Chapter 06

2265 Words
"BAKIT ba ganyan kayo makatingin lahat?" Iyon ang tanong na pinukol niya sa mga kaibigan sina Ivana, Krisan at Kaia na kasama niya ngayon sa paborito nilang bar. Nasa loob sila ng pribadong lounge at huminto muna sa pagbi-videoke kung kailan nag-e-enjoy na siya sa pagkanta. Pinalibutan siya ng mga ito saka matamang pinagmasdan mula sa kanyang mukhang hanggang sa mga paa niya. Ang weird talaga ng mga ito at tingin niya may kinalalaman pa din iyon sa stolen picture nila ni Sean kanina na si Krisan ang kumuha. Malapit lang kasi sa Inkwell Creatives ang opisinang pinapasukan kaya naman madalas silang dalawa ang sabay na mag-lunch. "Second date na since magkrus ang mga landas niyo. Saan na kayong nakarating ni baby boy?" Curious na tanong sa kanya ni Ivana na para bang may iniisip itong iba ngayon. Tiyak niyang kamanyakan lang iyon at wala naman silang nagawa ni Sean bukod sa hinalikan niya ito. "Sabi ni Krisan, pina-carwash daw ni baby boy yung sasakyan niya. Anong ginawa niyo doon?" "Alam niyo kayo ang dudumi ng isipan niyo," Napatingin siya kay Kaia na agad namang nag-iwas ng tingin sa kanya. Syempre except dito dahil sila Krisan at Ivana lang naman yung madudumi talaga ang isipan kahit noon pang nasa kolehiyo silang apat. "walang nangyari, okay? Kumain lang kami tapos hinatid niya ako but not exactly in front of my house. Mahirap baka may makakita pa sa 'min." Sabay-sabay na napailing yung mga kaibigan niya na para bang dismayado ang mga ito sa kanyang ginawa. Totoo namang iyon ang dahilan kaya siya hindi nagpahatid sa tapat mismo ng bahay nila. She hated to be at the center of talk. Uyang-uya na nga siya na laging usap-usapan ang Mama niya at karelasyon nitong si Apollo sa compound nila. Ayaw na niyang dumagdag pa dahil masyado ng sikat ang pamilya nila. Her father left them early because of a mysterious diseasse. Tumayo ang mga ito ng bumukas ang nirentahan nilang videoke lounge. Halos malaglag ang panga niya ng masino yung pumasok kasunod ng waiter. "I invited him, and he brings his friends." Krisan said to her. Nakangiting tumingin sa kanya si Sean saka kumindat pa bago naupo sa kanyang tabi. Kinausap nung tatlong lalaking kasama nito ang mga kaibigan niya at tanging sila lang ni Sean ang walang kibuan. Ano naman kasi ang sasabihin niya dito? Hindi sila magkaibigang dalawa at nilalayuan niya nga ito dahil baka pagsisihan niya sa bandang huli kapag nahulog na ng tuluyan. "Lagi talaga kayo sa bar?" tanong ni Sean sa kanya. "Ako, hindi pero sila madalas." Sa sobrang busy niya sa trabaho madalang na niya magawa ang bagay na iyon. Ngayon lang siya may libreng oras at palaging maaga nakakauwi. Wala kasing gaanong project at pulos project briefing lang dinadaluhan nitong mga nakalipas na araw. "For an engineer like you, madami ka talagang oras gumala, ano? As far as I know, dalawa ang hawak mong project sa Inkwell Creatives." "How did you know that? Stalker ka!" Sinamaan niya 'to ng tingin saka nagsalin ng inumin sa kanyang baso. "Joke lang, alam ko namang office niyo yung kabilang building. Immune na ako sa stress at ito... ito lang reliever naming mga engineer," anito saka nagsalin din ng alak sa basong nasa harapan nito at tinungga iyon. Tiningnan niya ang mga kaibigan na mukhang mga lasing na. Kanina pa kasi sila doon at bago pa dumating grupo nila Sean, tipsy na sina Ivana at Krisan. Hindi naman nainom si Kaia habang siya'y iyong hawak niya ang ikatlong basong nainom. Mas malamang ang kain niya sa in-order nilang pulutan. Napabaling ang tingin niya kay Sean matapos nitong huminga ng malalim. Nakita niyang binukas nito ang dalawang butones ng suot nitong dress shirt na para bang naiinitan. Unang inom palang nito pero namumula na agad ang tainga. Hindi ba siya sanay na uminom? He's drunk when I gave him my first kiss before... aniya sa isipan. Napukaw ang atensyon niya ng tumayo si Ivana kasama yung maputing kaibigan ni Sean na parang afam. Another victim for Ivana na mahilig sa afam, aniyang muli sa kanyang isipan. Sumunod sa dalawa sina Krisan at Kaia kasama dalawa pang kaibigan ni Sean dahilan upang maiwanan sila doon dalawa. Muli siyang nagsalin sa baso ng alak saka inisang tungga iyon bago tumayo na din at lumabas. She needed to go home and sleep. Tiyak naman niyang wala siyang aabutan na kahit sa bahay nila. Sanay na siyang mag-isa simula pa noong namatay ang kanyang Papa. Alone and Sheena really suits well... sambit niya sa kanyang isipan. ~•~•~ MATAMANG sinundan ni Sean si Sheena na naglalakad papuntang taxi bay. Mukhang lasing na ang dalaga kaya naman hindi niya pwedeng basta-basta na lang iwanan ito. Bago pa sila magpunta doon, nakainom na sila ng mga kaibigan niya kaso ang mga wala ay basta na lang iniwan matapos sumama sa mga kaibigan ni Sheena. Pulos hard drink ang ininom nila kanina kaya medyo naiinitan na siya dahilan para ibukas niya ang dalawang butones ng suot na damit. He saw Sheena peeping to him awhile ago but choose to ignore it. Baka kasi imbis na hindi siya nito tinatarayan ay bigla siyang makatikim dito. Naalarma siya ng makitang may lumapit na lalaki dito para kausapin ito. Nilakihan niya ang hakbang saka hinawakan ito sa braso at marahang hinila palapit sa kanya. "Sean..." Tila nagliwanag ang mga mata nito pagkakilala sa kanya. "Ugh, nahihilo ako!" Reklamo nito saka sinapo ng magkabilang kamay ang ulo. "Ihahatid na kita sa inyo," aniya dito pagka-alis nung lalaking may gagawin yatang masama dito. Marahan niya itong hinila paalis doon at magkahawak kamay silang tumungo sa kanyang sasakyan na nakapark hindi kalayuan. Hindi siya nahirapang pasakayin si Sheena dahil na mismo ang nagkusang sumakay at nag-alis pa ng sapatos na suot. Gusto niyang magtanong kung kilala pa ba siya nito? Imposible namang coincidence lang na nakilala siya nito kanina. Malalim siyang napahugot ng hininga saka nagpatuloy sa pagmamaneho. Pagdating nila sa compound nito, sa ibang bahay siya nito pinahinto at hindi doon sa tinigilan nila kahapon. Nangunot ang noo niya pero hindi na siya nagtanong pa. Bumaba si Sheena bitbit ang sapatos nito sa kanyang sasakyan. "Thanks po! Eto na po ang bayad," anito sa kanya. What the -- sigaw niya sa isipan matapos nitong abutan siya ng limang daan at sabihing keep the change na lang daw. Sinundan niya ito papasok at inalalayan na makarating sa front porch ng bahay. The house is not huge compare to the first one. Maliwanag din sa garden at balcony noon 'di gaya sa una nilang hinintuan kagabi. Nakita niyang nahirapan itong magbukas ng pintuan kaya naman siya na ang gumawa noon para dito. "Thanks. Ang bait mo naman taxi driver pero hindi ako napatol sa bata," "I'm not a kid," giit niya. "Infairness sa accent mo hindi pang-taxi driver." "Oh, God!" Binukas niya yung pintuan para makapasok na ito na sinundan naman niya. "Mag-isa ka lang dito?" Nakita niyang pinag-krus nito ang magkabilang braso sa dibdib saka lumayo sa kanya ng kaunti. Luminga siya sa paligid ng bahay na kinaroroonan nila. Iba ang pakiramdam niya na para bang may iba silang kasama doon kaya ayaw niyang maniwala na mag-isa lang ito. Wala siyang third eye at nakakasiguro naman siyang hindi multo yung kasama nila ngayon. Baka mauna pa siyang tumakbo kung sakaling multo nga iyon. Duwag siya sa mga gano'ng bagay at kaunti lang nakakaalam. Pag sinabi niyang kaunti, ibig sabihin isa lang ang may alam at iyon ay ang kanyang yumaong Mama. Natakot nga siya nung unang gabi matapos itong ilibing dahil baka hilahin nito ang paa niya. Sobra kasi siyang pasaway noon at aminadong lubos niyang napasakit ang ulo ng mga magulang. "A-anong gagawin -" "Hush!" Saway niya dito saka maharang lumakad papunta sa kusina kung saan niya nadinig ang kaluskos. "Mama..." Gulat na sambit ni Sheena. "It's my Mom's bag, scarf and phone. Mama!" Mula sa likuran ng countertops ay tumayo ang isang ginang na nakilala niya bilang Mama ni Sheena. Nakangiti ito at hindi maitatatwa na magkamukha ang dalawa. Bumitaw sa kanya si Sheena saka lumapit sa ginang at naupo sa bakanteng upuan katabi nito. Sinipat siya mula ulo hanggang paa ng Mama ni Sheena na para bang ine-examine nito ang kanyang kabuuan. Sunod-sunod ang naging paglunok niya at tikhim. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito sa harapan ng magulang ng babaeng gusto niya. "Boyfriend ka ng anak ko? Ilang taon ka na?" Sunod-sunod na tanong nito sa kanya. "May boyfriend ako? Kailan pa? Siya yung mabait na taxi driver na naghatid sa 'kin," Hinampas nito si Sheena sa braso. "Ikaw kapag nalalasing nakakalimot ka lagi," sita dito ng Mama nito. Umangil ito saka hinimas ang brasong hinampas ng ginang bago pumalumbaba. "so, boyfriend ka nga niya?" "Hindi po," tugon niya dito. "Hindi?" Gulat na sabi nito saka muling hinampas si Sheena. "Bakit hindi ka boyfriend ng anak ko? Gwapo ka, at maganda din katawan mo. Anong trabaho mo? Ito kasi, workaholic masyado. Pakiramdam ko nga siya na may-ari ng Inkwell Creatives." "Engineer po sa sarili naming construction company," "Anak, ligawan mo na 'tong babae na ito. Para naman hindi mag-isa sa buhay. May bad genes 'yan kaya kailangan ng makakasama during chemotheraphy days," Tikom lang ang bibig niya sa sinabing iyon ng Mama ni Sheena. Tumawa ito saka tumayo na mula sa pagkaka-upo. "she's fragile so be careful on holding her. Matigas din ang ulo niya at may paninindigan sa lahat ng desisyong gawin sa buhay. An independent woman who thinks that she doesn't need a man in her life." Natahimik siya at matama lamang na pinagmasdan si Sheena na nakayukyok na ang ulo sa ibabaw ng countertop sa harapan nito. Lahat ng sinabi ng Mama ni Sheena ay bitbit niya hanggang sa makauwi siya sa bahay nila. Halos hindi siya patulugin noon dahil paulit-ulit lang iyon pag-alingaw-ngaw sa loob ng kanyang ulo. Ano bang nangyari dito at gano'n na lamang pag-ayaw nito sa mga lalaking mas bata ang edad kaysa dito. How will he change that mindset of her? ~•~•~ "MAKILALA mo siya ngayong araw," seryosong sabi sa kanya nung manghuhula na bigla na lang humarang sa kanya sa daan. Pupunta na dapat siya sa paborito niyang coffee shop kaso itong babae sa kanyang harapan ay nagbida-bidang huhulaan daw ang kapalaran niya sa pag-ibig. Bilang atat na siyang magka-boyfriend, pumayag na siya. Pero sa kanyang tingin naman, hindi talaga kailangan ng isang katulad niya ang lalaki. She can buy herself food, clothes and travel anywhere of have extra time. Parang naka-set na ang isipan niyang magiging mag-isa na nga lang talaga siya sa buhay. Baka one of this days, magtungo na siya sa ampunan at mag-ampon na lang batang magiging anak. "Totoo ba 'yan? Baka naman ine-echos mo lang ako," aniya saka hinilot ang sentido na biglang kumirot. Hindi na talaga siya iinom na matagal na niyang sinasabi noon pa simula nung maganap yung paghalik niya kay Sean. "Iyong unang lalaking makita mo ngayong araw ang sinasabi ko," "O siya, aalis na ako at aasang totoo ang sinabi mo," aniya dito saka tumayo na. Sobrang sakit na talaga ng ulo niya. Nag-iwan siya ng limang isang daan sa lamesa nito saka tuloy-tuloy na lumabas sa maliit na lungga nito. Dire-diretso siyang lumakad papunta sa coffee shop kung saan nakasalubong niya si Santi. Umawang ang bibig niya ng maalala yung sinabi ng manghuhula. Iyong unang lalaking makita mo ngayong araw ang sinasabi ko... ulit niyon sa kanyang isipan. Si Santi ba? Gwapo ito tapos anak pa nung may-ari ng Inkwell Creatives. Siya nga ba talaga iyon? Tanong niya pa sa kanyang isipan. "What's wrong with you, Sheena?" tanong nito saka pinagbukas siya ng pintuan. Baka coincidence lang? Kiniling niya ng palihim ang kanyang ulo. "Okay lang ako, just having a little hangover." Tumango lang ito at pinauna na siya sa pagpila. Bakit wala siyang maramdaman na kahit ano? Kung ito nga ang sinasabi ng manghuhula hindi ba dapat bibilis ang t***k ng puso niya? Tila babagal ang inog ng mundo at magiging malabo ang lahat? Bakit walang gano'n na gaya sa mga napapanood niya? "I'd like to order the usual," aniya sa counter crew. "Charge her order here, and I'd like to order my usual, too," singit ni Santi saka naglapag ng itim na card. They both have a usual order there. Paborito din doon ni Santi kaya nga kapag may meeting silang dalawa, iyong lugar na 'yon ang laging venue. "Have you studied the project brief? Ready ka na sa pre-presentatio mamaya?" "I'm always ready, Santi." "Good." Sabay sila lumabas ng coffee shop pagkakuha ng mga order nila. "Dad is asking for your insights in our new office, and make it can help the engineer and architect incharge to that project." "Bakit hindi yung kakambal mo ang engineer pala dito?" "Busy sa ibang project kaya si Engr. Ortega ang kinuha ni Daddy," Santi took a sip from his coffee. Tiningnan niya iyon ngunit wala talaga siyang maramdaman na miski ano. "besides, Engr. Ortega is one of the best engineers in town. Sa dami ng successful projects niya, he deserved our trust." "Kate," Sabay silang napalingon ni Santi sa tumawag sa kanya. Hindi niya mawari kung bakit mabilis na tumibok ang puso niya pagkasino sa may-ari ng boses na tumawag sa second name niya. Ano bang pagkakaiba nilang dalawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD