lang naman ang nagalit dito at hindi siya sigurado kung galit din ba ito sa kanya.
"That would be three hundred pesos and fifty centavos only plus your mobile number, ma'am." Natigil siya sa pagkuha ng pera nung madinig ang huling sinabi na iyon ng kahera. Nag-angat siya ng tingin at gano'n na lamang ang pagsisi niya dahil mukha ni Sean ang sumalubong sa kanya. He smiled and winked at her.
Anong ginagawa niya dito? Actually, bakit ko pa ba inaabala ang sarili ko na alamin dahilan niya? Lihim niya kiniling ang ulo. Naglapag siya ng eksaktong bayad na hinihingi nito saka mabilis na kinuha ang plastik bag ng kanyang pinamili.
"Sheena, wait!" sigaw ni Sean.
H'wag kang lilingon, Sheena Kate! H'wag kang --
A gentle touch stop her from walking away that convenience store. Pinaharap siya ng pumigil na iyon sa kanya at hindi na binitiwan pa.
"Wala naman akong sakit na nakakahawa. Naligo din naman ako ng limang beses ngayong araw," Sean said to her. Napaikot niya ang mga mata niya dahil doon. "That attitude of yours made me want to know you more."
"Walang nagsabi sa 'yo na ma-curious ka." Mataray niyang sabi saka kinalas ang pagkakahawak nito sa kanya na nakakakuryente. "Ano bang kailangan mo?"
"I want it back, Sheena." Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. Ano bang sinasabi nitong kailangan niyang ibalik? Was it the kiss?
Hell no! Bakit naman ako magpapahalik sa kanya? sambit niya sa isipan.
"Wala akong ibabalik sa 'yo at higit sa lahat wala din akong oras para sa 'yo. Umuwi ka na at mag-aral."
"I'm done studying. Hinihintay ko na lang resulta ng board exam ko,"
"I'm not interested. Humanap ka ng ka-edad mo, please." Nang tuluyan niya makalas ang hawak nito'y nag-umpisa na siya ulit mag-lakad palayo dito.
Hindi ako interesado kahit ang gwapo niya talaga... she said on her mind. You can't be like your mother, Sheena Kate. You can't be. Paalala niya sa sarili.
"What's wrong with my age?"
Ang kulit talaga...
Huminto siya sa paglalakad at humarap dito uli. "Hindi ako napatol sa mas bata sa 'kin. I don't want to be a babysitter nor an auntie to you," aniya sa binata. Issue talaga sa kanya ang age gap kahit na kailangan. Pakiramdam niya mahuhusgahan siya ng mga tao kapag nakipag-relasyon sa higit na mas bata sa kanyang edad.
"Does it matter?"
"What do you mean?"
"Yung sasabihin ng ibang tao, importante ba 'yon sa 'yo?"
Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"Oo importante kaya h'wag ka na mag-aksaya ng panahon pa sa 'kin. Good luck on your studies, kid."