Chapter Nine Sick Nanlalamig ang mga kamay ko habang papalapit na kami sa bahay ilang minuto na lang siguro ang lilipas. Mula sa rearview mirror ay sinulyapan ko ang ekspresyon nila Mommy at Daddy sa unahan ng kotse. Masama ang tingin ni Daddy at kita ko ang galit sa mga iyon. Samantalang si Mommy ay nakikitaan ko ng pag-aalala ang mga mata na alam ko kung para kanino. Para sa akin. Wala pang segundong nai-gagarahe ng driver ang van ay mabilis na bumaba si Daddy at napalunok ako ng buksan niya ang pinto sa kinauupuan ko. Halos mahulog ako nang hablutin ni Daddy ang palapulsuhan ko’t kaladkarin ako papasok ng bahay. “Hon! Nasasaktan si Addie!” Paghabol ni Mommy sa amin pero halos madapa-dapa na ako dahil hindi ko masabayan ang paglalakad ni Daddy. Nang makapasok sa loob ay pahagi