Chapter Two

1229 Words
Chapter Two Boyfriend “I’M glad napapayag ka ng parents’ mo na sumama sa aking manood ng sine.” Hilaw na ngiti lang ang ibinigay ko kay Fausto Arevalo na bakas ang tuwa sa mukha sa pagpayag ko. If you only knew… Physically speaking, Fausto Arevalo isn’t that bad looking. I can even say that he’s handsome with his spanish features. Ayos na sana siya kung hindi lang siya manyak kung makatingin. Pero kahit siguro matino pa siya hindi ko pa rin mapipilit ang sarili kong magustuhan ko siya. Dahil sa isang tao lang nakatalaga ang puso’t damdamin ko. Ibinaling ko ang atensyon sa cellphone ko at pulos tango lang ang sinasagot ko sa mga tanong ni Fausto. Ni wala nga akong maintindihan sa mga ikinukuwento niya. Napangiwi ako nang kailangan ko pang gamitin ang alter ko para i-stalk ang tweeter ni Ellis. Dahil ang bruhang babae, naka-block ako sa mga social media sites niya. Tiyak kong hindi maipinta ang mukha ko nang tulad nga ng inaasahan ko ay laman ng social media niya ang pakikipag-date sa Sander ko. I gritted my teeth when I read her caption sa pinost niyang picture ng isang lalaking nakatalikod. Siyempre likod pa lang, alam na alam ko na kung sino. With my mi amore Kahit gusto ko nang ibato ang cellphone ko sa inis ay nag-scroll pa ako at nang makita ko na ang movie ticket na sabi ko na nga bang ipo-post niya dahil bukas na aklat ang buhay niya sa socmed, agad ko nang ipinasok sa chanel sling bag ko ang phone ko bago ko pa iyon maitapon sa bintana. “Addieson?” Dama ko ang iritasyon sa boses ni Fausto kaya nilingon ko siya. Walang ngiti sa labi at seryoso ang mukha niyang nagmamaneho na. “What?” “I’ve been talking to you for almost fifteen minutes and seems like you’re not listening to me.” Tumikhim ako at umayos ng upo. “Sorry, may problema lang sa project ko with my group mates. Anong sabi mo nga ulit?” Kahit naman hindi ko gustong makasama siya. Kailangan ko pa ring magtino’t baka isumbong niya pa ako sa parents’ niya. If Dad gets mad with my attitude, baka ma-grounded pa ako. “I see…anyway, I was asking kung anong movie ang gusto mong panoorin?” Agad kong sinabi ang sci-fi movie na papanoorin nila Ellis. “Wow, you love sci-fi?” Ngumiwi ako. Asa, baka nga matulog lang ako sa palabas na ‘yon. “Not really pero mukhang maganda kasi kaya ayon na lang ang panoorin natin.” Nagpasalamat ako nang mag-ring ang cellphone niya at ma-busy siya sa kausap niya dahilan para matigil na siya sa pagkausap sa akin. Pagdating namin sa parking lot ng mall ay mabilis akong umibis sa kotse niya bago pa niya ako maipagbukas. Napalunok ako nang akbayan niya ako na akala mo close na close na kaming dalawa. Pasimple akong lumayo sa kanya at nakahinga naman ako nang maluwag nang hindi na niya muling inilagay ang braso niya sa balikat ko. Dumiretso kami sa cinema area at agad siyang nagpunta sa ticket booth. Habang ako naman ay nagpaiwan sa waiting area at inikot ang tingin sa paligid. Nasaan na kaya ang mga ‘yon? Napabuntonghininga ako nang hindi ko sila makita. Inis na kinuha ko ang cellphone ko dahil baka may update ang bruha kung nasaang lupalop sila ng mall pero napatigil ako nang marinig ang malanding tawa sa likod ko. Boses pa lang alam ko na kung sino. Dahan-dahan akong lumingon at tulad nga nang inaasahan ko ay nakita ko ang dalawang taong hinahanap ko. Si Ellis na akala mo’y tuko kung makakapit sa braso ni Sander at ang lalaking hindi man lang itinago ang disgusto sa mga mata nang magtagpo ang tingin naming dalawa. “Wow, what brought you here, Addieson? I hope coincidence lang that you’re here, hindi ka pa naman siguro ganoon ka-desperate to follow us, right?” “Ellis, enough—” “Addie, I already bought the tickets, what snack do you want?” Ang pagdating ni Fausto ang pumutol sa pananaway ni Sander sa pet niyang kumakahol. Matamis na ngiti ang ibinigay ko kay Fausto na mukhang nagulat nang umabrisete ako sa kanya. “Popcorn and coke na lang, hindi naman ako maarte katulad nang iba diyan,” saad ko’t sinulyapan si Ellis na sinamaan ako nang tingin pero mabilis niyang pinalitan ng malanding ngiti. “Ohmygee, so you’re here din pala for a date, Addie. I’m Ellis nga pala, Addie’s friend—” “Friend my ass…” “You’re saying something, Addie?” tanong sa akin ni Fausto nang hindi ko maiwasang bumulong sa nakakasukang pagpapakilala ni Ellis. “Nothing,” kime kong ngiti at sinulyapan si Sander na seryoso ang tingin kay Fausto. “I’m Fausto—his date and hopefully soon-to-be fiancée,” pagpapakilala naman ni Fausto na ikinangiwi ko. Asa ka namang pakakasalan kita! “Your boyfriend?” tanong ni Fausto kay Ellis nang masulyapan niya si Sander. “No—” “Yes.” Napanganga ako nang sabihin iyon ni Sander. Yumuko ako dahil ayokong makita ni Ellis ang reaksyon ko sa sinabi ni Sander. “If you don’t mind us, mauna na kami sa loob.” Pinangiliran ako ng luha nang makita ko ang pagkuha ni Sander sa kamay ni Ellis. Hawak-kamay na iniwanan nila kami ni Fausto na gusto kong saktan sa sumunod niyang sinabi. “They look good together—” Bago pa ko makasapak ay bumitiw ako sa pagkakaabrisete kay Fausto at nagmamartsang iniwanan ko siya. Nagtungo ako sa banyo at nagkulong sa cubicle. Humihikbi na kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang best friend kong si Samantha. "Addie?" "..." Hindi ako nakapagsalita dahil sa makapal na bikig sa lalamunan ko dahil sa pag-iyak ko. "Umiiyak ka? Asan ka?" "Iyong Kuya mo, Sammie! M-may girlfriend na tapos si Ellis pa!" Parang batang pagsusumbong ko. "Oh my gosh, Addieson, sinundan mo sila?" Tumango ako kahit hindi ako nakikita ng best friend ko. "Oh, ngayon iiyak-iyak? Akala kasi lahat ng lalaki magkakagusto sa kanya." Natigil ang luha ko nang marinig ang boses ni Ellis. Pagsilip ko sa ilalim ay nasa tapat pa pala siya ng cubicle na kinaroroonan ko. Malalim akong bumuntonghininga at pinigilan ang sarili kong patulan siya. I won't stoop down to her level. "Poor Addie, the man he likes doesn't like her. How does it feel little princess not to have everything you wanted? Anong pakiramdam na maagaw sa 'yo ang paborito mong laruan just like what you did to me when we were young!" Okay, screw that level thingy. Kinuha ko ang bidet at malakas na binuksan ang pinto. Itinutok ko sa mukha ni Ellis ang bidet at solid ang lakas no'n nang malakas na tumimbuwang si Ellis sa lapag dahil sa ginawa ko. Matatanggap ko ang pang-aasar niya sa akin pero hindi ang kababawan niya bilang tao. My gut feeling is right, ginusto niya si Sander dahil lang sa akin. Nilandi niya dahil sa pagiging bitter niya sa akin. And Sander doesn't deserve this kind of lady. A petty one. Malakas siyang nagtitili sa ginawa ko at kung ako kanina ang umiiyak, ngayon siya na. "Addieson!" Naibagsak ko ang bidet nang marinig ang galit na boses na iyon mula sa labas. Standing outside is Alesander Miller throwing daggers at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD