Chapter Twenty Two Event INAKALA kong alam ko na ang lahat tungkol kay Sander ngunit isa iyong pagkakamali. Marami pa nga yata akong hindi alam sa kanya. May mga sekretong tingin ko ay itinatago niya. Tulad ko. May mga bagay na hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya—sa kanila ni Samantha. Napatingin ako sa leeg ko at sa marka na naroroon. Napapangiwi pa ako dahil sa tuwing lulunok ako ay sumasakit iyon. Hindi mawala-wala sa isip ko ang galit sa mga mata ni Sander habang sinasakal ako isang araw na ang nakakalipas. “S-Sander, I-I’m fine! Buksan mo ‘to!” Mangiyak-ngiyak kong pagkatok sa banyo sa sakit na nararamdaman ko sa lalamunan at leeg ko. Lumipas na ang halos kalahating minuto ay hindi pa rin siya lumalabas kaya nag-aalala ko na siyang kinatok. Ang malakas na ingay lang ng tubig