MATAMANG sinipat ni Sean ang bawat kanto ni Queeny upang tingnan kung may gasgas ba ito o bangga. Iyon ang pundar niya mula sa mga successful projects na nakuha sa loob ng dalawang taon. Regalo na din niya iyon sa sarili dahil sa pagiging top sa board exam for civil engineers. Nang masigurong walang maayos si Queeny ay saka palang niya binalingan ang kaibigan ni Sheena. Inabot dito ang susi ng sasakyan nitong ginamit niya kahapon.
"Pina-carwash ko na 'yan at nilinis ng kaunti yung loob," aniya kay Krisan.
"Why? May ginawa ba kayo ni Sheena sa loob niyan?" Napatawa siya ng malakas dahil sa sinabi nito. "s**t, pati talaga tawa mo ang gwapo. Sasabunutan ko si Sheena kapag pinakawalan ka pa."
"Thanks for lending your car to me, and I hope you enjoy my car, too," wika niya sa dalaga.
"Enjoy na enjoy ko nga 'yan. Worth it na pinagpalit ko ang friendship namin ni Sheena para sa rolls royce mo." Naiiling siyang tumawa ulit. Alam niyang may iba pang kaibigan si Kate, at nasisigurado niyang iba din ang ugali ng mga iyon. "Talagang hinanap mo ang kaibigan ko, ah! Can't get over with her kiss? Ikaw ang first kiss 'non, alam mo ba?"
Umiling siya at iyong rebelasyon na iyon ay kinagulat niya talaga. "What does she likes aside from Jollibee?" tanong niya dito.
"Hmm, she likes drinking coffee always. A latte preferrably. She likes dark chocolate flavored cake, and red roses for flowers."
He mentally take notes of what Krisan is telling him. Magagamit niya iyon sa gagawin niyang panunuyo dito. Ewan ba pero na-cha-challenge talaga siya kay Kate at iyong second name talaga nito ang gusto niyang sinasambit imbis na yung first name. Para kakaiba at siya lang pwedeng tumawag noon dito. Binakuran na niya maging ang pangalan nito. Sinabi na din niya kagabi na sa kanya lang din maging ang labi nito.
"Pasok ka naman sa banga ng friendship ko when it comes to ideal guy. Abs ang kahinaan 'non saka yung pagiging gentleman ng isang guy. Titingnan mong gano'n ang isang iyon pero h'wag ka, marupok siya."
"Thanks for too much information, Krisan."
Kinumpas nito sa harapan niya ang isang daliri saka may kinuha sa sling bag na naka-sukbit sa balikat nito. "Call me when you need to ask anything about Sheena. Oo, binebenta ko na sayo ang kaibigan ko para naman sumaya na ang lokang iyon. Hindi na rin kasi bumabata at baka tuluyang mapanis na,"
He tried his best not to laugh aloud. What a kind of words he's hearing? Sanay siya sa mga usapang kanto noong nasa kolehiyo pa pero madalas kasing matataas na tao ang kausap niya ngayon. He acted professional even in front of his friends. Sobrang uptight niya nga raw sabi pa ng mga ito pero gano'n yata kapag na-immune na sa stress. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos ay hindi na siya naubusan ng stress sa lahat ng aspeto sa buhay niya. Si Kate lang ang pahingang masasabi niya na sa wakas ay kanya ng nahanap.
Pagkatapos nilang mag-usap ay dumiretso na siya sa Ortega Construction Group building. May kukuhain lang siyang plano para sa dalawang project na hawak niya ngayon. Isa na doon ang renovation ng buong building ng Inkwell Creatives. Mula sa pinaka-ceiling hanggang sa flooring doon ay papalitan kaya naman masasabi niyang iyon na yata ang pinaka-malaking project na hawak niya ngayong taon. Pagka-park ng rolls royce niya sa malawak na garahe ng OCG, dire-direcho siyang pumasok sa building kung saan bawat masalubong niyang may ngiti ang paraan ng pagbati sa kanya.
"Engineer Ortega!" Tawag na nagpahinto sa kanyang paglalakad papunta sa engineering department. Nilingon niya ang tumawag na walang iba kung 'di Diana na tiga procurement department. "Pa-sign ako nito tapos pinadala ko na sa office mo yung punchlist ng Solaris Project."
"Hindi pa ba tapos 'yon? Is that Engineer Reyes' project?" Sunod-sunod niyang tanong kay Diana.
"Eh, 'di ba nag-awol nga yung engineer na 'yon. Isa pa, ikaw ang head ng engineering department ng OCG,"
"Thanks for stressing me first thing in the morning, Diana."
"Stress ka na niyan? Parang hindi naman, ah. Iba nga aura mo ngayon, Engr."
"Ha. Ha. Ha. Wala akong pera, Diana," aniya saka tinapos na ang mga pinapipirmahan nito bago muling lumakad papunta sa engineering department.
Agad siya pumasok sa opisina niya saka tiningnan iyong punchlist na sinabi ni Diana kanina. Walong page na punchlist iyon na iba't-iba ang issue. Naglolokohan na yata sila gayong malaki na ang lugi ng OCG sa Solaris Project na 'yon. Mabuti sana kung madaling singilin ang mga wala kaso hindi at lalo pang magiging pahirapan dahil sa hawak niyang punchlist. Nasapo niya ang noo at nahilot iyon ng kumirot dahil sa stress.
"Finally, we meet. I need you to attend a project briefing at Inkwell Creatives today. May isa pa silang ipapagawa sa isang building na dalawang kanto ang layo mula sa main office. Here's the old plan of it, and I need your insights."
Tuloy tuloy na sabi ng kanyang kapatid na si Arch. Alwyn Ferdinand Ortega. Ang kapatid niyang ito ang current President s***h CEO ng OCG at hindi pa 'man nagsisimula ang project na gagawin niya para Inkwell Creatives ay mayroon na namang bagong binigay.
"This is our biggest project of the year, Sean."
Nilapitan niya ito saka tiningnan ang planong hawak. Katulad din ng gagawin sa main office ang gustong mangyari ng may-ari sa building na bago. A total renovation from ceiling down to the floor. Palibahasa alam ng kapatid na kayang-kaya niyang magsabay-sabay ng projects.
"Sige pupuntahan ko 'yan mamaya," aniya sa kapatid saka binalik na sa hawak na punchlist ang atensyon.
"Great! I know you can do it, Sean Frederick." Puri sa kanya ng kapatid. "May isa pa pala akong sasabihin pero hindi work related,"
"What is it?"
"Free your weekend, and if happened na may dadalawin kang site, pa-re-schedule mo na lang dahil may ipapakilala ako sayong importanteng tao sa buhay ko,"
"Love life?" tanong niya na sinagot nito ng tango. "Okay, I clear my schedule on weekend."
Hindi na siya nagtanong pa at ni-reserved na lang niya ang iyon sa darating na weekend. For sure, naroroon ang tiyahin niyang walang katiwa-tiwala sa kanya. Ito ang guardian nila simula ng mamatay ang pareho nilang mga magulang. Entitled ito sa manang mamanahin nilang magkapatid mula sa mga magulang. Kaya naman gano'n na lang pakikialam nito sa buhay nilang magkapatid. He can't wait to witness another teledrama scene on the weekend. No one is perfect in his aunt's eyes for Alwyn and him. Para bang ang tingin nito sa lahat ng lalapit sa kanilang magkapatid ay gold diggers katulad nito.
Sometimes, toxic people can be found also at the comfort of your home... aniya sa isipan.
~•~•~
KUNOT noong binasa ni Sheena ang mga mensaheng pumasok sa cellphone niya pagkatapos i-airplane mode iyon ng dalawang oras. May in-attend-an kasi siyang meeting na kailangan ng full attention niya. Ngayong tapos na iyon, in-open na niya ulit ang aparato at matamang nagbasa habang naglalakad papunta sa pantry ng Inkwell Creatives. Dinig na dinig ang bawat paghalik ng takong ng suot niyang sapatos sa tiles. Bawat masalubong niya'y binabati siya at may mga ngiti pa sa labi kahit pakiramdam niya'y peke ang iba doon.
Sheena is wearing a three-fourths sleeves bright yellow plaided below the knee length dress that she paired on her white high heels stilleto. Hakab na hakab sa katawan niya ang suot na damit kaya nagawa noong i-emphasize ang flat niyang tiyan at magandang hubog ng baywang. Okay pa sana iyon kung pinagpala din siya sa malaking hinaharap. Nakalugay ang buhok niya at may suot na isang pares ng medium size bangle earrings. Daig niya ang model sa runway kapag papasok. Doon, sa pag-aayos at pagbili ng mga damit niya ginugol ang sinasahod. Iyong matira, savings na lingid sa kaalaman ng kanyang Mama.
"Engr. Ortega!" sigaw sa pumukaw sa kanyang atensyon at nagpahinto sa paglalakad niya.
Hinayon niya ang tingin sa babaeng sumigaw at namukhaan iyon na galing sa finance department. Kung tama ang hinala niyang si Sean ang tinawag nito, ibig sabihin hindi siya maaring lumingon. Ito lang naman ang engineer sa building na iyon na kakausapin ng mga tiga-finance. Nagpatuloy siya sa paglakad at mas mabilis na kaysa kanina dahil hindi pwedeng magkita sila nito. Matapos ang nangyari kagabi, she prayed to God not to make their path crossed again! Hindi siya madasaling tao pero ngayon nagagawa na niya ang bagay na iyon para ikapapayapa ng kanyang araw. Sa likod ng isang concrete column niya naisipang magtago. Malalim siyang napahinga ng maisandal ang likod doon.
"May inutangan ka bang kailangan taguan?" tanong na halos magpatalon sa kanyang puso.
"What the f**k?" Bulalas niyang kumuha sa atensyon ng marami.
"Easy, Kate, ako lang 'to." Paanong nakilala siya nito? Hindi nga siya lumingon kaya paanong nangyaring masundan siya nito. "Malaking pakinabang pala nitong column na 'to. Balak ko pa namang alisin na lang para maluwag ang space sa gitna."
"Walang may pakialam. Alis nga dyan," aniya saka lumakad na palayo dito.
"You forgot our lunch date, Kate,"
"Hindi ako pumayag doon!" She hissed.
"Well, for me your silence is a yes, so, shall we?"
Ugh! Ilang beses ba 'to inire ng nanay niya? Sobrang kulit talaga at pupusta pa ako na kahit tanggihan ko siya, hindi pa ito titigil, aniya sa isipan.
"I'm busy. Humanap ka ng ibang kukulitin pwede ba,"
"No, you're not. Lunch break lahat at sigurado akong hindi ka bayani na kakaligtaan pati pagkain,"
"Alam mo, ikaw..."
"Ang mahal mo?"
"Bwiset ka!" Sean laugh a loud that caught everybody's attention once again. Hinila niya ito palabas ng Inkwell Creatives saka binitiwan ng malayo na sila sa mga tao. "Alin ba sa sinabi ko ang hindi mo ma-gets?"
"Ano bang sinabi mo?"
Oh, God, patience please... sambit niya sa isipan.
Hindi na siya nagsalita at naglakad na lang papunta sa fast food chain na malapit sa Inkwell Creatives. Gutom na siya at wala ng lakas pa para makipagtalo kay Sean. Hindi din naman siya mananalo sa kakulitan nito. Pagpasok niya doon, halos manlumo siya ng makitang wala ng space na pwedeng maupuan. Dapat talaga nagpa-deliver na lang siya sa opisina niya. Less hassle at hindi pa niya nakita si Sean sana.
"May idea ako para makakain ka," biglang sabi ni Sean na hindi niya sukat akalaing nakatayo na pala sa kanyang gilid.
"Ano naman 'yan?"
"Basta sumama ka lang sa 'kin," Inaya siya nitong lumabas at saka dinala sa malawak na open carpark ng Inkwell Creatives. Binukas nito ang back compartment door ng puting SUV na pinuntahan nila. "you can seat inside while we wait for the delivery guy."
"Nagpadeliver ka?"
"Yep, and it will be here in a minute." Inabutan siya nito ng kumot na pantakip sa legs niya saka mini fan.
Okay, Sheena, bawal maging marupok... paalala niya sa sarili.
Gaya ng sabi ni Sean, dumating nga ang delivery boy ng Jollibee makalipas ang ilang minuto. Isa-isang hinanda ni Sean yung mga in-order nitong pabor na pabor sa kanya. Paborito niya talaga yung chicken sa fast food chain na iyon pati na yung gravy. Ayos lang sa kanya kahit iyon ang kainin niya araw-araw. Stress reliever niya pati ang pagkain na hindi lang nahahalata sa katawang mayroon siya. Kung pwede lang talaga magpadagdag ng taba, uunahin na niya yung sa dibdib na nakikita niyang dahilan kaya hanggang ngayon ay wala pa siyang boyfriend.
Well, may isang umaaligid kaso, bagets pa. Ayokong mabansagang sugar mommy... giit niya sa isipan.
"You seem like this part of chicken," ani Sean saka nilagay sa gilid ng kinakainan niya yung balat ng kinakain nitong manok. Ito lang yata ang taong ayaw sa balat ng manok na tinda ng Jollibee.
"T-thanks!"
Bakit ba ako nauutal? First time mo, Sheena? Bwisit talagang karupukan ito, sambit pa niya sa isipan.
Pagkatapos nila kumain ay bumalik na sila agad sa Inkwell Creatives. May meeting pa pala doon si Sean kaya naman madali niya lang itong natakasan uli. Dali-dali siyang bumalik sa kanyang opisina at doon na nag-check ng mga messages na galing sa mga kaibigan niya. Flood messages na yung iba doon dahil nga panay lang ang seen niya pero 'di nagrereply. Isang picture doon ang halos magpaluwa ng kanyang mga mata at nagpaawang sa kanyang bibig.
Krisan Santillan: Kaya hindi nagrereply, busy sa ka-date.
Ivana Palma: Oy, ang sarap naman nung kasama niya. Akala ko nabasted na 'yan dati pa?
Kaia De Leon: Love is sweeter the second time around.
Krisan Santillan: I second the motion!
Ivana Palma: I-mine mo na @Sheena baka maunahan ka pa ng iba.
She quickly typed a reply for her friends.
Sheena Kate Mercado: Walang i-ma-mine! #Stalker kayo talaga.
Sunod-sunod lang ang reply ng mga laughing emoji's na kinailing ng kanyang ulo. Mahirap talaga magkaroon ng mga kaibigang makulit din. She silently prayed for peace of mind even for a second only.
Ang hirap na nga maging marupok tapos gano'n pa sila na mga kaibigan ko...