"Sana kung gaano kita kadaling nagustuhan at mahalin, sana ganoon din kadaling kalimutan ka na lang. Kasi nakakaubos at nakakapagod na ang mahalin ka, Sander."
***
Everyone thought that Addison Isobel is one of the luckiest woman on earth for being the sole heiress of a large conglomerate. She can buy everything she wants with their enormous wealth.
But that is not true. She can't get everything she wanted in life. Dahil kung totoo iyon 'eh 'di sana'y napasakanya na ang lalaking mahal niya.
Chasing Sander Miller is the constant thing in her life. Nang mamulat siya sa crush, like at love. Tanging si Sander lang ang nakikita niya. Wala siyang pakialam pagtawanan man siya nang iba sa paghahabol sa lalaking tahasan na palaging sinasabi sa kanyang hindi siya magugustuhan. Magmistula mang tanga ay patuloy pa rin siya sa ginagawang pagbuntot dito. Sa tuwinang bumabalik siya mula sa mga bansang pinupuntahan niya palaging si Sander ang rason noon.
Naisin niya mang manatili at hindi na balikan ang nakakasakal na buhay hindi niya magawa. She believes that one day she can finally get the man she loves. Kapag nangyari iyon ay makakatakas na siya sa buhay na gusto ng ama niyang tahakin niya.
Pero may hangganan din pala ang lahat. Mapapagod at mapapagod din pala ang puso niya. Mauubos din pala ang bala ng lakas niyang ipagpilitan ang nais niya--ang mahalin ni Alesander Miller.
All rights reserved ©️ 2021
Jen Melendrez