YOU'RE not just a one night stand to me...
Hindi na magawang mabilang ni Sheena kung ilang beses na ba nagpa-ulit ulit iyon sa kanyang isipan. Parang sa buong araw niya sa Inkwell Creatives ay iyon ang kanyang iniisip. Bakit ba sobra siyang apektado sa mga sinabi ni Sean? Parang nadinig lang naman nito iyon sa pelikulang napanood na tungkol sa one night stand. Kahit na may nararamdamang pagdududa, sobra pa din siyang apektado. Saan bang parte ng isip hahanapin yung sagot sa mga bakit niya? Pakiramdam niya ay mababaliw na siya anumang oras ngayon.
“Sheena, are you okay?” tanong na pumukaw sa kanya. Agad niyang hinayon ang tingin sa pinanggalingan noon. It's from Santi who's standing and leaning on her office door. Bakit nakikita niya si Sean sa paraan ng pagkakatayo nito doon? Hindi na tama ang nararamdaman niya at kailangan nang wakasan bago pa mauwi sa kahibangan iyon.
“Of course I am. What do you need from me?” tanong niya dito saka umayos ng upo.
“There's a company dinner happening in one of our family restaurant, do you wanna come?” The happened between Sheena and Sean suddenly played on her head after hearing Santi's question. Ano bang nangyayari? “Sheena!”
“Oh?” Nakakunot ang noo ni Santi nung tapunan niya ito ng tingin. “Yeah, s-susunod ako. May tatapusin lang akong report.”
“You know what, go home and rest. I'll just tell them that you're feeling well.” Dapat nga yatang sundin na niya si Santi kaysa naman ganito na palagi na lang niyang naiisip yung mga nangyari. Malalim siyang napahugot ng hininga saka ngumiti dito. “Do you want me to take you home? I actually don't want to go there,”
“I can go home all by myself. Go there because you're the boss. Mas ma-appreciate ng mga tao yung presence mo just like what you're Dad doing back when he's in your position.”
Ngumiti siya dito saka pinaalis na. Santi and Sheena both have a special bond even before they enter Inkwell Creatives. Gwapo si Santi pero wala talaga siyang nararamdaman na kakaiba dito. Ano bang difference nila ni Sean? Gusto na niyang ihampas ang ulo sa pader dahil palagi na lang nauuwi sa pag-iisip sa binatang gusto na niyang iwasan. Lumipat kaya muna siya sa second building ng Inkwell Creatives kung saan malayo kay Sean?
“Alam mo bang ni-rereto ka ng lahat sa akin. We can be a perfect couple as pee them but you've already got an engineer.”
“Engineer?”
“Yeah, Engr. Ortega. He's courting you, right? These gifts were from him and the moment he laid his eyes on you that moment when the three of us stock in an awkward situation, I already knew. He likes you, Sheena Kate.”
Sumimangot siya dito at tumawa naman ang loko. Ang lakas talaga mang-asar at doon napatunayan ni Sheena na wala talaga itong pagkakaiba sa kakambal nitong si Wren. Mga maloloko at ubod ng tsismoso.
“He's not courting me, Santi. Saka masyado siya bata para sa akin. I can't take him just like what my Mom did with her new boy toy.”
“The classic Sheena Kate Mercado.”
Kumunot ang kanyang noo dito. She's hearing those praise again as if Sheena always saying it to everyone. Palagi na ba niyang sinasabi iyon? Bakit naman hindi niya napapansin? Nagpaalam na sa kanya si Santi at naiwan siya doon na nag-iisip na naman.
Sheena texted her friends and asked them how to forget the s*x thing happened between her and Sean. Ang mga loko dinemonyo lang siya dahil sinabi ng mga ito na makipag-s*x siya ulit. Wala naman daw masama dahil kailangan niya iyon pang-alis ng stress. Nasapo niya ang kanyang noo saka hindi na sinagot pa ang mga advice ng kanyang mga kaibigan. Lalo lang lumalaki yung demonyo sa isipan niya dahil sinasabi ng mga ito na nabitin lang siya.
Wala talaga akong mapapala sa mga kaibigan ko pag ganito usapan. Sundin ko na lang si Santi na umuwi na at magpahinga...
~•~•~
NATIGIL sa pag-inom si Sean nung makita si Sheena na naglalakad patungo sa direksyon ng bahay nito. Kabisado na niya ang daan doon sadyang sobrang lasing lang nito nung nakaraang gabi kaya sa bahay niya inuwi. The thing that happened to them wasn't intentional. Hindi naman siya nang-a-argabyado ng mga babaeng lasing. That night he couldn't resists Sheena, and Sean was sincere about she's not just a one night stand to him.
“Oi, saan ka pupunta?” tanong sa kanya ni Hector.
“Kita na lang tayo sa site bukas!” tugon niya sa kaibigan saka tumayo. Nag-iwan siya ng pambayad sa table para yung iba, ang mga kaibigan na niya ang bahala. Siya ang nag-aya nung dinner na iyon tapos nauna pa din na umalis kaysa sa mga kaibigan. Kasama naman ng mga ito ang kani-kanilang girlfriend na isang rason din kaya naisipan niyang umalis. Ayaw niya ma-out of place at mainggit sa mga ito.
Nasalubong niya si Gelo na galing sa banyo at nagpaalam lang siya dito sa pamamagitan ng pagtapik sa balikat nito. Tinawag siya nito ngunit 'di na siya lumingon pa. Matama niyang sinundan si Sheena na nasa kabilang side ng kalsada at naglalakad ng mabagal. Ibang bersyon nito ang napakita ng nagdaang na hindi niya lubos akalain. Alam niyang madami pa siyang matutuklasan dito at balewala na kung paulit ulit na tarayan nito.
“Is she alright?” tanong niya sa sarili.
Naisip niyang baka may hangover pa kaya parang matamlay. Sean beat his self for jumping to Sheena last night. Dapat hindi niya ginawa iyon pero wala na at 'di na niya mababalik pa. Pareho silang huminto sa tawiran at inabangan niyang mapunta sa kinatatayuan si Sheena. Ayos lang talaga kahit hindi siya pansinin nito o tarayan. He just wanted to make sure that she'll go home safe.
Nung mag-green na ang pedestrian light, umayos siya ng tayo at matamang pinanood si Sheena na tumawid. That moment, the over confident Sheena suddenly disappear. Ang tanging nakikita niya lang ngayon ay yung Sheena na inosente.
Dapat talaga nagpigil ako kagabi, aniya sa sarili.
Tulad ng inaasahan niya, hindi nga siya nakita nito bilang natakluban siya ng ilang tumatawid din. Mabilis siyang umimbis sa kumpon ng mga tao at bumalik sa pagsunod kay Sheena. Wala na siyang pakialam kung maglalakad siya ulit pabalik para kuhain ang sasakyan niya. Pwede din naman niyang ipakuha iyon kay Francis na kanyang kapitbahay. Malapit lang yung restaurant sa cafe nito kaya iyon ang naisip niyang Plan B.
Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating na nga sa bahay ni Sheena. Nahinto siya nung hindi ito agad pumasok at matamang lumingon sa kanya. Magtatago siya dapat kaso huli na ang lahat. Sheena caught him, and he's ready to take all of her rants. They both stop and stare at her house upon hearing loud moans. Napalunok siya bigla at pilit winaksi ang naiisip niyang nangyayari sa loob ng bahay nito.
“Take me home,” wika nito sa kanya saka lumakad na ulit na para bang alam na wala siyang dalang sasakyan.
Kanina pa ba nito alam na sumusunod siya? Grabe din talaga ang lakas ng pakiramdam nito na dinaig pa ang pusang may siyam na buhay. Mabilis siyang sumunod dito at sinubukang pantayan ang bilis nito sa paglalakad. Tinawagan na niya si Francis para magpasundo doon at expected na agad ang reklamong kanyang madidinig sa kaibigan. Pinigilan niya maglakad si Sheena at pareho nilang inantay si Francis.
“The car will be here in few minutes,” aniya sa dalaga matapos kausapin si Francis sa telepono.
“Hindi na ako magtatanong bakit ka nandito,” Ngumiti siya dito ngunit umirap lamang ito. “pero seryoso ako sa paki-usap ko na kung pwede kalimutan na lang natin yung nangyari. I just...”
“Bigyan mo ako ng maayos na rason bakit natin dapat kalimutan?” Maayos na rason lang kailangan ni Sean mula kay Sheena na malabo yatang ibigay nito lalo't nakikita na niya ang kanyang sasakyan na palapit sa kanila. “The car is there. You can stay on my place as long as you want.”
Kinawayan niya si Francis at ng huminto ito'y agad niyang pinagbukas ng pintuan si Sheena. Nang makasakay ang dalaga saka siya sumakay sa shotgun seat at inignora ang reaksyon ni Francis. Buong byahe tahimik lang sila pare-pareho hanggang sa makarating sila sa kanyang bahay.
“Ginawa mo na naman akong driver.” Reklamo sa kanya ni Francis.
“Ngayon lang ulit,” tugon niya dito. “charge mo na lang sa akin yung gas mo pero h'wag buong buwan. Hindi pa ako milyonaryo.”
“G*go. Bilyo-”
Sinuntok niya ito sa braso saka nagpaalam ng papasok na. Sabay silang naglakad ni Sheena papasok ng bahay niya. It was his late parents old house. Isa sa mga minana niya dahil mas gustong magpatayo ng sarili ng kanyang kapatid. Naka-schedule na ang renovation noon pero inuna niya lang ang project sa Inkwell Creatives. Hindi pa din kasi siya maka-decide kung ano idagdag doon. He wanted an insights from a woman. Baka kasi kapag puro insight niya, hindi magustuhan ng nais niyang itira doon.
“Manang, pahanda ako nung guest room para sa kanya at dinner na din po.”
Lumapit sa kanya ang matandang katiwala ng bahay na tiga-alaga pa ng Mama niya noong dalaga ito. Sigurado niyang kapag nasolo siya nito'y saka ito magtatanong dahil sobrang close nito sa kanya. Umalis ang matanda upang tumawag ng makakatulong dahil ito yung maghahanda ng dinner. He doesn't want to eat she didn't cook herself. Maarte na kung maarte pero magbabago pa naman iyon kapag nagka-girlfriend na siya.
“I just don't want to be like her.” Napatingin siya kay Sheena at nabagabag si Sean nung makita ang namumuong luha sa gilid ng mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang nilapitan ang dalaga saka niyakap. He knows that Sheena will push him away but it didn't happened.
“You won't be like her,” aniya dito. Sigurado siya doon kahit na alam niyang gustong tumutol ni Sheena. Wala siyang nakuhang sagot dito at nanatili lang na nayakap sa kanya.
Kinabukasan, maaga siya gumising dahil may kailangang puntahan na pre-bidding meeting. Aktong kakatok siya sa kwartong kinaroroonan ni Sheena ngunit hindi na niya tinuloy. Baka tulog pa ito at gabing gabi na din natapos sa pag-iyak. Kanina pa siya nagdadasal na sa sana maitawid niya ang schedule ngayong araw na hindi aantukin lalo habang nagmamaneho. Malayo pa naman ang destinasyon niya at nahiling na lang niya na sana, madaldal yung Architect na makakasama para iwas antok.
“Manang, ikaw na bahala sa kanya ha. Pakainin mong madami saka kausapin mo na din. Sa akin lang naman siya nagtataray yata.” Syempre hindi siya sigurado doon. Malay ba niya kung paano si Sheena sa harap ng ibang tao lalo na sa kakilala lamang nito.
“Girlfriend mo ba siya?” tanong ni Manang sa kanya.
“Mahirap i-explain pero gusto ko siya,”
“Gusto ka din niya?”
“Siguro? Oo? Ewan.”
“Labo naman 'non. Gwapo ka naman at maraming iba dyan.”
“Naks Manang, kaya nagseselos si Kuya kasi ako pinaka-gwapo sa paningin mo.” Tukso niya sa matandang katiwala.
“Nako, ang batang ito talaga. Gwapo kayong magkapatid kaya 'di dapat nag-settle sa hindi sigurado.”
Napahinga siya ng malalim muna bago nagsalita. “Basta sigurado ako sa kanya, Manang. Mag-iiba din ang ikot ng mundo at kailangan lang natin mag-intay,”
“Manang mana ka sa Tatay mo. O siya, umalis ka na baka mahuli ka pa sa meeting mo.” Marahan siya nitong giniya palabas ng bahay. Habang naglalakad sila papuntang garahe, panay ang bilin niya dito kay Sheena. Binigyan naman niya ito ng susi kagabi kung sakaling ayaw pa nitong umuwi sa kanila. Hindi na nga niya sigurado kung naalala pa nito yung nagpa-usapan nila buong gabi. Hindi siya nakaalis sa tabi nito hangga't 'di nakakatulog ang dalaga.
Madami itong na-kwento sa kanya na tinandaan naman niyang maigi. Sheena was afraid to be like her mom who's been looking for love at the wrong places. Hindi ito pabor sa relasyon ng ina sa lalaking kalahati ng edad nito. Anito, pera lang ang habol noon dahil may naiwang yaman ang yumaong ama nito. Hindi naman siya kumibo at nakinig lang talaga dito dahil minsan iyon lang naman ang kailangan ng mga katulad ni Sheena.
Someone who will just listen to everything she will say.
Someone who's always available to entertain her.
Someone who will stay even in her dark days.
Malalim siyang napabuntong hininga at nag-focus na lang muna sa pagmamaneho...