Chapter 02

1582 Words
Two years ago... "RE-MARRIAGE?" Halos pasigaw niyang bulalas ng madinig ang sinabing iyon ng kanyang ina. She couldn't believed that after all of the hardships they went through, her mom still chose to be with a guy whose five years younger than her. She couldn't accepted that fact. Parang anak na nito yung lalaki at bunsong kapatid naman sa kanya. Ano pa ba ang hinahanap ng mama niya? Hindi pa ba ito kuntento sa binibigay niya? "Pagbigyan mo na ang mama mo, anak. Sooner or later you'll settledown then leave me alone. Ang lungkot kaya 'non." Panunuyo sa kanya ng ina para pumayag siya sa gusto nito. Kumikirot ang ulo niya dahil sa ina na sumabay pa talaga sa stress na binibigay sa kanya ng pinagta-trabaho-ang kumpanya. "He's only twenty five, 'ma! Ano sasabihin ng mga kakilala mo? Kapitbahay natin?" Pigil na pigil ang inis niya dahil kahit balik-baliktarin ang mundo, nanay pa din niya ito at kailangan galangin. For the record, hindi niya kailanman tinrato ng masama ang mama niya. Nagsumikap siya para dito dahil silang dalawa lang magkasama sa buhay. Isinantabi niya ang sariling pangangailangan para mapunan ang luho nito at maibalik ang lahat ng paghihirap noong bata pa siya hanggang sa makapagtapos sa kolehiyo. "I thought si papa lang, 'ma? Sinabi mo na siya lang ang una at huling lalaking mamahalin mo," "Anak, matagal na naman ng patay ang papa mo. Tingin ko gusto niya din na lumigaya ako at si Apollo ang bigay sa 'kin ng Maykapal." That was insane! Hindi niya alam kung ano ba ang pinakain ng Apollo na 'yon sa mama niya. Ang labo ng lahat para sa kanya. Nahihirapan siyang intindihin ang mga rasong hinain ng mama niya sa kanya. Malungkot mag-isa, oo, pero hindi naman niya ito iiwan kahit pa mag-asawa siya. Hindi pa nga nasagi sa isipan niya ang pag-aasawa. Mas gusto pa niyang magpayaman at mag-invest sa kung saan saan para lumawak ang kaalaman niya. Business minded na talaga siya simula pa noon at hinding hindi siya magse-settle basta basta na bagay na minana niya sa ama. "It's still a no for me, 'ma." Iyon lang at iniwan na niya ito. Lalaki lang away nilang mag-ina kapag nag-stay pa siya doon. She sent text messages to her friends and asked all of them to hangout in their favorite place. Ivanna Palma: This is new! The legendary Sheena Kate Mercado is inviting everyone to hangout. Krisan Santillan: End of the world na ba? Kaia De Leon: Baka may announcement siya. Napa-ikot niya ang mga mata matapos mabasa ang mga reply sa text niya. Ngayon lang kasi siya talaga nag-aya na maghangout sila. Madalas 'pass' ang lagi niyang sinasabi sa tuwing magpa-plano ang mga ito na lumabas. Mas importante kasi sa kanya ang trabaho at yung posisyon na inaasam-asam niya. She's been working hard as a Junior Account Executive at Inkwell Creatives. Ang sabi mabilis daw ang promotion pero ilang taon na siya doon ay wala pa din ang promotion na hinihintay niya. Pero hindi siya susuko at papatunayan niyang deserving maging Senior Account Executive. By hook or by crook she'll get that position. "Hayaan mo na lang ang mama mo, sis!" Pangaral sa kanya ni Ivana. "Ang bata pa naman din kasi tingnan ni tita Zia ngayon. Hindi aakalain ng sinuman na may anak na." Dagdag pa nito na kinailing niya. "Girls, twenty five years old yung lalaking pinag-uusapan natin dito. Parang kapatid na natin 'yon." Giit pa niya. "Bakit hindi ka na lang din mag-jowa para naman hindi mo na pino-problema ang mama mo?" Tanong sa kanya ni Kaia. "Madali 'yan, Kaia kung may nanliligaw dito sa kaibigan natin. Kaso wala kasi tinataboy na agad kahit lalapit palang," Krisan said, then pour a hard alcoholic drink on her glass. "Dito madaming boys. Let's try hooking up for you, Sheena." "Tigilan niyo nga!" Sita niya sa mga kaibigan. "Chicken!" Kantyaw sa kanya ni Ivanna. "Hindi kaya. Wala lang ako sa mood ngayon para dyan," she said to them. Ivanna stood beside her and drapped an arm of her shoulder. "Dare na lang, girl. Kung sino yung pangatlong lalaki na papasok dyan sa pintuan, hahalikan mo. Ano deal?" "Paano kung may jowa? Riot 'yon, Van." Tanong ni Kaia. "Hindi 'yan saka palaban itong si Sheena." Naiiling siyang pumayag para lang matapos na ang kantyawan ng mga 'to. Bumaling silang apat sa may pintuan at nag-abang ng mga lalaking papasok doon. Ivanna kept on pouring a drink on her glass which she always drunk it straight. Ngayon lang yata siya malalansing dahil sa sobrang stress sa trabaho at personal na buhay. Nagbilang sila at yung ikatlong pumasok ang siyang nilapitan niya matapos lagukin ang alak sa basong hawak. She heard her friends cheered loudly. Agad niya pinapalupot sa leeg ng pangatlong lalaki na pumasok ang magkabila niyang kamay. "This is just for a dare," she said, then kissed the guy on his lips. ~•~•~ "ANG BORING dito sa labas, mga pre! Tara na kasi sa loob baka mas madami tayong makita doon," Pag-aaya sa kanila ni Hector. Nagkayaan ang barkada nila na uminom matapos nila makapag-exam para sa board exam. Para i-celebrate daw ang tagumpay nila at graduation. Konti na lang at magiging mga ganap na silang mga engineers. "Boring din naman panigurado sa loob. Lakad lakad na lang tayo," suhestyon niya na 'di naman sinang-ayunan ng lahat. Nagdesisyon ang mga ito na pumasok sa loob ng bar na huli nilang pinuntahan. Ikalima na iyon at huli dahil pagod na ang mga kaibigan niya. Siya palagi ang nag-aaya na umalis kaya naka-ilang lipat sila. Palaging gano'n sa tuwing nagkakayayaan ang mga barkada niya. He saw familiar faces and some where studying in SMU. Iyong iba binati sila habang yung ilan ay pulos lang tango ang paraan ng pagbati sa kanila. Lahat sila ay natigilan ng biglang may babaeng lumapit sa kanya. Base sa itsura nito lasing na ito at namumula na din ang maglabilang pisngi. That woman's arms wrapped around his nape. He could smell the combination of her sweet persimon scent and the alcoholic drink. She has a beautiful pair of eyes, brown hair, thin red lips and fierce looking face. "This is just for a dare." She said, then kissed him on the lips. He heard his friends loud gasps and the cheering behind the woman whose kissing him now. Napahawak siya sa baywang nung babae at sinalubong ang mga tingin nito pagkatapos siyang nakawan ng halik. Hindi nito inalis ang mga braso sa leeg niya nung lumingon ito sa mga kasama. Muli siya nitong binalingan saka ngumiti. "Sorry it's just for fun." "Pang baby naman yung halik mo, miss." Kumurap-kurap ito at unti-unting lumuwang ang pagkakapit nito sa kanyang leeg. "Ang sabi nila good kisser daw ako kaya hindi ako papayag na gano'n na lang lahat." "W-what do you mean?" She asked. Imbis na sagutin, kinabig niya ito palapit hanggang sa muling maglapat ang kanilang mga labi. Kantyaw at hiyawan naman ng mga kaibigan niya ang nadinig niya na malaon nag-umpisang humina. He kept on kissing her until she finally answered it. Sinabayan nito ang galaw ng mga labi niya at unti-unti siyang nalulunod sa sensasyong hatid ng halikan nilang iyon. It's like the world suddenly stop from revolving and the noise faded away. Ang hopeless romantic noon pero gano'n ang nasa isipan niya habang patuloy na hinahalikan ang misteryosong babae na bigla na lang lumapit sa kanya. "That's enough. Cut na. Lasing na itong friend namin," anang babae na siyang umawat sa kanilang dalawa. Hinatak ng mga ito palayo sa kanya ang babae na hindi 'man lang niya nakuha ang pangalan. "That's was strange, pre!" Hector said after handing him a tissue. Hindi pala kissproofed ang gamit na lipstick nung misteryosong babae na humalik sa kanya. He wiped it off and composed his self again. "Maganda siya kaso 'di marunong humalik." Dagdag pang sabi nito sa kanya na dahilan ng pagtawa nina Gelo at Aldrin. "Mga gago, tara nga doon!" Nauna siyang lumakad sa mga kaibigan papasok sa loob ng bar. Ang buong akala niya'y magiging boring ang gabi na iyon. A mysterious girl saved his night. Nag-order siya ng alcoholic drink at iyon ang ininom unti unti. Naging abala na ang mga kaibigan niya sa mga babaeng nagsilapit sa mga ito habang siya tinanggihan ang mga iyon. His eyes diverted to the group woman whose cheering and dancing on the dance floor. It was the woman who kissee him first. Hindi niya natanong ang pangalan nito kaya naman tinangka niyang lapitan ang grupo nito ngunit naharang siya ni Gelo. "Saan ka pupunta, pre? Tara doon nagtatagisan sina Aldrin at Hector." Yakag nito sa kanya saka giniya siya papunta sa pwesto ng dalawa pa nilang kaibigan. Bad timing talaga! sigaw niya sa isipan. Kahit kasama ang mga kaibigan, ang atensyon niya'y nanatili sa gawi nung misteryosong babae na humalik sa kanya. Dito lang niya tinuon ang tingin ng ilan pang sandali bago nakantyawan na nina Aldrin na makipaglaro na din. Napalibutan na sila ng mga nakiki-usisa at nawalan na siya ng pagkakataon na mapagmasdan pang muli ang babae. Nawala na din bigla yung apat na babae at hindi na niya na alam kung saan hahanapin. Kailangan niyang malaman ang pangalan nito kaya gagawin niya lahat makita lang ito ulit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD