Chapter 01
"SEND me the details asap and meet in the café near the building."
Ma-awtoridad na utos ni Sheena sa kausap cellphone bago iyon pinatay at sinuksok sa nakasukbit na clutch bag sa kanyang balikat. Kinuha niya mula doon ang card at mataman pumila. Inagahan niya talaga ang punta doon dahil palaging mabaha ang pila doon araw araw. She needs to dosed herself with her favorite drink to function. Late na siya nakauwi nang nagdaang gabi at malayo sa workplace niya ang bahay na tinitirhan kaya maaga siya lagi nagigising. Iyong tulog niya kakarampot lamang at umuwi lang siya para magpalit ng damit. She has a deadline to beat and that project could promoted her right away. All she have to do was to impressed her boss.
"One large iced latte please," she ordered, then handed her card immediately to the staff behind cash register.
"Do you have coupon, ma'am?" Nag-angat siya ng tingin at halos umawang ang mga labi niya ng masino iyong nagsasalita sa likuran ng cash register. Agad siyang nakabawi at umarko ang isang kilay. She acted like she didn't knew him.
"Nope." Matipid niyang sagot dito. Binaling niya sa iba ang tingin dahil baka malusaw na lamang siya bigla kapag nakipagtitigan pa dito.
Malusaw? Really, Sheena iyon talaga ang term na ginamit mo? Kastigo niya sa sarili.
"Here, take this. I put two stamps today. If you filled that with stamps, you can have one free cake as part of our anniversary promo." Pilit siyang ngumiti at tinanggap iyon kasama ng card. She actually don't need that. Kaya na niyang bilhin kahit na ano o ilang cake pa. Mayaman na siya ngayon at hindi na tulad ng dati. "Here is your order. Have great day ahead," wika pa nito saka kumaway sa kanya.
Naiiling niyang dinampot ang order at umalis na. Ginala niya ang tingin niya sa palibot ng cafe at naghanap ng mauupuan kung saan maari niyang hinatayin ang katrabaho. Of all places in the metro bakit nandito yung lalaki na 'yon? Ang buong akala niya'y hindi na sila magkikita pa matapos niya itong bastedin noon. After meeting him in a bar, hindi na ito lumubay sa kanya kahit pa ilang beses niyang sabihin na 'di siya interesado. Why does younger guys tend to be agressive now a days? Malalim siyang napabuntong hininga saka sinipat ang in-order na inumin. Inikot niya iyon at nakita niya ang heart shaped drawing saka cellphone number ibaba 'non.
Still agressive just like before... aniya sa isipan.
Nang dumating ang kasamahan niya sa trabaho, nag-umpisa na silang mag-usap ukol sa presentation na gagawin nila bukas. She focused herself to what they're doing and continued listing down what slide and items needed to be changed. Being a junior account executive in an advertising agency was really hard. Kailangan full effort ang ibigay para makita ng mga nasa higher position na capable at deserving ka sa promotions. To be a senior account executive, that's her sole goal for this year. Ilang taon na din kasi siyang nagta-trabaho sa Inkwell Creatives.
May sapat na siyang experienced at mga achievements na hindi matatawaran kaya tingin niya deserved niya ang promotion. Inunat niya ang binti sa ilalim ng lamesa at binitiwan muna ang hawak na ballpen. Pareho silang natigilan ng kasama niya nang maglapag ng isang slice ng cake ang café staff.
"Uhm, excuse me." Tawag niyang muli sa café staff. May ngiti sa labing lumapit ito sa kanila muli. "I didn't order anything."
"Ay ma'am, pinabibigay po ng boss namin 'yan." Tinuro nito si Sean nakamansid sa kanila. Tumango ito sa kanya saka ngumiti pagkatapos. Umalis na uli yung café staff at nanatili naman siyang clueless. Hindi tuloy niya maiwasang mapakapit sa batok dahil sa pinaghalong frustrations at inis.
"That guy obviously likes you, Kate." Komento ni Jochelle, isa sa mga project coordinator na hawak niya sa Inkwell Creatives.
"Malakas lang trip niya, Jo." Binalik niyang muli ang atensyon sa laptop na nasa harapan niya pinakain kay Jochelle ang cake na bigay ni Sean. A minute passed and another saucer of cake came. This time, dalawa na iyon at galing pa din lahat kay Sean.
Ghad, ano bang gusto niya? Tanong niya sa isipan.
"I think we need to look for another place or continue this on the conference room," aniya kay Jochelle.
"Sayang naman itong mga cake. I-take out na lang natin saka dalhin sa office." Jochelle handed her the tissue where a note was written. Makahulugan niyang tiningnan ng kasamahan niya bago ito tumungo sa counter para ipa-take out ang cake na bigay ni Sean.
You don't have time for this or at least not now, Sheena. May promotion ka pa na kailangan makuha... paalala niya sa sarili.
Nang makabalik si Jochelle, sabay silang lumabas nito ng cafe na iyon at tumungo na pabalik sa Inkwell Creatives. While walking they continously talking about the project, the strategies and the approached they need to shown in their presentation. Para maipanalo nila ang account at makuha ang kliyente na magdadala sa kanya sa inaasam na promosyon. Quite ambitious but that's her ever since she graduated high school. Nadala niya iyon hanggang ngayon na nagta-trabaho na siya. She wanted always on the top. Not a second placer but a first. She felt validated if she's on the top. Parang kumpleto siya at ginagalang ng lahat kapag gano'n.
You can't be a failure, Sheena. Paalala pa niyang muli sa isipan.
~•~•~
HINDI makapaniwala si Sean na muli niyang makikita si Sheena ngayon matapos ang dalawang taong paghahanap niya dito. Sa katabing building lang pala ito ng café ng best friend niya nagta-trabaho at kung saan saan pa siya naghanap. Maya sumilay na ngiti sa mga labi niya matapos makuha sa kasamahan nito ang numero ng dalaga. Hindi kasi nito pinansin ang mga notes niya kahit iyong nilagay niya heart shaped drawing sa in-order nitong drink. Sheena's arrogance made her more attractive into his eyes. Weird, yes but that's how he fell in love with her at first sight.
"Dude, namigay ka daw ng cake sabi ng mga staff ko." Francis said as he seated on the vacant seat acrossed his chair. "Malulugi ako sa ginagawa mo,"
"Nagbayad ako, dude." Kinuha niya ang cellphone at tinext ang numerong binigay sa kanya ng kasama ni Sheena. "Saka hindi ka malulugi kapag lagi ako dito kasi madaming napasok na customer,"
"Thanks to your handsome face, gano'n ba?" Sarkastiko nitong sabi sa kanya. Ngumisi lang siya at pinagpatuloy ang pagtatype ng text message para kay Sheena. "Sino na naman ba 'yang prospect mong bago?"
Umayos siya ng upo pagka-send ng text message kay Sheena saka tumingin ng diretso sa mga mata ng kaibigan. He was with Gelo the night when Sheena and him met. "Remember the girl who kissed me in the bar two years ago?"
"Siya pa rin? Binasted ka na 'non kaya." Paalala ni Gelo sa kanya. "Dude, hanap ka na lang iba. Dami mo namang reserba dyan."
Binato niya ng nilakumos na papel ang ang kaibigan niya. Para naman kasing lumalabas na sobrang playboy niya kahit hindi naman. He met Sheena in a bar near St. Martin University. Nagkayayaan roon na mag-inuman ang buong barkadahan nila ni Gelo dahil na-survive nila ang board exams. Relieved na silang lahat kahit paano at resulta na lang hinihintay noon. Gano'n sila noon hanggang ngayon na parte na siguro ng pag-a-unwind nila. Sobrang demanding kasi ang maging isang engineer na para bang tingin sa kanila ay mga magician. That was quite memorable for him. Hindi naman niya plano talaga na makipaglandian 'non pero iba si Sheena umpisa palang.
"She stole something from me that I needed to get back," aniya sa kaibigan.
"Alin? Yung halik? H'wag nga ako, dude. Sa dami ng nahalikan mo dyan lang sa babae na 'yan ikaw hindi maka-move on,"
"Iba siya, dude."
"Asikasuhin mo muna yung sa construction company niyo bago 'yan." Muli niya itong binato ng nilakumos niyang papel. Panira talaga ng moment ang kaibigan niyang iyon. His attention were immediately diverted on his phone. He received a reply from Sheena! Nakangisi niyang dinampot ang cellphone saka binasa ang reply nito.
From: Sheena
Who are you?
How will he introduced his self? Should he said that she stole something from him? Sandali siyang nag-isip siya ng matinong i-re-reply sa dalaga. Na-imagine niya bigla ang reaksyon nito na hindi mawala wala sa kanyang isipan. Nang makaisip ng reply ay agad niyang pinadala iyon saka binaling ang atensyon sa nakabukas niyang laptop. Ang dali niya lang nahanap ang social media account ng dalaga na liker ng Inkwell Creatives. May meeting siya sa naturang advertising agency para sa renovation na gustong ipagawa ng may-ari sa isang floor doon. Inaayos na niya ang design presentation ngayon bago tumungo sa naturang building.
Nag-sent siya ng friend request sa dalaga bago muling nilipat sa CAD file na nakabukas ang atensyon. Muling tumunog ang cellphone niya at rumehistro sa screen noon pangalan ni Sheena.
From: Sheena
Kung sino ka 'man na walang magawa sa buhay, please don't waste your load. I-share mo na lang sa nangangailangan 'yan. Wala akong time makipag-kulitan sa 'yo.
Gusto niyang tumawa ng malakas nang mabasa ang mahabang reply nito. Kanina nang makita niya itong pumasok sa café ni Gelo, agad siyang umeksena sa cash register para siya na ang mag-served ng order ni Sheena. Wala pa din nag bago dito kahit dalawang taon na ang lumipas. She still have that b***h aura that everyone disliked except from him. Challenge sa kanya iyon at gusto niyang manatili sa tabi kahit na ilang beses pa siya nitong itaboy.
An alarm from the phone he's holding halted his thoughts. Oras na para magpunta siya sa Inkwell Creatives at i-meet ang may-ari doon. Iyon ang pinaka-una niyang project sa sarili nilang construction company at sobrang excited na siya. After passing the board, he tried applying in different construction company to had an experiences before assisting his brother in managing their own business. Two years of being an employed engineer gave him a lot of experienced which was enough now to manage an incorporation as per his brother. Pagtutulungan naman daw kasi nila iyong pagma-manage doon.
"I have to go now." He said, then collect all of his things.