Chapter Twenty One Hurt “SOBRANG labo niya.” “Alin ang malabo?” Napapitlag ako mula sa pagtitig sa cellphone ko at nilingon ang nanggulat sa akin. “Archer!” sigaw ko na tangkang yayakapin siya pero dinutdot niya lang ang noo ko at umatras palayo sa akin. Isang linggo na ang nakakalipas nang huli siyang magparamdam na hindi niya ginagawa sa tuwing umuuwi ako ng Pilipinas. Kinuha niya ang roba kong nasa silya at ibinato sa akin. Tanging two-piece swimsuit lang ang suot-suot ko dahil kakatapos ko lang maglangoy ngayong gabi. Agad kong isinuot iyon at napailing sa pagiging konserbatibo niya. “Bakit ngayon ka lang sumulpot?” kunot-noo kong tanong at tinanggap ang juice na inabot niya. Sumeryoso ang mga mata niya at iniwas ang tingin sa akin. “May inasikaso lang.” Umismid ako at na