Chapter Eight Part Two Behind her smile “ADDISON!” Napapitlag ako mula sa paglalaro ng candy crush sa cellphone ko nang marinig ang malakas na pagtawag sa pangalan ko. Paglingon ko ay nakita ko si Sammie na napapailing habang nakatingin sa akin. Umihip ang malakas na hangin at nagtayuan ang balahibo ko sa lamig na dumaloy sa katawan ko dahil tanging maikling cocktail dress ang suot-suot ko. Nasa rooftop ako ng hotel na pinagdausan ng debut ko. Isang oras na akong nagtatago rito at inilalabas ang stress ko sa paglalaro ng kung anu-ano sa cellphone ko. “Sabi na nga ba dito kita makikita. Halika na, hinahanap ka na nila Tita,” ani Sammie na tumabi sa bench na kinauupuan ko. Umiling ako at muling ipinagpatuloy ang paglalaro ko. “I’ve done my part. Tapos na ang program ng debut ko, ayo