"ANG sabi mo yung lalaking unang makita ko ang nakatadhana sa akin,"
Sheena is so frustrated that day. She even visited the hoax soothsayer awhile ago. Wala naman siyang naramdamang kakaiba kay Santi nung masalubong niya ito at buong maghapon pa silang magkasamang dalawa. Inis na inis siya dahil sa iba niya naramdaman yung dapat na mararamdaman kay Santi. Ibang lalaki na walang ginawa kung 'di kulitin siya halos araw-araw na lang.
"Kasama mo na siya ngayon."
Simpleng sabi nito sa kanya matapos sumilip sa labas. Naroroon si Sean na magmula ng lumabas siya sa Inkwell Creatives ay nakabuntot na sa kanya. Mabuti na lang at nawala na yung sakit ng ulo kung 'di mabubulyawan niya lang ito. Hindi pa siya maka-move on sa pinag-gagawa niya kagabi sa harapan nito at ng kanyang Mama. Pag-gising pa niya ang dalawang naglalampungan pa ang kanyang nabungaran tapos kinulit pa siya tungkol kay Sean.
"He's not the guy whom I first saw nor meet today in person,"
"Sinabi ko bang in person? Pwedeng pag-scroll mo kanina sa social media account mo ay doon mo siya nakita," Sheena suddenly remembered how she oggle at Sean's topless photo online. Nanuyo ang labi at lalamunan niya pagkakita sa well-built body nito na para bang madami pang oras sa gym. Iwinaksi niya iyon sa kanyang isipan saka binalingan muli ang manghuhula. "iba yung compatibility niyong dalawa kaya h'wag mo na itong pakawalan pa."
"Compatability, my ass!"
Inis siyang lumabas sa kubol nito saka dire-diretsong lumakad papunta sa direksyon kung saan niya makikita yung ice cream parlor na paborito niyang pagbilhan ng comfort food. Kahit hindi naman niya ayain si Sean, alam na niyang susunod ito sa kanya kahit saan pa siya magpunta. Somehow, natuwa siya dahil kahit nakasunod ito sa kanya ay hindi ito nagsasalita na para bang alam nitong masamang kausapin ang pikon na. Pagdating niya sa ice cream parlor ay agad siya nag-order ng dalawang magkaibang flavor para sa sarili saka isang chocolate flavor para naman kay Sean. Hindi niya sana i-o-order yung binata kaya nakonsensya naman siya kung mag-isa lang kakain.
“Bad day?”
Nagpatuloy lang siya sa pagkain at hindi ito pinansin. Binabawi na niya yung unang papuri dito dahil hindi naman pala totoong tahimik ang loko. Nag-intay lang na makaupo silang dalawa para naman komportable siyang makapagkwento. No way, hindi niya sasabihin dito ang dahilan ng kanyang pagkainis ngayon. Lalo't ito at yung walanghiyang manghuhula na pinaasa siya ang dahilan.
Nadinig niya ang pagbuntong hininga nito at bahagyang kinagulat ang pagtayo. Umalis ito na 'di nagpapaalam sa kanya saka iniwan yung ice cream. Lalo siyang nainis dahil gano'n na lang iyon? Matapos niya ilibre ay iiwan siya basta basta at sasayangin ang bigay. Isa sa mga pinaka-ayaw niya ang sobrang ungrateful na tao kahit katiting lang ang kanyang binigay. Nag-effort pa din pa at nasayang lamang ang mga iyon. Malalim siyang bumuntong hininga bago binilisan ang pagkain ng ice cream para makauwi na siya. Itutulog na lamang niya siguro ang inis na nararamdaman ngayon.
Tatayo na dapat siya nung bumalik si Sean at may bitbit na teddy bear saka bulaklak na inabot sa kanya. He's been out of his sight for thirty minutes, for Pete's sake! Kinain na nga din niya yung ice cream para 'di sayang dahil ang kanyang buong akala'y hindi na ito babalik pa. Saan ba kasi nagsuot ang mokong na nasa kanyang harapan ngayon? Anong ibig sabihin nung mga inabot nito sa kanya?
“Para saan ito?” tanong niya nung hindi na magawang pigilan ang sarili. Para kasing sasabog na din ang kanyang ulo.
“Peace offering because I think I did something wrong,”
Parang tanga naman itong mokong na 'to! Paano niya nalamang mahilig ako sa teddy bear at bulaklak?
“Ganyan ka ba talaga? You think that everyone is mad at you when they don't want to talk?”
Nagkibit-balikat lang ito sa harap niya. “Ganyan yung mga naging girlfriend ko so maybe --”
“Hay nako,” aniya dito saka tinanggap na yung bulaklak at teddy bear. “hindi porket tinanggap ko meaning may pag-asa ka na. Bawasan mo pagiging assuming, okay?”
“You should telling that to yourself, too.”
Hinampas niya ito ng teddy bear saka nagpatiuna ng lumakad paalis ng ice cream parlor. Halos pasara na din yung mall kaya hindi na sila makaka-ikot talaga. Sheena decided to go straight at the park. Bitbit niya yung teddy bear at bulaklak na bigay ni Sean sa kanya at naghanap siya mauupuan doon. Ayaw pa niyang umuwi dahil baka nandoon ang kanyang Mama at kukulitin na naman siya nito tungkol kay Sean.
Nung makakita ng mauupuan, agad niyang inokupa iyon at pinaupo sa tabi iyong bitbit at nilagay sa kandungan nito yung bulaklak. Everyone there has a partner to talk and embrace while Sheena has a teddy bear date. Hindi siya dapat nalulungkot ng ganito pero wala na siyang magagawa pa. Hindi niya kontrolado ang kanyang nararamdaman. Mula sa kinauupuan, tanaw niya si Sean na may kausap sa telepono. Matama niyang sinipat ang kabuuan nito mula hanggang paa.
Wala namang problema sa kanya liban sa kanyang edad. Hay nako, Sheena ano ba itong pinag-iisip mo? You can't be attracted to someone who's younger than you! Paalala niya sa kanyang sarili.
Nalipat ang kanyang atensyon sa bar na malapit doon sa kinaroroonan niya. Nag-isip siya kung iinom na naman ba siya. Hindi kaya masunog na ang atay niya kaka-inom?
Hay, bahala na nga! She said to herself then stood up.
Binitbit niya din papunta doon yung teddy bear at bulaklak. Magiliw naman siyang in-entertain nung staffs at sinamahan hanggang sa maka-upo siya sa bar side. Kaunti lang tao doon kumpara sa mga bar na napupuntahan nilang magkakaibigan. She ordered a glass of tequila. Ngayon lang siya iinom ng gano'n at lahat ito ay kasalanan nung paasang soothsayer. Sana sinabi na lang niyang yung unang makikita online. Hindi niya maiwasang maimbyerna dito ng sobra kaya naman nasundan ng nasundan ang pag-order niya ng tequila.
“Alone? Broken hearted?” Sheena's eyes rolled instantly as she heard those infamous lines. “Is this seat available?” Another question the guy who's trying to hit on her asked.
“Yes, by me.” A familiar voice asbwered for her. “Stop hitting on her. She's not available to play with another guy.”
Hindi na niya alam kung umalis ba yung lalaking matanong sa kanyang tabi. Sheena ordered another tequila shot, and drink it. Ang magpakalunod sa alak talaga ang balak niya ngayong gabi para makatulog na siya dire-diretso. Sasakit lang naman ang ulo niya ngunit ayos lang dahil iinuman na lamang niya ng kape bukas. Mag-o-order na dapat siya ngunit may pumigil na at humila sa kanya patayo. Kinuha nito yung last shot ng tequila na hawak niya saka ininom iyon at nag-iwan ng pambayad pagkatapos.
“Let's go home now,” anang baritonong tinig na iyon na sinamahan naman niya agad.
~•~•~
Dahan dahan dinilat ni Sheena ang kanyang mga mata. Umaga na at kailangan na niyang bumangon para pumasok ngunit kalahati ng isip niya'y nagsasabi na h'wag muna. Kailangan niya pa munang makatulog kahit thirty minutes. Muli niyang sinara ang mga mata upang matulog ulit ngunit dagli din napadilat ng makarinig ng mahinang hilik sa kanyang tabi. Dahan dahan siyang pumaling sa gawing kanan niya upang sinuhin iyon.
Naloko na! What am I doing in the same bed with Sean? tanong na agad na bumalong sa kanyang isipan.
Mabilis pa sa alas kwatro niya sinipat ang sarili at lalong lumaki ang panlulumo niya nung makita wala miski isa siyang saplot na nakita sa katawan. Nagtulog tulugan siya nung gumalaw ito at pumaling patalikod sa kanya. Nakiramdam muna siya bago tuluyang bumangon sa kabila ng p*******t ng katawan na kanyang nararamdaman. Habang naliligo, hindi niya maiwasang mapangiwi kaya naman in-adjust niya yung water temp para makabawas sa sakit na nararamdaman. Sheena couldn't believed that she actually surrended herself to Sean.
Talaga naman yung epekto ng alak, minsan nakakawala sa katinuan...
Mabilis niyang tinapos ang paliligo saka muling sinuot yung damit na sinalang niya sa dry cleaning machine na mayroon sa bahay ni Sean. Nang masigurong wala na siyang naiwan, dahan dahan siyang lumabas at umaktong parang normal lang na nakatira doon. Hinawi niya ang kanyang buhok at naglakad na papuntang sakayan. Nakakaramdam na pa din siya ng p*******t sa bandang balakang na tiniis na lamang niya. Dumaan siya sa isang drug store para bumili ng pills na ininom naman niya agad.
Mahirap na baka pagsisihan ko pa lalo itong pinaggagawa ko sa buhay. Naiiling niyang sabi sa sarili sana dumiretso na sa Inkwell Creatives.
Sheena busied herself eating while Krisan's eyes examining her whole face. Hindi na niya pinansin pa ito at nagpatuloy na lang sa pagkain. Nagtext ito sa kanya nung makalabas sa drug store na agad naman niyang kinita sa malapit na restaurant sa Inkwell Creatives. Sinabayan niya itong magbreakfast ngayong araw na lagi namang nangyayari ngunit iba lang ang pagkakatingin nito sa kanya. Pinunasan niya ang magbilang gilid ng labi pagka-inom ng tubig.
Ganito ba dapat kagutom after s*x? Walanghiya lalaki na 'yon hindi 'man lang nagdahan dahan sa akin...
“Nag-s*x kayo ni Sean?” tanong na halos makabulon sa kanya. Agad siyang napalinga sa paligid dahil baka may makarinig na makasira pa sa image niya. “H'wag mong subukan itanggi dahil ayan yung suot mo kahapon. Tapos sa ibang way ka pa nanggaling at iba ang hilatsa ng mukha mo, girl.”
Hindi na siya nakakibo pa at tinawanan lang naman siya ni Krisan.
“Anong naisipan mo at nakipag-s*x ka? Akala ko ba 'di mo type? Nag-enjoy ka?”
“Ilakas mo pa, Krisan. Hindi pa nila nadidinig yung mga sinabi mo.”
“Sagutin mo na lang kasi! Nag-enjoy ka nga?” Hindi siya sumagot dahilan para hampasin siya nito. “Ivanna and Kaia must know this.”
“Subukan mo at ipapaban kita dito sa Makati.”
“Batas ka? Pero girl nakaka-proud ka. Worth it naman yung sakit ng unang experience mo doncha worry.”
Buset talaga na kaibigan kahit na kailan! Sigaw niya sa kanyang isipan.
Wala na siyang magagawa pa kung gusto nito ipamalita sa lahat na finally naisuko na niya ang bataan. Bakit nga ba niya kasi naisipang isuko iyon? Nailing bigla nung mag-playback sa isip niya ang mga nangyari. Sheena couldn't believed that she initiates everything last night. Siya na walang experience ang naunang humalik at naghubad kay Sean. Inis inis siyang nagpatuloy sa pagkain at pagkatapos ay pumasok na sa opisina.
“Don't forget to send me a draft before forwarding it to our printer.” Nilapag niya ang bag sa lamesa at gano'n din ang cellphone pagkatapos nung tawag. Nahilot niya ang kanyang sentido na kumirot bigla habang inaabangan na bumukas ang computer. Ang dami niya gagawin ngayong araw kaya wrong move na nagpakalasing siya at worst sinuko pa niya ang bataan.
“Ms. Sheena, punta ka daw po sa conference room.” anang intern na kumatok sa nakabukas niyang pintuan.
“Alright, thanks!” tugon niya saka muling binalingan ang computer. Mamaya na lang uumpisahan ang pre-production deck na gagawin. Tumayo siya at kinuha mula sa drawer ang notebook saka kumuha ng ballpen sa kanyang holder. “Susunod na ako --”
Natigilan siya nung maamoy ang pamilyar na amoy na iyon. Agad siyang nag-angat ng tingin at hindi nga siya nagkamali. It was Sean who's standing and leaning cooly on her office door.
“Bakit 'di ka nanggigising?”
“K-kailangan ba? Saka h-hindi mo naman ako yaya para gisingin ka.” Ano ba Sheena, stop stuttering!
“You forgot these on my house.” Agad niya itong nilapitan saka hinila papasok sa loob ng opisina at sinara iyon.
“Pwede ba kung anuman yung nangyari, h'wag mo na hayaang malaman pa ng iba. One night stand lang 'yon.”
Lumamlam ang pagkakatingin nito sa kanya dahilan para matigilan siya. May nasabi ba siyang mali? Tama naman na one night stand lang yung nangyari sa kanila. Hindi ibig sabihin noon ay open na siya sa pakikipag-date dito. Sean is still younger than her. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang reaksyon nito saka aktong bubuksan na ulit ang pintuan ngunit natigil nung magsalita ito.
“You're not just a one night stand to me, Kate.”