Chapter Three
Injured
THERE’S only two people in this world that I fear.
My father.
Nakakatakot siyang magalit dahil napi-freeze ang mga accounts ko ‘pag nagalit siya, bukod pa roon ay nabuburyong ako sa bahay kapag nasagad ko ang pasensya niya’t i-ban ako sa paglabas ng bahay.
Next.
My grandfather.
Batas ang lolo ko sa pamilya namin, kahit ang ama ko ay takot sa kanya. Sino ba namang hindi matatakot sa baril niyang palaging nasa tabi niya.
Pero ngayong gabi, dadagdagan ko ang listahan ng mga taong kinatatakutan ko. Dumadagundong ang kaba sa puso ko habang pinagmamasdan ang nagbabagang tingin sa akin ni Sander.
“What hell do you think you’re doing?! You’re such a brat!”
“S-sander, it hurts!” nag-iinarteng pag-iyak ni bruhang Ellis na akala mo mamamatay na.
“S-siya naman nauna—”
“Enough, makakarating ‘to kay Tito!”
Sa sinabi ni Sander ay nanlaki ang mga mata ko at hinawakan siya sa braso nang lapitan niya si Ellis at itayo.
“Uy please, Sander, ‘wag—”
“K-kahit hindi sabihin ni Sander, isusumbong kita! Yari ka kay Tito Adrian, Addie!”
“Gusto mong maligo ulit?!” Hindi ko na napigilang sabihin nakalimutang nandito pala si Sander na nakamamatay ang tingin sa akin.
“Addison, grow up, will you?!”
Parang tupang napayuko ako nang sigawan ako ni Sander. Iyong puso ko parang may karayom na tumutusok sa sakit kaya hindi ko na napigilang umiyak at talikuran sila.
Pero mabilis yata ang karma dahil sa pagmamadali kong makaalis ay nadulas ako sa basang ako mismo ang gumawa.
Wala ako sa fairytale at walang prince charming na sasalo sa akin.
“A-aray!” tila ko nang mamali ang pagkakabagsak ko’t malakas na lumagutok ang buto ko sa paa. Naramdaman ko rin ang pagsigid ng kirot sa likod ng ulo ko dahil sa pagkakabagok ko.
OMG, am I dying na ba?
“Buti nga—oh my gosh, is that blood?”
“Damn it! Tingnan mo kung anong ginawa mo!” sigaw niya sa akin at yumuko’t hinawakan ang ulo ko.
Nanlabo ang mga mata ko nang makita ang dugo sa kamay ni Sander.
I hate blood. I feel like throwing up.
Umiiyak na niyakap ko ang leeg ni Sander nang buhatin niya ako at halos tumakbo na siya habang buhat ako.
“Don’t you f*cking sleep, Addison!”
Kung may pakpak lang ang kotse niya tingin ko lumipad na kami sa sobrang bilis ng patakbo niya.
“M-mamatay na ba ako, Sander?” tanong ko sa kanya habang hawak ang ulo kong nilagyan niya ng panyo at ipinahawak sa akin para diinan ko’t huminto ang pagdurugo.
“Shut up!”
“F-feeling ko mamatay na ako, Sander! Tell my parents I love them so much—”
“I said shut up, Addie! You are not dying!”
They’re right.
I’m crazy.
How could I be smiling when I’m on the verge of dying?
Bakit ang iniisip ko pa rin ay sa aming dalawa ni Ellis ako ang nagwagi dahil iniwan siya ng boyfriend niya para sa akin. Unti-unting nanlabo ang mga mata ko habang nakatitig ako kay Sander.
Kung mamamatay man ako, at least siya ang huling taong nakita ko.
“I l-love you…”
Huling mga salitang sinabi ko bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata ko.
I’m alive!
Ayon ang agad pumasok sa isip ko nang magising ako’t marinig ang boses ni Mommy na tingin ko’y umiiyak.
“Bakit hindi pa siya gumigising, Doc? Are you sure her brain is okay?”
“Yes Ma’am. She’s fine. Her scans were good.”
“Thank you talaga Sander for saving my daughter. Pero ano ba talagang nangyari?”
Agad kong idinilat ang mga mata ko nang marinig ang tanong na iyon ni Daddy. Nasa tabi ko si Sander kaya inabot ko ang kamay niya at pinisil iyon.
Umiling ako sa kanya at ramdam kong alam niya ang kaba ko. Bumuntonghininga lang siya at iniwas ang tingin sa akin.
Baka matuluyan na akong mamatay kapag nalaman nila Daddy ang kalokohang ginawa ko sa mall ngayong gabi. Wala akong ligtas kay Ellis at alam kong makakarating pa rin kina Daddy pero nasa ibang bansa ang mga magulang niya kaya may posibilidad na mapagbantaan ko pa ang bruhang iyon.
Anong namang ibabanta mo?
Ipagkakalat ko ang video niyang kumakanta siyang sintunado.
“Addie, my baby, what happened ba?”
I snapped from my evil thoughts when my mother hugged me. “I-I’m fine, Mommy. Nadulas lang po ako sa restroom, basa po kasi iyong sahig.”
“Let’s sue that mall, how irresponsible they are para hayaan na basa ang floor. Nadulas tuloy ang baby ko! Adrian, call our lawyer!”
Napangiwi ako at maging ang ama ko ay napailing sa sinabi ng ina ko.
“Mommy, ‘wag na po. Ayos naman na ako.”
“Ayos? Look what happened to you! You’re not fine. Kung hindi pa dahil kay Sander, baka tuluyan ka nang nawala sa amin.”
Nakaramdam ako ng hiya kay Sander sa nakikita niyang pagturing sa akin ng ina ko. Kaya parang bata pa rin ang turing niya sa akin dahil talagang baby ako minsan ituring ng Mommy ko.
Sometimes, I hate being an only child.
“Please, My! Huwag na nating palakihin pa. I’ll be okay, promise!”
“Your daughter is right, Nadia, let’s grab some food. Kagabi ka pa walang kain.”
“Sander, let’s go. Kagabi ka pa walang tulog dahil sa anak namin. Go home.”
Napanguso ako sa pag-aya ni Daddy kay Sander.
Naman! Gusto ko pa siyang kausapin ‘eh!
“Antayin ko na lang po si Samantha, Tito. She’s on the way para may makasama si Addie habang nasa labas kayo.”
OMG! Kakalimutan ko ng may girlfriend ka na, Sander! I don’t care about that Ellis! Screw her!
“Don’t smile, Addison Sarmiento.”
Napalunok ako nang makita ang seryoso at madilim na tingin sa akin ni Sander. Parang gusto kong tawagan sila Mommy at pabalikin para hilahin na lang paalis si Sander na mukhang nagpaiwan hindi dahil sa gusto niya pang magtagal kung hindi para bugahan ako ng apoy.
“Look at yourself, ipinahamak mo ang sarili mo!”
Napapitlag ako sa sigaw niya sa akin at napangiwi. Parang kumirot ang ulo ko at mukhang balewala na yata ang pain reliever na isinaksak sa akin dahil pati paa kong naka-cast ay nanakit na rin.
“S-sorry na…”
Malalim na bumuntonghininga si Sander at pagalit na hinila ang silya sa tabi ko’t naupo. Ipinagkrus niya ang mga braso niya at hayun na naman ang nanenermon niyang tingin.
“Bakit sa akin ka humihingi ng sorry?”
“Kasi naabala kita. Napuyat ka dahil sa akin—”
“Hindi iyon Addison! Wala kang dapat ihingi ng sorry sa akin dahil kahit hindi ikaw ang nasa sitwasyon na ‘yon tutulong ako. You should say sorry to those people na nasaktan mo. Kilala mo ba kung sino ang mga ‘yon?”
Kumunot ang noo ko dahil kahit hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko kay Ellis wala naman akong ibang taong nasaktan kagabi ah.
“Si E-Ellis…oo na mags-sorry na ‘ko sa kanya.” Labas sa ilong kong sagot.
“Sino pa?”
Ngumuso ako at nag-isip. “May iba pa bang taong nadulas kagabi bukod sa akin?”
He looked at me na para bang gusto niya akong sakalin.
“It’s you.”
“Me?” turo ko sa sarili ko.
“Yes, nasaktan ka dahil sa ginawa mo so say sorry to yourself. Damn it Addison, when are you going to grow up?”
Galit siya sa akin pero hindi ako nakakaramdam ng lungkot. Dahil ramdam kong concern siya sa akin. He even wanted me to say sorry to myself.
Iba ka talaga, Sander myloves!
“Sorry, self.” Nakangiti kong saad at tinapik ang sarili ko. “Okay na? Huwag ka nang magalit sa akin, Sander. Please.”
Hindi pa ako tapos sa pagpapa-cute ko nang malakas na bumukas ang pinto at iluwa no’n si Archer na gulo-gulo ang buhok at baliktad pa ang damit na suot kasunod si Sammie.
“Anong nangyari sa ‘yo?! Are you okay? Did someone hurt you?” sunod-sunod na tanong ng kababata ko at parang nakatatanda ko ng kapatid.
“Ba’t ngayon ka lang?” nakanguso ko ring balik-tanong sa kanya.
Iniwas niya ang tingin sa akin at tumikhim. “Anong nangyari sa kanya, Sander?” pang-snob niya sa tanong ko at ang kinausap na lang ay ang future husband ko.
Napabuntonghininga ako nang makita ang sugat sa kamao ni Archer. May ideya na ako sa pinanggalingan niya at hindi ko maiwasang mag-alala pa rin sa kanya dahil sa mga trabahong iniatang sa kanya ng Lolo ko.
“Hey, kumusta ka?” lapit ni Sammie at hinaplos ang buhok ko.
Bago pa ako makasagot sa kanya ay lumapit na sa akin si Sander at mahinang pinitik ang pisngi ko.
“I’m going. Take care of yourself, brat.”
Hinawakan ko ang pisngi ko na akala mo halik ang ibinigay niya sa akin at napangiti.
“Parang ayoko nang maniwala kay Sander na ayos lang ang utak mo, Addison.”
Sinamaan ko nang tingin si Archer. “Puwede ba Archer? Give me a favor and fix yourself, baliktad pa ‘yang suot mo! Hindi ka na nahiya dito sa kaibigan kong crush mo!”
“Hey kid, huwag kang pala-gawa ng kuwento!” nanlalaki ang mga matang singhal niya sa akin at mabilis pa sa alas-kuwatrong nagtungo sa banyo ng private room ko.
Bumungisngis ako nang mawala siya sa paningin ko at muling ibinalik ang kamay ko sa pisngi ko.
“Ano na namang ginawa mo, Addison?” nakukunsuming tanong sa akin ng best friend ko pero ang utak ko ay lumilipad sa lalaking kakaalis lang.
Alesander saved me! He’s my knight in shining shimmering splendid savior!