HINDI magawang makali ni Sheena matapos mabasa ang pangalan ni Sean na siyang head engineer sa gagawing office building renovation sa Inkwell Creatives. Ibig lang sabihin noon ay magkikita sila nito araw-araw dahil lahat ng palapag ng pinagta-trabaho-an niya ay i-re-renovate. Kanina nakita niya itong kasama ng anak ng may-ari at boss niya sa pag-iikot sa buong building. They even visited the floor department where her was situated. She could still remember the devilish smirk on Sean's face upon seeing her. Inignora niya ito kanina sa cafe. Successful na ito ngayon at higit na mas matured ang itsura kaysa noon.
Sean co-owned a construction company which was established by his late parents. Ayon 'yon sa research na ginawa niya dahil parang na-out of place siya kanina dahil lahat sa opisina nila'y kilala ito. Bukod tanging siya lang ang iba ang pagkakakilala dito. He was a random annoying guy whom she kissed for a dare two years ago and the who tried to hit on her but got rejected right away. Nasapo niya ang noo niya bigla. Bakit kailangan pa nila magkita ulit? Paano niya ito iiwasan?
"Bakit ba ang liit ng mundo?" Frustrated niyang tanong. Inis inis siyang lumakad palabas ng Inkwell Creatives.
"Sheena Kate Mercado!" Napa-ikot ang mga mata niya ng mabosesan iyong tumawag sa buo niyang pangalan. Lalo siyang nairita at mas binilisan pa ang lakad paalis doon. She needed to vent out with her friends. Sasabog siya anytime kapag kinimkim niya ang inis na nararamdaman. Awhile ago she texted Krisan to fetch her in Inkwell Creatives. Nakita na niya ito kaya mas nilakihan pa niya ang hakbang palapit sa kaibigan. Patuloy siyang tinawag ni Sean pero hindi niya 'to nilingon.
Bahala siyang mamaos! sambit niya sa isipan
"Sino 'yon?" tanong agad sa kanya ni Krisan.
"Wala 'yon," aniya dito. Sasakay na dapat siya ngunit napigilan siya nito.
"Isn't that the guy rejected two years ago? Yung hot na bagets?"
"Don't mind him. Tara na at nagugutom na ako," Just before she could hop inside Krisan's car, a strong hand held her arm. Iyong totoo? Kailan ba siya makakasakay sa sasakyang nasa harapan niya? Nagugutom na siya at kanina pa uwing-uwi para makapag-babad na sa hot tub niya sa condominium na tinitirhan. Nilingon niya ang may-ari ng kamay at halos mapa-awang ang labi niya sa nalingunan. It was Sean. Akala niya hindi na ito sumunod dahil inignora na nga niya pero mali siya. "What do you want?" Pilit niya binawi sa dito ang braso.
"Let's have a dinner together,"
"What made you think that I'll dine with you, Engineer Ortega?"
"Now you remember me. Kanina 'di ba hindi mo ako kilala?" Pang-aasar nito sa kanya na dahilan ng pag-irap niya dito.
"May iba akong kasabay kumain."
Mabilis siyang sumakay sa shot gun at sinara iyon agad. Sinubukan niyang h'wag pansinin ang ngisi nito na sobrang makalaglag panty. Does she still have it? Pakiramdam niya'y wala na daw makailang beses itong gumano'n sa kanya. Kiniling niya ang kanyang ulo saka inabangan na pumasok sa driver's seat si Krisan. Pero hindi ang kaibigan niya ang pumasok kung 'di Sean. Just before she could opened the door, Sean drove their out of the Inkwell Creatives carpark. Isang text agad niyang na-receive na galing kay Krisan.
From: Krisan Santillan
I'm sorry but I have to choose driving a rolls royce. Pinahiram niya sa akin, girl!
Lintek na kaibigan, pinagpalit ako sa rolls royce! Ugh! She said on her mind.
~•~•~
SA ISANG fine dining restaurant siya dinala ni Sean na lubos niya kinagulat. Hindi pa siya agad bumaba ng sasakyan at tumingin sa gawi ni Sean. Nag-aalis na ito ng seat belt at handa na bumaba ng sasakyan. Tumingin din sa kanya si Sean at nakipagtagisan ng tingin sa kanya. Akala siguro nito'y maiintimidate siya nito agad-agad.
"Bakit dito mo ako dinala?" tanong niya dito.
"Ito yung lugar na alam kong may masarap na pagkain. Saka first date natin kaya dapat gawing special ang lahat." Tugon ni Sean na kinataas ng isang kilay niya.
"This is not a date. Ipapaalala ko lang sayo na pinilit mo akong sumama sa 'yo at sinuhulan ang kaibigan ko." Giit niya dito.
"Dream come true niya makapag-drive ng rolls royce. Sana lang hindi niya ibangga si Queeny." Napatunganga siya dito. Hindi siya makapaniwala na may pangalan ang sasakyan nito. "Katas 'yon ng tatlong successful project ko."
"Wala akong pakialam."
Naiirita siyang bumaba ng sasakyan. Sinipat niya ang paligid at pulos naka-formal ang mga pumapasok at lumalabas doon. Sa kabilang kanto ay naroroon ang hilera ng mga fast food chain na mas preferred niyang kainin ngayon kaysa magpanggap sa isang fine dining restaurant. Mabilis siyang tumungo doon at iniwan na lang si Sean basta-basta. Nagugutom na talaga siya at naubusan na ng lakas makipag-away dito.
"Madali ka lang pala i-libre," anang tinig sa tabi niya.
"I can pay for my own food, Engineer."
"Strong, indepedent woman, I think I'm falling for you,"
"Alam mo ikaw, kapag hindi ka pa tumigil ipapupulis na kita." Banta niya dito ngunit parang wala lang naman iyon sa binata.
"For what crime? Ipapupulis mo ako dahil ninakaw ko ang puso mo?" Sinamaan niya ito ng tingin dahil sa banat nitong pagka-korny korny.
Pero naapektuhan ka, Sheena... aniya sa kabilang bahagi ng kanyang isipan.
Hindi na siya sumagot at tinuon na lang ang buong atensyon sa TV screen sa kanyang harapan. Matama niyang sinabi sa counter crew ang order niya para naman hindi na sila nito panoorin pa. Kanina pa niya napapansin na nakatingin ito kay Sean at namumula pa ang mga pisngi. Gwapo nga kasi yung katabi niya at dinaig pa nito yung mga modelo na kanyang nakikilala halos araw-araw. Idagdag pa yung mabango nitong amoy na para bang hindi nalipasan ng araw o nainitan 'man lang.
Gwapo siya pero hindi mo na dapat ina-appreciate, Sheena. Saka sobrang obivious naman nitong counter crew na ito... sa isip isip niya.
Pagka-serve ng lahat ng order niya ay matama niyang binuhat ang tray saka humanap ng pwestong pwedeng makainan. She choose the seat beside the glass wall. Ewan ba niya pero iyon ang pinaka-paborito niyang pwesto at kapag hindi doon napaupo, hindi kumpleto ang fast food chain experience niya. Gustong-gusto niya kasi yung palaging may nakikita at pinapanood habang nakain. Noong gabing iyon walang gaanong tao sa labas ng kinaroroonan niyang fast food chain. Maging sa loob ay kakaunti lang din ang tao. Napatingin siya sa orasan niya at nakitang hindi pa naman gano'n kalalim ang gabi.
"Do you know that this fast food chain is my first project in our own company?" Trivial ang tinig na iyon ni Sean na naglapag ng tray sa harapan niya at naupo sa silyang katapat nung kanya.
"Madaming bakanteng upuan doon," aniya dito.
"Bakit pa ako lalayo, eh nandito ka na?" She just rolled her eyes then continue eating. Binilisan niya ang pagkain para naman maka-alis na doon saka makalayo sa lalaking itong nasa kanyang harapan na ubod ng kulit. "Hey, dahan-dahan, baka 'di ka matunawan niyan." A sudden jolt of electrity travelled from his hand to her hand that runs through the veins and went straight to her heart. What is that kind of connection she suddenly felt? Agad niyang pinalis ang kamay nito saka nag-iwas ng tingin dito. "You felt that, aren't you? May sparks tayo, Kate,"
"Duh, static electricity 'yon. Nakalimutan mo na yung scientific explantion doon?" Sean chuckles as he eats. Muli siyang nag-iwas ng tingin dito saka nagpatuloy na sa pagkain. Sinubukan niya ang lahat ng paraan para hindi ito mapansin kaso nabigo siya. Sobrang lakas lang talaga ng presence nito at pati siya'y naiilang na. "I'm done," aniya saka kinuha ang tissue at pinunasan ang bibig.
"Wait, 'di ka pa tapos. Madaming nagugutom na bata kaya ubusin mo 'yan."
"Hindi naman sila mabubusog kapag naubos ko 'yan,"
"Masamang magsayang ng pagkain. Turo 'yan ng nanny namin."
Buset na 'to nangonsensya pa... aniya sa isipan. Umayos siya ng upo saka inubos ang mga pagkain na in-order niya. Ano kaya ang dapat kong gawin para tumigil na siya? tanong niya sa isipan.
Nag-isip siya ng mga pwedeng gawin para lang lumayo na ito sa kanya ngunit hindi pa sigurado kung effective ba ang mga iyon. Paano kaya nangyari na kahit dalawang taon na ang lumipas ay naalala pa din siya nito? Ang tagal nilang hindi nagkita nito at ang buong akala niya humanap na 'to ng iba o masyadong abala sa pag-aaral nito. Two years ago, he's still a student. Now, Sean is already an Engineer and got a little matured in looks. Hindi na gaanong baby face ang mukha nito at kung sino 'man ang makakakita sa kanila, 'di na talaga mapapansin ang age gap nila.
"Stop staring, Kate," anito sa kanya.
"I'm not staring, and will you please stop calling me Kate?"
"Why? I like calling you in that way." Sinamaan niya ito ng tingin pero wala iyong epekto dito. Ngumiti lang ito na lalo pa niyang kinainis.
This is becoming illegal, Sheena...
~•~•~
"You can drop me off there, and make sure you'll return this car to Krisan. Hindi naman kasi sa kanya 'to," mahaba niyang sabi kay Sean nag-aalis ng seat belt.
Malayo pa yung sinabi niyang drop off point sa bahay nila pero ayos na din iyon para iwas issue. Hindi siya pwedeng makita ng mga kapitbahay nila o 'di kaya ng Mama niya na may kasamang lalaki na mas bata ang edad at tingnan kaysa sa kanya. Wala talaga siyang kabalak-balak na tumulad sa Mama niya at kung sakaling si Sean na ang huling lalaki sa mundo, magmamadre na lang talaga siya. Mas maigi iyon kaysa lunukin ang mga panghuhusga at tsismis na kaakibat ng pagpatol niya dito.
At wala naman talaga akong balak na patulan siya... paglilinaw niya sa kabilang bahagi ng isipan.
"Is that your house?" Napatingin sa bahay na hinintuan nila. Bahay iyon ng pinaka-masungit na matandang dalaga sa village nila. Nakapatay pa ang lahat ng ilaw doon kaya naisip niyang baka wala doon yung masungit na babae. Palaging tinatakot si Sheena ng kanyang Mama na magiging kapareho siya ni Mila na tumandang mag-isa na galit pa sa mundo. "Are living there alone?"
"I'm not going to answer that. Umuwi ka na at salamat sa paghatid mo,"
"Breakfast tomorrow?" Umiling siya saka tuluyang bumaba ng sasakyan ng kaibigan niya. "How about lunch? Or dinner? Sa ibang fast food naman, deal?" tanong nito sa kanya.
"Thank you, but no, thanks! Uwi na baka hinahanap ka ng mga magulang mo,"
"They won't,"
"Walang mga magulang na hindi naghanap sa anak nila," Sa edad niyang trenta, tinatanong pa din siya ng Mama niya kung saan pupunta, anong oras uuwi at sino ang kasama. Kapag lumampas siya sa oras na sinabi dito ay tatawag na ito.
"Yeah, but they can't already. Both of them died five years ago,"
Uh-oh, wrong move, Sheena. Napaka-insensitive mo sa part na 'yon... aniya sa isipan. But he didn't told me that his parents gone to soon! Giit pa niya. At hindi naman din kasi ako nagtanong. How will I do that when I want him to stay away from me? Frustration field Sheena's mind that very momment, and she think if that continues, her head will explode.
"I'm sorry... pero umuwi ka na. Lumalalim na ang gabi,"
"Pumayag ka munang sumama sa akin na kumain,"
Ang kulit talaga... gigil na gigil niyang sabi sa isipan. Pagbigyan ko na kaya ito? Tutal iyong halik lang naman ang gusto nitong ipasoli sa akin. Baka kapag ginawa ko na iyon at tumigil na siya.
A light bulb suddenly lighted on the side of her head. Nilapitan niya ito saka pinapalupot sa leeg ang dalawang kamay. Sheena saw how Sean's eyes widened after she bridged the space between them until their lips touched. Just like what she did to years ago, Sheena kissed Sean's lips expertly. Sean was slightly taken aback for a minute. Hindi ba nito mapaniwalaan na naghahalikan sila... ulit?
She was about to pull away but Sean didn't let her. Mas kinabig pa nito ang baywang niya palapit at tinugon ang halik niya na naging dahilan ng pagkabog ng kanyang dibdib. He continously kissing her until both of them almost loose breath. Parang sa ginawa niya, siya ang natalo dahil ang buong akala'y makakawala agad dito ngunit hindi nangyari ang plano. A devilish grin flash on Sean's lips after the kiss they've shared.
"You're not allowed to do it with other guy, okay? Ako lang may-ari nito," Pinatakan pa nito ng halik ang labi niya bago tuluyang bumitaw sa kanyang baywang at tumungo na sa sasakyan. "I'll fetch you at your office. Let's have a lunch date... sa Jollibee,"