Flashback continued. . . UMAKYAT ako sa hagdan at pumunta sa dulong kwarto. Nandito ang ilang gamit ni Anita kaya natitiyak kong nakapili na s'ya ng kanyang silid. At kung nandito ang larawan ay marahil kwarto ito ng aking ina at ng tatlo n'yang kapatid. Nakita ko ang sinasabi n'yang larawan at doon ko napagtanto na kamukha ko ang aking ina -- kamukha ko rin ang aking mga tiya. Hindi ko alam ang mga pangalan nila pero natitiyak ko, ang gitna ay si Nanay. Alam ng puso ko. Nakapagtataka na sa loob ng napakaraming taon ay hindi man lang nasira ang papel. Pero naisip ko, marahil ang isa sa kanila ay hawak ang kapangyarihan ng kalikasan. Ang papel ay galing sa puno, hindi ba? Kinuha ko ito at inilagay sa aking magiging silild. Kulang ng ilang kagamitan ang bahay kaya nagpasya ako na gagawa m