Chapter Four

2465 Words
Chapter Four Don’t come “YOU’RE crazy…” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Archer at kakanta-kanta ko pa ring inayos ang mga damit ko sa maleta ko. “You jerk!” sigaw ko nang maramdaman ang unan na lumipad sa mukha ko. Sinamaan ko ng tingin si Archer na pinantayan din ang sama ng tingin ko sa kanya. Ang damuhong ‘to nawiwili ng saktan ako! Sumbong kita diyan kay Daddy ‘eh! “Baka ikaw pa ang isumbong ko sa dahilan kung bakit ipinilit mo talagang doon muna manatili sa mga Miller habang nasa Milan sila?” Nanlaki ang mga mata ko’t tinakpan ang bibig ko na may sarili talagang buhay minsan. Tumikhim ako bago siya malambing na nginitian. “Arch, puwede pakuha no’ng mga toiletries ko sa banyo?” Hindi siya kumilos at malalim na bumuntonghininga. “You’re injured. It’s better na nandito ka sa bahay para matutulungan ka nila Manang Vilma. Bakit kailangan mo pang isiksik ang sarili mo sa bahay nila Sander?” Minasdan ko ang naka-cast kong paa na napuno na ng doodle ko sa ilang araw na pananatili ko rito sa bahay matapos kong makauwi mula sa isang linggong pagkaka-hospital. “Hindi ko naman isisiksik ang sarili ko doon. I asked Sammie if I can stay there habang nasa Milan sila Mommy. Even Tita said yes! Boring dito, Arch! At least doon nandoon si Sammie—” “Si Sammie ba talaga o si Sander?” Pinigilan ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ko sa nabanggit niyang pangalan at pinanatili kong kalmado ang ekspresyon ng mukha ko. “Si Sammie! Lagi d-din daw wala ang Kuya niya so definitely hindi si Sander!” mariin kong pagsisinungaling. Of course, it’s all about Sander. Chance ko na ‘tong mas mapalapit sa kanya kahit masama ang loob ko sa kanya dahil hindi niya na ako dinalaw pa sa hospital. Mula sa pagkakaupo sa queen chair ko ay tumayo siya’t naupo sa tabi ko. “You know you’re still young, Addie, bakit hindi mo pagtuunan ng pansin ang pag-aaral mo nang hindi ka nasesermunan nila Uncle? Instead of pursuing a guy who doesn’t like you at mas matanda sa ‘yo.” Ngumuso ako’t tinapik ang kamay niyang pina-pat ang ulo ko na parang aso ako. “Bakasyon pa naman! Saka c-crush lang naman ‘to. For fun lang, nothing serious.” Matagal niya akong pinakatitigan at nagtungo siya sa tokador para kunin ang mga paborito kong ilagay sa mukha ko’t pati mga pabango. “You better be sure that it’s nothing serious, Addison. You don’t want to see me mad once Sander hurt you, right?” Napalunok ako dahil alam ko ang kakayahan na meron si Archer. Inabot ko ang unan at ibinato sa kanya na mabilis niyang nasalo bago pa tumama sa mukha niya. “Ba’t ang hilig mo magbanta?” Tumawa siya’t ibinato pabalik sa akin ang unan na agad kong nakalkula ang bilis at mabilis kong naiwasan. “Nice reflex, once you get healed let’s continue our training. Tapusin mo na ‘yang mga ginagawa mo para bago mananghali ay maihatid na kita sa mga Miller. May lakad pa ako mamayang hapon,” aniyang inilapag na sa kama ang mga pinakuha ko sa kanyang gamit ko. Hinawakan ko siya sa kamay bago siya tuluyang umalis at hindi ko itinago ang pag-aalala sa mga mata ko nang sulyapan ko siya. “Don’t tell me, you’re on another mission again?” Hindi siya sumagot at ginulo lang ang buhok ko. “I’ll be fine. Ako pa ba?” Nang makaalis si Archer ay tila nawalan ako ng gana na ayusin ang mga gamit ko. Pabagsak akong nahiga at minasdan ang pintong nilabasan niya. Kinuha ko ang isa sa mga picture frame sa bedside table ko at napabuntonghininga sa litrato namin ni Archer na kuha noong bata pa ako. Until now, I still can’t help but feel guilty with the life Archer have. Even though he always assured me that he’s okay with his job, still I don’t feel good about it. His life is always in danger. Kasabay kong lumaki si Archer na limang taon ang tanda sa akin dahil ang ama niya ay ang kanang kamay ng aking ama. Ngunit sampung taon na ang nakakalipas, his father died…protecting me. Hanggang ngayon kahit isang dekada na ang lumipas, hindi kailanman nawala sa isip ko ang araw na ‘yon. After his father died, ang mga magulang ko na ang kumupkop sa kanya. Bagama’t madalas kaming mag-kaasaran, kapatid ang turing ko kay Archer at alam kong ganoon din siya sa akin. Kaya hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing malalagay sa alanganin ang buhay niya. I snapped out from my reverie when my phone rang. I quickly answered it without even looking who’s calling. “Hello—” “Addison…” Napabangon ako sa kinahihigaan ko nang marinig ang baritonong boses na kahit nakapikit ako ay kilalang-kilala ko. “Sander!” Masaya kong bati at parang nababaliw na pinigilan kong mapatili. This is the first time he called me! “Ouch! Will you tone down your voice, lady?” Hinawakan ko ang dulo ng buhok ko’t pinaikot-ikot ‘yon. “Ekey…aneng kelengen—” “Alien ka ba? Ba’t ganyan ka magsalita?” Tumikhim ako. “Sorry, k-kumakain kasi ako,” pagsisinungaling ko para pagtakpan ang kinikilig kong lengguwahe. “Ba’t ka napatawag?” “Nabalitaan ko kay Samantha that you’re coming here?” “Yes. Igugugol ko diyan ang two weeks ko habang wala sila Mommy—” “Don’t come.” Naglaho ang ngiti sa labi ko at kumunot ang noo ko sa narinig kong sinabi niya. Inilayo ko sa tenga ang cellphone ko’t gamit ang daliri’y dinutdot ko ang tenga ko. Nabibingi na yata ako. “A-anong sabi mo?” “Don’t come here.” Iyong kinikilig kong energy kanina nag-deplete into zero. “Why?” “Ayoko lang. Manggugulo ka lang dito. Just stay there at your house.” “Ayoko din. Hindi naman ikaw ang nag-invite sa akin, sila Tita at Sammie! N-napaka mo!” Malalim na pagbuntonghininga ang narinig ko at natahimik sa kabilang linya. Inakala kong ibinaba niya na ang tawag pero nang tingnan ko ang screen ng cellphone ko ay ongoing pa rin ang call niya. “Sander?” “Bahala ka. Pagsisisihan mong dito ka mag-s-stay. Good luck.” “Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ako manggugulo—” Gigil kong ibinato ang cellphone ko nang masilip kong binaba niya na ang tawag. “Huh! I’m Addison Isobel Sarmiento, asa namang may makakapigil sa mga gusto ko. I won’t back down.” Napatili ako nang bumagsak ako sa biglaan kong pagtayo na nawala sa isip kong naka-cast ang paa ko. “I hate you Sander!” Mariin akong pumikit pero ang nakita ko ay ang nakangiti niyang mukha. Sinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko. “Joke lang pala. I like you pa rin…” Kinuha ko ang cellphone ko sa kama at kinuhaan ng litrato ang paa kong naka-cast. I can’t comprehend which one hurts the most…this foot or your words? Sunod-sunod ang naging comment doon ng mga usisera kong kaibigan pero wala ako ni isang ni-replayan at inangat ko ang sarili ko’t mas determinado kong inayos ang gamit ko. Pupunta pa rin ako, bahala ka rin Alesander Miller. *** “ARE you sure na okay ka lang, Addie?” Tingin ko pagdating ko kina Sammie iyong mata ko tirik na sa kakapaikot ko dahil sa paulit-ulit na tanong ng Mommy ko sa kabilang linya. My mother who got worried because of my post in my social media account. “Mommy, I’m a Sarmiento no one can hurt me with just words. I’m fine and I’m happy. Now please stop calling me na bago pa mainis sa inyo ang Daddy.” Ilan pang mga bilin at sa wakas ay ibinaba na ni Mommy ang tawag. Ang halos kalahating minuto na pakikipag-usap sa ina ko at pagkumbinsi sa kanyang ayos lang ako na-drain ang energy ko. Kinuha ko ang compact mirror ko at sinuri ang magandang mukha ko. Kinagat-kagat ko ang labi ko para mas mamula ‘yon dahil hindi naman ako tulad ni Ellis na kunwaring wala raw make-up pero namumutok naman ang labi sa pula maging ang pisngi sa blush-on. Speaking of Ellis, himala’t hindi nagsumbong ang bruha sa parents ko. “Ano ba kasing idina-drama mo at ganoon ang pinagpo-post mo, pinag-alala mo pa tuloy si Tita Nadia." “It’s just a caption, okay? Hindi ko alam kung bakit napaka-big deal no’n para sa inyo.” Umismid si Archer na sinulyapan ako mula sa pagmamaneho niya. “I don’t believe you. Kanina ka pa tahimik, you didn’t even eat your favorite pasta.” “Nagda-diet ako saka hindi ba sabi mo once in a blue moon try ko ring tumahimik dahil nakukulili ka na sa boses ko,” sagot ko’t ibinaling ang tingin sa labas ng kotse. “Ignore it, Addie.” Kunot-noong binalingan ko si Archer. “Ignore what?” “Those words that hurt you. It’s just words, Addison.” “Stop with your preaching, Arch. I’m fine, okay? Do I need to delete that post of mine para matahimik na lang kayo?” inis ko ng saad at gusto kong pagsisihan ang pag-post ko no’n na nawala sa isip kong friends ko nga pala sila Mommy. Tumahimik na siya at hindi na nagsalita pa. Nakabusangot kong pinagkrus ang braso ko pero nang mapasulyap ako sa nakasabit na litrato sa kotse ni Arch at matantong nag-aalala lang naman siya sa akin ay nainis ako sa sarili ko. “Arch?” “What?” “I’m sorry. Alam ko namang nagwo-worry lang kayo. Pero hindi ba kilala mo ako? I survived gunshots, kidnapping and even head injury. I’m strong enough to take care of myself.” Tumango-tango siya at ngumiti pero halatang pilit lang iyon. “Does it mean you don’t need me anymore?” Hinampas ko siya sa braso sa sinabi niya. Napalakas kaya narinig ko siyang napamura at sinamaan ako ng tingin. Bumungisngis ako at nag-peace sign sa kanya. “Siyempre hindi, you’re my protector. Kailangan pa rin kita.” Pagdating namin sa mansyon ng mga Miller ay sinalubong agad ako ni Sammie kasama si Tita Sandra na kahit nasa bahay lang ay posturang-postura. She’s a former beauty queen and even though she’s already in her late 30’s. She’s still gorgeous and elegant. Mapagkakamalan pa nga siyang kapatid lang nila Sammie dahil bata pa ring tingnan. Kaya hindi ko talaga mawari kung bakit nagloloko si Tito Colton. “Good afternoon, Tita!” Hinalikan ko sa pisngi si Tita Sandra na nagniningning ang mga mata sa pagdating ko. “Akala ko hindi na kayo darating dahil sabi mo sa lunch kayo pupunta.” “Natagalan lang sa pag-eempake, Tita.” “Paano My, mukhang isang buong cabinet niya na ang dinala niya. Two weeks ka lang dito, Addie, ba’t ang dami mo namang dala?” natatawang tanong ni Sammie na tinitingnan ang nilabas na dalawang maleta ni Archer mula sa compartment. Agad iyong kinuha ng mga katulong nila at ipinasok sa loob ng bahay. “Marami akong gamit talaga, Sammie. Huwag ka nga, palibhasa ikaw you’ll survive the rest of the week wearing only your favorite bunny sleepwear,” pang-aasar ko pero siyempre dahil anghel ang kaibigan ko kumpara sa akin ay tinawanan niya lang ako. “I’m leaving, Ma’am,” pagpapaalam ni Archer sa amin. “Why so soon? Hindi ka ba muna magmemeryenda?” Ngumiti si Archer at umiling. “Hindi na po, may lakad pa po kasi ako.” “Date?” nanunudyong tanong ni Tita na ikinatawa ko. “Tita, walang girlfriend ‘yan. Asang may ka-date.” “Sino namang nagsabi sa ‘yong wala?” nakataas-kilay na ani Archer na ikipinanlaki ng mga mata ko. “Ano? May girlfriend ka na? Sino?” Hindi siya nagsalita at kumaway lang siya sa akin bago pumasok sa kotse niya. “Archer!” sigaw ko nang mabilis niyang pasibarin iyon na hindi man lang sinagot ang tanong ko. Nagtawanan sila Sammie at Tita sa naging reaksyon ko. Napailing na lang ako at sinabi sa sarili kong humanda sa akin si Archer mamaya dahil kukulitin ko siya sa tawag hangga’t hindi niya sinasabi sa akin kung sino ang girlfriend niya. Humigpit ang kapit ko sa saklay ko nang makita si Sander na pababa ng hagdan. He’s wearing a jersey with a ball on his hand. Gulo-gulo ang buhok niya at seryoso ang mga matang sinulyapan niya kaming tatlo bago walang imik kaming nilagpasan. “Alesander Miller!” malakas na tawag sa kanya ni Tita Sandra dahilan para huminto siya sa tuluyang paglabas. “What?” “Hindi mo man lang ba babatiin ang bisita natin?” Blanko ang mga matang sinulyapan ako ni Sander. Ramdam na ramdam kong hindi niya nagustuhan na sinuway ko ang kagustuhan niyang huwag akong magbakasyon sa bahay nila. “Have a nice stay, Sarmiento,” halatang napipilitan niyang saad at tinalikuran na kami. “Ang batang ‘yon talaga, napakasungit.” Binalingan ako ni Tita Sandra at nginitian. “Pagpasensyahan mo na Addie, pinaglihi ko kasi ‘yon sa sama ng loob. Maiwan ko muna kayo’t magpe-prepare ako ng merienda natin.” Inakbayan ako ni Sammie nang makaupo na kami sa sofa nila. “Ayos ka lang?” “Bakit naman hindi? It’s not like ito ang unang beses na sinungitan ako ng kuya mo.” Humilig sa balikat ko si Sammie at hinawakan ang kamay ko. “Iyong sa post mo si Kuya ba ‘yon? He called you, ano?” Tumikhim ako. “Caption lang ‘yon para kang si Mommy!” “Sure?” aniyang tiningala ako. “Sure na sure!” masigla kong tugon sa kanya at ipinakita ang matamis kong ngiti. “Dapat lang. Huwag mo na lang pansinin si Kuya, problemado lang ‘yan. Nagtalo kasi sila ni Daddy kagabi.” “About what?” Nagkibit-balikat si Sammie. “Hindi ko alam kung tungkol saan. Antayin mo ko rito, banyo lang ako tapos dadalhin na kita sa guest room na inihanda sa ‘yo ni Mommy.” Nang makaalis si Sammie ay natuon ang tingin ko sa malaki nilang family picture sa dingding. Kung anong ikinatamis ng ngiti nila Sammie, siyang ikinaseryoso ng mukha ni Sander. “Hay nako, dapat sa ‘yo binibigyan ng matamis na halik baka sakaling matunaw ‘yang pagiging yelo mo. Why so sungit, love?” Napapitlag ako nang may marinig ako sa likod ko na kalabog sa marmol nilang sahig. Pagbaling ko roon ay nakita ko si Sander na napapailing na nakatingin sa akin. “You’re still young, do you even know how to kiss?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD